|
Friday, June 30, 2006
My Textmate... My Soulmate part4...
"Magkita naman tayo, may gusto akong sabihin sa iyo... Alam mo naman address ko diba?! Sige! Kitakitz! Gusto ko bigyan mo ako ng bulaklak ha! Yung paborito ko, yung lumiliwanag tuwing full moon..."
Pumunta ako sa bahay nila, dala ko ang bulaklak na sinasabi niya... Maganda nga ang bulaklak, pero hindi ko pa siya nakikitang lumiwanag... Full moon nga pala mamaya...
Dahan dahan kong inakyat ang hagdanan patungo sa pintuan ng kanilang tahanan... Bawat hakbang na ginagawa ko, lalo akong kinakabahan... Hindi ako mapakali, excited na akong makita siya... Dahan dahan kong kinatok ang pintuan, ang tagal kong naghintay sa sasagot sa pinto, bumibilis ang tibok ng puso ko... Sa wakas, makikita ko na din siya... Unti-unting bumukas ang pinto, ang nanay niya ang nakita ko...
"Ano po iyon?" "Ah, Nandiyan po ba si Carla?" "Carla? Uhm, ikaw ba si Mico?" "Ah, opo, ako nga po..." "Halika tuloy ka!" *bakas ang tuwa sa kanyang mukha*
Pumasok ako sa kanilang bahay, malaki ito, maginhawa, matatawag talaga itong tunay na tahanan... Ang daming letrato niya ang nakasabit sa pader, ang ganda pala niya, siyang siya yung babaeng nakasama ko sa panaginip ko... Tama pala ang na isip kong itsura niya... Ang galing... Umupo kami sa hardin at doon nag usap, kinuwento niya sa akin ang buhay ni Carla... Pero nagtataka ako, bakit hindi ko pa siya nakikita?..
"Uhm, nandiyan po ba si Carla?" "..." *nagulat ako ng biglang tumulo ang luha sa kanyang mga mata* *wala akong nagawa kundi lapitan siya* "Bakit po? Ano pong nangyari" "Wala na si Carla... Pumanaw na siya, mahigit dalawang buwan na ang nakalipas" "Ha? Sigurado po kayo? Pero kahapon, nagtext po siya sa akin..." "Maaring gusto niya itong makarating sa iyo, marahil may gusto siyang sabihin..." "Bakit ganon, bakit po wala siyang sinabi..." "Baka siguro, ayaw niyang masaktan ka..." "..." "Bawat segundo ng kanyang buhay, hawak niya ang cellphone niya, gusto niyang ikaw lagi ang makausap niya, grabe siguro ang pagtingin niya sa iyo ano?" "Ganun din naman po ako sa kanya... Sabihin niyo po sa akin, ano pong dapat kong gawin?" "Napansin kong dala mo ang paborito niyang bulaklak..." "Ah, opo, sabi po kasi niya sa akin, dalhin ko raw po ito..." "Mabuti iyan, subukan mong dalawin siya, siguradong matutuwa iyon pag nalaman niyang bumisita ka..."
Tulala akong lumabas ng kanilang bahay, hindi ko alam kung ano pang gagawin ko, lalo na't ngayong wala siya, ng dahil lang sa cellphone... Nagbago ang lahat... Hindi talaga ako makapaniwalang wala na siya... Dalian akong pumunta sa kanyang puntod, hindi na ako nagsayang pa ng oras... Gabi na ng dumating ako doon... Pagod na pagod, lumuluha... Tama nga, ngayon lang ako natauhan, talaga ngang wala na siya... Nandoon lang ako, katabi niya, tulala, hindi kumikibo, parang wala na sa mundo... Unti-unti nang dumidilim, malamig... Pero nawala din ang takot ko ng biglang may liwanag na sumilaw sa akin... Lumiwanag ang bulaklak na hawak ko, hindi ako makapaniwala... Manghang mangha talaga ako... Bakas na ang ngiti sa aking mga labi, lalo na ng tumunog ang aking cellphone...
"Wag kang matakot Mico... Hindi kita iiwan, tandaan mo, tuwing natatakot ka at nababalot ng dilim, tuwing nag-iisa ka at walang makausap, andito lang ako, sa liwanag ng bulaklak na ito... Ang ganda niya ano? Maraming salamat talaga sa lahat... Hinding hindi kita malilimutan... Paalam..."
