"Kung pabigat na ang henerasyon natin ngayon, paano pa ang susunod?"
Oo, ang susunod. Marahil, iyon na ang henerasyon ng ating mga anak, apo at apo sa tuhod. Kay bilis ng panahon ano? Pero, ano mang ligaya ang hatid ng mga ito sa atin, hindi pa rin natin mapipigil ang pag usbong ng teknolohiya, nagiging tamad na ang mga kabataan, at dahil sa teknolohiya, nawala na ang pagiging inosente ng mga pag-asa ng bayan. Hindi ko alam, pero, ngayon. Nakakarelate na ako sa mga pinagsasabi sa akin ng mga kamag anak na matatanda. Oo, marahil ay tumatanda na din ako, pero, gusto kong baguhin ito, kahit sa maliit na paraan na kaya ko.
Napanuod ko din yung commercial sa TV nina Ceasar Montano at ng anak niya. Yung Coffee Mate. At ako'y medyo na ilang sa labas ng nasabing patalastas. Pure english ang salita. Aaminin ko, na elibs ako sa bata, ang galing niyang mag ingles sa kanyang murang edad, ni ako nga, hindi ako makapagsabi ng isang buong sentence ng derecho pwera na lang kung kakantahin ko ito eh. Pero, nailang ako sa side na, pure english siya. Paano na lang ang mga kababayan nating hindi marunong mag ingles? Maiintindihan kaya nila ang patalastas na iyon? Eh paano kung sinabi sa patalastas ay "It will make you sick to your stomach until the end of time" pero ang ipinakita sa telebisyon ay naginhawa mula sa malubhang sakit ang isang matanda? Bibili ka pa ba kung hindi ka nakakaintindi ng Inggles?
Araw-araw, nasa bowling center ako, nagpapraktis. Marami akong nakikita, iba't ibang tao, iba't ibang pananaw, at iba't ibang lenggwahe. Oo, iba iba ang lenggwahe. Marami sa mga kabataang edad lima hanggang pito ay "fluent" na ang pagsasalita ng english. Magaling pa sa Prof ko! At nakita ko rin ang mga kabataang kasama sa henerasyon natin na Taglish naman ang kanilang "Native Tongue". Sobrang nakakailang. Gusto ko sanang sabihin na. "Parang awa niyo na. Kahit ngayong Agosto lang, mahalin niyo naman ang sarili ninyong wika! Nasa Pilipinas kayo diba?"
Inaamin ko, isa akong Manila boy. Sa Maynila, mahirap makipagsabayan, lalo na kung di ka marunong magpaka "In" diba? Sinubukan ko dati iyang taglish na iyan, pero hindi ito umaprub sa akin, at nagmukha lang akong bakla. Pero, nagkaroon ako ng tsansang mamuhay sa probinsya. Dun ko na aapreciate ang ating sariling wika, dahil ang lenggwaheng gamit don ay Tagalog. Yung malalalim ba. Dahil sa karanasan kong iyon, lalong lumakas ang pag mamahal ko sa wikang Filipino. Dahil, mas lalo akong naging bukas sa mga pananaw, bukas sa mga ideya, at bukas sa Diyos.. Hindi ko na kailangan pang mag kunyari. Hindi ko na kailangang magpaka conyo para lang maging In. Masaya na ako sa pagiging Pilipino ko. Masaya na ako sa pagiging isang Indyo. Mas gugustuhin ko pang matawag na Bachellier con Artes con todos borricos (tama ba ispeling?) Kesa maging, "Trying-Hard-wanna-be poser." Mahal ko ang Wika ko, mahal ko ang bayan ko. "Proud Filipino to. Taas mo!"
Nasa sa atin nakasalalay ang pagiging nasyonalistiko ng susunod na henerasyon, nasa sa atin nakasalalay ang kinabukasan nila. Pero, nasa sa atin din ang desisyon kung paano natin sila palalakihin. Good Luck sa atin. At tandaan nyo, lagi kayong kasama sa aking mga panalangin.
Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p're
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia