Thursday, August 31, 2006
The Solitary Minstrel...
All alone... Alone in the world...
I woke up, it was already 5:30, and I'm late for school... I noticed, the room was empty... It was very quiet, the silence was very deafening... Bumaba na ako ng hagdanan upang kumain na at maligo... Naghanap ako ng mga tao, ngunit wala talaga... Nakakatakot... Nakakakaba... Ako lang talaga mag isa... Umalis na ako ng bahay at dumerecho na sa eskwela...
I came to school, nakakapanibago... Walang tao sa paligid ko... Bakit kaya? Hindi ko maintindihan... Walang mga estudyante sa corridor, walang staff na nakakalat sa campus... Wala... Nakakatakot... Nakakakaba... ako lang talaga mag isa... Dumerecho ako ng com lab, sa 6th floor... Walang tao sa elevator, kundi ang nag kukuntrol doon, ng makarating ako... Sa wakas nakakita din ako ng kasama... Nandoon ang mga kaklase ko, nakaupo, naghihintay... Napangiti ako dahil sa wakas ay nakarinig ako ng ingay sa paligid... Pero, ewan ko kung anong humila sa akin... Tila may isang pwersa ang humila sa akin papalayo sa kanila... The next thing I knew, nakaupo na ako sa hagdanan patungong 7th floor, kung saan wala talagang katao-tao... Umupo ako... Tumunganga sa kawalan, sinusundan ang pagdaloy ng hangin... Hindi ko maintindihan ang sarili ko... Bakit ba ako nagkakaganito?
Mga limang minuto akong walang kibo, hindi talaga nagsasalita... Bigla akong may narinig na boses mula sa aking kaklase... "Guys, nakita niyo ba si Chabs? Bakit wala dito?.. CHAAAABBSS!!" Ngunit hindi ko lang ito pinansin... Ewan... Ayoko talagang gumalaw... Wala akong lakas, gusto ko lang mapag isa... Matapos ang ilang segundo, narinig ko ang mga hakbang niya, papalapit sa aking "tinataguan", "Sabi na eh, nandito ka lang... Bakit? Ano problema?"... Sinamahan lang niya ako, nagusap ng heart to heart... Gumaan panandalian ang pakiramdam ko... Ang saya... Pero, pagkatapos ng aming paguusap, bigla rin siyang tumahimik... Tila may iniisip, doon ko naramdaman, hindi pala ako nag iisa... May karamay ako sa problema...
Buong araw, hindi talaga ako nagsasalita... Ewan ko ba kung anong problema sa akin... Natapos na ang school ours... Nagcommute ako mag isa... Tapos, lahat pa ng nadadaanan ko puro magkasintahan, tila nang aasar nanaman ang tadhana... Nakakasawa na talaga... Ayoko na ng mag isa...
Dumaan muna ako ng SM para maglibot, at para na rin mapawi ang init ng panahon na dumikit sa aking katawan... Mas marami pa akong nakitang magkasintahan sa nasabing mall, kaya't lalo kong naramdaman na ako talaga'y nag iisa... Nag iisa sa mundo... Hindi na kinaya ng damdamin ko... Dalian akong tumungo sa gate at lumabas na... Uuwi na sana ako ng bigla kong nakita ang napakagandang paglubog ng araw... Tumigil ako, hinayaan ko lang ang mga tao na daanan ako, tumayo ako at tinignan ang nagpapaalam na araw, kinuhanan ko pa nga ito ng letrato bilang ala-ala... Habang tinititigan ko ang araw, nag iba bigla ang paligid, tila isang computerized hologram ang lumitaw... Ang parking lot na nakikita ko ay naging malawak na dalampasigan... Ang dalampasigan na pinangarap kong mapuntahan muli... Doon sa dalampasigan, may nakita akong dalawang tao, nakaupo katabi ng umaalon na dagat... Magkahawak ang kamay at hinihintay ang paglubog ng araw... Tumulo na lamang ang luha ko... Pumikit ako panandalian... Pag dilat ko, nawala na ang dalampasigan, bumalik na ang parking lot, ang araw ay hindi na rin tanaw, maliban na lang sa naiwan nitong sinag... Napansin ko rin na pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan... Ngumiti lang ako, nagpunas ng luha at dumerecho na sa aking patutunguhan...
Hindi maalis sa isipan ko ang nangyaring yaon, pagbabalik tanaw, parang totoo... Hindi ako makapaniwala... Habang naglalakad ako, biglang may nangyaring kakaiba... Tila naamoy ko ang kanyang pabango, binabalot ako at parang may nagbubuhat sa akin... Ang gaan ng pakiramdam ko noon... Lumilipad ako... Hindi ko na lang namalayan, nasa bahay na ako... Ganun lang kabilis... Tila wala ang utak ko sa mundo... Tila naiwan ito sa dalampasigan... Sa aming sariling paraiso... Pumasok na ako ng silid ko, humiga muna at nagpakasenti... Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko, perstaym na may mag text sa akin sa araw na yaon, pag tingin ko... Pangalan niya ang nakita ko... @-)
"E Secc Oui... Maraming salamat po sa lahat... Salamat talaga..."
Nagulat ako, biglaan... Pero ang saya talaga... Sobra... Wala nang pangamba, wala nang kaba, ngayon ko naramdaman, na hindi pala talaga ako nag iisa...
_____________________________________
Mga kabloggers, nagbalik na pala ang isang blogger na naghiatus din ng matagal na panahon... Dating si iamthebestpolicy... Bisitahin natin siya at muli natin siyang I-welcome sa blogosphere! http://aincuo.blogspot.com/
Tuesday, August 29, 2006
A letter for her...
Sa paglipas ng panahon, ikaw pa rin ang nasa isip ko...
Wyena,
Una sa lahat... Nais kitang batiin sa iyong kaarawan... Tumatanda ka na! Haha! So make sure that every moment and every minute is meaningful... Wish you all the happiness in your life, all the wealth, all the knowledge, all the luck, and all the love...
Habang dumadaloy ang panahon... Marami akong napansing pagbabago... Mga pagbabagong hindi ko masasabing matutuwa ako o maiinis... Ewan ko ba... Hindi ko na maintindihan ang sarili ko... Alam ko naman ako rin ang may kasalanan kung bakit ganito na lang ang pagtrato mo... Dahil sa sobrang paglulong ko sa pag-aaral ko at sa career, hindi na ako nakakauwi sa ating paraiso upang ika'y mabisita... Ni hindi na kita nakakausap dahil tuwing online ka, lagi akong wala... Nais ko sanang iparating sa iyo, ang aking taos pusong paghingi ng tawad... Patawad sa lahat ng pagkakamali ko... Patawad sa lahat ng pagkukulang ko... Patawad sa lahat... Sana, nasa makita mo ako ngayon... Sana kasama mo ako ngayon, luluhod ako sa harapan mo upang malaman mo kung gaano ako ka sincere... I really want to make it up to you... Ikaw lang magsabi kung ano... Hihintayin ko, kahit gaano man ito kahirap, gagawin ko...
Naalala ko pa noon, malinaw pa sa akin ang kahapon... Hindi ka na maalis sa isipan ko... Hindi ko alam kung papaano... Ikaw ang nagpapagalaw sa akin, ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas upang bumangon muli ako kinabukasan... Sa pagpupursige ko sa paghintay sa iyo, sa pag isip na ako'y may mapapala rito, sa pag aasang matuloy muli ang naudlot na istorya, lalo akong ginaganahang magpadaloy ng bawat minuto ng aking buhay... Oo, hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako... Ang bilis talaga ng panahon ano? Apat na buwan na pala akong naghihintay, naghihintay sa katuloy na pahina, naghihintay sa bagong umagang kasama ka, naghihintay sa iyo, naghihintay sa iyong "oo"... Baduy na kung baduy, pero ito lang ang tanging alam kong paraan upang maipakita sa iyo ang aking nararamdaman... Tulad nga ng lagi kong sinasabi, "I don't want to make the same mistakes over and over again..."
Pero sa kabila ng lahat, nais ko pa ring magpasalamat sa iyo... Salamat, sa lahat... Sa inspirasyon, sa pagmamahal, sa pagtitiwala... Sa bawat araw na kasama ka, sa bawat araw nung ako'y maligaya pa... Marahil ay sawa ka na sa pagbanggit ko nito... Maghihintay pa rin ako sa iyo... Only God knows how much you mean to me... Bahala na kung anong mangyari sa hinaharap... I only want the present... The present to stand still... Para lagi na lang kitang kasama...
Bakit ba ang dami ko pang sinasabi? Eh isa lang naman talaga ang nais kong iparating... Mahal kita... Sana malaman mo... Iyon ang totoo...
Muli, ako'y bumabati sa iyo at sa iyong kaarawan... Happy Birthday!!!
Nagmamahal, Chabs...
Sana nga lang mabasa niya... Pero asa pa ako...
___________________________________________________
Sorry Guys, i've been busy this past few weeks... Hindi na ako makaupdate ng madalas... Ito lang ang pumasok sa isip ko... Hehehe... Medyo baduy, pero pagtiisan nyo na lang... Hehe... Salamat nga pala sa mga bumoto sa akin, sa mga sumuporta... Salamat talaga ng marami...
Saturday, August 26, 2006
Til' They Take My Heart Away... Part 8...
Tunay nga bang walang himala?..
