Tuesday, October 23, 2007


The Lost Paradise...


He turned his back on her as his eyes filled with tears...

Ngumiti siya panandalian, ngunit hindi pa rin niya maitago ang kalungkutang nasa kanyang puso. Tumitig lamang siya sa kawalan habang hawak ang kanyang malalambot na mga kamay...

Malumanay niyang hinaplos ang kanyang malambot at mahabang buhok, dagliang pagkalma ng kalooban ang kanyang naramdaman sa mga oras na yaon. Hindi rin maitago sa kanyang mukha ang bakas ng kaligayahang minsan na ring naipagkait sa kanya. Tinitigan niya ang kanyang mga mata sabay na pagbulong ng kanyang mga nadarama. Ngumiti lamang ang dalaga, pero pansin ang pagkamanhid sa kanyang reaksyon. Napansin ito ng binata, kaya't unti unting humahapyaw ang kaligayahan na nadarama.

Humiga silang dalawa upang pagmasdan ang bughaw na kalangitan. Hinawakan ng binata ang kanyang kamay. Mahigpit ang pagkakapit niya dito, ngunit ang dalaga'y hindi man lang kumapit pabalik. Nawala ang paningin ng binata, puro kawalan ang lumabas na imahe sa kanyang utak. Wala na siyang naramdaman. Unti unti siyang kumalas mula sa pagkakahawak niya sa malambot na kamay ng dalaga.

"Ano na ang nangyari sa atin sinta?" Ang bulong ng binata. Napatingin sa kanya ang dalaga na may halong pagtataka sa kanyang mga mata. "Bakit? Hindi ka ba masaya na makasama ako?" Ang sagot niya. Pinikit niyang panandalian ang kanyang mga mata habang dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.

"May itatanong ako sa iyo, kung iyong mamarapatin."
"Ano iyon?"
"Masaya ka pa ba sa akin?" Sabay na pagtingin niya sa dalaga.

Tumulo ang luha sa mga mata ng dalaga, hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Dahan dahan siyang tumayo at sumunod naman ang binata. Tinitigan niya ito sa mga mata.

"Hindi ko alam... Hindi ko alam..."
"Hindi ko alam?"
"Hindi ko alam, pero unti-unti nang nawawala ang nararamdaman ko para saiyo."
"Ano? Bakit?"
Tumahimik lamang ang dalaga

Napatigil ang binata sa kanyang pag hinga. Dalian namang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi siya makapag salita, hindi siya makagalaw. Tinalikuran niya ang dalaga upang hindi makita ang pagtulog ng kanyang mga luha. Naramdaman niyang dahan dahang sumandal ang dalaga sa kanyang likuran at hinawakan ang kanyang nanginginig na mga kamay.

"Kahit anong mangyari, nandito lang naman ako diba?"
"Alam ko naman iyon."
"Huwag ka nang malungkot, hindi kita iiwan."
"Huwag malungkot? Akala mo ba madali lang iyon?"

Pero nagtataka pa rin ang binata, kahit gaano kasakit ang nararamdaman niya, hindi pa rin niya lubos maitago na mahal pa rin niya ang dalaga. Pinilit niyang maging masaya, pinilit niyang ngumiti. Ngunit, hindi nga iyon ganoon kadali. Tumingala siya sa kalangitan. "Bahala na" ang tanging sinisigaw. Hindi niya akalaing sa sariling paraiso pa niya mag tatapos ang lahat. Malungkot niyang hinarap ang dalaga, at sabay na pag lisan niya sa kanilang nawalang paraiso...


Labels:


posted by icarus_05 @ 12:19 PM Comments: 4

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>