Friday, June 30, 2006


My Textmate... My Soulmate part4...


"Magkita naman tayo, may gusto akong sabihin sa iyo... Alam mo naman address ko diba?! Sige! Kitakitz! Gusto ko bigyan mo ako ng bulaklak ha! Yung paborito ko, yung lumiliwanag tuwing full moon..."


Pumunta ako sa bahay nila, dala ko ang bulaklak na sinasabi niya... Maganda nga ang bulaklak, pero hindi ko pa siya nakikitang lumiwanag... Full moon nga pala mamaya...


Dahan dahan kong inakyat ang hagdanan patungo sa pintuan ng kanilang tahanan... Bawat hakbang na ginagawa ko, lalo akong kinakabahan... Hindi ako mapakali, excited na akong makita siya... Dahan dahan kong kinatok ang pintuan, ang tagal kong naghintay sa sasagot sa pinto, bumibilis ang tibok ng puso ko... Sa wakas, makikita ko na din siya... Unti-unting bumukas ang pinto, ang nanay niya ang nakita ko...


"Ano po iyon?"
"Ah, Nandiyan po ba si Carla?"
"Carla? Uhm, ikaw ba si Mico?"
"Ah, opo, ako nga po..."
"Halika tuloy ka!" *bakas ang tuwa sa kanyang mukha*


Pumasok ako sa kanilang bahay, malaki ito, maginhawa, matatawag talaga itong tunay na tahanan... Ang daming letrato niya ang nakasabit sa pader, ang ganda pala niya, siyang siya yung babaeng nakasama ko sa panaginip ko... Tama pala ang na isip kong itsura niya... Ang galing... Umupo kami sa hardin at doon nag usap, kinuwento niya sa akin ang buhay ni Carla... Pero nagtataka ako, bakit hindi ko pa siya nakikita?..


"Uhm, nandiyan po ba si Carla?"
"..." *nagulat ako ng biglang tumulo ang luha sa kanyang mga mata*
*wala akong nagawa kundi lapitan siya* "Bakit po? Ano pong nangyari"
"Wala na si Carla... Pumanaw na siya, mahigit dalawang buwan na ang nakalipas"
"Ha? Sigurado po kayo? Pero kahapon, nagtext po siya sa akin..."
"Maaring gusto niya itong makarating sa iyo, marahil may gusto siyang sabihin..."
"Bakit ganon, bakit po wala siyang sinabi..."
"Baka siguro, ayaw niyang masaktan ka..."
"..."
"Bawat segundo ng kanyang buhay, hawak niya ang cellphone niya, gusto niyang ikaw lagi ang makausap niya, grabe siguro ang pagtingin niya sa iyo ano?"
"Ganun din naman po ako sa kanya... Sabihin niyo po sa akin, ano pong dapat kong gawin?"
"Napansin kong dala mo ang paborito niyang bulaklak..."
"Ah, opo, sabi po kasi niya sa akin, dalhin ko raw po ito..."
"Mabuti iyan, subukan mong dalawin siya, siguradong matutuwa iyon pag nalaman niyang bumisita ka..."


Tulala akong lumabas ng kanilang bahay, hindi ko alam kung ano pang gagawin ko, lalo na't ngayong wala siya, ng dahil lang sa cellphone... Nagbago ang lahat... Hindi talaga ako makapaniwalang wala na siya... Dalian akong pumunta sa kanyang puntod, hindi na ako nagsayang pa ng oras... Gabi na ng dumating ako doon... Pagod na pagod, lumuluha... Tama nga, ngayon lang ako natauhan, talaga ngang wala na siya... Nandoon lang ako, katabi niya, tulala, hindi kumikibo, parang wala na sa mundo... Unti-unti nang dumidilim, malamig... Pero nawala din ang takot ko ng biglang may liwanag na sumilaw sa akin... Lumiwanag ang bulaklak na hawak ko, hindi ako makapaniwala... Manghang mangha talaga ako... Bakas na ang ngiti sa aking mga labi, lalo na ng tumunog ang aking cellphone...


"Wag kang matakot Mico... Hindi kita iiwan, tandaan mo, tuwing natatakot ka at nababalot ng dilim, tuwing nag-iisa ka at walang makausap, andito lang ako, sa liwanag ng bulaklak na ito... Ang ganda niya ano? Maraming salamat talaga sa lahat... Hinding hindi kita malilimutan... Paalam..."


Lumiwanag ang paligid, pero iba na ito, nakangiti na ako, alam kong masaya na siya doon, iyon lamang ang tanging hangad ko... Kahit sa panaginip ko lang siya nakausap, masayang masaya na ako... Kahit hindi pa kami nagkikita, ramdam ko naman na lagi siyang nandiyan... Ng dahil lang sa Cellphone ko...

The End...


Photobucket - Video and Image Hosting

Labels: ,


posted by icarus_05 @ 7:40 AM Comments: 2

Thursday, June 29, 2006


My Textmate... My soulmate part3...


Bakit kaya?.. Bakit parang iba siya?..

Dalawang linggo siyang hindi nag text... Nag alala talaga ako ng husto ng mga panahong iyon... Hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi ko nababasa ang pangalan niya sa aking cellphone... Nakakapanibago... lalo akong kinabahan... hindi na ako mapakali... Nakatulog ako sa kakahintay... Napanaginipan ko siya, inisip ko ang itsura niya, nakita ko ito sa aking panaginip, pero hindi ako sigurado... Nandoon kami, sa isang malawak na hardin, nakaupo sa lilim ng isang malaking puno... Nakatingin siya sa aking mga mata, at ako din naman sa kanya... Ang saya ng panaginip kong iyon, parang ayoko ng gumising...

"Mico, maraming salamat sa iyo... salamat talaga..."
"Walang anuman... Dapat nga ako pa magpasalamat sa iyo eh..."
"Hindi talaga kita malilimutan..." *nakangiti pero napansin kong may tumulong luha mula sa kanyang mata...*
"O, bakit ka umiiyak? Ayos ka lang?"
"Oo, ayos lang ako... Siguro dahil masaya lang talaga ako at nakasama kita ngayon"
"Talaga? Ako din, sobrang saya ko... Totoo ba ito?!"
"Hindi ko rin alam, sana nga..."
"Oo sana nga..."
"Sabihin mo nga sa akin, gaano mo ako kamahal?!"
"Walang sukat ang pagmamahal ko sa iyo..."
"Hindi ako naniniwala..."*sabay kindat*
"Ganito na lang..."

Sa tuwing sisikat ang araw, lagi akong umaasa na ikaw agad ang unang babati sa akin, hindi ako mapakali kapag di ko nakikita ang pangalan mo... Hindi ako makapag isip ng maayos kapag hindi kita nakakausap, natuto akong makisalamuha sa mga tao ng dahil sayo, binago mo ang lahat sa akin, binago mo ang buhay ko, mas naging makahulugan pa ito... Ng dahil sayo natuto akong magmahal, ng dahil lang sayo... Sa tuwing sasapit ang gabi, lagi akong kinakabahan, natatakot na baka bukas hindi ka na magparamdam... Hindi ko kaya ng wala ka sa buhay ko... Ngayon, tatanungin mo pa ba ako kung gano kita kamahal?!

Ngumiti lang siya sabay humalik sa akin...

Nagising ako mula sa aking pagkakahimbing... Tinignan ko agad ang cellphone ko, may mensahe...

"Magkita naman tayo, may gusto akong sabihin sa iyo... Alam mo naman address ko diba?! Sige! Kitakitz! Gusto ko bigyan mo ako ng bulaklak ha! Yung paborito ko, yung lumiliwanag tuwing full moon..."

-To be continued...

Labels: ,


posted by icarus_05 @ 4:37 AM Comments: 1

Tuesday, June 27, 2006


My Textmate... My Soulmate part2...


I think this is the start of something new... Ganito pala ang feeling kapag may "kaibigan" ka...

Tuloy tuloy ang pagte-text namin, hanggang inabot na kami ng umaga... Ibang kasiyahan ang naramdaman ko noon, siguro dahil nagkaroon din ako ng makakausap...

Araw-araw niya akong sinesendan ng love quotes, araw-araw siyang nangangamusta, nagpapatulong din siya sa mga problema niya, lalong lalo na sa love life...