Nagising ako lulan ng FX sa mahabang highway ng Quezon Avenue... Excited na ako, dahil manunuod ang aming Theater Group (SIKAT) ng isang pagtatanghal ng PETA. Isang linggo ko rin itong pinakaaabangan, dahil tiyak ko na mabubuhay nanaman ang pag ibig ko sa teatro, at siyempre... Nanduon siya, manonood...
Isang gabi nakausap ko siya sa YM... Tinanong ko kung sasama ba siya paluwas upang manuod ng palabas, ang sabi niya, hindi raw siya sigurado... Kaya nag dadalawang isip ako kung tutuloy ba ako o hindi... Hindi na ako mapakali, sobrang dami nanamang negatibo ang pumasok sa isip ko... Pero nagulat ako ng biglang nag text sa akin ang kanyang kuya... "Tol, magsisimula na, 10 mins na lang daw bilisan mo!"... Sampung minuto na lang... Pero nasa kalagitnaan pa lamang ako ng Quezon Avenue, mukhang hindi na ako aabot... Maulan pa man din at di ko dala ang payong ko... Sobrang gahol na gahol na ako... Sampung minuto na lang, magsasara na ang pinto na nagbibigay ng daan upang makita ko siyang muli...
Ng makarating ako sa kanto ng QC Sports Center, kumaripas ako ng takbo... Nakipag patintero sa mga sasakyan at nakipag ilagan sa mga nalalaglag na butil ng ulan... Sobrang bilis ng aking pagtatakbo, hingal na hingal na ako, pero hindi ko ito pinansin... Limang minuto na lang... Makakahabol pa ba ako? *biglang tumunog ang kantang Himala ng Rivermaya sa aking iPod*
"Himala, kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala..."Sa wakas, nakarating ako sa PETA Theater Center... Basang basa, hingal na hingal, ni hindi makapagsalita... Sinalubong ako ng aming adviser at ng kanyang kuya... Nagmamadali... Pagpasok namin ng teatro, saktong saktong patay ng ilaw at pagkanta ng National Anthem... Sakto... Hinanap ko siya, pero hindi ako nagpahalata... Nakita ko siya, nasa dulo, katabi ng pinsan ko... Sayang, kung nakarating lang ako ng mas maaga, sana katabi ko siya... Tanga!! Tulad nga ng sinabi ko, hindi natupad ang mga plano ko... Hindi ko siya nakatabi... Haay, tadhana nga naman... (Next post ko ikukwento yung Palabas ng PETA na Walang Himala... tignan niyo na lang dito...) Matapos ang palabas, hinintay ko siya sa labas ng teatro, tumambay muna sa isang pamilyar na hall na dating klasrum namin noong summer workshop... Andaming sumalubong sa akin na ala-ala, mga ala-alang kasama ko siya... Haay... Nakita ko na silang isa isang naglalabasan, nang makita ko siya, hindi na ako kinabahan, ewan ko ba, mukhang malakas na ang loob ko ngayon... Pero hindi nanaman niya ako pinansin... Dinaanan lamang niya ako at dumerecho na sa bilihan ng pagkain... Inaya ako ng mga kasama ko na mag picture picture, pero sa lahat ng mga kuha nila, hindi ako makangiti... Sobrang na gulantang ako sa naging reaction niya... Ni hindi man lang siya tumitingin sa akin... Kaya't agad akong gumawa ng action... Bahala na kung ano ang kalalabasan... Nilapitan ko siya kaagad at sinabing, "Wui, bat di ka na namamansin ha?"..."Aba, ako pa ang di namamansin ah..." Matapos niyang banggitin ang mga katagang iyon, dalian siyang umiwas sa akin, at naglakad papalayo... Na "sense" ko ang galit mula sa kanyang puso... Na "shock" muli ako sa kanyang sagot... Hindi ko maintindihan... Sobrang natigilan ako, naiwan ako doon, sugatan at nag iisa... *sinuot ko ang iPod ko at tumugtog ang Hiling ng Paramita...* Handa na akong palayain ko... Kung ito ang iyong hiling, gaano man kasakit sa akin... Ibibigay sa yo... Ang tanging pakiusap lang... Wag mo akong kalimutan... Nanlalamig na ba ang pag ibig mo sa kin?..
Inaya nila akong kumain sa KFC, nag dadalawang isip pa ako non, di ko alam kung sasama ba ako o hindi... Ayoko na uli mapahiya... Sobra sobra na ang panghihirap na ginagawa niya sa akin... Pero sa huli, di pa rin ako nakatiis, sumama na ako... Dahil nagugutom na rin ako... Sa KFC, habang kumakain, napansin ng mga kaibigan ko na tulala ako at hindi nag sasalita, kumakanta mag isa... Kaya naman lumapit sila at nagbigay ng kanya kanyang simpatya... *Sinuot ko muli ang aking iPod at tumugtog ang Til' They Take my Heart Away ni Kyla... Tadhana nga naman...* Habang nakikinig sa musika... Paunti unti akong sumusulyap sa kanya... Isang beses, nahuli ko siyang nakatingin din sa akin, dalian niyang iniwas ang mga mata niya sa akin... Napangiti lang ako panandalian...
Tapos na kaming kumain, ngunit hindi pa rin niya ako pinapansin... Lumapit ako sa kaibigan ko, niyakap ko siya at tinanong...
"Bakit? Bakit ganito? Ano bang nangyari sa amin? Bakit ganito nangyayari"
Pilit man siyang nag hanap ng positibong sagot pero wala na siyang nagawa kundi ngumiti at maawa sa akin... Sumakay na sila sa sasakyan upang dumerecho na pabalik ng Infanta, tulad pa rin ng dati, hindi siya nag paalam, ni kaway man lang wala... Hindi ko maintindihan talaga... Sobrang paluha na ako... Pero pinigilan ko ito... Ayokong makita niya akong ganon...
Umandar na ang sasakyan, nakatayo lang ako sa mga anino ng KFC, kumakaway na parang wala nang bukas, hinanap ko kung saan siya nakaupo, at napansin kong bukas ang bintana sa likuran, nanduon siya, kumakaway sa aming mga kasama... Inisa isa niya ang mga kasama ko... Nung papalayo na sila, nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa akin, kumaway at kumindat...
Pero hanggang ngayon, naipit pa rin ang tanong sa aking isipan... May puwang pa ba ako sa puso niya?
"Waiting for you is like waiting for rain in this drought!" -A Cinderella Story
_______________________________________
Salamat po sa mga bumoto sa akin... Salamat sa suporta at sa tiwala... Mahal ko kayo...
Labels: Our story... Wyena..., Series, Til they take my heart away
Monday, August 21, 2006
Til' They Take My Heart Away... Part 7...
Bumalik na ako ng paaralan upang ituloy ang naudlot na selebrasyon... Hindi ko na pinansin ang nakasulat sa cellphone, marahil ay hindi niya naman ito mapapabasa dahil lagi siyang wala sa eksena...
Una kong pinuntahan ang dedication booth na nasa itaas ng building, upang makibati at upang magkaroon ng magandang view, at madali ko siyang mahanap... Tumingin ako sa paligid, wala talaga siya, naisip ko na baka hindi pa siya nakakarating o nasa loob lang siya ng isang booth... Wala akong ginawa... Umupo lang ako doon, dinamdam ang malakas at preskong hangin, wala na akong pakialam, gusto ko nang matapos ang araw na ito para ako'y makauwi na ng maynila... Naisip ko na sayang lang naman ang pinunta ko dito, kung hindi ko rin siya makakausap...
Ako'y na "bore" kaya ako'y pumunta muli sa band, upang makijam at puntahan na rin ang aking adviser... Kinausap kong panandali ang aking guro... "O, ano? Kamusta naman?... "Eto, di pa rin po niya ako pinapansin..." ... "Baka busy lang! Hayaan mo muna..." Hayaan ko muna... Hayaan ko muna... bahala na... Pagtingin ko sa pinto ng booth, kumalabog ang dibdib ko, malakas ang kutob kong nandoon siya sa loob... Kaya hindi agad ako pumasok... Kundi, dahan dahan kong binuksan ang pintuang magdadala sa akin sa isang madilim na silid... Tulad nga ng aking hinala, nakita ko siya sa loob, hawak ang gitara, tumutugtog sa harap ng maraming tao... Kinabahan ako ng bigla kong napansin na nakita niya ako... Dalian kong sinara ang pinto at napatulala panandali... Tumingin sa aking guro at umupo muna sa tabi niya upang makahinga ng malalim... Matapos ang ilang minuto, lumabas siya sa silid... Nagmamadali, tila ako'y iniiwasan... Nagulat na lang ako ng biglang bumanat ang aking guro ng... "O, Hindi mo man lang ba papansinin ang Kuya Chab?!" ... Matapos ay, tumingin siya sa akin, ngumiti at kumaway... At bigla ring umalis... Tumingin ako sa aking guro na may halong paghanga at pasasalamat... Ngumiti lamang siya at ako'y kinindatan... Pumasok na ako sa band, parang walang nangyari...
