Wednesday, September 13, 2006
The Taste of Love Part3...
There and back again...
Nabuhayan ako at muling ginananahanng maglaro, dahil nandoon kang muli upang sumuporta... Nandoon ka muli upang magbigay ng masasarap na meryenda, nandoon ka muli... Ang inspirasyon ko sa bawat bato ng bola...
Ngunit wala pa rin akong magawa, hindi ko pa rin masabi ang aking tunay na nararamdaman sa iyo... Ewan, natatakot talaga ako... Iniisip ko na baka hindi mo ako tanggapin, dahil mas bata ako sa iyo... Masakit man sa akin, pinili ko na lang manahimik... Minahal kita ng patago... Minahal kita, pero hanggan saan naman kaya ito tutungo?
Isang gabi, muli ka nanamang nawala, hindi nanaman ikaw ang naka assign sa stall... Hinanap kita sa mga staff doon, ngunit hindi rin nila alam ang iyong daliang pagkawala... Wala na akong nagawa, bumili na ako ng Ice Coffee at ng dalawang donut at dumerecho na sa lanes upang makapaglaro...
Lumalalim na ang gabi, pagod na kami ng kapatid ko sa paglalaro, alas nuebe na noon, at pasara na ang mga tindahan sa loob ng mall, pati ang nasabing food stall... Minasdan kong mabuti ang pagsara ng stall, umaasa akong baka makita kitang muli, bago man lang kami umuwi... Tama ang hinala ko... Naroon ka, nakaupo katabi ng kaherang nakaassign sa araw na yaon... Naka sibilyan ka at naka make up... Nagulat ako, dahil unang pagkakataon ko pa lang siyang nakitang naka suot ng ganoon... Iba, nagmukha siyang mas bata... Lalong naging blooming ang kanyang mukha... Maganda... Sobrang ganda... Ngunit wala akong nagawa... Minadali kong niligpit ang gamit ko, binuhat na ang 14 pounds na bola at tumingin muli sa istall... Habang pinupunasan ang aking bola, nakita kitang tumatakbo, tila nagmamadali papalabas... Sinundan kita ng tingin... Ako'y nabigla sa aking nakita...
Ika'y lumapit sa isang binata... Matipuno ang pangangatawan at totoong kagwapuhan... Niyakap mo ito at binanatan ng halik sa pisngi... Hinawakan niya ang kamay mo at dalian nang umalis... Dahan dahan kang nawawala sa paningin ko... Papalayo sa damdamin ko... Naglalaho na lang bigla sa puso ko... Napatayo ako ng matagal, muntik nang bumagsak ang hawak kong bola... Buti na lang at ginising ako ng kapatid ko sa bangungot na ito... Ginising niya ako... Wala na akong nagawa... Wala na talaga... Niligpit na ang gamit ko... At umupo panandali... Nag iisip, at napaluha ng kaunti...
Nariyan na ang aming sundo... Palabas na sana ako nang makita ko siyang nakaupo sa mga bangko sa loob... Tinawag ko siya... Tumingin siya sa akin, ngumiti at kumaway...
Wala na akong nagawa kundi ang kumaway na rin...
Paalam, paalam... Muli nanaman akong naiwan... Sa mundo ng pag ibig na aking kinatatayuan... Kailan na bibitawan, ang bigat na aking pasan?..
Iyon na pala ang huli kong kaway sa kanya... Iyon na rin ang huling pagkakataon na makikita ko siyang ngumiti... Ayon sa bagong kahera, na assign ka na raw sa iba... Hindi sa ibang stall, ngunit, sa ibang mall... Hindi na pala talaga kita makikita... Hindi na... Wakas... Labels: Series, Stories from the heart, The Taste of Love
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|