Sunday, April 13, 2008


There and Back Again...


I held on to the card on my hand and took a last glimpse at her...

Naputol ang himbing ng aking pagkakatulog nang biglang tumunog ang aking telepono isang umaga. Pagkatingin ko, tumatawag na pala ang aking tatay. Hindi ko ito sinagot dahil akala ko ginigising lang niya ako, kaya kinansela ko ito at sinubukang matulog muli. Naputol nanaman ang aking tulog nang bigla ulit siyang tumawag makalipas ang ilang segundo, sa ngayon, sinagot ko na ito...

"Anak, pumunta ka nga sa iskul ni Dyan at kunin mo ung report card nya, di na ko makakabalik eh, wala ka naman lakad kaya ikaw na lang kumuha..."

Wala na akong nagawa, di naman kusang pupunta sa bahay namin yung report card na 'yon. Nagmadali akong nagbihis at pumunta na sa eskwela. Tanghali na noon, mataas na ang araw. Nakakasunog ang sinag nito, nakakabulag. Malas pa no'n at walang masakyan. Tumatagatak na ang pawis ko pero tiniis ko na lamang ito. Naghanap ako ng silong at doon na rin nakakita ng masasakyan. Sa wakas. Medyo siksikan sa jeep pero tiniis ko na lang, basta lang makasilong. Nagbayad na ako sa drayber, at makalipas ang ilang minuto, nakarating din sa paroroonan ko.

Tinakpan na ng mga ulap ang haring araw, luminaw sa paningin ko ang isang gusaling minsan na ring naging parte ng buhay ko. Dalian akong pumasok rito para makasilong bago pa man umalis ang mga ulap. Pag pasok ko, daliang bumalik ang mga ala-ala sa isip ko. Bigla ko na lang nakita ang sarili ko, naglalaro sa ilalim ng puno malapit sa may gate, batang-bata pa, wala pang kamuwang-muwang sa tunay na mundo. Pinigil ko ang luhang malapit nang lumabas sa mga mata ko at pumasok na sa loob para makuha na ang report card ng kapatid ko.

Pag pasok ko pa lang sa pintuan, sinalubong na agad ako ng aking dating guro nung elementarya.

"Aba! (tumigil siya habang nakaturo sa akin) Ano ginagawa mo dito?"
"Sir, si Richard po ako, di mo na ko kilala? Kunin ko po card ng kapatid ko..."

Bigla siyang tumawa sabay tapik sa aking balikat. Nakitawa na lang din ako at iniwan ko na siya do'n. Nagmadali ako dahil ayoko na manatili pa sa lugar na 'yon. Hinanap ko na agad ang section ng kapatid ko, di naman ako nahirapan sa paghahanap, nakita ko agad ito. Nakaupo doon ang kanyang adviser, hindi ko siya kilala, marahil ay bago lamang siyang pumasok doon. Nakikipag usap siya sa dati kong science teacher noong hayskul. Hindi nya ko napansin, pero nakita ako ng teacher ko noon at tinuro ako. Agad naman akong kinausap ng adviser.

"Ah, kay Dyan ba? 'eto card nya, pirma ka dito tapos bigay mo rin 'tong dyaryo (school paper). Hinihintay niya yan, kasi featured siya diyan."

Hindi ko muna tinignan ang nasabing dyaryo, agad akong nagpasalamat sa adviser at nagpaalam na din. Dalian akong lumabas sa gusali, wala na akong pakialam kung mainit man ang panahon. Paglabas ko, tinignan ko na ang grades ng kapatid ko. Walang bagsak, matataas lahat. Itong ito rin yung mga grades na pinangarap ko noong hayskul pa ko. Nainis ako sa sarili ko, nagtatanong kung bakit hindi ko sineryoso ang buhay ko noong hayskul. Kaya ngayon, nahihirapan ako sa buhay kolehiyo. Tumigil ako sandali, tinignan ang eskwelahang minsan na ring naging parte ng buhay ko.

"Salamat sa mga memorya..."