Habang tumutugtog sa banda, sinabi nila na kailangan na raw ilabas ang mga instrumento, at tutugtog na raw ang band ng live sa school grounds... Dalian akong tumayo, at kinalas isa isa ang drumset... Dinala ito sa labas at sinet up... Pero wala pa rin siya... Ang dami nang naghahanap sa kanya dahil siya ang expected na tumulong sa pag aayos ng mga instrumento... Hindi ko na ito inintindi, sa halip ay tinuloy ko lang ang pagaayos at pagtotono ng mga instrumento... Nang matapos ay umalis na ako sa eksena... Balak ko na sanang umalis sa eskwelahan, kunin ang gamit ko at lumuwas na ng maynila... Pero nagdalawang isip ako... Isa na lang ito, tapusin ko na kaya... Pinanuod ko tumugtog ang band... Inakala ko pa naman na siya'y kakanta... Pero ni tumugtog ng gitara hindi niya ginawa... Ngumiti lang ako... Matapos nilang tumugtog, umalis na ako... Nagmamadali... Hindi na ako lumingon, ayoko na... Baka lalo lang akong malungkot kung makita ko siyang tumalikod at maglakad papalayong muli... Inaya ko na lang ang kaibigan ko na tumugtog sa isang studio...
Matapos naming mag Jamming, lumabas kami ng studio, madilim na pala... Di ko namanalayan ang oras... alas Syete na ng gabi... Nakalimutan kong may Bible Study pala tuwing byernes... Pero malamang ay tapos na iyon, pero hinanap pa rin namin ang Venue ng bible study, nagbabakasakaling makita ko muli siya doon... Pag dating namin doon... "O! Kuya! Ba't ngayon ka lang?! Tapos na!" ... "Ah! Sorry! Nag Jamming kasi kami eh!" ... "Ah! Ganun ba... Eh kuya, wala na siya dito, umalis siya kaagad eh.."... Naka alis na pala siya... Wala akong nagawa kaya umalis na rin ako at nagbalak nang umuwi... Hinatid na ang kasama ko... Nakita ko ang pinsan ko, tinanong ko sa kanya, kung pinabasa ba niya yung mensaheng ginawa ng aking tita... Ang sabi niya, Oo daw... Lalo tuloy akong kinabahan... Lalo akong nawalan nang pag-asa, malamang hindi na niya ako papansinin... Nawalan na ako ng gana... Umalis na lang ako, nagtungo sa aming dating tahanan, nag iisa, sugatan ang puso, walang kasama, madilim ang paningin, malungkot, nagdurusa, nananaghoy, naghihinagpis, walang muwang, walang kibo, tulala, walang magawa, pagal, walang kwenta, patay...
Habang ako'y naglalakad, tumingin tingin ako sa paligid, nang madaanan ko itong Internet Cafe na ito... May nakita kasi akong pamilyar na tao na talaga namang nakapag bigay sa akin ng atensyon... Tama ako... Siya nga iyon, hindi ako pwedeng magkamali... Tila tapos na siyang mag internet at nagbabayad na lamang... Hindi ako sigurado... Pero hindi ko na ito pinansin... Tinignan ko na lamang siya habang ako'y papalayo... Nang ako'y mga dalawa o tatlong talampakan na ang layo, nagdalawang isip ako... Kakausapin ko ba siya o magmumukmok na lang sa isang tabi? Huminto lang ako sa tabi ng street light at nag muni muni... Wag na lang... Yun ang pumasok sa isip ko... Luluha na sana ako ng biglang nakita ko siya na lumalakad sa tabi ko...
"O, San ka pupunta?" (Pabulong) "Ako? Uuwi na ako Maynila... Ikaw? San ka pupunta?" "Ah, mag iinternet lang kami... Ingat ka ha..." (Pabulong muli) "Ah, sige... Bye!"
Iyon lamang ang aming usapan... Nasa kanto na kami, ang "crossroad" na magpapahiwalay sa aming muli... Pakanan siya, pakaliwa naman ako... Nang ako't makarating sa kanto, tumigil ako at nagisip... Marahil ay ito na ang huling pagkakataon na makausap ko siya, kung hindi pa ako gagawa ng aksyon... Bahala na! Torpe! layuan mo muna ako! Kahit ngayon lang!... Lumingon ako, at hinabol siya... Tumakbo ng mabilis, tumakbo papalapit sa kanya... Sinurpresa ko siya, inakbayan ko ang kanyang braso (di ko alam sa tagalog.. Yung parang ineescortan ung muse... Get the picture?) at hinawakan ang kanyang kamay ng mahigpit...
"Hi! Musta?" "Ok lang ako..." (Pabulong) "May itatanong lang ako... May pinabasa ba sa iyo yung pinsan ko?" "Huh?! Wala!" (Pabulong) "Ows, wala daw..." "Oo nga! Wala siyang pinabasa..." (Pabulong) "Sige na nga, sabi mo eh... Bat di mo nga pala ako kinikibo?" "Oo nga! Tignan mo nga oh, di nga ako makapagsalita... Di nga ako nakakanta sa band kanina eh!" (Pabulong) "Ah! hehe.. Ganun!... Sige, mauna na ako... Gabi na eh... Ingat ka.." "Ok! Sige, Babershk!" (Pabulong)
Kaya pala, siya pala'y paos... Umalis na ako at naglakad papalayo... Madilim na ang paligid, wala talagang makakakita na ako'y nakangiti... Hindi na ito mapawi... Ang saya ng pakiramdam kung lalakasan mo lang ang loob mo... Sobra... Napuno muli ng pag-asa ang aking puso...
Now we're stronger than before... We've made it through... I've never felt more sure, because of you...
Sana ay muling matuloy...
Labels: Our story... Wyena..., Series, Til they take my heart away
Saturday, August 19, 2006
Til' They Take My Heart Away... Part 6...
Finally, a smile from my lips...
Patungo na ako sa aking alma mater para umattend ng celebration ng "Feast Day". Habang papalapit na ako, kumakalabog na ang dibdib ko... Maraming pumapasok na negatibo sa aking utak, marahil ay hindi ko nanaman siya makausap dahil baka tamaan nanaman ako ng pagka torpedo... Bahala na, sinabi ko na lang sa sarili ko...
Lunes pa lang, excited na ako sa araw na ito... Hindi na ako mapakali, gusto na laging matapos ang bawat araw at bumilis na ang oras... Excited na akong makita siya... Hindi ko pwedeng palagpasin ang araw na ito, dahil nag promise ako sa kanya noon na pupunta ako sa feast day para tulungan siya... Marahil ay kahit sa maliit na paraan, makapaghatid ako ng ginhawa at onting ngiti sa kanyang labi...
Dumating na ako ng paaralan, nakita ko ang maraming banderitas na nakasabit, mga batang naglalaro, at mga estudyanteng nagsisigawan... Naririnig ko na rin ang malakas na dagundong ng musika, at ang malakas na tugtog ng banda... Lalo tuloy akong na excite... Dalian akong pumasok sa gate ng gusali, nagulat ako sa mga sumalubong sa akin... Ang mga kaibigan ko sa lower years, nagsitakbuhan at sinalubong ako ng mga yakap at halik... Kahit sinong madaanan ko, kinakawayan ako at tinatawag ang pangalan ko... Maski ang "dedication booth" ay nagbigay ng parangal sa mga alumni ng dumating, pero ako'y na "special mention", magandang simula, sana magtuloy tuloy...
Una kong pinuntahan ang booth ng music department, kung saan tumutugtog ang school band... (hindi marching band, kundi rock band...) Nagbabakasakaling makita ko siya doon, dahil siya ang head ng music department, at tutulong na din ako kung sakaling kailangan nila ng taga tugtog... Papasok pa lang ako nang makita ko ang aking pinakamamahal na adviser na nakaupo katabi ng entrance... "O! Chab! Kumusta ka na?" ani niya... "Ok lang po ako ma'am!" sagot ko... "O, musta na ang luvlyf naten?!".. "Luvlyf? Haay, eto, siya pa rin..." "Nakey! Yan ang matinong lalake..."
Sa kasamaang palad, hindi ko siya nakita sa band... Marahil ay nasa ibang booth siya para tumulong... Lumabas ako at nagpatuloy sa paghahanap sa kanya... May nakasalubong akong kasama sa Teatro, sinabi niya na nanduon siya sa "Fantasy Booth" at may palabas silang ginagawa... Mabilis akong tumungo sa kabilang dako ng eskwelahan... Nakita ko naman doon ang adviser ng aming theater group na siya ring pinakamamahal kong guro sa aking alma mater... "O! Chab! Mabuti't nakarating ka! Ano? Manonood ka ba? Nandoon siya sa loob"..."Haha! Mamaya na po, nakakahiya eh..." "Hay nako! Wala nang hiya hiya... Dali, pasok na..." Matapos pa lang niyang sabihin ang mga linyang iyon ay lumabas siya ng booth, sumilip lang siya upang tanungin ang aming adviser kung pwede na raw bang magpapasok ng mga manonood... Nakita ko na siya... Pero tulad pa rin ng dati, hindi pa rin ako makagalaw... Malakas ang kalabog ng dibdib, at nanlalamig ang buong katawan... Sa kasamaang palad, hindi ko siya nakausap... Malas... Umiral nanaman ang pagkatorpe ko... Pero naisip ko rin, imposibleng hindi niya ako nakita, dahil halos iisang talampakan lamang ang layo namin sa isa't isa, at patuloy naman ang banggit sa pangalan ko ng mga taong dumadaan...