One time, niloko siya ng kanyang BF, nabalitaan niya na may 2nd party daw siya mga tatlong buwan na... Sobrang nasaktan si Carla sa nangyari... Hindi ako nagdalawang isip, tinawagan ko siya kaagad, para maiparamdam sa kanya kung gano siya ka espesyal at kung gano siya kahalaga sa akin... Ang ganda pala ng boses niya...

"Alam mo Carla, he's not even worth your love..."
"I think your right... Nakakainis siya, ayokong ayoko na siyang makita..."
"Edi wag, wag ka mawalan ng pag asa, maraming lalaki dyan na mas higit pa sa kanya"
"Talaga?.. Salamat ah..."
"Wag ka mag alala, nandito lang ako, di kita iiwan..."
"Salamat talaga ha..."
"Walang anuman..."
"Hmph! Akala niya siya lang marunong mag 2 time! Pwes! Nagkakamali siya!"
"Yan! Tama, think positive!"
"Subukan kaya natin?! Ok, Simula ngayon tayo na ha!"
"Waaah! Seryoso ka?! Wag ka ngang magpatawa..."
"Seyoso ako! Ok, remember the date! Today is September 18..."

Nang dahil sa pangyayaring iyon, naging kami... Hindi ko inaasahan, hindi ako makapaniwala...

Mas lalo pang naging maganda ang aming "pagsasama" ng dahil lang sa cellphone ko... Oo, ng dahil lang sa cellphone ko, nagbago ang buhay ko... Nagbago ang lahat ng paniniwala ko... Ng dahil sa cellphone ko, nagbago ang pananaw ko, nagbago ang lahat... Natuto akong magmahal...

Ang lokohan na iyon o "trial" di nagtagal, naging tunay na... Tumagal din kami ng ilang buwan... Ang saya ng bawat araw na magkausap kami... Pero, sobra naman ang paghihirap namin dahil hindi pa kami nagkikita... Bawat araw, kinakabahan ako, hindi ako mapakali... Parang may mali, hindi ko alam kung ano... Bakit kaya? Bakit parang iba siya?..

-to be continued

Labels: ,


posted by icarus_05 @ 3:03 AM Comments: 2

Monday, June 26, 2006


My Textmate... My Soulmate...


Gumising ako isang umaga, excited ako... Halata naman sa ichura ko, hindi mapawi ang ngiti sa aking mukha... Ang ganda ng gising ko, unang-unang bumati ang Haring araw sa akin...

Naligo na ako at nagbihis, bumaba na sa hapag kainan upang kumain, walang tao... Tahimik ang buong paligid. Kinikilabutan ako, alam kong may mangyayaring kakaiba... Bago pa man ako makababa sa mesa, nabingi ang kaluluwa ko ng biglang...

"Surprise! Happy Birthday Mico!"

Hay.. Akala ko nakalimutan na nila... Nakakapanibago sila... Normally, lagi silang wala sa bahay, nasanay na akong maging isang "loner" kaya't nakakatuwa talagang isipin na nandito sila, sa araw ng kaarawan ko... Sandali akong napatigil, tumutulo ang mga luha sa aking mata... Dahil na din siguro sa sobrang saya...

"O, anak, wag kang umiyak, birthday na birthday mo umiiyak ka..."
"Oo, tama ang mommy mo, dapat maging masaya ka... May regalo pa naman kami sa iyo"
"Regalo? Talaga?"
"Heto oh.." (Inabot ang isang kahon)
"Sige buksan mo na... Happy birthday anak..."

Dahan dahan kong binuksan ang regalo ko... Kinakabahan ako, pero abot tenga naman ang ngiti ko! Sana... Sana... Sana... Waaaaah! Cellphone nga!! Hindi ako makapaniwala... Sa wakas, binilhan na din nila ako ng cellphone! Hindi na ako maiiwan sa uso... Ang sarap na sana ng pakiramdam, kaso, naalala ko, hindi nga pala ako marunong gumamit nito... Hindi ko na lang ito pinaalam sa kanila... Nagpasalamat ako sa kanila, ang cellphone kayang ito ang magbabago sa aking "loner" life? Sana nga... Para kasing may kulang sa buhay ko na di ko lang alam...

Pumasok na ako sa eskwela at doon naghanap ng katext! Pero dahil nga "loner" ako, walang nagbalak na lumapit sa akin... Malungkot... Wala rin palang kwenta ang cellphone ko... Hindi ko din magagamit... Natapos ang isang araw na walang lumabas na tinig sa aking bibig... Walang kumausap sa akin, wala din akong kinausap... Pauwi na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko... Tinignan ko kung sino ang nagtext sa akin, sa di malamang dahilan, bigla na lang akong napangiti...

"Hi! Cn I be ur txm8?"

Dalian akong umuwi sa bahay, nagkulong sa kwarto at nag reply...

"Sure! What's ur name nga po pala?"
"Hi I'm Carla..."

I think this is the start of something new... Ganito pala ang feeling kapag may "kaibigan" ka...

-To be continued

Labels: ,


posted by icarus_05 @ 4:43 AM Comments: 7

Sunday, June 25, 2006


Two Stones, One Bird...


The first player of this game starts with the "6 weird things/habits about yourself" and people who get tagged need to write a blog of their 6 weird habits/things, as well as state this rule clearly.. in the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names...

1. Uber lakas ng katorpehan ko - Kahit anjan na ang girl, talagang d pa ako gmagawa ng paraan, kaya siguro lagi akong nauunahan! Pero now, I'm fighting it..

2. Masyado akong mabait - Sa sobrang bait ko, madaming nag te-take advantage sa akin, at hindi ko rin ma-defend ang sarili ko / di ako gumaganti... Kaya ako lagi ang api!

3. Madali akong mainlove - Totoo ito, kahit tanong niyo pa sa mga naging kakilala ko na... Obvious naman sa blog ko diba?

4. Corny ang Jokes ko - Well hindi naman lahat... Pero karamihan sa mga kasama ko hindi natatawa sa akin...

5. Bumababa ang grades ko kapag wala akong love life - Baliktad ba? Ewan ko nga din eh, sa love ako kumukuha ng enerhiya!

6. Isa akong dakilang martyr - Tama... I will do anything for the girl I love, kahit na wala na siyang nararamdaman para sa akin... Ganun talaga ako magmahal...

Di ko alam kung Weird habits ba yan o talagang negative lang! Kau na ang humusga! Minadali ko lang ito eh!

Tag? Hmmm... Jhed, Vanny, Edgar, Jigs, Tsina.. Sori guys!
__________________________________________________________________

Instructions:Name ten(10) of life's simple pleasures that you like the most, then pick ten(10) people to do the same. Try to be original and creative and not to use things that someone else has already used.
1. Tune of my guitar
2. Sariwang hangin sa tabi ng dagat
3. Kumanta katabi ng minamahal ko sa buhay
4. Pakikinig sa mga tugtog ng pinoy araw-araw
5. Pag-uwi sa probinsya kung saan nakita ko ang tunay na pagkakaibigan
6. Pagkalikot sa Cellphone
7. Pag gamit ng internet, lalo na for blog purposes
8. Paglalaro ng videogames, (dota, ps2, ragna, u name it all)
9. Panunuod ng musicals
10.Umakting sa entablado


Wala akong maisip na itag eh... senxa...



Boto niyo naman po ako! First time ko ma nominate! Salamat!

posted by icarus_05 @ 10:35 PM Comments: 0

Friday, June 23, 2006


Theater Life part 4...


First kiss ko... Isang magandang dalaga... Perpektong perpekto ang eksena... Kaso akting lang...

Aus, alam na namin ang lahat ng gagawin sa play, hindi na ako makapaghintay pa sa aming palabas... Excited na ako... Sa kabila ng excitement ko, malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama pagkatapos nito... Hindi ako mapakali... Sana naman mali ang kutob ko... Nabalot ng katahimikan ang buong paligid, masyadong nakakabingi ang katahimikan. Tulala ako sa kaiisip sa kanya... Ganon ba talaga kapag 1st kiss? Hinahanap-hanap mo ang kasunod?

Haay, di ako padapat nagsasayang ng oras! Matatapos na ang practices, pagkatapos nito, wala na... Hindi na kami magkikita... Hindi ko na alam ang gagawin ko... Gahol na gahol na ako... At Medyo may "hang over" pa ako sa nangyari kahapon... Then inaya niya akong mag meryenda, labis naman ang tuwang naramdaman ko. Dapat maamin ko na sa kanya habang maaga pa, wala akong pakialam kung hindi ang sagot niya, basta't masabi ko lang sa kanya!

