Tuesday, September 05, 2006


Connected Decisions...


Finally, after some time, natapos din ang layout ko, pero wala namang masyadong nag bago... Inspired by Final Fantasy 8, at Dirge of Cerberus ang tema ng captions... First time ko kasing gumamit ng Flash, at medyo nalilito pa ako sa Photoshop... Sana magustuhan niyo, from blogskins parin yan, pero balang araw, gagawa din ako ng sarili kong layout... That's it for now... Thanks nga pala kay Karla sa tulong, siya gumawa halos lahat ng ito, kung hindi dahil sa kanya, hindi ito matatapos... Salamat talaga ng marami! Balang araw, makakabawi din ako sa iyo... Nominado nga pala siya, Nawa'y suportahan niyo siya tulad ng pagsuporta niyo sakin noon! Salamat! Dito kayo bumoto.

They are connected, somehow...

Medyo konektado ito sa post kong Twisted Decisions... Matapos ang ilang linggo, ito na ang naging desisyon ko... Maayos naman ang kinalalabasan...

Decision no. 1
Bowling Sponsorship... Tinanggap ko ang offer ng Ad-Style Signages Mktg. Kasama ng kapatid ko, officially sponsored na kami nito... Marami na rin kaming pinasukan na tournaments, at nanalo pa ako sa isa! First time kong sumali ng tournament, champion pa, salamat naman at nasa side ko ang chamba!.. Enjoy naman ako dito, medyo nawawala pansamantala ang mga problema ko, tuwing naglalaro ako nito... Marami na rin akong nakilala dahil sa larong ito, sana tuloy tuloy ang enjoyment na ito...

Decision no. 2
Music Career... Hindi ko pa rin tinalikuran ang Musika, kahit hindi na ako masyadong nakakagawa ng kanta ngayon (hindi inspired), nagkakaroon pa naman ako ng oras na makipag jamming sa mga classmates ko sa kolehiyo, may balak din kaming sumali sa Battle of the Bands sa UE sa Foundation Day nito ngaung setyembre... Pero mahirap pa rin talaga ang walang sariling instrumento sa bahay, hindi ako nakakapraktis masyado (drums)... Balak ko nga sanang gamitin ang perang maiipon ko sa mga panalo (kung meron man) ko sa bowling tournaments pang bili ng drumsets at ng kung anu-ano pa... Yun ay kung suswertehin at kung papahintulutan ng aking mga magulang...

Decision no. 3
Blogging... Need I say more? I won't leave blogging! Pero, medyo hindi na ako nakakapost ng madalas tulad ng dati, dahil sa bowling training... Kasama kasi iyong sa offer ng sponsor, libreng laro, libreng training, libreng practice... Time consuming nga pero nakakahanap pa naman ako ng panahon sa blogging... Thanks nga pala ulit sa mga sumuporta sa akin sa Filipino Blog of the Week noon! Sana suportahan niyo naman ang aking kaibigang si Karla, I think she really deserves the title, ang laki kasi ng natulong niya sa akin... Sa iba't ibang aspeto, I really want to return the favor... Sana tulungan niyo ako...

Decision no. 4
Love life... Hmm, sa ngayon, naghihintay pa rin ako... If you guys still remember, nagtatanong ako dati kung anong magandang iregalo sa kaniyang kaarawan... Medyo hindi natupad ang nasa imagination ko, pero buti na lang at to the rescue ang aking ama... Bumili siya ng Cellphone na 6600 ata ang model... Iyon na lang ang niregalo namin sa kanya, hindi ko alam kung nagustuhan ba niya, dahil ayon sa aking ama, gusto daw niya itong ibalik... Ewan ko kung bakit... Kaya ngayon, medyo nakakausap na kami ng madalas... Kaso tuwing may load lang siya, ngayong busy nanaman sila, hindi na rin siya masyadong nagpaparamdam... Ayos lang naman iyon sa akin, basta alam kong ligtas siya... Tama na muna ang kaartehan ko, kailangan din namang pagkatiwalaan ko siya... Tsaka, kung ano mang ginagawa niya, wala akong karapatang hadlangin ito... Hindi naman kami diba? Kapal naman ng mukha ko kung ganoon... Nag fe-feeling ika nga... Kaya heto pa rin ako, naghihintay... Sana, bumalik na ule ang inspirasyon ko para makagawa muli ako ng mga awiting para sa kanya...

Nagsisimula pa lang ang lahat... Marahil ay marami pang mangyayari sa hinaharap... Hindi natin alam kung anong mangyayari... Bahala na ang Diyos sa atin, siya lang ang tanging nakakaalam ng daan na dapat nating tahakin... "It's for him to know and us to find out" ika nga... Bahala na... Idaan sa musika ang problema...

posted by icarus_05 @ 8:09 AM Comments: 5

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>