Dalian akong nakahanap ng jeep at umuwi na, iwan-iwan ang mga mapapait na karanasan sa dati kong paaralan. Pero minsan na rin sumagi sa isipan ko na... Miss ko na pala talagang maging isang highschool student...

Labels: , , ,


posted by icarus_05 @ 8:10 AM Comments: 8

Tuesday, April 01, 2008


She never knew...


Sabi nila, 'wag mo daw hanapin ang pag-ibig, kusa daw itong dumadating sa atin. Dapat lang maging patient. Pero pa'no mo nga naman malalaman kung nasa harapan mo na ang taong hinihintay mo kung wala kang ginagawa kundi mag hintay?

Naikot ang mundo ko sa katagang yaon. Maghintay... Maghintay... Pero minsan, sumagi din sa isip ko, nakakasawa din pala yung puro na lang hintay. Minsan, naisip ko na 'wag na lang ituloy ito, pero ano bang magagawa ko, kung sa lahat ng ginagawa ko ikaw at ikaw pa rin ang pumapasok sa isip ko?

Maaari nga siguro, napasok ka na sa sistema ko. Ni minsan, hindi kita makalimutan. Sinubukan kong mag hanap ng iba, pero wala rin nangyari. Mas lalo pa akong nahulog sa iyo. Hindi na kita ma-alis sa isip ko. Ayoko rin namang mawala ka sa buhay ko. Kaya heto, ano bang magagawa ko diba? Hintay...

Ang hirap nga namang magmahal ng taong may mahal ng iba...

Labels: , , ,


posted by icarus_05 @ 12:27 PM Comments: 4

Monday, February 11, 2008


Split...


Nang minsa'y naging atin ang lahat...

Luha nanaman ang gumising sa akin matapos na sigawan ako ng sinag ng araw. Pilit kong tinatago ang nakaraang laging tumutusok sa aking kalamnan. Pero balewala din pala, dahil hanggang ngayon, wala pa rin ibang laman ang utak ko kundi ang pasakit na iniwan mo.

Nakakapanibago ang kapaligiran. Hindi ako sanay ng gumigising ng wala ka sa tabi ko. Para bang naghahanap ako ng tubig para mapawi ang uhaw na nadarama sa kalooban. Ni hindi ko na rin malaman kung ano bang dapat isipin simula nang lumisan ka. Ni hindi ko nga din alam, kung bakit mo pa naisipang gawin ito sa akin.

Sa'yo lang umikot ang mundo ko, minsan inisip ko na naging atin ang lahat-lahat ng bagay sa mundo. Hindi tayo noon matinag. Kahit anong harang ang iharap sa atin, sabay lang natin ito inaakyat. Kahit gaano man kahirap ang pag subok na binibitawan nila sa atin, hawak kamay natin itong hinaharap. Pero hindi ko alam kung bakit sa isang maliit na bagay lang, bumitaw ka na sa pagkakahawak sa akin.

Hinabol kita, kahit saan ka pumunta, ngunit kahit gaano man kabilis ang hakbang na ginagawa ko ni hindi ko maabot ang kamay mo. Pilit kong pinaglalaban ang pag-ibig ko sa'yo, pero heto't ikaw pa ang nagiging sanhi ng pagkatalo ko. Luha lamang ang naging sandigan ko, luha lang ang naging karamay ko. Minsan naisipan kong tapusin na ang buhay ko, pero nariyan lamang ang luha para iligtas ako. Pinilit kong maging malakas, para na rin sa sarili ko. Alam kong balang araw, makakalimot din ako sa pasakit na iniwan mo. Sarili ko rin ang makikinabang kung ako'y magiging malakas.

Oo... Malakas. Malakas ako, tama. Ba't nga ba ako nagpapa apekto sa ginawa mo? Kung ipagpapatuloy ko ito, lagi lang akong magiging talo. Panahon na para tuluyan nang burahin ang ala-ala mo. Malakas ako. Kaya ko ito. Hindi kita kailangan sa buhay ko, hindi kita kailangan.