"Jason, tingin mo, anong mangyayari pagkatapos nito?"
"Hindi ko rin alam eh, bahala na..."
"Pano yan, baka hindi na tayo magkita..."
"Naniniwala ka ba sa Destiny?"
"Destiny? Hindi eh... Bakit ano bang meron doon?"
"Anything happens for a reason ika nga... Baka sakaling tayo nga ang tinadhana, ipaglalapit tayo nito..."
"Ah... Ganon ba... Hahahaha!"
"Ha? Anong nakakatawa?"
"Ang corny mo pala?"
"Yabang mo... Hehe! It could happen di ba? Coke?"

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang gabing pinaka aayaw ko... Pagkatapos nito, paalam na... Kabado ang lahat, si Jessica, tahimik lang sa isang tabi, ako naman, busing busy sa pag mememorize sa script at pag iisip sa kissing scene... Lumakas ang kalabog ng dibdib ko ng lumapit sa akin ang direktor at sinabing...

"Limang minuto na lang, kayo na ang papasok... Ma-inlove ka sa kasama mo... Bagay na bagay kayo... Pero wag mong dadalhin ito sa totoong buhay... Dahil mahirap kapag nagpadala ka sa emosyon mo, masisira ang lahat ng pinaghirapan natin, at sasabog ang ating palabas. Maliwanag ba yon? Ok! Get in there and break a leg!"

Wag dadalhin sa totoong buhay, oo nga, dapat di ako nagpadala... Mahirap na... Good luck na lang sa amin...

"Paano? Paalam na ba talaga?"
"Hindi pa aking mahal, magkikita pa din tayo..."
"Pero, paano ka naman ba nakakasiguro?"
"Mangangako tayo sa isa't-isa..." (Naglabas ng singsing)
"Paano?"
(Isusuot ang singsing) "Tanggapin mo ito sa ngalan ng aking pagmamahal sa iyo"
"Sa ngalan ng pagmamahal natin..."
"Nakikita mo ba ang bilog na buwan? Siya ang ating saksi..."
"Saksi sa ating pag iisang dibdib..."
"At pangakong magkikita tayong muli..."
(Kiss)

Itong eksena na ito ang pinakapaborito ko... Sana nga lang, maidala ko ito sa totoong buhay... Sana ganon lang kadali iyon...

Natuwa ang mga tao sa aming palabas... Standing ovation ang natanggap namin... Ang sarap ng feeling namin noon... Oras na para sa aming last bow, ang katapusan ng aming love story... Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko... Pati rin ako, ayaw ko na ngang bumitaw... Pagkatapos nito, paalam na nga ba?..


Dumilim ang paligid, at may narinig akong ingay... Nagising ako mula sa matagal na pagkakahimbing... Panaginip lang pala ang lahat... Tumayo na ako dahil tanghali na, kumain, naligo at lumabas ng bahay at nag gala sa siyudad... Bigla akong may nakitang larawan na nagpatibok sa aking puso...

"Sumpaan sa liwanag ng buwan"

Isang play, parang yung nasa panaginip ko... Audition na pala nila... Makanood nga...
Parehong pareho ang teatrong ito sa aking panaginip, kaya naman napangiti ako... Kinakabahan ako.. Bakit ganito... Umupo ako sa Audience, nanood sa mga artistang sumasali... Nang biglang may tumabi sa akin...

"Hello po! Mag aaudtion ka po ba?"
"Ah, hindi po, di po ako marunong umarte eh... Pero gusto ko sana"
"Ah ganun ba, ako din eh... Gusto ko ring sumali..."
"Sige, kung gusto mo, sasamahan kita"
"Talaga?"
"Oo, talaga..."
"Ano nga palang pangalan mo?"
"Ah, ako si Jason Buenaventura"
"Nice to meet you, ako nga pala si Jessica Chua..."

At sumpaang magkikita tayong muli... Ganito pala talaga ang pag ibig, kakaiba, nakakakilabot, totoong mahiwaga... Destiny na ba o coincidence lang?...

The End...

Labels: ,


posted by icarus_05 @ 6:41 PM Comments: 11

Sunday, June 18, 2006


Theater Life part 3...


Haay... Sayang lang pala ang love story ko dito...

Dalawang Linggo na ang nagdaan, pero hindi pa rin niya ako kinakausap, hindi ko alam kung bakit... Para tuloy nakakatamad mag praktis dahil dito... Iyon lang ang pagkakamali ng direktor, hindi niya kami pinakilala sa isa't-isa... Kung magiging "Love team" kami, dapat meron ring mabuong chemistry sa aming dalawa... Pero, ayoko nang umasa pa sa Direktor, ako na ang gumawa ng first move...


"Uhm, Jessica, pwede bang magpatulong sa script? Mahirap kasing mag praktis ng walang kabatuhan ng linya..."
"Oo nga eh, pati ako nahihirapan..."
"Praktis tayo?"
"Hmm... Basta ba wala kang gagawin sa aking masama eh!" (Sabay kindat)
"Hahaha! Oo promise!"

Wow... That turned out great, di ako makapaniwalang papansinin niya ako... Sana nga lang tuloy tuloy na ito... Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, pero the whole time ng practice namin, nakangiti ako... Kahit drama ang eksena! Pero, kahit nagmukha akong tanga, di ko na ito inintindi, basta masaya kami pareho sa ginagawa namin... Napansin ko din na parang umiilaw ang mga mata niya, lalo tuloy siyang gumaganda...

Na praktis na namin ang buong play except for the kissing scenes... Grabe! Di ko alam gagawin ko! Nahihiya pa talaga ako sa kanya... Lalo na't gagawin pa namin ito in front of the audience... 5 days before the show, kinausap niya ako... Nagulat ako...

"Ano ka ba Jason! Bakit di mo man lang tinutuloy yung isang eksenang iyon?"
"Ha? Ah, eh... Sa play na lang... Wala ako sa mood ngayon eh..."
"Asus! Edi lagi ka na lang wala sa mood?"
"Ah, eh, oo! Ganun na nga..."
"Hmmm... Siguro di ka marunong ano?!"
"Waaaah! Ano ka?! Marunong ako noh!" (Nako! Patay! Bistado!)
"Ows? Talaga?! Eh ba't namumula ka?! Asus! Aminin na kasi!"
"Ah, eh, kasi, wala lang talaga akong gana ngayon..."
"Haha! Sigurado kang marunong ka talaga?!"
"Oo! Marunong talaga ako!" (Nako, I really hate lying!)
"Sige nga, Halikan mo ako! Ngayon din!"
"Waah! Ngayon na? As in ngayon na?! Saan?!"
"Diba nag papraktis tayo?! Wag nang maraming tanong!"

Biglang lumapit ang mga labi niya sa akin... Nagulat ako, pero sa loob loob ko, tuwang tuwa naman ang gago! Parang ang bagal ng mga pangyayari, umiikot ang ulo ko... I'm floating... I'm falling... Literally! Nalaglag ako sa upuan ko... Hiyang hiya ako sa mga sunod sunod na pangyayari! Pero nawala ang hiya ko at napalitan ng mga ngiti ng nakita ko siyang tumatawa sa mga kapalpakan ko...

"Hahaha!, nakakatawa ka naman pala"
"Hmph ganun?! Babawian kita! ;)"
"Ganun?! Infairness, magaling ka palang humalik..."
"Sabi ko sayo eh!" (Ayos! Di ako nahalata!)

Ang saya na ng mga practices matapos iun, mas lalo kaming napalapit sa isa't-isa... Pero biglang pumasok na lang sa isip ko ang thought na First kiss ko... Isang magandang dalaga... Perpektong perpekto ang eksena... Kaso akting lang...

To be continued...

Labels: ,


posted by icarus_05 @ 5:48 AM Comments: 14

Thursday, June 15, 2006


Theater Life part 2...


Sandali akong sumulyap sa kanya... Nakita ko na nawala na ang bakas ng ngiti sa kanyang mga Labi...

Tumigil ako ng sandali, naisip ko, pareho na ba kami ng nararamdaman? Nababasa na ba niya ang mga iniisip ko? Naririnig na ba niya ang mga sinisigaw ng puso ko? Teka... Bakit ba ako nagpapa apekto? Akting lang iyon! Hindi iyon magiging totoo kahit anong gawin ko... Hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa kanya, nahihiya naman ako dahil panay din ang sulyap niya sa akin. Pero deep inside, kinikilig ako sa mga titig niya! Lalo na tuwing nagkakasalubong ang aming mga mata! Waaah! Ano ba to! Bakit ako nagkakaganito?!


