Friday, June 30, 2006


My Textmate... My Soulmate part4...


"Magkita naman tayo, may gusto akong sabihin sa iyo... Alam mo naman address ko diba?! Sige! Kitakitz! Gusto ko bigyan mo ako ng bulaklak ha! Yung paborito ko, yung lumiliwanag tuwing full moon..."


Pumunta ako sa bahay nila, dala ko ang bulaklak na sinasabi niya... Maganda nga ang bulaklak, pero hindi ko pa siya nakikitang lumiwanag... Full moon nga pala mamaya...


Dahan dahan kong inakyat ang hagdanan patungo sa pintuan ng kanilang tahanan... Bawat hakbang na ginagawa ko, lalo akong kinakabahan... Hindi ako mapakali, excited na akong makita siya... Dahan dahan kong kinatok ang pintuan, ang tagal kong naghintay sa sasagot sa pinto, bumibilis ang tibok ng puso ko... Sa wakas, makikita ko na din siya... Unti-unting bumukas ang pinto, ang nanay niya ang nakita ko...


"Ano po iyon?"
"Ah, Nandiyan po ba si Carla?"
"Carla? Uhm, ikaw ba si Mico?"
"Ah, opo, ako nga po..."
"Halika tuloy ka!" *bakas ang tuwa sa kanyang mukha*


Pumasok ako sa kanilang bahay, malaki ito, maginhawa, matatawag talaga itong tunay na tahanan... Ang daming letrato niya ang nakasabit sa pader, ang ganda pala niya, siyang siya yung babaeng nakasama ko sa panaginip ko... Tama pala ang na isip kong itsura niya... Ang galing... Umupo kami sa hardin at doon nag usap, kinuwento niya sa akin ang buhay ni Carla... Pero nagtataka ako, bakit hindi ko pa siya nakikita?..


"Uhm, nandiyan po ba si Carla?"
"..." *nagulat ako ng biglang tumulo ang luha sa kanyang mga mata*
*wala akong nagawa kundi lapitan siya* "Bakit po? Ano pong nangyari"
"Wala na si Carla... Pumanaw na siya, mahigit dalawang buwan na ang nakalipas"
"Ha? Sigurado po kayo? Pero kahapon, nagtext po siya sa akin..."
"Maaring gusto niya itong makarating sa iyo, marahil may gusto siyang sabihin..."
"Bakit ganon, bakit po wala siyang sinabi..."
"Baka siguro, ayaw niyang masaktan ka..."
"..."
"Bawat segundo ng kanyang buhay, hawak niya ang cellphone niya, gusto niyang ikaw lagi ang makausap niya, grabe siguro ang pagtingin niya sa iyo ano?"
"Ganun din naman po ako sa kanya... Sabihin niyo po sa akin, ano pong dapat kong gawin?"
"Napansin kong dala mo ang paborito niyang bulaklak..."
"Ah, opo, sabi po kasi niya sa akin, dalhin ko raw po ito..."
"Mabuti iyan, subukan mong dalawin siya, siguradong matutuwa iyon pag nalaman niyang bumisita ka..."


Tulala akong lumabas ng kanilang bahay, hindi ko alam kung ano pang gagawin ko, lalo na't ngayong wala siya, ng dahil lang sa cellphone... Nagbago ang lahat... Hindi talaga ako makapaniwalang wala na siya... Dalian akong pumunta sa kanyang puntod, hindi na ako nagsayang pa ng oras... Gabi na ng dumating ako doon... Pagod na pagod, lumuluha... Tama nga, ngayon lang ako natauhan, talaga ngang wala na siya... Nandoon lang ako, katabi niya, tulala, hindi kumikibo, parang wala na sa mundo... Unti-unti nang dumidilim, malamig... Pero nawala din ang takot ko ng biglang may liwanag na sumilaw sa akin... Lumiwanag ang bulaklak na hawak ko, hindi ako makapaniwala... Manghang mangha talaga ako... Bakas na ang ngiti sa aking mga labi, lalo na ng tumunog ang aking cellphone...


"Wag kang matakot Mico... Hindi kita iiwan, tandaan mo, tuwing natatakot ka at nababalot ng dilim, tuwing nag-iisa ka at walang makausap, andito lang ako, sa liwanag ng bulaklak na ito... Ang ganda niya ano? Maraming salamat talaga sa lahat... Hinding hindi kita malilimutan... Paalam..."


Lumiwanag ang paligid, pero iba na ito, nakangiti na ako, alam kong masaya na siya doon, iyon lamang ang tanging hangad ko... Kahit sa panaginip ko lang siya nakausap, masayang masaya na ako... Kahit hindi pa kami nagkikita, ramdam ko naman na lagi siyang nandiyan... Ng dahil lang sa Cellphone ko...

The End...


Photobucket - Video and Image Hosting

Labels: ,


posted by icarus_05 @ 7:40 AM Comments: 0

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>