Lumipas ang mga buwan, natapos na rin sa wakas ang luha. Nabalik na ang ngiti sa aking mga labi, sapagkat mayroon nang nagpakita ng pagmamalasakit sa akin. Pag-ibig na hindi mo mahahanap kahit saan. Masaya na ako sa wakas, kaya ngayon, hindi na ako muling magkakamali pa. Natuto na ako, ayoko nang maulit muli ang nangyari. Ayoko nang multuhin ako ng paulit ulit na pangyayari. Tama na ang isa. Hindi na mauulit pa.

Pero, di nagtagal, nakarinig ako ng mahinang boses mula sa malayo. Isang tinig na pamilyar. Tinig na akala ko'y tuluyan nang nawala sa sistema ko. Akala ko lang pala iyon. Hayan ka nanaman, humihingi ng kapatawaran. Sinasabi na ako parin ang nasa isip mo matapos ang lahat-lahat. Hindi na, hindi mo na ako matitinag. Malakas na ako ngayon, hindi na ako matutukso ng iyong matatamis na salita. Naging matatag ako, para na rin sa sarili ko at sa bago kong sinisinta. Hindi mo na ako maloloko pa, hindi na kailan man. Pero kahit gano'n, ni minsan, hindi ako nagtanim ng galit sa iyo. Dahil hindi pa rin maitago na, ikaw ang pinakamagandang istoryang naisulat ko. Pero tulad ng bawat istorya. Ito'y mananatili lamang isang kwento. Ang naisulat na sa libro ng kasaysayan, ay kailan ma'y hindi na mauulit pa. Hindi na...

**

Thanks to my classmates for the inspiration. I've been hearing a lot of break-up stories lately. Papalapit pa naman ang Valentines. Nakakalungkot. Maging malakas ka'yo. Para sa inyo ito.

Labels: , , ,


posted by icarus_05 @ 5:10 AM Comments: 5

Monday, November 05, 2007


Fate's Dagger...


She's everything I've ever wanted...

He knelt on the soft grass as he counted every tear falling from the windows of his broken soul. He looked at the darkness of the night sky, as he noticed the moon, slowly fading out as it hides behind the rainclouds.

They played under the bright sun, but it was rainy on his side. He looked at them from afar. Pure envy filled up upon his soul, his heart, then his mind. But whenever he tried to do something, a part of him says no. He couldn't do anything for he doesn't have the right. He sought for his sanctuary to let out all the hatred hidden upon his heart.

Secretly, she looked upon him. Her eyes were filled with pity. She tried to talk to him but she was afraid. So, she never moved a muscle. Paralyzed, as if somebody's preventing her from doing anything. She looked at the other side of her life and went on with it, leaving him alone on that same spot.

He tried to catch every falling tear from his eyes. "Nothing will happen if I won't do anything." He shouted on his thoughts. But what can he do? He wondered. He asked the heavens for answers. He closed his eyes as he wished upon the first night star.

She took another glimpse of him. She really wanted to go closer to him, but still she couldn't do anything. All she could ever do was to look at him from afar. She waited, waited, and waited some more.

Slowly, he stood up. He left his sanctuary to seek for freedom. Freedom from all the sadness and the hatred. He took a deep breath and went on to his only quest: To win back her heart once more. The rainclouds faded as the sunlight burst upon the dark clouds. He gathered all the strength from the heavens.

She watched him as she waited anxiously beneath her own sanctuary. She felt hope, slowly filling up her empty words. A sign of happiness lingered on her lips as a tear fell from her eye. Her thoughts followed him around, as if she was drawing him closer to her.

They both held the Fate's Dagger and thrusted it on the wall that torn them apart. Their eyes met once more. No words can be heard upon their lips, but anyone could sense the whispers of their souls. Fate has brought them together once more. He thought that it will last forever, but he was wrong. She tried to send her message through her eyes. She couldn't move a muscle once more. Darkness slowly drifted her away. He tried to reach for her hand but he failed. He knelt down, paralyzed. Then he heard a voice upon the fading darkness...

"Free me..."

Labels: , ,


posted by icarus_05 @ 6:15 AM Comments: 4

Thursday, September 13, 2007


Breath Taker...