Then the director came, agad siyang lumapit sa aming dalawa, telling us the good news, kami ang napili niya... Syempre! tuwang tuwa naman ang mokong! Tinignan ko ang reaksyon niya... "Hmph!" Waaah! tumalikod siya, sabay ng pag flick ng kanyang hair at umalis ng wala man lang paalam... Nagulat ako, pero deep inside, nakangiti ako... Mas nagiging cute pa pala siya tuwing nagagalit... Hihihi...! Waah! Sandali! Hindi ko nahingi ang number niya! Paano kami mag pa-praktis niyan? Hay, di bale na lang... Makikita ko naman siya tomorrow eh!


The next day, hindi na ako makapaghintay... Papasok na ako ng theater, napuna kong wala pa siya doon... Dumaan muna ako ng backstage para ilapag ang gamit ko, lumabas ako at bumili ng makakakain...


(Jessica)

Nakarating na ako sa teatro, napansin kong wala pa siya... Dumerecho ako sa backstage upang doon magpahinga... Wala rin akong taong nakita doon sa loob... Buti na lang! Grrr! I hate him so much! Napaka hina niya! Ni hindi man lang niya ako hinabol! Grrr! Haay... Umupo ako sa isang upuan, at nakita ko ang bag niya... Nakarating na pala siya, pero wala siya dito. Baka lumabas! Hmm... Matignan nga ang bag niya... (With an evil grin written all over her face, then may nahugot siyang unexpected...) Yuck! Undies!!! Umph! (Then, nahugot naman niya ang pabango) Ah, ito pala ang gamit niya kaya mabango siya... (Spray, spray, spray) Hmm... Mabango talaga... Haaay... (Blushing) Grabe, mabango na nga siya tapos gwapo pa! Haay! All in one! Teka, may paparating ata, baka siya na!! Naku po!!! Lagot ako!!!


Dumating ako sa teatro, may dala akong mga junk foods at isang 1.5 na coke, baka mapagod kami sa buong praktis so binilhan ko na din siya ng maiinom... Pag pasok ko sa backstage, nakita ko si Jessica sa may pinaka tabi, nakaupo siya doon, namumula siya at parang nahihiya... Parang may tinatago... Hmmm, na curious ako so nilapitan ko siya... Di pa rin niya ako pinapansin, hay... Pero kinausap ko pa din siya...


"Hi! Nakarating ka na pala..."
"E ano naman kung dumating na ako?"
"Ah, eh... Wala lang... Gusto ko lang sanang itanong yung... Teka... Parang pamilyar yung pabango mo ah!"
"Ha? Anong pabango?"


Lumingon ako at tinignan ang bag ko... Bukas ito... I knew it!


"Anong ginawa mo sa bag ko?"
"Wala! Anong pakialam mo?" (Blushing)
"Hehe... Wala lang... Sana sinabi mo sa akin... Anyway... Coke?"
"Argh! Hmph! Diyan ka na nga!"


Huh? May mali ba sa sinabi ko?... Haay... Akala ko pa naman, maganda na ang araw ko... Pano kaya kami magkakasundo... Ano na ang mangyayari sa play kung hindi kami maguusap? Haay... Sayang lang pala ang love story ko dito...

Labels: ,


posted by icarus_05 @ 4:29 AM Comments: 10

Wednesday, June 14, 2006


Theater Life...


Ang buhay sa Teatro, lahat ay akting lang... Kapag nasa Entablado ka na, hindi na ikaw ang taong nandoon... Everything goes on the stage, anything can happen... Ang buhay teatro, hindi nadadala sa totoong buhay...

Iyon ang akala ko...
As I sat there sa isang silya sa backstage... I'm memorizing the lines para sa audition sa isang play na I've been dying to join in... It's a story about two teenagers, seeking love from one another... Pero hindi ito ginusto ng kanilang mga magulang...
Dahan-dahan akong sumisilip sa main stage. Lalo tuloy akong kinabahan... Madami ring nag audition dito, hindi lang ako... Lahat sila magagaling... Lahat sila goodlooking... Samantalang ako... Haayy.. Kaya ko ito... Hinga ng malalim, hinga, hinga, hinga, hing---
"Ok, Mr. Jason Buenaventura!"
Huwaaaat!!! Teka, sandali, di ko pa memorize! Wah! Anong gagawin ko?!... Hmm... Bahala na! Hinga, hinga... Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso...
"Ok Jason, you will pair up with Ms... Hmmm, Lets see... Ms. Jessica Chua"
Huwaah! At may ka-pair pa! Bakit ako lang may ganoon? Yung mga nauna wala?.. Lalo akong di nakapag isip ng maayos ng naramdaman kong lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso ko, para bang gusto na nitong lumabas mula sa dibdib ko... Tumalikod ako upang makita ang aking magiging ka-pair... She's rushing towards me, sa kanyang itsura, mukhang kinakabahan din siya... Tumigil siya at tumitig sa akin... Napatigil ako... (If there were no words... No way to speak...) Narinig ko ang mga himig na ito sa aking isip. She smiled at me, kitang kita ko ang kanyang magagandang mga dimples, lalo tuloy akong nabighani...
"Guys, hindi pa ito ang palabas... Hinay hinay lang...;)"
"Ah! Yes Sir, sorry Sir!"
Hindi pa nagsisimula ang direktor mag sabi ng action, sinimulan ko na ang "Audition". Naisip ko, kailangan kong magpasikat... Pagkakataon ko na 'to, kung makuha man ako, sana siya ang makapares ko... Nagtaka ako sa mabilis na mga pangyayari, bigla ko na lang naalala ang lahat ng mga linya...
" Hindi ka ba nagtataka aking sinta? Ang lugar na ito... Tila pamilyar..."
"Hindi mo na ba naalala aking mahal? Dito tayo unang nagkita, totoo ngang kinalimutan mo na."
"Alam ko, paano ko malilimutan? Dito sa lugar na ito ko narating ang langit..."
Naiimagine ko ang lahat... Ang lahat ng scenes para bang nangyayari sa totoong buhay, lalo na habang tinititigan ko siya, at nagkakalapit ang aming mga mukha... Malapit na ang kissing scene... Waah! Nararamdaman kong bigla akong namula! At sigurado akong napansin ito ng direktor, kaya naman bago pa man nangyari ang dapat mangyari...
"Magaling! Ok, salamat po sa mga sumama sa audition, maghintay lang po sana tayo ng mga ilang sandali at sasabihin na namin ang mga naka pasa sa audition..."
Whew! Buti na lang... Nakakahiya naman sa kanya kung matuloy iyon, hindi ako marunong humalik! baka mapahiya lang ako! Sandali akong sumulyap sa kanya... Nakita ko na nawala na ang bakas ng ngiti sa kanyang mga Labi...
To be continued...

Labels: ,


posted by icarus_05 @ 3:08 AM Comments: 1

Monday, June 12, 2006


Summer Fling...


As I Raise my hand and bid goodbye... To my summer fling...

Ever heard of "falling in love" in just one summer?

Parang ang hirap isipin no?... Naranasan ko na toh, madaming beses na... Masarap sa pakiramdam... Yun bang, may nangyari na ring makahulugan sa summer vacation mo... Hindi lang summer, basta kahit anong medyo may mahaba-habang vacation...

Summer 2005, Pumunta ako ng Infanta, Quezon para makiisa sa PETA Summer Workshop na gaganapin sa Mt. Carmel School of Infanta... Nandoon ako, naglalakad papasok sa Unfamilliar school... Climbing its stairs... Pag akyat ko, may nakita akong isang magandang babaeng nakaupo sa corridor seats... She looked at me, then ngumiti siya... Everything stopped at that moment, naramdaman ko na nag bblush na ako... At nahahalata ko din na tinatawanan na ako ng mga pinsan ko... Then, tinawag niya ang name ko... Nagulat ako... Siya pala yung ka textmate ko for 2 years... Yung isang linggo kong stay doon, naging makabuluhan... Naging "makasaysayan"... Sobrang saya... kaso bitin.. 1 week lang...