Bumalik na lang ako sa band at nakitugtog muli... Di nagtagal, nakita ko siyang pumasok, tila nagmamadali... sabay sigaw ng mga tao sa loob... "Kuya Chab! Si Ate Wyena oh!" *not the real name* ... Ngunit, hindi lang ako kumibo, sa halip ay nagpatuloy lang ako sa pagtugtog ng drums... Umiral nanaman ang pagkatorpe ko, pero imposibleng, hindi niya alam na nanduon ako sa loob... Obvious naman siguro na tumutugtog ako doon... Umalis na siya, at ako nama'y naiwang sugatan ang puso...
Lumabas ako ng building para magpahangin, tinignan ko ang main field, at minasdan ko ang mga C.A.T. na nanghuhuli ng mga kawawang kandidato para sa Jail booth... Hindi ako mapakali, kaya't lumingon ako sa likuran, nakita ko siya na dumaan sa aking harapan... Ngumiti lang ako, umaasang sana'y mapansin niya, ng biglang sumulyap siya sa akin, at ako'y kinindatan... Pero dalian din siyang umalis, tila nagmamadali... Nakangiti lang ako noon, pero naiinis lang ako sa sarili ko dahil hindi nanaman ako gumalaw...
Sinamahan ko ang aking kaibigan sa food court, isang booth na bilihan ng mga pagkain... Habang bumubili ang kaibigan ko ay nakita ko siya na bumibili rin sa isang tabi... Tinitigan ko lamang siya at napansing nakita niya ako... Lumapit siya sa akin at sabay suntok sa aking balikat bilang pagbati at daliang umalis... Hindi ko maintindihan, bakit lagi na lang siyang umaalis... Sobrang nagtatampo na ako, at galit na galit sa sarili ko... Ni wala man lang akong ginagawa... Umakyat ako sa taas ng isang building at tinanaw ko na lang siya mula sa malayo... Minamasdan ko siya habang siya'y sumasayaw sa mga tugtugin, at habang siya'y nagsisiya ng dahil sa selebrasyon... Matapos ang ilang sandali ay nagsiuwian ang mga tao para sa lunch break... Wala akong mapuntahan kaya't sinamahan ko na lang ang pinsan ko na kumain sa isang restaurant... Wala akong ganang kumain non, pero dumating sa eksena ang tatay ko at ang tita ko... Nilibre nila ako kaya wala na akong nagawa... Habang naghihintay ako sa pagkain, tulala lamang ako, hindi kumikibo at hindi gumagalaw... Napansin ito ng aking tita, at sinabing... "Ano? Hindi ka nanaman ba niya pinansin? Haay nako, itext mo na lang kasi, kunsensyahin mo, sabihin mo na umabsent ka pa para lang makapunta dito at makausap siya tapos hindi ka lang niya kakausapin..." *wala pa rin akong kibo...* "Haay nako! Akin na... Ako na magtetext! Ang hina mong bata ka..." Matapos ay ibinigay niya ito sa aking pinsan at sinabing ipabasa niya ito sa kanya... Wala lang akong ginawa... Pero ayon sa nabasa ko sa pinakahuli... "Ano bang ginawa ko para tratuhin mo ako ng ganito? Matapos kong magsakripisyo para pumunta dito, ganito lang gagawin mo sa akin? Kung di mo pa rin ako kikibuin, uuwi na lang ako ng maynila" (Not the typical me... sobra...) Pero hindi ko na ito pinansin, bahala na...
Itutuloy... Pasensya kung medyo mahaba... Labels: Our story... Wyena..., Series, Til they take my heart away
Wednesday, August 16, 2006
Twisted Decisions...
Decisions, decisions...
Bakit ba napakahirap gumawa ng isang decisyon? Ewan ko ba, gulong-gulo na ang utak ko... Hindi ko na alam kung ano ang susundin ko...
Tulad nga ng sinabi ko, maraming oportunidad na ang lumalapit sa akin... Mukha atang nasobrahan ang nirvana ko... Kaya ngayon nahihirapan na ako kung ano ba talaga ang susundin ko...
Decision no.1 Bowling Sponsorship... Well, hindi naman talaga ako mahilig mag bowling, ginagawa ko lang itong past time at kung ginaganahan lang ako... Hindi ako ganon kagaling katulad ng Kapatid ko, at tumigil din ako ng isang taon sa paglalaro ng dahil sa paglipat ko sa probinsya... Ngayon, dumating itong opportunidad na ito, na hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi... Nakakahiya naman tumanggi dahil, minsan lang maging bata, minsan lang makakuha ng ganitong pagkakataon... Dahil kung titignan, libre kami sa lahat... Kahit pang gimik namin sagot nila, mayroon pa kaming allowance, at ilalaban din daw kami sa ibang bansa... Naguguluhan ako, nagdadalawang isip ako... Dahil sinabi ko na magseseryoso ako sa pag-aaral ko ngayong kolehiyo na ako... Baka sakaling maapektuhan ito kahit onti... Malapit na ang finals, at alam kong busy na kami pag dating ng 2nd sem... Mahirap ang iskedyul ko dahil marami din akong ginagawa sa eskwela, may praktis din kami ng aming class band tuwing wednesday... Haay... Paano ko ipagsasabay ang busy ko nang isked kung sakaling tanggapin ko ang offer nila? Kailangan ko nang mag decisyon... Dahil sa setyembre na ang simula ng 1 year contract na sponsorship...
Decision no.2 Music Career... Siguro naman, alam niyo na ang pagmamahal ko sa musika... Hindi ko ito maiwanan, kahit saan ako pumunta gusto ko lagi ko itong kasama, sa musika umiikot ang buhay ko... Musika ang nagpapadaloy ng pag asa sa aking puso't damdamin... Sa aking pagpupursige na makahanap ng gigs, mayroon nag offer sa akin, kung inyong maalala sa aking huling post... Hinding hindi ko palalagpasin ang opportunidad na ito... Matagal ko na itong pinapangarap, matagal ko nang gustong tumugtog sa harap ng maraming tao, matagal ko nang gustong makapahatid ng inspirasyon at pag-asa sa mga tao, lalo na sa aking mga kababayan... Paano na? Papayag ba ako sa Proposal niya? O bitawan ko na lang ang mga pangarap ko at magpursige na lang sa bowling?..
Decision no.3 Blogging... Kung sakaling makapagdesisyon na ako, maaring maging busy na ako, hindi ko na magagalaw ang blog ko... Ayokong mangyari iyon... Ayokong mag hiatus sa pag ba-blog... Napamahal na ako sa blogosphere, napamahal na ako sa mga ka blog ko, at sana nama'y ganon din sila sa akin... Ayoko nang iwan ang isang bagay na nagpabago na ng buhay ko... Ng dahil sa blogging, maraming nangyari sa akin... Marami akong nakilala, marami akong nakausap, may nakaaway, may mga naging crush... Marami rin ang tumulong sa akin, sumuporta, pinagdasal at nagmahal... Ito ang pamilyang matagal ko nang hinahangad... Kung mag hihiatus ako, maaring hindi ko na maramdaman ang ligayang hatid sa akin ng blogging...
Decision no.4 Love Life... Oo, luvlife nanaman... Ewan ko pero naninibago ako, napapadalas na ang pagpaparamdam niya... Marahil ay hindi niya ako natiis *winkwink*... May pagtingin pa rin ako sa kanya, hindi ko iyon ipakakaila, pero hindi ako sigurado kung siya rin ba... Pero hanggang ngayon, umaasa pa rin ako... Pag natuloy ang mga desisyon sa itaas, maaring lalong maudlot ang aming istorya... Marahil ay matigil na rin ang aking panliligaw sa kanya... Alam niyo naman siguro kung gano ko kamahal ang babaeng ito... Kung gano siya kahalaga sa akin... Pag mangyari iyon, baka lalo akong maging blanko at mawalan ng gana sa kung ano man ang tatahakin ko...
Isa nanamang pagsubok na ibinigay sa akin ng Poong Maykapal... Napakahirap, puno ng logic... Paano na? Kung pipili man ako ng isa, mayroong friction o contradicting force... Mayroong hadlang... Hindi ko na alam ang gagawin... Nawa'y matulungan niyo ako sa aking suliranin... Pakinggan niyo ang aking panaghoy...
_________________________
Maraming salamat sa mga patuloy na sumusuporta... Onti na lang ang panahon, sana naman panalunin niyo na ako! hehe... Mahal na mahal ko kayo... Hinding hindi ko kayo iiwan! _________________________
Dahil maraming nagkagusto sa kantang inalay ko sa aking last post... Nais kong maglagay muli.... Ito nga pala ang kantang inalay ko sa dati kong nililigawan nung nabasted ako! haha... Sana'y magustuhan niyo... Comment ko ah?! See you Smile Words and Music: Richard Coronacion (icarus05) Sung by: Pearl Kaye Hilario Isa ito sa mga pinakapaborito kong kanta... Sana magustuhan niyo rin!
Tuesday, August 15, 2006
New Beginning...
Bagong umaga, bagong pag-asa, bagong simula...
Nakakapanibago... Marami na nga ang nagbago... Pati ako...
Simula pa lang ng aking pagtatangka sa pag tahak sa bagong daan, marami na agad na oportunidad ang nagsisidatingan sa akin...