No words can describe the happiness that we felt...


Congratulations to the
UE Red Warriors!

A real breath taker. Sana walang pasok! wohoo! XD

It doesn't matter who wins or losses. All that matters is that you're a Warrior!
A warrior by name, and a warrior by heart!

Labels: , ,


posted by icarus_05 @ 4:14 AM Comments: 5

Thursday, September 06, 2007


New Hair, New Life...


I lost my power..

Ok, i'll let you join the Asian Schools Training as long as I see your
hair cut on sunday.

Those words struck my senses as soon as he said that to me. I couldn't believe what I've heard. It has been my dream to be a part of that bowling team. If not a part of it, at least I could join them in training. But then, the offer had a very hard price. Yes, my hair cut.

My hairstyle has been my trademark in the PBC Youth (Philippine Bowling Congress). Usually, when I play sports, I usually wear a pony tail to keep my hair from covering my eyes. Some youth bowlers find it very disturbing, while some find it cute. I guess not only the Youth bowlers noticed my "style" but the "sponsor recruiters" as well. Kaya pala hindi ako nakakuha ng sponsor dahil hindi daw disente ang itsura ko.

Also, this has been my "look" when I was forced to join the CCSS College Idol last semester. I was always the noticable contestant, for my hair constantly covers my eyes. One of the judges even mentioned: "Alam mo, maganda sana yung mga mata mo, kung hindi lang natatakpan ng buhok mo". The audiences' reaction was the same as hers. I just smiled and flicked my hair.

And lately, I changed my hairstyle to what people call it "The Emo Look". Yes people, emo look. For those bloggers who saw me already, I know that they know this. But then, the covering of the eyes made me very irritable, so I decided to bite their "dare".

I went to my "trusted" barber and had my hair done. I told him to just trim it shortly and never cut it too short. But damn it! I guess he didn't quite get what I've said! As the razor sharp scissors moved closer to my hair, I felt uneased. "Shlick!" And then it happened. The first fall of my uber long hair came down unto my lap. I held it for one last time and closed my eyes. "Shlick Shlick Shlick!" The horrific sound continued. When I opened my eyes, I was shocked by the result...

I felt like I was 5 years younger. I felt like an elementary student! "WTF!" I whispered in my mind.

Nako, kapag hindi pa ako nakuha sa Team Prima nito, leche isusumpa ko na sila!

*Trivia: It takes just only 30 minutes to cut a 1 year grown hair.
Sad, I miss my hair T_T

Labels: , , ,


posted by icarus_05 @ 4:50 AM Comments: 10

Tuesday, July 17, 2007


Going Under...


Just for once... For once...


Til' now I'm still losing my mind. This paranoia's getting worse and I really don't know how to cure it at this rate. I really hate being alone.


Maybe I'm bringing this up to myself. All this things happen because of me. It is all my fault. I'm being too much busy with bowling and stuff that I happen to neglect her sometimes, whenever I'm not busy, she's the one who is. I haven't really thought about it until now. I can feel it, it is all happening again.


As I did my nightly rounds around the blogosphere, I've noticed many things. Iba talaga. Nararamdaman ko na, na para bang unti unti akong lumulubog sa lupa dahil sa dami ng kanyang taga hanga. Marahil ay sa pag tagal, huhukayin na lamang ako sa lupa. Time really affects everything, nobody can stop it from going around. Marahil, nalalaos na nga ako. Maybe after sometime, I'll just be just a flick of dust in her big world.


I guess, jealousy has really taken over me. And pretty much soon, It will devour my consciousness. I'll promise, after this post, I'll give more time to her. Para hindi ako matabunan sa dumadagsang mga tagahanga.


Sorry for another drama post. It's just that I haven't been myself lately. I'll try to come up with another story or a decent post when everything would go back in place just like before.


Just for Once... I want someone who would be afraid of losing me... Someone who would say "Don't go away, I need you here". I'm missing you badly.

Stupid post.. I'm gonna delete this one anyway...

Labels: , ,


posted by icarus_05 @ 7:44 AM Comments: 5

Sunday, July 08, 2007


Back to back Champions... Almost!