Ako'y labis na natutuwa
Makita ulit ang iyong mukha
Sobrang mamimiss kita
Hanggang sa muling pagkikita...
Ito yung poem na ginawa niya sa akin, matapos ang workshop... Sobrang bitin ako sa aking summer karanasan... Ang 1 week ko doon, naging 1 year... Pero nauwi din sa rejection... (See Intermission Number, then Rejection)...
Summer 2006, Once again, nakiisa nanaman ako sa PETA Summer Workshop, this time, sa PETA Theater Center ito naganap... I joined there for Experience bago ako sumabak sa "Showbiz" (Showbiz daw...) And to look for another "Summer Fling..." Ayos... Magaganda ang mga kaklase ko... Mas maganda ang experience ko dahil nandoon yung girl na nililigawan ko... Lalong naging masaya ang summer ko dahil dito... Ahihihi... Pero, ngayong pasukan nanaman... Di ko alam kung anong nangyari... Bakit nawala na lang bigla ang Magic?
Sa mga karanasan kong ito, natutunan ko na dapat ang "Summer Fling" ay manatili na lamang na isang summer fling... Dahil, mahirap kapag sineryoso mo ito, na minsan ay nauuwi sa Long Distance Relationship or sa Rejection... (Sa akin lang naman...)
I won't say goodbye to my summer fling just yet... I'm still waiting na sana, maduktungan pa ang kwento nito... Missin' you badly...

posted by icarus_05 @ 1:15 AM Comments: 7

Sunday, June 11, 2006


Back from the past...


Nagparamdam nanaman siya...

"Bakit ganun? Kung kailan nakalimutan ko na siya, kung kailan nakahanap na ako ng iba... Saka niya aamining may pagtingin din pala siya..."

Naramdaman o nabanggit niyo na ba ito? Yun bang, gulong-gulo ka na sa nararamdaman mo?

Situation #1
Na "Reject" si boy sa isang girl na 8 years niyang hinintay... Hindi niya ito natanggap... Hindi niya ito malimutan... Then ginamit na niya ang kanyang "Last Resort"..
Lumipat siya ng skul at nakipag-sapalaran sa mundo ng probinsya... Para lang makalimutan siya... (See Intermission Number... for more info...) By the time na nakarating sa girl ang balita... Saka ito nagparamdam... Inamin niya ang lahat kay boy... Ngunit wala na siyang nagawa para magbago ang isip ni boy...

Situation #2
The boy was again, "rejected" (Parang basketbol ah.. Supalpal) from this girl he's courting for months... He found out na nakipagbalikan si girl sa ex niya... The boy can see her very happy naman with him so he let her go... Hinayaan na ni boy, siya... He moved on, after sometime, he found someone and eventually naging sila... Then, after some time, biglang nagparamdam si girl... Lagi na siyang nagpapadala ng sweet messages and quotes, suddenly, napalapit na din siya kay boy...
So nakipag break si Boy sa GF niya para lang kay Girl... Everything were in place...Walang oras na dapat sayangin... Tinanong ni boy si girl kung bakit bigla itong nagbago... Nag-away pala sila ng BF niya... (See Rejection for more info...)

Situation #3
The girl greeted the boy good afternoon, kinamusta naman niya ito... Break na daw sila ng BF niya... Siya naman yung girl na nag "Reject" kay boy nung sila'y 2nd year high school pa lamang... Nagparamdam din siya, after 2 long years... Kung ibabalik daw niya ang oras, si boy talaga ang pipiliin niya... Pero sabi ni boy, it's too late... Tapos na iyon, kinalimutan na ni boy iyon... Then tinanong ni girl si boy kung may nararamdaman pa daw ba siya sa kanya? Gustong sabihin ni boy na may nililigawan na siya, pero hindi niya alam kung papaano...

Ganun ba talaga kapag bumabalik siya sa mundo mo? Maguguluhan ka sa nararamdaman mo? Maguguluhan ka kung sino ang pipiliin mo? Paano na lang kung nahanap mo na ang love of your life? Gagayahin mo ba si boy sa Situation # 2? Para kasing nakakahiya kapag i-reject mo siya na parang ginawa niya sa iyo... Di ba? So... Anong gagawin mo kapag nangyari sa iyo ito?..

posted by icarus_05 @ 3:33 AM Comments: 1

Friday, June 09, 2006


Long distance...


Can distance really break even the strongest love?..

Ito naman ang isa pang tanong na pumasok sa isip ko ngayong gabi...

Nasubukan mo na bang magkaroon ng "Long Distance Relationship"? Grabe ang dating ng salitang ito no? Pag pinapakinggan mo pa lang, parang nakakatakot na siyang subukan.

Isang beses na akong na in-love sa taong di ko pa nakikita... Mahirap mang paniwalaan pero totoo... Kaso, 4 months lang ang tinagal namin... Pero our love for each other never wither...
Kahit na hindi ko pa nasisilayan ang kanyang kaanyuan... 4 years na kaming textmates pero di pa kami nagkikita... Ang malungkot pa non... She, and her family migrated to London... Hanggang ngayon, di pa rin siya nagpaparamdam sa akin... Kumusta naman kaya siya?

They say, you can't love a person you haven't met
I told them... "I haven't met God, but I love him!"
Kaninang hapon, sa sobrang miss ko sa kanya, tinawagan ko siya... Nasa probinsya siya, nasa Manila naman ako... Long Distance... Buti na lang, may free call ako... It was so good to hear her voice...
"Hi! Musta ka naman?"
"Okay lang, buhay pa naman..."
(after 30 secs of conversation)
"Uy, sige, kinukuha na yung cellphone, aalis na daw sila"
"Ah ganun ba... Ok... Ingat ka lagi..."
"Ok... Babershk"
"Bye..."
*Beep*
Di ko napigilan... A tear fell from my eye... Pumikit ako ng sandali para mapawi ang luhang hindi ko naman maintindihan kung bakit kailangang umalis sa kalinga ng mata ko...
Not the actual conversation, pero malapit na sa katotohanan...
I looked at the call duration... "01:11" Ganun lang ka bilis... I was really dissapointed... Pero ok na yun, at least, alam kong safe siya at narinig ko na rin sa wakas ang boses niya... Mahirap talaga kapag magkalayo kayo... Kung nabasa niyo sa recent posts ko... I really miss her a lot...
Naisip ko tuloy... Paano nag susurvive ang mga taong OFW ang asawa? Eh ang mga GF, BF, Wife, Husband ng mga taong pumapasok sa bahay ni kuya? Ang galing, ganoon lang siguro ang tinatawag na true love... Edi iyon? Nasagot ang tanong ko... Distance can't break love... Sana iyon nga ang maging ending ng love story ko...

posted by icarus_05 @ 7:28 AM Comments: 11

Thursday, June 08, 2006


Rejection...


Have you ever felt being rejected?

I did... Many times...

Iba't iba ang reaksyon ng mga tao kapag na re-reject... O sa term na alam natin... "Basted"
Iba ang dating nito sa mga lalaki... Iba't iba ng reaksyon...

Merong half an hour lang, naka move-on na, meron namang umaabot ng ilang buwan, meron ding umaabot ng ilang years... At ang last resort, merong nag su-suicide...

For me, buti na lang naka lagpas ako sa Rejection part... Buti na lang, nalagpasan ko na iyong stage na yun ng buhay ko... I've never thought ganun ang magiging reaksyon ng puso ko, I'm used to the saying "Sanayan lang yan". Oo, sanayan lang dahil, maraming beses na ding nangyari yun sa akin. Pero this time, it was different... Ang lakas ng tama ko sa girl na to... Pero, di pa ako nagsisimula sa ritual na tinatawag na Panliligaw... Rejection agad ang sumalpak sa akin sa mukha...

Tatlong buwan akong tulala, tatlong buwan akong walang kamalay-malay, talong buwan akong wala sa sariling mundo, tatlong buwan akong walang kwenta, tatlong buwan akong wasted... Para akong robot na walang battery, para akong cellphone na walang load, para akong TV na walang cable, para akong computer na walang MS Word, para akong gitarang walang string... Hindi ako nag ffunction... Malfunction?..