Isa na ang pag offer sa akin ng isang kaibigan (A Friend (Ch)... Kung naalala nyo pa sa aking tagboard) ng isang proposal... Tutulungan daw niya ako sa aking "Music Career". Nalaman kong tito pala niya ang anak ni Kristy Fermin, na marami daw kakilalang Music Producers... Irerekomenda daw niya ako sa kanyang tito... Ngunit ako'y namumrublema... Wala akong banda... Hindi naman sa wala... Meron talaga, kaso hindi na kami ganon ka "close" tulad nung highschool pa kami... Hindi na kami masyadong nagkikita at hindi ko na rin nakakausap ang ibang myembro... Sana sa offer na ito ay mabuhay muli ang kanilang pagmamahal sa musika... Nawa'y mabuo muli ang bandang minahal ko ng lubusan... Pero paano kung wala talaga? Ano gagawin ko? Mag sosolo? Hmmm...
Pangalawa naman ang pag "sponsor" daw sa amin ng Ad-Style para sa aming "bowling career" (Sila yung gumagawa ng mga signages ng SM Malls... As in yung malaking SM sa labas, sila ang gumawa, pati ang mga signs din ng mga shops sa loob...). That means, free practices, free jackets (w00t!), free bowling uniforms, free bowling shoes, free registration for tournaments around the Philippines, free bowling balls (another w00t!)... Lahat libre, nakakahiya, pero sayang naman ang grasya... Sabi nga, "habang libre, kunin mo na", Hindi pa ito sigurado dahil hindi pa nakakausap ang manager namin... Ang tatay ko...
Unti-unti nang bumabaliktad ang gulong na aking sinasakyan, pero meron pa ring mga lubak na patuloy na nagbabalik sa akin pababa... Ang emosyon...
Akala ko, madali lang mag "move-on", pero mahirap din pala... Sa bawat araw na pagpilit na limutin siya, wala akong nagagawa... Lagi akong bigo... Siya pa rin ang laman ng isip ko, kaya ngayo'y gulong gulo na ang aking utak kung ano ba muna ang uunahin ko... Argh!
Oo nga pala, sa wakas, matapos ang animnapu't pitong taon ay nag paramdam na din siya... Nakausap ko siya kagabi, nangamusta at nagkwentuhan, pero bigla na lang siyang nawala matapos ang limang minuto... Nang hindi nagpapaalam... Lalo ko tulo'y siyang namiss ng dahil dito... Haay... Ang gulo na ng buhay ko... Pero alam kong balang araw, maayos din ang lahat, kailangan ko lang siguro ng oras at panahon upang mapagnilay nilay sa mga bagay-bagay... Kaya ko to... Sabi nga sa telebisyon... "AJA!"
_________________________
Ito nga pala ang kantang ginawa ko para sa kanya... Bago ako sumabak sa kolehiyo... Sana magustuhan niyo, kahit ako'y medyo sintunado... Komento ko ah?! _________________________
Nawa'y suportahan niyo muli ako... Dito kayo Bumoto... Salamat ng marami!
_________________________ Mayroon nga pala akong nadiskubreng blog... Magaling ang nagsulat, bago pa lang siya kaya i-welcome naman natin siya sa Blogosphere! Ang kapatid ko... Si Dyan.
Saturday, August 12, 2006
Happiness... Emptiness...
It's like, nothing happened... Nothing at all...
Matapos ang mahaba-haba at nakakabitin (daw) kong istorya... Marami akong napagtanto... Maraming nagbago sa aking mga pananaw...
Habang itina-type ko ang bawat letra ng aking istorya, hindi ko namamalayan, unti-unti na palang dumudulas ang pagtingin ko sa kanya... Hindi ko alam kung bakit, pero, unti unti na ring lumalabas ang ngiti sa aking mga labi... Pero, sa kabilang dako, unti-unti na rin akong nagiging kulang... Walang laman...
Nailabas ko ang lahat ng saloobin ko sa aking huling istorya... Nalaman ng buong mundo kung gaano ko siya kamahal, at kung gaano ko siya namimiss ngayon... Nalaman ng buong mundo ang hinagpis ng aking puso... Nalaman din ng buong mundo kung gaano kasarap ang magmahal... (Well the blog world at least) Salamat sa mga taong tumulong sa akin, upang maging isa akong bagong nilalang... Mga kapwa ko rin bloggers na walang sawang sumubaybay sa aking kwento...
Habang ginagawa ko ang mga kwento kong ito, lagi akong napapaluha, hindi ko mapigilan... Lalo na sa pinakahuling parte... Habang naalala ko, lalo lang akong nasasaktan... Hindi kasi ako makapaniwala sa mga nangyari... "It's too good to be true" ika nga... Walang hanggang kaligayahan, mauuwi sa wala... Madilim... Malamig... Tahimik... Nakakabingi... Ayoko mang maniwalang tapos na ang istorya, wala na akong magagawa... Pirmado na ng Diyos ang mga dokumento ng kasaysayan...
Ano nga ba ang kasaysayan? Bakit ba lagi na lang akong nabubuhay sa kahapon? Ayoko na ng ganito... Sawa na ako sa kaaasa na muling mangyayari ang kahapon... Sawa na akong humiling na sana'y maulit muli ang mga nangyari na... Walang mangyayari sa akin kung ganon... Lagi lang akong magmumukhang tanga... Matapos ang istoryang iyon... Nauntog na ako... Marahil ay panahon na... Panahon na upang magising ako... Panahon na upang mabuhay na ako sa hinaharap at mangarap para sa kinabukasan... Alam kong di pa huli ang lahat para magbago... Hindi pa huli ang lahat para mapatunayan sa sarili ko na kaya ko... Hindi pa huli ang lahat para pagbigyan ko naman ang sarili ko... Simula nang magpasukan... Hindi ko na iniintindi ang sarili ko... Nagmumukha na akong katawa tawa... Nagmumukha na akong kaawa-awa...
Siya lagi ang laman ng isip ko... Hinihintay siya araw hanggang gabi, na magparamdam man lang sana kahit isang "hi" o miscol man lang... Lagi na lang ako nasa harapan ng komyuter... Lumalaki na eyebags ko... Napupudpod na daliri ko sa kaka type sa keyboard... Napupudpod ang daliri ko sa kagigitara at pag gawa ng kantang alam kong hindi naman niya maririnig... Panahon na... Panahon na siguro para magbago na ako... Itigil na ang pangangarap na ito...
Alam kong balang araw, makikita ko rin ang pagsinag ng nakangiting araw... Makikita ko rin ang bahagharing makulay na lumilitaw matapos ang isang unos... Makikita ko rin ang ilaw na tuluyan nang nawala sa akin... Matatapos ko rin ang daang tinatahak ko ng buong lakas... Kasama kayo... Sa tulong niyo...
Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi pa tapos ang istorya... Marami pang blankong pahina... Kung matutuloy man ito... Mas mabuti... Kung hindi na, wala na akong magagawa... Hindi pa rin ako titigil sa paghihintay... Wala nang makakapalit sa kanya... Ngayon lang ako nagmahal ng sobra pa sa buhay ko... Ngayon lang ako nagmahal na hindi iniintindi ang sarili ko... Oo, mahal na mahal ko siya... Higit pa sa buhay ko... Handa akong maghintay, hanggan sa sabihin niyang hindi na niya ako kailangan... Pero sa ngayon, iintindihin ko muna ang pag-aaral ko, iintindihin ko muna ang career ko sa bowling, at pati ang isang pangarap na tuluyang nagpalapit samin, ang musika... Para na rin ito sa kinabukasan ko, para na rin mapabilis ang oras at mapaiksi ang paghihintay ko... Kayang kaya ko to... Sa tulong niyo...
Panahon na para sa bagong umaga... Bagong pag-asa, bagong saya... Tumanaw sa hinaharap na walang pagsisisi... Kumanta at sumayaw na parang wala nang bukas... Magagawa ko ang lahat ng ito... Sa tulong niyo...
Kung mabasa man niya ito, gusto ko lang sabihin na hindi pa rin ako titigil... Nangangarap parin ako na sana balang araw, madadagdagan ang mga nakasulat sa pahina ng aming pag iibigan... Nais ko ring humingi ng tawad, sa lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya... At nais ko ring magpasalamat sa mga magagandang ala-ala na ibinigay niya... Hindi pa ito paalam, dahil hindi ako marunong magpaalam... Bahala na... "Time will tell"... Tulungan niyo ako... Alam kong magagawa ko ang lahat ng ito... Sa tulong niyo...
_______________________
Bagong buhay, bagong bukas, bagong pag-ibig? Haha! Ewan, malay ko... Bahala na... Nais kong kunin ang oportunidad na ito upang magpasalamat sa mga taong patuloy na tumulong sa akin...
Kuya Rowjie, Kuya Jhed, Edgar, Justine, Ate TK, Vinkz, Mai, Kuya Jigs, Kuya Shawboy, Rina, Mara, Zord, at syempre kay Karla... Kung hindi ko kayo nabanggit, wag kayong mag alala... Kasama ko kayo sa bawat panalangin ko... Maraming salamat! Mahal na mahal ko kayo...
________________________
Iboto niyo rin sana ako... Malapit na, nawa'y makuha ko ang suporta ninyo! Maraming salamat!
Friday, August 11, 2006
Til' They Take My Heart Away... Part 5...
Dumating na ang bakasyon, ang panahon sa isang taon na dati'y gustong gusto ko, ngayo'y pinaka kinkatakutan ko... Alam kong bihira na kaming magkikita, kolehiyo na ako, siya nasa ikaapat na antas na... Ipinangako ko sa kanya at sa sarili ko na hihintayin ko siya hanggang sa siya'y mag tapos sa mataas na antas, isang taon LANG naman yan... Kayang-kaya... Ngayong bakasyon na, siniguro ko na makasama pa rin siya kahit na sandali lang, kahit isa o dalawang buwan lang... Meron nabanggit ang adviser namin sa SIKAT sa kanya, "Ano? Pupunta ka ba sa workshop sa PETA?", "Opo Ma'am, sama ako don!".. Nagulat ako, dahil hindi naman iyon nabanggit sa akin... Pero di rin nagtagal, inaya nila ako na sumali sa workshop... Dahil nga Creative Musical Theater ang course na kukunin namin, mas lalong mahahasa ang aming talento sa musika... (Hindi ko na ito ikukwento, sa mga di pa nakaalam ng karanasan ko sa PETA, punta kayo dito... Summer Fling..., Ang Letrato at mga Ala-ala, At sa Official Blog ng aming grupo... Pantastic Perya)
Matapos ang napakasayang karanasan sa PETA, akala ko, paalam na... Nabigla ako nang kinausap ako ng Director ng School for People's Theater ng PETA, sinabi niya na sumama daw ako sa workshop na gaganapin sa Infanta, tuturuan daw kami ng SPT na magpaworkshop na hindi na masyadong umaasa sa PETA... Ang mga mapalad na napili ay kaming mga nag workshop doon na mga taga Infanta... Grabe, excited nanaman ako, dahil isang linggo, makakasama ko nanaman siya...
Panahon na ng palihan, hiniwalay ang courses sa dalawang pangkat, syempre, kailangan ding ipaghiwalay ang mga grupo... Sa kasamaang palad, hindi ko siya nakasama... Badtrip ako pero wala akong magagawa... Pinaghiwalay daw kami dahil masyado daw kaming malapit sa isa't isa... Grabe... Kahit magkahiwalay kami, nakakasama ko naman siya tuwing tanghalian... Doon sa restaurant, lagi ko siyang katabi... Minsan, matapos kumain ay magkahawak ang aming mga kamay... Nakatago nga lang ang mga ito sa ilalim ng mesa...
Unang araw, nagkaproblema sa tutulugan, dahil kung hiwa hiwalay kami, hindi kami makakapagmeeting ng maayos... Kaya't nagboluntaryo na lang ako na dun sa amin sila makituloy... Pumayag naman ang karamihan... Syempre, tuwang tuwa naman ako dahil kasama ko ulit siya... Tuwing hapon, sila'y nag aayang lumangoy sa dagat, maganda ang alon at maganda rin ang tanawin, kaya't talagang masarap lumusong noon sa malamig na tubig ng dagat... Nung unang araw, hindi ako sumama, dahil wala akong pamalit... Kaya't nandoon lang ako sa isang maliit na kubo, pinapanood silang magtawanan at magsaya... Matapos nilang maglangoy ay nagbilyar naman sila... Inaya niya ako pero sinabi ko, "Hindi ako marunong eh!" pero kunyari lang... Pinilit nila ako, kaya di naman ako nakatiis, nilabanan ko siya na may "pusta". Ang pustahan namin ay kung sino ang manalo ay may "dare" sa kalaban niya... Nung una, oo, nagpapatalo lang ako... Pero nung nagtagal ay ginalingan ko na... Pero sa kasamaang palad, hindi ako nanalo... Sa aking naalala, 8-2 ang iskor... Tambak... Hinintay ko ang dare, pero hanggang sa kasalukuyang panahon, hindi pa niya ito sinasabi sa akin... Marahil ay iniipon niya at gagamitin sa tamang panahon... Anak ng tipaklong...
Pangalawa sa huling araw, matapos ang aming meeting, nakita ko siyang nakatingin sa kalawakan, nilapitan ko siya at sinabing, "Gusto mong mag stargazing?", "Oo ba! Pano?", "Kuha tayo ng banig tapos ilapag natin diyan sa labas...", "Sige sige! Teka, may nakita akong banig dun sa kwarto..." Humiga kami sa ilalim ng mga tala, lulan ng malamig na simoy ng hangin, nagbilang ng mga nalalaglag na bituin, sa pagkakatanda ko, lagpas sampu ang nakita niya, ngunit ako ay mahigit kumulang lima lamang... Ang saya ng gabing iyon, tila ayoko ng matapos pa...
Panghuling araw na... Bukas wala na... Naisip ko, magiging "memorable" kaya ang huling araw na ito?.. Inaya nila akong lumangoy sa dagat, ngayon, sumama na ako, matapos ang masayang pananampisaw sa tubig dagat, pumunta ako sa pangpang upang gumawa ng kastilyong buhangin... Di nagtagal ay sinamahan niya ako... Pagkatapos gumawa ay umupo kami sa tabing dagat, umiilag sa bawat hampas ng malalambing na alon... Napuna ng aming mga kasama na dumidilim na, mga aalas sais na noon ng hapon, palubog na ang araw... Inaya ko siya at ng aking mga kasamang umuwi na...
"Ga, halika na, balik na tayo..." "Eeeeh, mamaya na, dito muna tayo..." "Ano naman gagawin natin dito?" "Wala lang, upo lang dito..." "Sige na nga..."
Nandoon lang kami, nakaupo sa tabi ng karagatan, minamasdan ang paglubog ng araw... Kay ganda ng tanawin, kahit saan ako tumingin... Lalo na't katabi ko siya... Wala na talaga akong hahanapin pa...
"Ga, tingin mo, ano na mangyayari satin pagkatapos ng workshop?" "Ewan ko... Bahala na..." "Oo nga, bahala na siguro... Kahit ano mangyari, iintayin parin kita..." *Nakangiti lang siya* "Bilisan mong grumadweyt ah! Kita kita na lang tayo sa U-Belt" "Hehe..." "Oo nga pala, mag bobonfire pa tayo, lika, kumuha tayo ng mga kahoy..."
Nagipon kami ng kahoy para sa "Last day celebration" para na rin sa success ng workshop... Nang gabi ding iyon, naganap ang bonfire... Sa panahong ito, siya naman ang nag-aya sa amin na mag "stargazing". Nandoon lang kami hanggang mag umabot ng mga alas dos ng umaga... Nagbilang ng mga nalalaglag na bituin... (17 ata ang nabilang niya o higit pa... Overall, mga 20+ ang nakita namin) Nagkwentuhan ng mga istorya, tungkol sa teatro, sine, kaibigan, kasama, workshop, lablayp... Naalala ko tuloy ang sinabi ng isa naming kasamang taga PETA...
"Pareho kaya kaming nakatingin sa iisang buwan?"
Dahil nagsisiksikan kami sa banig at dadalawa lang ang unan, sinuwerte akong makakuha ng isa... Pero sa sobrang liit, hindi kami magkasyang dalawa... Kaya sabi ko, dun na lang siya humiga sa aking balikat... Buong panahon, hawak ko ang kamay niya, parang ang bagal ng oras... Sobrang bagal... Sana ganito lagi... Sana...
Kinabukasan, uwian na... Kailangan ko na ring lumuwas dahil isang linggo na lang at pasukan na, kailangan nang mag handa... Nasa harapan ko na ang sasakyang magpapahiwalay sa amin, ayoko pang umalis, ayokong mahiwalay sa kanya... Ngunit kailangan at wala na akong magagawa... Doon lang kami, naghihintay, tumalikod ako ng panandalian, pag lingon ko, wala na siya... Doon pa lang... kinutuban na ako... Alam ko nang may mangyayaring hindi kanais-nais... Umalis na kami... Nang hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya... Hanggang ngayon, hindi ko pa siya nakikita... (Maliban na lang kung nabasa niyo ang aking last post... A taste of despair.... )
Ngayon sa aking pagiisa Ako'y nangangamba Kailan kaya muling magkikita Ipagtatagpo ng tadhana
Matutuloy pa kaya ang istorya? Ang kwento nati'y naudlot na Sana nga'y mangyari muli Makasama ka sa aking tabi...
Mahal kita higit pa sa buhay ko... Iyan sana ang tatandaan mo... Pangakong hindi mapapako... Na ako'y maghihintay sa iyo...
Habang buhay... Oo, habang buhay...
Habang ako'y nakikinig ng mga tugtugin, narinig ko ang kanta namin... Pinagnilayan ko ang nilalaman ng kanta... Pumikit ako panandalian, at napangiti ako sa kawalan...
Believe in me... I'm here to stay... I will love you, til' they take my heart away...
Sana, may katuloy pa...
_________________________
Oo na pala... Malapit na ang kaarawan niya... Ano sa tingin niyo ang magandang iregalo? Yung hindi common at hindi rin naman mamahalin... Iintayin ko ang sagot niyo! Salamat...
Labels: Our story... Wyena..., Series, Til they take my heart away
Wednesday, August 09, 2006
Til' They Take My Heart Away... Part 4...
Matatapos na ang "school days", napapanglaw na ako, pagkatapos kaya ng pasukan, magkikita pa kaya kami?
Kalagitnaan ng marso, inatasan ang aming teatro group na gumawa ng isang "lab show", fund raising din ito para sa ikagaganda ng mga teknikal na aparatus ng aming teatro group (speakers, microphones, mic stands, instruments etc...). Sa pag totoka ng mga katungkulan sa nasabing palabas, hindi kami ginawang mga artista, kundi kami ay naatasan na Musical Director... Dahil dalawa ang palabas na gagawin, tatlo kaming naatasan, siya ang Head M.D. kung baga, bossing ko siya...