And the Crowd goes wild!

Two tournaments happened today. Yes, it was another tiring day for my sister and I. In the morning, the 7th SM Bowling Cup monthly finals took place, hmm.. Nothing much happened really, so let's not talk about it! Haha! (Mababa kasi scores ko XD) And yeah, my sister ranked 5th, and me? Well. I ranked 26th! Haha! (30 kami lahat).

Then, another tournament in the afternoon. Which was TBAM (Tenpin Bowling Association of Makati) monthly finals which took place at Powerbowl in Rockwell Powerplant, Team Prima's homecourt. Haha! This was again, my comeback in TBAM because I stopped playing there when I stepped into college.

After 2 games, I wasn't mentioned at the rankings, but my sister did. She was 1st on the Group B Ladies Division. I felt the "not interested" feeling again when I played the 3rd and 4th game. And I scored below my usual average. Bummer...

But something happened when the 5th game occured that I wasn't expecting. My name was called. "Chabs Coronacion on 5th place" (Group B Men's Division). And my sister was still leading on their division.

Yes, it pumped me up because it gave me the urge to try again. I still have the chance to rank. I threw my first ball and hit a strike. My parents cheered at the background XD. Then, I threw my second ball and scored an 8 and a spare. I bowed my head down with disappointment. Then, someone texted me. It was Jed telling me that UE won the game against UST. (Congrats Red Warriors BTW) When I was starting to input my reply, Kendall, Dyan's teammate and former Developmental Pool member noticed my cellphone's wallpaper. He asked me with curiosity.

"Kuya Chabs! Sino yan?". I told him "Ah eto? Friend ko.. :)". Then he smuged at me as he said "Inspiration mo?". "Ah.. Oo, inspiration ko". I just smiled at him as he was laughing at me. I looked back and noticed that it was my turn to roll the ball...
Guess what happened next.. :)

(sorry malabo, bulok cellphone ko.. Anyway. CC Means Chabs Coronacion. The scores are:

[X] [8/] [X] [X] [X] [X] [X] [X] [X] [XX8] = 278)

Well.. What can I say? I guess, she's my lucky charm.. :)

Oh yeah, I got 2nd. :) Not as good as "Champion" but then, I got a high game. This was my highest game yet :) Wheee! ^_^ And my sister was the champion on their division. ^_^

Labels: ,


posted by icarus_05 @ 6:12 AM Comments: 5

Saturday, June 23, 2007


Food on the Table...


It was fun while it lasted

The heat of the sun filled the empty room as I was gasping for a cool breeze... I remembered, my sister turned off the AirCondition and the Electric Fan was broken... I checked the time, it was already 12 in the afternoon. I stretched up and went down to eat my "breakfast".

The house was in a total mess when I came down, the "housemates" are always having their "spring cleaning" every sunday... But then they never managed to put the sofas and tables back in place. I went to the dining table and noticed that the food was already served... Somehow, I felt relieved...

But then I wasn't very happy with this kind of setup before. Our former housemate also serves the food on the dining table and we have to go there to eat it. This process was good because my family and I can eat together. Well, not really every time because my parents often comes home very late. But then, one day, I asked her If she can serve the food to me so I don't have to go to the table anymore (I'm such a lazy bum). He looked at me with those angry eyes. Probably like you see on YM with this smiley ":-". Oh, how I dreamt of having dinner in front of the pc...

Then one day, she left our house to go home to her province, and then came another housemate. This time, her modes are different. She now serves the food on US. We'll just tell her on what we want to eat then she serves it on us. My dream if finally coming true! No more going up and down to go to the dining table, no more distractions, no more stolen time on conferences and... No more together time with my family... Now that I think of it, I never thought of that before... I was having so much relief on the setup, I forgot the real meaning of having dinner on the dining table... It is the bonding with the family that counts right?..

Sometimes I got tired of the same setup every morning. Everytime I'm hungry and looks for food. And when the housemates are all in bed having their "siesta", there's no food served at the table. It was very frustrating because, I can't cook heavy meals. That was the time when I thought, enough is enough...