Lumiwanag ang paligid, pero iba na ito, nakangiti na ako, alam kong masaya na siya doon, iyon lamang ang tanging hangad ko... Kahit sa panaginip ko lang siya nakausap, masayang masaya na ako... Kahit hindi pa kami nagkikita, ramdam ko naman na lagi siyang nandiyan... Ng dahil lang sa Cellphone ko... The End...
 Labels: My Textmate My Soulmate, Series
Thursday, June 29, 2006
My Textmate... My soulmate part3...
Bakit kaya?.. Bakit parang iba siya?..
Dalawang linggo siyang hindi nag text... Nag alala talaga ako ng husto ng mga panahong iyon... Hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi ko nababasa ang pangalan niya sa aking cellphone... Nakakapanibago... lalo akong kinabahan... hindi na ako mapakali... Nakatulog ako sa kakahintay... Napanaginipan ko siya, inisip ko ang itsura niya, nakita ko ito sa aking panaginip, pero hindi ako sigurado... Nandoon kami, sa isang malawak na hardin, nakaupo sa lilim ng isang malaking puno... Nakatingin siya sa aking mga mata, at ako din naman sa kanya... Ang saya ng panaginip kong iyon, parang ayoko ng gumising...
"Mico, maraming salamat sa iyo... salamat talaga..." "Walang anuman... Dapat nga ako pa magpasalamat sa iyo eh..." "Hindi talaga kita malilimutan..." *nakangiti pero napansin kong may tumulong luha mula sa kanyang mata...* "O, bakit ka umiiyak? Ayos ka lang?" "Oo, ayos lang ako... Siguro dahil masaya lang talaga ako at nakasama kita ngayon" "Talaga? Ako din, sobrang saya ko... Totoo ba ito?!" "Hindi ko rin alam, sana nga..." "Oo sana nga..." "Sabihin mo nga sa akin, gaano mo ako kamahal?!" "Walang sukat ang pagmamahal ko sa iyo..." "Hindi ako naniniwala..."*sabay kindat* "Ganito na lang..."
Sa tuwing sisikat ang araw, lagi akong umaasa na ikaw agad ang unang babati sa akin, hindi ako mapakali kapag di ko nakikita ang pangalan mo... Hindi ako makapag isip ng maayos kapag hindi kita nakakausap, natuto akong makisalamuha sa mga tao ng dahil sayo, binago mo ang lahat sa akin, binago mo ang buhay ko, mas naging makahulugan pa ito... Ng dahil sayo natuto akong magmahal, ng dahil lang sayo... Sa tuwing sasapit ang gabi, lagi akong kinakabahan, natatakot na baka bukas hindi ka na magparamdam... Hindi ko kaya ng wala ka sa buhay ko... Ngayon, tatanungin mo pa ba ako kung gano kita kamahal?!
Ngumiti lang siya sabay humalik sa akin...
Nagising ako mula sa aking pagkakahimbing... Tinignan ko agad ang cellphone ko, may mensahe...
"Magkita naman tayo, may gusto akong sabihin sa iyo... Alam mo naman address ko diba?! Sige! Kitakitz! Gusto ko bigyan mo ako ng bulaklak ha! Yung paborito ko, yung lumiliwanag tuwing full moon..."
-To be continued...
Labels: My Textmate My Soulmate, Series
Tuesday, June 27, 2006
My Textmate... My Soulmate part2...
I think this is the start of something new... Ganito pala ang feeling kapag may "kaibigan" ka...
Tuloy tuloy ang pagte-text namin, hanggang inabot na kami ng umaga... Ibang kasiyahan ang naramdaman ko noon, siguro dahil nagkaroon din ako ng makakausap...
Araw-araw niya akong sinesendan ng love quotes, araw-araw siyang nangangamusta, nagpapatulong din siya sa mga problema niya, lalong lalo na sa love life...
One time, niloko siya ng kanyang BF, nabalitaan niya na may 2nd party daw siya mga tatlong buwan na... Sobrang nasaktan si Carla sa nangyari... Hindi ako nagdalawang isip, tinawagan ko siya kaagad, para maiparamdam sa kanya kung gano siya ka espesyal at kung gano siya kahalaga sa akin... Ang ganda pala ng boses niya...
