Monday, February 11, 2008


Split...


Nang minsa'y naging atin ang lahat...

Luha nanaman ang gumising sa akin matapos na sigawan ako ng sinag ng araw. Pilit kong tinatago ang nakaraang laging tumutusok sa aking kalamnan. Pero balewala din pala, dahil hanggang ngayon, wala pa rin ibang laman ang utak ko kundi ang pasakit na iniwan mo.

Nakakapanibago ang kapaligiran. Hindi ako sanay ng gumigising ng wala ka sa tabi ko. Para bang naghahanap ako ng tubig para mapawi ang uhaw na nadarama sa kalooban. Ni hindi ko na rin malaman kung ano bang dapat isipin simula nang lumisan ka. Ni hindi ko nga din alam, kung bakit mo pa naisipang gawin ito sa akin.

Sa'yo lang umikot ang mundo ko, minsan inisip ko na naging atin ang lahat-lahat ng bagay sa mundo. Hindi tayo noon matinag. Kahit anong harang ang iharap sa atin, sabay lang natin ito inaakyat. Kahit gaano man kahirap ang pag subok na binibitawan nila sa atin, hawak kamay natin itong hinaharap. Pero hindi ko alam kung bakit sa isang maliit na bagay lang, bumitaw ka na sa pagkakahawak sa akin.

Hinabol kita, kahit saan ka pumunta, ngunit kahit gaano man kabilis ang hakbang na ginagawa ko ni hindi ko maabot ang kamay mo. Pilit kong pinaglalaban ang pag-ibig ko sa'yo, pero heto't ikaw pa ang nagiging sanhi ng pagkatalo ko. Luha lamang ang naging sandigan ko, luha lang ang naging karamay ko. Minsan naisipan kong tapusin na ang buhay ko, pero nariyan lamang ang luha para iligtas ako. Pinilit kong maging malakas, para na rin sa sarili ko. Alam kong balang araw, makakalimot din ako sa pasakit na iniwan mo. Sarili ko rin ang makikinabang kung ako'y magiging malakas.

Oo... Malakas. Malakas ako, tama. Ba't nga ba ako nagpapa apekto sa ginawa mo? Kung ipagpapatuloy ko ito, lagi lang akong magiging talo. Panahon na para tuluyan nang burahin ang ala-ala mo. Malakas ako. Kaya ko ito. Hindi kita kailangan sa buhay ko, hindi kita kailangan.

Lumipas ang mga buwan, natapos na rin sa wakas ang luha. Nabalik na ang ngiti sa aking mga labi, sapagkat mayroon nang nagpakita ng pagmamalasakit sa akin. Pag-ibig na hindi mo mahahanap kahit saan. Masaya na ako sa wakas, kaya ngayon, hindi na ako muling magkakamali pa. Natuto na ako, ayoko nang maulit muli ang nangyari. Ayoko nang multuhin ako ng paulit ulit na pangyayari. Tama na ang isa. Hindi na mauulit pa.

Pero, di nagtagal, nakarinig ako ng mahinang boses mula sa malayo. Isang tinig na pamilyar. Tinig na akala ko'y tuluyan nang nawala sa sistema ko. Akala ko lang pala iyon. Hayan ka nanaman, humihingi ng kapatawaran. Sinasabi na ako parin ang nasa isip mo matapos ang lahat-lahat. Hindi na, hindi mo na ako matitinag. Malakas na ako ngayon, hindi na ako matutukso ng iyong matatamis na salita. Naging matatag ako, para na rin sa sarili ko at sa bago kong sinisinta. Hindi mo na ako maloloko pa, hindi na kailan man. Pero kahit gano'n, ni minsan, hindi ako nagtanim ng galit sa iyo. Dahil hindi pa rin maitago na, ikaw ang pinakamagandang istoryang naisulat ko. Pero tulad ng bawat istorya. Ito'y mananatili lamang isang kwento. Ang naisulat na sa libro ng kasaysayan, ay kailan ma'y hindi na mauulit pa. Hindi na...

**

Thanks to my classmates for the inspiration. I've been hearing a lot of break-up stories lately. Papalapit pa naman ang Valentines. Nakakalungkot. Maging malakas ka'yo. Para sa inyo ito.

Labels: , , ,


posted by icarus_05 @ 5:10 AM Comments: 5

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>