Dahil nga head siya, palipat lipat siya ng binabantayan, pero madalas, sa isang show siya tumutulong, kaya't heto ako, laging nag iisang gumagawa ng kanta para sa palabas... Bihira lang niya akong bisitahin, at nakikita ko lang siya tuwing uwian na... Bawat praktis, ginagahol ako ng aming direktor sa pag gagawa ng palabas, "Huy! Bilisan mo na yung pag gawa ng kanta, malapit na yung show! Dali, gawa ka ng kanta sa tatay, sa nanay, production number, blah blah blah", kaya't di ko na siya masyadong nakakausap ng mga panahon na iyon dahil "busy" ako sa pag gawa ng mga kanta...
Pinapagawan ako ng limang kanta, sa loob lamang ng dalawang araw... Kaya't kahit oras ng klase, nagsusulat ako at hindi na nakikinig... Marahil ay napansin niyang ako'y nahihirapan na... Tapos na rin naman ang musika sa kabilang grupo, kaya't tumulong na siya sa akin, nag boluntaryo siyang gawin ang isa sa mga kanta...
"Nyek! Bakit isa lang? Ang daya mo naman!" "Marami akong ginagawa noh! Sige na, magaling ka naman eh..." *sabay banat ng kindat* "Hmm, sige na nga! Kung di lang kita mahal jan eh!" "Hm? Ano sabi mo?" "Wala po bossing! Sige na, gagawin ko na! Hmph!" *tumawa lang siya at nakangiting sa akin*
Matapos ang dalawang araw na paghihirap, natapos na din namin ang mga kanta, ngunit ngayon, namimili siya kung saang grupo ba siya sasama sa oras na ng palabas... Kinausap siya ng direktor namin at sinabing "O hindi niya alam yung kantang ginawa mo *tinuturo ako* kaya, sumama ka na lang dito, tutal nag iisa lang naman siyang tutugtog at marami sila doon sa kabila..." Sumang ayon naman siya, kaya mas matagal pa ngayon ang aming pagsasamang dalawa... Mas lalong naging Enjoy ang pagpapraktis dahil dito, araw-araw kasama ko siya, umaga hanggang gabi, nagkakantahan mag damag, at laging nag duduet sa aming "theme song", ngunit ilang araw na lang at palabas na, matatapos na ang lahat ng ito...
Nandoon kami sa backstage, gahol na gahol na, kami ang susunod na lalabas, marami pa sa kanila ang nagmamake up, buti na lang at hindi ako aarte, nasa likuran lang ako ng kamera... Tapos na akong mag bihis, handa na rin akong lumabas, pero kinakabahan pa rin ako, siguro dahil unang beses kong makasama sa isang malaking palabas na gamit ang mga kantang likha ko... Marami akong iniisip, magugustuhan kaya nila ang aming palabas? O magiging panira lang ang mga kanta? Kinakabahan talaga ako, pero nung pinagmasdan ko sila, nagtatawanan pa sila, naglalaro pa at mukhang walang gagawing palabas, lumapit ako sa kanila upang mapaalis ang kaba sa aking dibdib... Lumapit sa akin ang isa niyang kausap...
"Kuya! Pa try nga, titignan ko lang kung babakat ba" "Babakat ang alin?" "Yung lipstick ko sa pisngi mo..." "Ha?" *sabay halik sa pisngi ko...* "Ay, di bumakat... Tuyo na siguro..." "Beh! Hehe..."
(Ganun lang talaga kami ka close nung mga ka grupo ko noon...) Tumawa lang silang dalawa at siya naman ang lumapit...
"Ako rin! Pasubok!" "Huwah!?" *narinig ko na ang pagtibok ng puso ko... mabilis niya akong hinalikan sa pisngi* "Haha! Bumakat! Ang galing!" "Hala! Di nga? Hehe.. Galing nga..." *labis naman ang pamumula ko, at alam kong napansin niya iyon...*
Nagtawanan lang silang dalawa, sabay naman ng pagpunas ko sa bumakat na lipstick sa aking pisngi, kung wala lang palabas, hindi ko na iyon tatanggalin eh! Tumingin ako sa paligid, nakikita kong tumatawa ang mga kagrupo ko at inaasar asar pa ako, sinasabayan ko lang sila ng tawa para kunyaring hindi ako apektado... Tapos ay sumulyap ako sa kanya, nakangiti lang siyang nakatingin sa aking mga mata... Natigil ang tawanan ng may sumigaw na "O! Get Ready Guys! pumpasok na ang mga tao! 5 mins to go!"...
Itutuloy Muli...
Malapit na talaga... Promise... Sana wag kayong magsawang magbasa sa aking istorya... Salamat!
[PS... Successful ang palabas! Salamat sa tulong niya at ng aking mga kagrupo! SIKAT! Miss ko na kayo...] [PS.2 SIKAT means, Sibol ng Kabataan Teatro] Labels: Our story... Wyena..., Series, Til they take my heart away
Saturday, August 05, 2006
Til' They Take My Heart Away... Part 3...
Araw-araw, hindi ako nakakalimot na magpadala ng mensahe sa kanya sa cellphone... Araw-araw, hindi ako nakakalimot na samahan siya tuwing uwian... Oo, naging tipikal akong manliligaw, pero iba daw ako sabi niya... Sakin lang daw siya naging bukas sa lahat... Napaka dali ko daw kasing pakisamahan... Natuwa naman ako ng sinabi niya iyon sa akin...
Pag gising bawat umaga, siya agad ang bumabati sa akin... Pangalan agad niya ang nakikita ko sa cellphone... Malalambing at nakakahulog nga naman ng damdamin ang mga ipinapadala niyang mensahe, at syempre, hindi mawawala ang mga simple ngunit nakakapag pataba ng puso tulad ng "Ingat ka...", "E secc oui..."at "E muja oui..." Kaya't tuwing umaga, sumasarap ang gising... Tama, naging malaking bagay talaga ang cellphone sa akin... Ito ang naging daan ko upang masabi sa kanya ang lahat ng bagay na nakatago sa aking puso...
Tila, pinaglapit talaga kami ng tadhana... Sabi nga ng mga kaibigan namin, Ang sarap daw kaming tignang magkasama, bagay na bagay ika nga... Madami din kaming mga "similarities" na isa pang naging daan upang kami'y lalong magkakilala ng mabuti... Di ba nga sinabi na kung gusto mong mapalapit sa isang tao, kailangang makahanap kayo kahit isang "similarities" man lang... Pero sinuwerte ako... Marami kaming pareho...
- Isa na doon ang pagkahilig namin sa musika, tila ang musika ang isa sa mga naging tali upang hindi mapaghiwalay ang aming mga puso,
- Mahilig kaming kumanta at makinig sa mga musika, minsan nga ay nag du-duet pa kami...
- Pareho kaming mahilig mag gitara (kung tutuusin, mas magaling pa siya sa akin... 5x more!), isa siya sa mga iniidolo ko pag dating sa pag tugtog nito...
- Pareho din kaming gumagawa ng kanta,
- Pareho kaming aktibo sa teatro,
- Pareho din kami na ayaw umarte sa entablado ngunit gusto laging maging "musical director" ng bawat palabas na aming ginagawa, mag partners kami lagi sa mga play, pero hindi kami ang artista, nasa likod lang kami ng bawat kanta na kinakanta ng mga aktor at aktress...
- Pareho kaming malapit sa isang tao... Ang pinsan ko...
- Pareho kaming malapit sa mga guro ng paaralang yaon...
- Pareho kaming malapit sa Diyos...
- Pareho kaming myembro at gitarista sa choir ng aming eskwela...
- Pareho kaming malapit sa barkada, mga kaibigan, at mga tao... "Approachable" ika nga...
- Pareho kaming malapit sa aming mga pamilya...
- Pareho kaming mahilig tumingala sa mga bituin tuwing may iniisip na malalim...