Then our housemate left our house saying "magbabakasyon muna ako". Then came another housemate. And as you can see, everything is back to normal... She serves the food on the table again... But then, the lazy bum inside of me misses the former setup... Well, everything is back to normal and I must say... It was fun while it lasted...

"Wait, I'm not finished with my food! Wait! Stop it! Don't clean it yet! Argh! Ateee!!"

Labels:


posted by icarus_05 @ 8:44 PM Comments: 1

Tuesday, May 30, 2006


Intermission number...


Ang inyong mababasa ay walang kinalaman sa love... Hmmm. onti... pwede na rin... Para ito sa mga dati kong kaklase sa MCS na nagtataka kung bakit ako lumipat at anong naging Istorya ko sa bago kong paaralan...


The Pinoy Big Brother Experience

Pinoy Big Brother… Ang Tele-serye ng totoong buhay… Naging patok ang palabas na ito sa puso ng mga manonood… Lalo na sa mga kapamilya. 12 kataong hindi magkakilala, magsasama sa isang bahay sa loob ng 100 araw… No communication from the outside world. Walang ibang kausap kundi ang kapwa nila Housemates at ang walang kamatayang si Big Brother… They must accomplish different tasks para magka reward galing kay Kuya...

It was the same experience I felt nang lumipat ako sa Infanta… The worst part was, hindi ako handa. Unlike the other housemates na gusto talaga nilang makapasok sa bahay ni Kuya.

Same me, same attitude… Pero ibang environment… Ibang mga tao. Hindi ko alam kung makakasurvive ba’ko dito. Isa kasi akong Manila boy na walang alam na kultura kundi Simbang Gabi at Pasko… Tatagal kaya ako dito? Sa lugar na tinurin kong Bahay ni Kuya?

Ang Infanta… Hinalintulad ko sa Bahay ni Kuya, at ang confession room naman ang Simbahan na katabi ng MCSI. Ang Housemates? More than 12 katao ang nakisalamuha ko. Iba’t – Ibang ugali, Iba’t – Ibang pananaw. At isa pa, more than 100 days ang inistay ko dito. Mahigit 270 days…

1st day ko sa Bahay ni kuya, Kailangan kong magpakilala sa’king mga Housemates… Pero dapat creative! ‘Di naman ako nahirapan dahil maraming tumulong sa ’kin… Mga housemates na matagal ko na ding nakilala, at mga relatives na din… Pinakilala ako sa mga friends nila at mga makakasama ko sa buong stay ko dito. Pero unang araw pa lang, napasabak na kaagad ako… Inaya ako ng school band na tumugtog kasama nila, gawa ng isang housmate na hindi ko matanggihan. Syempre, natuwa naman ako dahil chance ko na ‘to para magpakilala sa mga tao. Sa time ng performance, kinabahan ako, dahil all eyes were on me! Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba o uupo na lang ako sa isang tabi! Pero sabi ko, bahala na… Kaya ko naman siguro! Everything turned out great! Nag enjoy naman ako! Pero di ko alam kung nag enjoy din sila sa Entrance ko. Walang pinagbago… All eyes were on me. Nakakatakot… Nakakatense… Pero may side na nakakatuwa!

After the presentation, iba ang naramdaman ko… This tradition was different sa dating school na nakasanayan ko… What a great bonding from different batches. Nakikita ko talaga na pinahahalagahan ang friendship dito sa MCSI… Sa tingin ko makakatagal ako dito! Naisip ko… Kung totoong contest ‘to, Aba! Sure win na ako!

Pero that’s what I thought… First few weeks… Muntik na akong mag give-up… I miss my Family and Friends back in Manila… Binalak kong talikuran ang chances ko dito sa Infanta… Buti na lang nandyan ang Classmates ko, Teachers and fellow housemates… They showed me how this place will change my life… Forever…

I endured every difficult task… New kind of grading system… New teachers… New people… New administration… New classmates… and new housemates… Lahat bago… Bago sa paningin ko. Akala ko babagsak na ako… Ganito pala ang nararamdaman ng mga nasa Pinoy Big Brother nung bago pa lang sila… Pero naisip ko, nandito na ako eh, malayo-layo na din ang narating ko, why stop now?!

