|
Wednesday, September 13, 2006
The Taste of Love Part3...
There and back again...
Nabuhayan ako at muling ginananahanng maglaro, dahil nandoon kang muli upang sumuporta... Nandoon ka muli upang magbigay ng masasarap na meryenda, nandoon ka muli... Ang inspirasyon ko sa bawat bato ng bola...
Ngunit wala pa rin akong magawa, hindi ko pa rin masabi ang aking tunay na nararamdaman sa iyo... Ewan, natatakot talaga ako... Iniisip ko na baka hindi mo ako tanggapin, dahil mas bata ako sa iyo... Masakit man sa akin, pinili ko na lang manahimik... Minahal kita ng patago... Minahal kita, pero hanggan saan naman kaya ito tutungo?
Isang gabi, muli ka nanamang nawala, hindi nanaman ikaw ang naka assign sa stall... Hinanap kita sa mga staff doon, ngunit hindi rin nila alam ang iyong daliang pagkawala... Wala na akong nagawa, bumili na ako ng Ice Coffee at ng dalawang donut at dumerecho na sa lanes upang makapaglaro...
Lumalalim na ang gabi, pagod na kami ng kapatid ko sa paglalaro, alas nuebe na noon, at pasara na ang mga tindahan sa loob ng mall, pati ang nasabing food stall... Minasdan kong mabuti ang pagsara ng stall, umaasa akong baka makita kitang muli, bago man lang kami umuwi... Tama ang hinala ko... Naroon ka, nakaupo katabi ng kaherang nakaassign sa araw na yaon... Naka sibilyan ka at naka make up... Nagulat ako, dahil unang pagkakataon ko pa lang siyang nakitang naka suot ng ganoon... Iba, nagmukha siyang mas bata... Lalong naging blooming ang kanyang mukha... Maganda... Sobrang ganda... Ngunit wala akong nagawa... Minadali kong niligpit ang gamit ko, binuhat na ang 14 pounds na bola at tumingin muli sa istall... Habang pinupunasan ang aking bola, nakita kitang tumatakbo, tila nagmamadali papalabas... Sinundan kita ng tingin... Ako'y nabigla sa aking nakita...
Ika'y lumapit sa isang binata... Matipuno ang pangangatawan at totoong kagwapuhan... Niyakap mo ito at binanatan ng halik sa pisngi... Hinawakan niya ang kamay mo at dalian nang umalis... Dahan dahan kang nawawala sa paningin ko... Papalayo sa damdamin ko... Naglalaho na lang bigla sa puso ko... Napatayo ako ng matagal, muntik nang bumagsak ang hawak kong bola... Buti na lang at ginising ako ng kapatid ko sa bangungot na ito... Ginising niya ako... Wala na akong nagawa... Wala na talaga... Niligpit na ang gamit ko... At umupo panandali... Nag iisip, at napaluha ng kaunti...
Nariyan na ang aming sundo... Palabas na sana ako nang makita ko siyang nakaupo sa mga bangko sa loob... Tinawag ko siya... Tumingin siya sa akin, ngumiti at kumaway...
Wala na akong nagawa kundi ang kumaway na rin...
Paalam, paalam... Muli nanaman akong naiwan... Sa mundo ng pag ibig na aking kinatatayuan... Kailan na bibitawan, ang bigat na aking pasan?..
Iyon na pala ang huli kong kaway sa kanya... Iyon na rin ang huling pagkakataon na makikita ko siyang ngumiti... Ayon sa bagong kahera, na assign ka na raw sa iba... Hindi sa ibang stall, ngunit, sa ibang mall... Hindi na pala talaga kita makikita... Hindi na... Wakas... Labels: Series, Stories from the heart, The Taste of Love
Monday, September 11, 2006
The Taste of Love Part2...
I didn't saw it coming...
Araw-araw ng aming pagbalik sa bowling center, siya lagi ang una kong hinahanap... Lagi akong bumibili sa kanya, mapa donut o Ice coffee man iyon... Kung baga, ako ang nag iisa niyang suki... Ako lagi ang pumapakyaw ng kanyang paninda... Ginagawa ko iyon para lang mapalapit at makausap siya...
Di nagtagal, naging malapit kami sa isa't isa. Nakakabiruan ko na at open na kami sa isa't isa... Pero hindi ko pa rin sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko.. Ewan, hindi ko alam kung papaano... Bawat strike na nagagawa ko, lagi siyang pumapalakpak. Bawat kapalpakan naman na ginagawa ko, lagi niyang sinasabing "Ok lang yan!". Ginaganahan ako, na maglaro araw-araw... Napakagaling niya, ewan ko ba kung anong meron siya... Grabe, ang bilis kong nahulog sa kanya...
Habang lumilipas ang panahon, bihira ko na siyang makita... Hindi ko alam kung bakit... Isang araw lumapit ako sa kanya... Luhaan siya habang nagbibilang ng kinita... Tinanong ko siya kung bakit...
"O, bakit ka umiiyak?" "*sob* I-aasign na daw ako sa main store..." "O, ayaw mo non? Mas malaki kita mo..." "Oo nga, pero ayoko doon! Marami na akong kilala dito, masaya na ako dito" "Ganun ba, bakit hindi mo iyan sabihin sa kanila?" "Ayoko nga, baka sabihin nila ang demanding ko..." "Kesa naman sa hindi ka masaya sa trabaho mo diba?" "Oo nga... Ewan, bahala na..." ""Haay.. Hayaan mo, bibisitahin kita araw-araw sa main!" "Haha, ok lang! Kahit wag na..." "Asus! Hehe, sige, pagbili na lang ng donut, libre kita :P" "Salamat..."