Nagkataon nga lang ba o "serendipity" na? Hindi ko alam, kayo na ang humusga... Isang gabi, wala kaming magawa, nagkantahan na lang kami sa aming nakasanayang tambayan... Ang aming bahay... Natugtog na namin lahat ng kaya naming tugtugin, ngunit ako, may natatago pang isa... Hindi ko ito tinugtog dahil hindi ko pa ito praktisado at nalilito pa ako... Sa kadahilanang wala na talagang maitugtog, ito na lang, kahit mali-mali, tinuloy ko pa rin... Sinimulan ko pa lang i-"pluck" ang unang mga nota, nalaman kaagad niya kung ano iyon... "Waah! Sige, ituloy mo lang! Paborito ko yan!". Nakangiti naman akong tinuloy ang tipang iyon... Nakangiti siya, tinititigan ang mga mata ko, at sinasabayan pa niya ng kanta... Tila naghaharanahan kami sa isa't-isa, tulad ng dati, sinasabayan ko siya, duet ulit kami... Wala na akong pakialam kahit magkamali-mali ako sa tinutugtog ko... Basta't masya siya, wala nang mali sa mundo... Buong kanta na yaon, nakatingin lang siya sa akin... Nahihiya ako ng mga panahong iyon, umiiwas iwas ng tingin, ngunit nagnanakaw din naman ng sulyap... Pulang pula ako ng matapos ang kanta, ngunit siya, nakangiti lang... Pero lahat ng masasayang tagpo ay may katapusan... Lumalalim na ang gabi at kailangan nang magsiuwian... Ihahatid sana siya ng pinsan ko, ngunit nag boluntaryo na lang ako na maghatid sa kanya... Tutal malapit lang naman ang kanyang tahanan... Dahan-dahan ang aming paglalakad, pareho kaya kami ng iniisip? Malay natin... Pero sana, naging isa iyon sa mga similarities namin... Habang papalapit kami sa aming destinasyon, lalo kaming bumabagal... Tumingala ako sa kalangitan upang pagmasadan ang mga bituin, ng bigla niyang hawakan ang kamay ko... Nagulat akong tumingin sa kanya... Pero siya, nakangiti lang... Natapos din ang mahaba-habang paglalakbay, nagpaalam na siya at nagpasalamat... Tumalikod akong nakangiti... Mayroong binulong sa hangin... "Mahal na nga kita..." Muli nanamang itutuloy... Malapit nang maubos ang mga pahina ng aking istorya... Itutuloy pa kaya niya? O, hanggang dito na lang... Malay mo, malay ko, malay natin... P.S. Sa mga hindi pa nakaalam sa kantang nabanggit, basahin niyo ang title... Labels: Our story... Wyena..., Series, Til they take my heart away
Wednesday, August 02, 2006
Til' They Take My Heart Away... Part 2...
Lumipas ulit ang panahon, nakita ko siya, kasama ng pinsan ko, luhaan, tila sugatan ang kanyang puso... Labis na habag ang naramdaman ng aking puso, kaya't agad ko siyang nilapitan, nakinig sa kanyang panaghoy, at pinaramdam sa kanya na hindi siya nag iisa... Nalaman kong nagkaroon sila ng alitan ng kanyang kasintahan...
Labis akong nahabag sa kanya... Lalo na't nasaktan siya sa mabilis na pangyayari... Kaya't heto ako, laging nasa tabi niya, hindi siya iniwan, sinamahan kahit saan, pinasaya sa kahit anong paraang magagawa ko, pinakita ko sa kanya na hindi siya nag iisa... Pinakita ko na nandito ako, handang mahalin siya... Kahit kunwarian lang...
Bawat pag sikat at paglubog ng araw, lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya... Lalo na ngayong napapalapit na siya sa akin... Hindi ko mapigilang mahulog sa kanya, tuwing siya'y ngingiti, tuwing siya'y kumakanta, tuwing siya'y nagsasalita, tuwing siya'y nakatingin sa aking mga mata...
Di nagtagal, nalaman ng kanyang kasintahan ang ginagawa ko, kung anu-anong pananakot at ang pinadala niya sa akin... "Putres! Wala namang patusan!". Hindi ko iyon malilimutan, matapos niyang basagin ang puso ng isang espesyal na tao sa buhay, siya pa ang may ganang magalit sa akin... Gusto ko sanang sabihin sa kanya na, "Pasalamat ka nga't pinapasaya ko siya eh... I'm doing you a favor! Responsibilidad mo ako ang gumagawa!". Nang malaman niya ang ginawa ng kanyang nobyo sa akin, nagalit siya at sinabihan niya ng "Kapal ng mukha mo, kung tutuusin nga, mas open pa ako sa kanya keysa sayo eh!" (Not the exact words pero un na un)
Sa una, iyan lang talaga ang plano kong gawin, ang paligayahin siya, samahan siya at ibalik ang ngiti sa kanyang labi, hanggang magkaayusan sila ng kanyang nobyo... Pero di ko akalaing magtatagal ng ganon ang kanilang alitan, kaya't kinalimutan ko ang plano ko... Magbati man sila o hindi, nandito pa rin ako para sa kanya... Nasanay na ako ng kasama siya eh, bakit ko pa ititigil... Masaya ako sa piling niya, sinabi niyang siya din... Hindi na kami mapaghiwalay...
Nang tinignan ko ang aking cellphone isang gabi, nakita kong may mensahe akong natanggap na galing sa kanya... Binasa ko at "quote" ang nakalagay...
Nang iwan niya ako, sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko Walang luha ang tumulo sa mata ko Isa lang ang nagpahirap Yung ang pag gising araw-araw at sinasabi ko sa sarili ko... "Pucha! Dami nanaman magpapacute! Single na naman ako eh!"
Marahil ay isa lamang itong birong mensahe, pero totoo pala ang nilalaman nito... "Single" na siya ule, nawala na ang nararamdaman niya sa kanyang nobyo, naging "possessive" daw kasi ito at nasasakal na daw siya... Kaya't heto na ako, pumasok na sa eksena, naglakbay patungo sa mundo niya... Sana nga lang, ako'y tanggapin niya...
Itutuloy muli... Labels: Our story... Wyena..., Series, Til they take my heart away
Tuesday, August 01, 2006
Til' They Take My Heart Away...
Dahil buwan ng Wika ngayon, kailangang mag tagalog... Ayon sa hamon na ibinigay ni Kuya Rowjie... Pasensya na po kung medyo mahaba... Mahirap na kung bibitinin ko pa... Enjoy...
Matutuloy pa kaya, ang istoryang aming sinimulan?..
Dahan dahan akong umadyo sa mataas na hagdanan... Patungo sa liwanag na dulot ng naghihingalong sinag ng araw... Malamig ang panahon, maulan... Hirap na akong umaakyat sa mataas na hagdan, nawawalan na ako ng pag-asa ng biglang may lumabas na isang magandang dalaga sa dulo ng hagdan... Inaya niya ako sa kanilang mataas na tahanan at magsisimula na daw ang praktis...
Sayawan ang aming gagawin, sayawan dahil praktis noon sa Cheering... Paguran pero hindi ko inintindi, dahil may nakikita akong magandang dalaga na nakaupo sa tabi... Bawat "step" at bawat bilang ng aming sayaw, nagnanakaw ako ng tingin sa dalagang ito, lalo akong ginanahang sumayaw dahil sa kanya... Kailangan kong magpasikat...
Sa sobrang pasikat ko, napagod ako, naubos ang lahat ng enerhiya ko sa pagsasayaw ng "exaggerated". Pero hindi pa tapos ang pagsabak ko, mayroon pang isang sayaw na kailangang gawin... Isa naman itong interpretative dance, ayos lang, hindi masyadong nakakapagod, lalo na pag nakikita ko siya at lalo pa ng nalaman kong kasama din pala siya sa gagawin naming praktis... Break time noon, panahon na para makausap ko siya at magpakilala... Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, pero nagulat ako ng biglang kinausap siya ng pinsan ko... Doon ko nalaman na kaibigang matalik pala niya ang magandang dalagang kanina ko pa pinagmamasdan... Nahiya tuloy ako dahil dito, tinamaan na ko ng matindi kong kalaban... Ang pagka torpe... Pero natuwa naman ako ng bigla silang lumapit at pinakilala siya ng pinsan ko... Abot tenga naman ang ngiti ko ng hawakan niya ang kamay ko upang ako ay kamayan... Sobrang saya ko noon... "Ang ganda ng pangalan niya". Yun agad ang pumasok sa isip ko, unang beses ko pa lamang ito naririnig... Kakaiba, "exotic" ika nga, at ubod ng ganda... Parang siya... Dahil nga ako'y bago pa lamang sa lugar na ito, nahihiya pa akong makisalamuha sa mga tao, dahil natatakot akong mapahiya... Dahil sa maling akalang iyon, hindi ko siya nakausap... Sayang ang pagkakataon, pero sinabi ko sa sarili ko, umpisa pa lang naman, may bukas pa... Kaya't buong araw, nagpabusog na lamang ako sa kakatitig sa kanya... Na walang binabanggit na kung anong salita, maliban sa "hehe" tuwing ngingiti siya...
Lagi na akong dumadaan sa silid aralan nila... Kunyari may tatanungin ako sa pinsan ko, pero ang totoo, magnanakaw ako ng tingin sa dalagang ito... Pag natatapos ang walang "sense" na paguusap namin ng aking pinsan, tatalikod lang ako at kikiligin... Labis akong nabighani sa taglay niyang kagandahan, maganda at kumikislap ang kanyang "brown eyes", ang matatamis niyang mga ngiti na laging sumasalubong sa akin, ang mahaba niyang buhok, ang magandang hubog ng katawan, at ang kanyang tono ng pananalita...
Lumipas ang panahon, napalapit kami sa isa't-isa, lalo kong nakilala ang dalagang ito, lalong lumalim ang pag tingin ko sa kanya... Pero hindi ko ipinapaalam sa kanya dahil na rin sa takot... Ngunit habang tumatagal, parang napapalayo na rin siya sa amin... Hindi ko na siya nakakasama at minsan ay hindi na rin namamansin... Saka ko lang nalaman na huli na pala ako... May kasintahan na siya... Labis ang pagsisisi ko nung mga panahong iyon, tinatanong ko lagi sa sarili ko kung bakit ko pa pinairal ang pagka torpe ko.... Ngayong huli na ako? Ano na ang gagawin ko? Tinigilan ko na siya at ng kanyang kasintahan, napansin ko naman na masaya naman siya, kaya ok na sa akin iyon...
Mahaba pa, kaya't itutuloy ko na lang sa susunod...
Labels: Our story... Wyena..., Series, Til they take my heart away
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|