Hinayaan ko na lang na dalhin ako ng hangin kung saan… Tinuloy – tuloy ko na. Pinilit kong makasabay sa bagong lifestyle. Buti na lang, madali akong matuto. One more factor kung bakit nadalian ako ay dahil sa maraming tumulong sakin… Pinakita nila na hindi lang ako ang lumalaban sa agos ng buhay, na kasama ko din silang nagpapatakbo ng mundo ko.

Sa kabila ng lahat ng doubts, nagawa kong labanan ang lahat ng tasks! Nakasabay na ako sa mga tradisyon na ngayon ko lang naranasan, mapa-bible study, bible service, Angelus, Confession, pag-welcome ng mga guests man ‘yon. Hindi na umiiral ang homesickness ko… Pero every time na hindi ko nanaman nakakaya, pumapasok lang ako sa confession room at kinakausap ko ang kuya ng lahat… Lagi niya akong tinutulungan sa lahat ng mga problema…

Naging makulay ang bawat araw ko sa MCSI… Kasama ang mga kaibigan ko… They made me feel special every time… Napakasaya ko talaga… Iba ang bonding dito sa Infanta kaysa sa Manila… Kaya’t siniguro ko na napapasalamatan sila everyday. Syempre, hindi din nagpatalo ang mga teachers ko na walang sawang sumuporta sa aming mga estudyante. Malaki ang naging role nila sa buhay ko… Marami sa kanila ang nagpabago sa buhay ko, hinubog ang mga talento ko, naging karamay ko sa mga problema, nagpasakit ng ulo ng dahil sa mahihirap na exams, nagpasaya sa bawat session na kasama sila, naging kabarkada… Feeling ko, ayoko ng umalis pa sa kalinga ng MCSI. Habang tumatagal, gumaganda. Pero naging kalaban ko ang oras. Habang nalalapit na ang “The Big Night” hindi ako mapakali, Feeling ko, hindi ko nalubos ang oras ko dito sa Infanta… I’m just starting to learn a new lifestyle, I’m just starting to enjoy… Tapos Ba-bye na… Pero wala kaming magagawa… Talagang dadating sa punto na kailangan naming magpaalam sa isa’t-isa. Harapin ang mga pagsubok ng Kolehiyo at abutin ang aming mga Pangarap…


Hatid ko lang ang taos puso kong pasasalamat sa aking mga Housemates at dito na rin sa bahay ni kuya na nagpabago ng buong buhay ko. Walang sawa kong inabot ang mga pangarap ko at sana kayo din. “It is you who makes your own Destiny” sabi nga sakin ng isang taong naging malapit sa puso ko. ‘Wag mawalan ng pag-asa sapagkat kahit anong unos ang dumaan sa’ting buhay, lalabas at lalabas din ang bahaghari… Naalala ko tuloy ang sinabi sakin ng isa kong housemate, “Huwag mong kalimutang tumawag sa Diyos” sa lahat ng problema, nandyan si Big Brother para tulungan tayo sa lahat. Sa sandaling pamamalagi ko sa Bahay ni Kuya, sinisiguro kong isa ito sa mga karanasang hinding hindi ko malilimutan…

Habang nalalapit na ang “The Big Night” ang seremonyang hindi namin malilimutan… Lagi kong iniisip kung sino kaya ang magiging “The Big Winner”. Napangiti lang ako ng pumasok sa isip ko na… Tayo palang lahat…

Batch ’05-’06 sa wakas… Graduate na tayo… Ipagmalaki natin sa buong mundo na Carmelian Tayo!

Labels:


posted by icarus_05 @ 10:37 AM Comments: 4



Kapag tumibok ang puso...


Pag tinamaan ka nga naman...

Kagabi pa lang, hindi ako makatulog... Naiiyak na ako sa sobrang puyat, pero kahit anong gawin ko, hindi talaga ako mapatulog ng puso ko... 'Eto namang utak ko, sumabay pa...