By the time na nagmumukha na akong "dead man walking", hindi ko na nakayang itago ang nararamdaman ko... Nag iba ang ugali ko, Naging palapintas, palaaway, sa inggles "Jerk". Madami ang hindi natuwa sa pagbabago ko, lahat sila, nilayuan ako... Rejected na nga, all alone pa sa mundo... Iyon ang napala ko... Buti na lang, meron pa ring taong hindi ako iniwan... Mga taong karapat dapat na tawaging tunay na kaibigan... They helped me to change back to my former self... Umiyak, Nanira ng gamit, nanapak ng pader, lahat iyon ginawa ko, para lang makalimutan ko ang lahat. At ang huli, nagdasal sa panginoon... Pag labas ko ng simbahan, maaliwalas na ang lahat... Bumalik na ang dati kong ngiti...

Let your tears come. Let them water your soul.
Eileen Mayhew
Nakakatulong ang pag iyak sa pag kalimot sa mga problema, lalo na sa mga panahong hindi mo na kaya... Lalo tayong lumalakas habang pumapatak ang mga luha natin, kaya't walang masama dito...

Kailangang dumaan sa Rejection... Kung hindi, di natin makikita ang taong talagang naka laan para sa atin... Mahirap mag move on pero, hindi dapat dinadaan sa Suicide... So, Have you ever felt being rejected?

posted by icarus_05 @ 9:20 AM Comments: 7

Wednesday, June 07, 2006


Our Song Plays on...


Sobrang napako na sa isip ko ang line na ito na galing sa kanta ng Urbandub na "First of Summer"

Our song plays on... I really miss her voice... Especially when she sings... Lalo na pag sa tapat ko. Whenever I'm with her, lagi niyang kinakanta yung song from Kyla... I really don't know why pero favorite daw niya yun. Pero everytime she sings that, lagi kong pinapangarap na sana ako yung dahilan o ako yung kinakantahan niya non...

I really miss the times na magkasama kami, sabay na kumakanta... Medyo matatagalan pa bago ulit mangyari yun... Pero ngayong wala siya sa tabi ko, Siniguro ko na hindi ako magkukulang sa atensyon sa kanya... Siniguro ko na mabati siya araw-araw, lalo na ngayong wala siyang Cellphone at wala rin siyang makuhang oras para lang mag online at makipagchat sa isang tulad ko... Buti na lang, mababait ang tao sa Infanta... Tinulungan nila ako, kahit isang hi man lang. Para lang maiparating ko lang sa kanya kung gano siya kahalaga saakin... At para malaman niyang mahal na mahal ko siya sa inaraw-araw na pamamalagi ko sa mundong ito...

Am I Hallucinating or Am I just imagining things? Bakit parang, nakikita ko siyang ngumingiti ngayon sa harapan ko? Bigla tuloy akong napangiti... Napawi ang lungkot na nadarama... Napawi ang pagod sa isip at sa kaluluwa... Imagine that? Isang ngiti lang? Iba talaga ang power ng love ano?

Our Song Plays on...
Our Song Plays on...
Our Song Plays on...
Believe in me... I'm here to stay
I Will Love You... 'Til they take my heart away...

posted by icarus_05 @ 5:19 AM Comments: 3

Tuesday, June 06, 2006


Minsan lang...


Hindi ko na kayang itago pa...

Nandito nanaman ako sa tapat kompyuter... Hindi ko matapos ang evaluation paper na due na noong weekends pa... Sirang sira na ang ulo ko... Wala nang laman... Hirap na akong mag isip... pano ba naman kasi... Andaming pumapasok dito... Tulala nanaman ako... Nasa iba nang mundo...

Minsan, naisip ko, ano kayang mangyayari pag tayo'y magkalayo na?

Magiging madali lang ba ang padaluyin ang isang araw na wala ka? Dalawa? Tatlo? Isang Taon?
Magiging maayos ba ang aking pag-iisip ngayong ikaw lang ang umiikot dito sa utak ko?
Magiging maayos ba ang aking araw ngayong lagi naman akong tulala sa mga bituin?
Magiging maayos ba ngayong hindi na ako ginaganahan sa mundo dahil wala ka sa tabi ko?

Naisip ko rin...

Paano kung makahanap ka ng iba? Mas higit pa sa akin, mas tunay mong mamahalin, mas malapit pa sa iyong puso, lalo na't ngayong magkalayo tayo...
Paano kung hindi mo pala gusto ang atensyong ibinibigay ko sa iyo? Maiilang ka na lang ba at lalayo, habang ako nama'y aasa na lang at maghihintay sayo?
Paano kung matagal pa bago tayo muling magkita? Maghihintay ka pa rin ba o titigil na lang bigla...

Minsan lang talaga ang mag mahal... Pero, sana, totoo na ito... Ang nararamdaman mo sa akin, ang nararamdaman ko sa iyo... "It's too good to be true" ika nga... Pero kahit ilang beses mo akong tanungin, tatahimik lang ako, at pag tapos ka na, saka ko sasabihin ang totoo...

Oo, Mahal na mahal kita...
Kahit tayo'y magkalayo, maghihintay pa rin ako... Sobrang miss na kita... Hanggang sa muli nating pagkikita... E Muja Oui Cu Silr...
Caa oui cuuh so muja...'Dem drao dyga so raynd yfyo...
Huminga ako ng malalim, bumalik na ako sa mundo... Pero ganon pa rin... Wala pa ring ibang maisip kundi ikaw... Teka? Tama ba itong mga pinagsususulat ko sa Evaluation Paper ko?

posted by icarus_05 @ 6:20 AM Comments: 4

Saturday, June 03, 2006


Serendipity or just a struck of Luck...


Serendipity - Fortunate Accidents

"Wow! Ngayon ko lang napansin ito ah! Oo nga anoh? Astig... Serendipity..."

Serendipity, its just what I felt yesterday... Nakaka kilabot, nakakatayo ng balahibo, Nakakakilig...

I walked down the corridors of my Alma Mater the other day, hoping to see her there... I really miss her so much... Pag akyat ko sa Auditorium... Siya agad ang una kong nakita... Kinabahan ako, di ako makagalaw... Feeling ko everything stopped at that very moment... Bahala na...
When I got in, ang dami nila, mga friends and batchmates niya... Some kilala ko, some hindi... Buti na lang, nakakita ako ng kapwa Alumni ko...

Doon sa Raiser, nakaupo ako, inaabangan kong matapos ang kanilang praktis for the opening of classes... I can't stop looking at her, para bang siya lang lagi kong nakikita... Tapos sinabayan pa ng malamig na simoy ng hangin... Para akong nasa Heaven, ang sarap ng feeling...

Sometime in the Afternoon, may nakapansin na pareho daw kami ng kulay ng damit... Nakasanayan na namin mula pa nung PETA Workshop ang mag suot ng parehong kulay ng damit, pero this time... It was different... Hindi namin ito pinag usapan... Talagang nagkataon lang na orange ang nabunot naming damit pareho... Astig... Then pumasok sa isip ko ang salitang Serendipity...

Everything is happening for a reason... Yun ang aking pinaniniwalaan... Maybe in the form of signs, accidents, coincidences and maybe just plain strand of luck... Ganito ba talaga kapag umiibig ka? Madaming kung ano-ano ang nagaganap sa buhay mo? Ngayon tuloy, naisip ko... Yung nangyari bang iyon ay Serendipity or just a struck of luck...


Another freaky coincidence happened to me Yesterday... Paluwas na ako ng Maynila, there I was in the Manila Terminal, naghihintay ng Van o FX kung tawagin ng mga pasahero, madami nang pasahero... Mainit noon dahil tanghaling tapat... Nakatulog ako habang naghihintay... When the Van came, sakto namang dating ng isang unexpected person... Dumating ang Mom and Dad niya... Nagulat nga ako ng nakilala agad ako ng mom niya tsaka ng dalawa niyang kapatid... Well... Serendipity or just a struck of luck?!

posted by icarus_05 @ 7:34 PM Comments: 1

Thursday, June 01, 2006


My Guardian Angel


This is one of the stories I made when I was bored to death in my last few days of Highschool...

"Sigurado ka ba anak sa desisyon mo?"
"Opo 'tay... Kaya ko naman po siguro"
"Bakit mo naman naisipan na pumunta doon?"
"Kasi po, bata pa lang ako, kinupkop niyo na ako, naiinggit po ako sa mga kaibigan ko tuwing nagkukwento sila tungkol sa buhay nila... Gusto ko din pong maranasan iyon"
"Ah ganun ba... Oo, naiintindihan kita anak ko..."
"..."
"O sige, bibigyan lang kita ng dalawang buwan ok?! Mahirap na, di natin alam ang mangyayari kung mag tatagal ka doon, at may maka alam ng tunay mong pagkatao"
"Sapat na po iyon 'tay! Maraming Salamat po!"