Lumitaw ang ngiti sa kanyang labi, at nag punas siya ng luhang unti-unti nang nalalaglag... Marahil ay napasaya ko siya, marahil din ay hindi... Pero isa lang ang nagpabagabag sa aking damdamin... Paano na ako makakalaro ng maayos? Kung wala na siya para suportahan ang bawat bato ko? Kung wala nang pumupuri sa akin tuwing nakakstrike ako? Kung wala na siya, wala na sa piling ko...
Lumipas ang panahon... Nawalan ako ng ganang maglaro... Iba na ang nakikita ko sa counter, isang magandang dalaga rin ngunit, It's not the same... Hindi ko nararamdaman ang nararamdaman ko sa kanya... Nasira ang laro ko...
Araw-araw, pagkagaling sa eskwela, dumadaan ako sa main shop, ngunit hindi ko siya nakikita, bawat Donut stalls sa buong mall pinupuntahan ko, wala talaga siya... Hindi ko na siya nakikita... Marahil ay hindi na muli pa... Hindi ko pa nasasabi sa kanya... Paano na?
Lumipas ang ilang buwan... Pumasok ako ng Bowling Center... Hindi na akong nag abalang tumingin pa sa stall, dahil alam kong hindi ko naman siya makikita... Binulungan ako ng aking kapatid... "Kuya, bili mo ko Ice Coffee..." Nakasanayan na namin ang bumili nito, nung siya pa ang kahera... Binigay niya sa akin ang pera, lumapit ako sa istall sinabing, "Pabili nga pong ice coffee..." Habang binibilang ko ang aking dalang salapi... "Anong Size?" nagulat ako... Pamilyar ang boses na iyon!.. Tinignan ko... Tama ang hinala ko... Siya nga! Muli kaming nagkita... Matagal na nagkatinginan ang mga mata...
To be continued... Labels: Series, Stories from the heart, The Taste of Love
Friday, September 08, 2006
The Taste of Love...
Every bite I make, I think of you...
Isang boring na araw ang naganap... Wala talagang magawa no'n, ni walang palabas sa telebisyon, ni walang malaro sa playstation... Nakakatamad, nakakaantok, pero ayokong matulog... Inaya ako ng kapatid kong mag bowling para naman daw may magawa kami... Agad naman akong sumangayon... Wala na rin akong praktis at talagang nakakatamad na sa bahay...
Dumating kami ng bowling center, pare parehong mukha pa rin ang nakikita ko... Wala pa ring pagbabago... Pero may napansin akong bago sa paningin ko... Ang dating plain na bowling center, ngayon ay mga maliliit na food stalls na... Mas gaganahan na akong maglaro niyan dahil may pagkain na sa paligid... Habang ako'y nagmamasid, mayroon akong napansin... Hindi pagkain, kundi isang tao... Isang dalaga... Nandoon siya, nag seserve at nagtitinda sa isang food stall na nabanggit... Kakaiba ang naramdaman ko no'n... Para bang, bigla akong nagutom, at hinihila ako ng katawan ko papunta sa food stall na iyon... Tumingin sa akin ang dalaga... Nakangiti siya at tila namumula... Nginitian ko lang din siya sabay sabi niyang... "Good Afternoon sir! Ano pong order nila?"... Tulala lang ako kanyang kagandahan... Hindi ako makagalaw... Tapos, napansin kong kinakawayan na niya ako... "Sir... Ano pong order nila?" *chuckles*... Tulala pa rin ako, pero nagawa kong ituro ang aking gustong bilhin... Tumawa lang siya, agad niyang kinuha at ibinigay sa akin... Inabot ko ang bayad ko, at biglang napahaplos ang kanyang malalambot na kamay sa aking kamay sabay sabing... "Thank you sir! Come Again!"... Oo, talagang babalik ako... Umupo ako isang bangko at kinain na ang binili kong Strawberry Filled Donut... Sa mahilig sa donut, marahil ay alam niyo kung gano kadungis ang pagkaing ito sa bibig... Dahil sa pagmamadali ko at medyo nahihiya ako, nakalimutan kong humingi ng tissue... Pero di ko napansin na wala pala akong tissue na dala... Kain lang ako ng kain, sabay ng nanakaw ng tanaw sa kanya... Pero napansin kong medyo tumatawa siya, lumingon ako para umiwas, marahil ay nakita niya akong tumitingin sa kanya... Nang sumulyap muli ako, nawala siya sa stall, hinanap ko siya... Hinanap ko... Nang biglang may kumalabit sa likod ko... Agad akong lumingon at nagulat sa nakita ko... Nasa harapan ko siya, nakangiti... Sabay may inabot sa akin... "Sir, Tissue po oh..." OH MY GOD! Iyon na lang ang reaksyon ko, ngumiti lang siyang muli, sabay naman ang daliang pag punas ko sa aking bibig na punong puno na pala ng puting pulbo na galing sa nasabing donut... Ngumiti ako at agad na tumalikod at tumakbo na sa Lane namin... Tawa lang ako ng tawa at namumula... Pero, iba... Ang saya...
To be continued... Labels: Series, Stories from the heart, The Taste of Love
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|