Hindi maalis sa isip ko ang isang tao... Grabe, nananaginip na ako, hindi pa ako natutulog. Ang hirap pala talaga kapag in-love ka 'no?

Sa aking 16 na taong pamamalagi sa mundong ito, ito ang mga bagay na natutunan ko tungkol sa Pag-Ibig...

Negatives
  • Mahirap kumain
  • Mahirap matulog
  • Praning, para kang nakadroga
  • Siya na lang lagi nasa isip mo
  • Bigla ka na lang tatawa ng walang dahilan
  • Gastos lang 'yan! (sabi ng ibang mga lalaki)
  • Siya na lang lagi ang bukambibig mo sa mga kaibigan mo
  • Lagi ka na lang tulala kapag wala siya sa tabi mo
  • Nakakabaliw kapag hindi siya nagpaparamdam
  • Gusto mo na siyang makita pero ang bagal ng panahon
  • Mabilis naman ang oras kapag kasama mo na siya (alam ko, badtrip 'noh?)

Marami pa akong alam, pero hindi kakayanin ng isang gabi kapag isinulat ko pa lahat.

Para naman sa ikaliligaya ng mga in-love, heto naman ang positives

Positives

  • Para kang nasa langit kapag kasama mo siya
  • Feeling mo hindi na matatapos ang araw na iyon
  • Siya na lang lagi nasa isip mo (Tama, nasa positive 'din siya)
  • Bigla ka na lang tatawa ng walang dahilan (Isa pa ito, ayaw mo no'n? lagi kang masaya)
  • Lagi kang masaya
  • Gaganahan kang gawin ang lahat ng mga bagay
  • Bigla ka na lang may matatapos na masterpiece sa loob ng isang araw (Artwork, Recipe, Kanta, Article, mga Kwentong Barbero, Tula, Istorya, Theory of evolution ng ipis)

Kung may alam ka pa, i-comment mo lang sa akin at i-dadagdag natin kaagad. Samahan mo na 'din ng limang pisong kikiam.

Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito... Sabi nga sa kanta...

Iba-iba talaga ang pananaw natin tungkol sa pag-ibig, ito ang sa akin, wag ka mag alala, akin lang 'yan, pasesnsyahan na lang kung tinamaan ka. ;)

Labels:


posted by icarus_05 @ 9:04 AM Comments: 2



Love at First Sight...


Naramdaman mo na ba ang Love at First Sight?

Love at first sight? parang napaka hirap paniwalaan diba?
Paano mo bang masasabi na ang nararamdaman mo nga ay love at first sight?
Kapag hindi mo maalis ang mga tingin mo sa taong ito?
Kapag bumabagal ang oras sa tuwing dumadaan siya sa harapan mo?
Kapag may mga paputok sa alapaap kapag siya'y daliang napasulyap sa iyo?
Kapag di ka na makagalaw pag nasa harapan mo na siya?
Kapag nababaliw ka 'pag wala siya sa paningin mo?
Kapag lagi mo siyang naiisip?
Kapag naalala mo siya tuwing naririnig mo ang pangalan niya?

Madaming reasons ang mga tao kaya't nasasabi nila na naramdaman na nga nila ito...

Eh paano kung infatuation lang pala ang nararamdaman mo?...

Di ko masasabing Love at first sight nga ang naramdaman ko... Pero bata pa ako, kaya normal lang sa akin na maramdaman ko ito... Kahit kunwari lamang... Kahit sandali lang... Kahit infatuation lang...

Who can blame me? masarap ang feeling pag nakakita ka ng isang taong nakakapag patibok ng puso mo...
Masarap ang pakiramdam tuwing nakikita mo ang dream girl o boy mo na naglalakad sa tabi mo...
Masarap ang pakiramdam tuwing kasama mo siya at dahan dahan siyang tumatabi sa iyo...
In short... Masarap ang mainlove...
Kahit infatuation lang... Di ba?

Labels:


posted by icarus_05 @ 3:04 AM Comments: 25

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>