????: Dave!!! Trabaho!!!!
Dave: Opo! Opo!
????: Yan! Mabuti!!! (Sabay ngiti ng patago)

Haay, umagang umaga, nasigawan kaagad... Lagi na lang mainit ang ulo sa akin ng manager namin...

Ako nga pala si Dave, isa akong working student dito sa Maynila, bata pa lang, lumisan na ako papunta dito upang makipagsapalaran sa malupit na mundo ng Maynila... Nagtatrabaho ako sa isang sikat na Resto-Bar, tatlong taon na din akong sakal ng aming Manager...

Ibang klase itong trabaho ko, para kang pari na nakaupo sa confession room... Iba't-ibang klase ng mga tao ang nakakasalamuha ko araw-araw, lahat may iba't-ibang katangian at iba't-ibang trabaho... Kumpleto na yata, lahat nakita ko na... Mayroong Pulis, Kriminal, Bumbero, Salesman, Businessman, Manguukay-ukay, tambay, mag-iinom, manlalako ng ice cream, simcard, cellphone, taho, balot, suman, scrambol, weeds, shabu, lahat ng klase ng droga, Pari, Madre, Titser, Estudyante, Pamilya, May birthday man o wala, Pilay, May sakit sa puso, Ketongin, abnoy, Bakla, Tomboy, Barkada, grupo ng mga nerd, punkista, adik, Conyo, jologs, posers, bloggers?, cheering squad, streetdancers, dancer sa bar, musikero, composer, singer, banda, boy band, girl band, labers, mga bigo o basted, mga naghahanap ng love, mga magkakatipan... As in lahat na... Ang di ko na lang ata nakikita ay ang Papa at si GMA...

Speaking of Lovers, sa tinagal ko dito sa Maynila, kahit kailan, di pa ako nagkaroon nito... hindi ko alam kung bakit pero, hindi naman ako pangit... Hindi rin ako kagwapuhan, di naman ako tanga, di rin naman ako bobo... Siguro, talagang malas lang ako pag dating sa mga babae... Ang manager ko na lang ata ang nagkamaling nagkagusto sa akin eh... Palibhasa, nangangabila... *Sigh* Araw araw akong nagsisimba, hinihiling ko sa Diyos na bigyan niya ako ng Sign, sign na magpapakatotoo sa mga pangarap ko... Akala ko talaga, hindi na ako makakahanap pa! I'm so Desperate!!! Ng biglang...

????: Pare! Nakikita mo ba ang nakikita ko?

Siya si Chris... Katrabaho ko siya dito, sabay kaming pumasok dito, kaya't kilalang kilala na ako nito... Gwapo, matipuno ang katawan, a perfect gentleman, matinik ito lalo na sa mga "chicks".

Dave: O, Ano nanaman ba yan? babae nanaman ano?!
Chris: Oo Pare! Pero, iba siya sa mga nakita ko na! Mayroon siyang kakaibang aura!
Dave: Ang corny mo pare, may pa aura-aura ka pang nalalaman jan!
Chris: Hmph! Tigilan mo nga ako!.. Tsaka, napapansin ko din na madalas ang punta niya dito...
Dave: Malamang! Maganda ata ang resto natin!
Chris: Sabagay... Bahala na... Lalapitan ko siya, watch and learn bro!
Dave: Haay... ayan ka nanaman... Good Luck na lang!
Maui: Haha! Hihirit nanaman ba siya?
Dave: Haha! Oo eh! (blushing)

Si Maui naman, medyo bago-bago lang siya dito, pero malaki na ang naitulong niya... Kaso medyo may alitan ata sila ni Manager... Maganda, Seksi, Crush ng Bayan, matalino, tahimik, at mukhang may tinatagong sikreto... In short.. Misteryoso...

Maui: Eh kung unahan mo na siya?
Dave: Ha? Seryoso ka?
Maui: Oo naman!
Manager: Hoy! Dave! May costumer oh! (tinuro niya yung babae) Trabaho!!!
Maui: O, narinig mo si Mr. Manager! Trabaho!!! (imitating the Manager)
Dave: Haaay... Sige na nga... Bahala na...

Tinignan ko si Chris sa Kitchen, patuloy pa rin siyang nagsusuklay at naglalagay ng pabango... Naririnig ko din na pinapraktis niya ang mga lines niya... Hindi na ako nagsayang pa ng oras... Lumapit na ako sa kanya... Nanginginig, Nangangatog, Natutulala...

Dave: Hi miss, can I take your order?
????: Order?!
Dave: Uhm.. Order.. May paglilingkod ba ako sa isang magandang dalagang tulad mo?
????: Ah! Hihi... Uhm... Dito ka lang, samahan mo ako... :)
Dave: Samahan? Ok lang po, sige po...

Wow!!! I Hit the Jackpot!!! There in front of me, ang babaeng lagi kong nakikita sa mga panaginip ko, dream come true na ba ito? Wait! I must be dreaming... (kurot) Aw!!! Hindi nga! Totoo nga ito!!!

Mahaba ang buhok, maputi, mabait, pero mukha siyang inosente... Tama nga si Chris tungkol sa kanya... Iba nga ang aura niya, pag malapit ka na bigla ka na lang magkakaroon ng lakas ng loob... Grabe, Love at first sight na ba? Siya na ba ang sign na hinihingi ko sa Diyos? Tinitignan ko pa lang siya, para na akong nawawala sa sarili ko... Para siyang anghel!

????: Hello po Mr. Dave!
Dave: Ha? Pano mo po nalaman ang pangalan ko?
????: Sikreto po!
Dave: Hmm. Di bale na nga, ano po bang pangalan niyo?
Angelique: Ako pala si Angelique
Dave: Angelique? Nice to meet you! Bago ka lang po ba dito sa Maynila?
Angelique: Ah, oo eh! Mga 2 weeks pa lang ako dito... Pwede mo po ba akong ilibot sa buong mundo? (Sabay ngiti)
Dave: Buong mundo?! Seryoso ka? Hindi ko kaya yon, sa buong Maynila ok lang...
Angelique: Sige, pwede na siguro iyon! Sige! (Sabay ngiti ulit)
Dave: (Naku po! Ang hirap namang tanggihan yang ngiti na iyan!) Ah, ok lang po sa akin, kaso may trabaho pa po ako eh...
Angelique: Sige na please? Please? Please?
Dave: May Trabaho po talaga ako eh!
Manager: Hoy! Dave! Ano bang tinatanga-tanga mo diyan? Trabaho!!! (Ismid sabay ngiti)
Dave: Ayan, nagagalit nanaman siya... Sige po, bukas po talaga...

Umalis na ako at pumunta sa counter, madami nang costumer ang naghihintay doon... Nakakahiya naman kay Angelique... Grabe, minus pogi points ako don... Kaya't sumilip uli ako para tignan kung ayos lang siya, pero pag tingin ko, wala na siya... Sabay namang pag labas ni Chris sa Kitchen...

Chris: O? Asan na siya?
Maui: Umalis na, ang bagal mong kumilos eh! (sabay kindat kay Dave)
Dave: Ah! Oo, umalis na... (Smiling while blushing...)

At night, hindi ako mapakali, I can't stop thinking 'bout her... And one thing kung bakit hindi ako makatulog eh nararamdaman kong parang may nakatingin sa akin sa bintana... Kinikilabutan ako, dahil nararamdaman ko ang presence ni Angelique... Nung nagkaroon na ako ng chansa na makatulog, bigla naman akong sinigawan ng Tandang at, binulag ako ng sikat ng araw! Nakakainis!!! Hindi pa tapos, nagsisimula pa lang ang mga kamalasan ko... Nakatulog ako sa Jeep dahil sa sobrang puyat, pag gising ko, lagpas na ako sa Resto! Nakapaglakad tuloy ako ng dalawang kilometro ng wala sa oras... Pag lapit ko sa pinto, biglang tinalunan ako ng isang babae...

Angelique: Dave!!! Nandito ka na sa wakas! (Yakap na mahigpit)
Dave: Ah! Nandito ka pala, akala ko pa naman galit ka sa akin... (Blushing)
Angelique: Hindi noh! Hindi ako marunong magalit... Tayo na! Ilibot mo na ako dito!
Dave: May trabaho pa po ako eh...
Angelique: Wag kang mag alala! Pinag paalam na kita... Kaya't halika na!
Dave: Sigurado ka sa sinasabi mo ah... Sige, tayo na...