"Alam mo Carla, he's not even worth your love..." "I think your right... Nakakainis siya, ayokong ayoko na siyang makita..." "Edi wag, wag ka mawalan ng pag asa, maraming lalaki dyan na mas higit pa sa kanya" "Talaga?.. Salamat ah..." "Wag ka mag alala, nandito lang ako, di kita iiwan..." "Salamat talaga ha..." "Walang anuman..." "Hmph! Akala niya siya lang marunong mag 2 time! Pwes! Nagkakamali siya!" "Yan! Tama, think positive!" "Subukan kaya natin?! Ok, Simula ngayon tayo na ha!" "Waaah! Seryoso ka?! Wag ka ngang magpatawa..." "Seyoso ako! Ok, remember the date! Today is September 18..."
Nang dahil sa pangyayaring iyon, naging kami... Hindi ko inaasahan, hindi ako makapaniwala...
Mas lalo pang naging maganda ang aming "pagsasama" ng dahil lang sa cellphone ko... Oo, ng dahil lang sa cellphone ko, nagbago ang buhay ko... Nagbago ang lahat ng paniniwala ko... Ng dahil sa cellphone ko, nagbago ang pananaw ko, nagbago ang lahat... Natuto akong magmahal...
Ang lokohan na iyon o "trial" di nagtagal, naging tunay na... Tumagal din kami ng ilang buwan... Ang saya ng bawat araw na magkausap kami... Pero, sobra naman ang paghihirap namin dahil hindi pa kami nagkikita... Bawat araw, kinakabahan ako, hindi ako mapakali... Parang may mali, hindi ko alam kung ano... Bakit kaya? Bakit parang iba siya?..
-to be continued
Labels: My Textmate My Soulmate, Series
Monday, June 26, 2006
My Textmate... My Soulmate...
Gumising ako isang umaga, excited ako... Halata naman sa ichura ko, hindi mapawi ang ngiti sa aking mukha... Ang ganda ng gising ko, unang-unang bumati ang Haring araw sa akin...
Naligo na ako at nagbihis, bumaba na sa hapag kainan upang kumain, walang tao... Tahimik ang buong paligid. Kinikilabutan ako, alam kong may mangyayaring kakaiba... Bago pa man ako makababa sa mesa, nabingi ang kaluluwa ko ng biglang...
"Surprise! Happy Birthday Mico!"
Hay.. Akala ko nakalimutan na nila... Nakakapanibago sila... Normally, lagi silang wala sa bahay, nasanay na akong maging isang "loner" kaya't nakakatuwa talagang isipin na nandito sila, sa araw ng kaarawan ko... Sandali akong napatigil, tumutulo ang mga luha sa aking mata... Dahil na din siguro sa sobrang saya...
"O, anak, wag kang umiyak, birthday na birthday mo umiiyak ka..." "Oo, tama ang mommy mo, dapat maging masaya ka... May regalo pa naman kami sa iyo" "Regalo? Talaga?" "Heto oh.." (Inabot ang isang kahon) "Sige buksan mo na... Happy birthday anak..."
Dahan dahan kong binuksan ang regalo ko... Kinakabahan ako, pero abot tenga naman ang ngiti ko! Sana... Sana... Sana... Waaaaah! Cellphone nga!! Hindi ako makapaniwala... Sa wakas, binilhan na din nila ako ng cellphone! Hindi na ako maiiwan sa uso... Ang sarap na sana ng pakiramdam, kaso, naalala ko, hindi nga pala ako marunong gumamit nito... Hindi ko na lang ito pinaalam sa kanila... Nagpasalamat ako sa kanila, ang cellphone kayang ito ang magbabago sa aking "loner" life? Sana nga... Para kasing may kulang sa buhay ko na di ko lang alam...
Pumasok na ako sa eskwela at doon naghanap ng katext! Pero dahil nga "loner" ako, walang nagbalak na lumapit sa akin... Malungkot... Wala rin palang kwenta ang cellphone ko... Hindi ko din magagamit... Natapos ang isang araw na walang lumabas na tinig sa aking bibig... Walang kumausap sa akin, wala din akong kinausap... Pauwi na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko... Tinignan ko kung sino ang nagtext sa akin, sa di malamang dahilan, bigla na lang akong napangiti...
"Hi! Cn I be ur txm8?"
Dalian akong umuwi sa bahay, nagkulong sa kwarto at nag reply...
"Sure! What's ur name nga po pala?" "Hi I'm Carla..."
I think this is the start of something new... Ganito pala ang feeling kapag may "kaibigan" ka...
-To be continued
Labels: My Textmate My Soulmate, Series
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|