Wala naman akong alam na Pasyalan dito sa Maynila, kaya't inuna ko na lang ang Luneta...

Dave: Ok, Ito ang Luneta Park...
Angelique: Wow! Ang ganda naman dito... teka... Parang kilala ko yun ah?!
Dave: Ah! Iyon ba... Siya si Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas...
Angelique: Hmmm. Jose? Rizal? Aaah! Si Pepe!! Naku! Kilala ko yan! Napaka bait niyan tsaka napaka babaero! Lagi ko siyang nakikita doon sa may amin!
Dave: Ha? Nagbibiro ka ba? Ano sinasabi mo jan?
Angelique: Ah! Wala, wala, wag mo na lang pansinin! Ahihihi...;)
Dave: Ang weird mo naman pala...
Angelique: Ganon? Hmph!

Dinala ko naman siya sa Manila Cathedral kung saan ako madalas magpunta at magdasal sa Diyos...
Nagpasalamat ako sa kanya at nakilala ko si Angelique... Tinignan ko si Angelique ng may pagkamangha... Ang Tagal niyang magdasal...

"'Tay! ang bait naman pala niya, akala ko pa naman suplado siya!"
"Anak, ikaw pala iyan! I'm glad to see that you are happy"
"Oo nga po 'tay! Ngayon lang po ako naging ganito kasaya!"
"Bata ka pa nga aking anak... Tama lang pala na pinayagan kitang pumunta diyan..."
"Maraming salamat po 'tay!"

"Teka, Parang kilalang kilala mo na siya ah? Kaano-ano mo ba siya?"
"Siya po yung lalaking lagi kong binabantayan, yung lagi ko pong kinukwento sa inyo..."
"Ah, ganun ba... Sige, maiwan muna kita..."
"Salamat po ulit tay!"
"Mag-iingat ka... Lagi kitang babantayan..."

Dave: Gumagabi na, Ihahatid na kita... San ka nga pala nakatira?
Angelique:
Sa He... Ah, wala pa eh, di pa ako nakakahanap ng bahay...
Dave:
Ah, ganun ba, kung gusto mo, 'dun ka muna sa apartment ko magpalipas ng gabi...
Angelique: Talaga? Pwede? Sige Sige!!

Pauwi na kami, mukhang napagod siya sa aming pamamasyal... Kaya't nakatulog siya sa aking balikat... Ako rin, sa sobrang puyat, nakatulog din ako... Pag gising ko, nakalagpas na naman ako sa aking apartment!!! Kaya't nakaranas nanaman ako ng mahaba-habang lakaran, pero ibang eksena na ito, may kasama na ako... Kaya't upang malibang, nakipagkwentuhan ako sa kanya...

Angelique: Dave, ok ka lang? bakit namumutla ka?
Dave:
Gutom lang ito siguro... Kanina pa tayo hindi kumakain...
Angelique:
Wag kang mag alala, ipagluluto kita mamaya...
Dave:
Marunong kang magluto?
Angelique: Oo naman!

Ang bilis niyang magluto... After 5 mins lang natapos na niya ito... At, 5 mins ko lang din ito naubos! Grabe! Ang sarap ng luto niya!

Nirecommend ko siya sa aming resto, sa sobrang sarap ng luto niya, ginawa siyang Head Chef ng aming Manager, naging employee of the month ako dahil sa pag rerecommenda sa kanya! Roomate ko na, katrabaho ko pa, grabe, It can't get anymore better than this! Pero sa kabila nito, nagkaroon naman ng problema pag dating kina Maui at Angelique, hindi natutuwa si Maui sa entrance ni Angelique sa buhay ko...

Dave: Oh, Maui, anong problema? bakit hindi mo kinakausap si Angelique?
Maui:
Bakit ko siya kakausapin? Kitang kita naman na inaagaw ka niya sa akin!
Dave:
Ha? Anong ibig mong sabihin?
Maui:
Ang manhid mo naman Dave, kitang kita naman na may gusto sayo yang babaeng yan! Nagseselos na ako...
Dave:
Ha? Anong...
Maui:
Matagal na kitang gusto Dave, kaya nga ako pumasok dito dahil gusto kitang makasama... Matagal na akong may problema kay Manager, pinapaalis na talaga niya ako dito, kaya lang ako tumatagal dahil sayo... Ayaw kong mawala ka sa buhay ko... Dave, mahal kita... Please, sabihin mo ding mahal mo ako...
Dave:
Pero bakit ngayon lang? Huli na ang lahat...

Tumalikod ako, nakita ko si Angelique, umiiyak habang nagluluto... Nilapitan ko siya at nagulat sa'king narinig...

Angelique: Aalis na ako... Tapos na ang oras ko dito...
Dave:
Ha? Anong aalis? Saan? Isama mo ako...
Angelique: Hindi ka
pwedeng sumama! Hindi mo kasi naiintindihan!
Dave:
Bakit? Saan ka ba nakatira? Sa North Pole? Bakit hindi kita pwedeng samahan? Anong hindi ko naiintindihan?
Angelique:
Hindi ako ang inaakala mong ako... Hindi mo ako kilala... Hindi ka talaga pwedeng sumama
Dave:
Ok... Ikaw ang bahala... basta, ihahatid kita... Wag ka nang umapila...

Umalis kami, at dinala niya ako sa isang mataas na mataas na lugar... Matagal niya akong tinitigan, lumuluha siya, pero di pa rin nawawala ang sinag sa kanyang mga mukha... Napakaganda talaga niya... Pero di ko maintindihan kung bakit dito niya ako dinala... Ipinikit niya sandali ang kanyang mga mat, at biglang may lumabas na Maliwanag na Ilaw mula sa kalangitan... Sa sobrang lakas ng hangin, napatalsik ako... Nang ako'y matauhan, nawala na siya... Hindi ako makapaniwala, isa nga talaga siyang anghel... Kaya pala iba ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya... Ngayon ko lang din naramdaman ang magmahal... Umalis siya nang hindi ko man lang nasabi ang tunay kong nararamdaman sa kanya... Hindi ito maari... Tumakbo ako sa pinakamalapit na simbahan at don nagdasal...

"God, please, give one more chance to speak to her, kahit sandali lang, masabi ko lang ang tunay kong nararamdaman..."

Binalot ako ng malakas na hangin, at nakakabulag na liwanag... Hindi ako makahinga, hindi ako makasigaw, para bang hinihigop ang aking kaluluwa... I felt like... like... Dying...

"Gising ka na pala Dave..."
"God? Ikaw na ba yan?"
"Huli ka na Dave, bumaba siya sa lupa para makausap ka..."
"Ha? Hindi... Hindi..."
"Mahal mo ba talaga siya Dave?"
"Opo, sobra po, gagawin ko ang lahat makasama ko lang ulit siya..."
"Mukha ngang di ka nagbibiro... Wag kang mag alala, ako na ang bahala... Hindi mo pa oras, kailangan mong bumalik sa lupa..."

Binalot akong muli ng nakakabulag na liwanag... Bumalik ako sa lupang nakangiti, at binubulong ang mga salitang "Maraming Salamat"

Dalawang taon na ang lumipas, araw araw akong bumabalik sa lugar kung saan ko siya huling nakita... Hindi na ako makatiis, Miss na miss ko na siya... Kailan kaya uli kami magkikita? Aalis na sana ako ng biglang may nalaglag na feather mula sa mga ulap... Biglang lumiwanag, hindi ako pumikit, baka siya na nga...

"Dave! Saluhin mo ako!!!" (BLAG)
"O! Ayos ka lang?"
"..."(Bihla niya akong niyakap)
"Bakit nandito ka?"
"Sinabi sa akin ni itay ang lahat ng sinabi mo..."
"Talaga?"
"Totoo ba lahat iyon"
"Oo, totoo ang lahat ng iyon... Teka, tao ka na ba? Hindi ka na ba aalis?"
"Oo, hindi na..."
"Paano nangyari iyon?"
"Sinabi ko kay Itay na..."

"Heaven Won't be Heaven Without You"

This story has been edited, dahil nakalimutan ko na ang tunay na istorya, medyo fast forward na din siya dahil masyado siyang mahaba... Lahat ng mababasa niyo ay plain fiction at di nangyayari sa totoong buhay...







posted by icarus_05 @ 10:17 PM Comments: 2

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>