Friday, June 23, 2006
Theater Life part 4...
First kiss ko... Isang magandang dalaga... Perpektong perpekto ang eksena... Kaso akting lang...
Aus, alam na namin ang lahat ng gagawin sa play, hindi na ako makapaghintay pa sa aming palabas... Excited na ako... Sa kabila ng excitement ko, malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama pagkatapos nito... Hindi ako mapakali... Sana naman mali ang kutob ko... Nabalot ng katahimikan ang buong paligid, masyadong nakakabingi ang katahimikan. Tulala ako sa kaiisip sa kanya... Ganon ba talaga kapag 1st kiss? Hinahanap-hanap mo ang kasunod?
Haay, di ako padapat nagsasayang ng oras! Matatapos na ang practices, pagkatapos nito, wala na... Hindi na kami magkikita... Hindi ko na alam ang gagawin ko... Gahol na gahol na ako... At Medyo may "hang over" pa ako sa nangyari kahapon... Then inaya niya akong mag meryenda, labis naman ang tuwang naramdaman ko. Dapat maamin ko na sa kanya habang maaga pa, wala akong pakialam kung hindi ang sagot niya, basta't masabi ko lang sa kanya!
"Jason, tingin mo, anong mangyayari pagkatapos nito?" "Hindi ko rin alam eh, bahala na..." "Pano yan, baka hindi na tayo magkita..." "Naniniwala ka ba sa Destiny?" "Destiny? Hindi eh... Bakit ano bang meron doon?" "Anything happens for a reason ika nga... Baka sakaling tayo nga ang tinadhana, ipaglalapit tayo nito..." "Ah... Ganon ba... Hahahaha!" "Ha? Anong nakakatawa?" "Ang corny mo pala?" "Yabang mo... Hehe! It could happen di ba? Coke?"
Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang gabing pinaka aayaw ko... Pagkatapos nito, paalam na... Kabado ang lahat, si Jessica, tahimik lang sa isang tabi, ako naman, busing busy sa pag mememorize sa script at pag iisip sa kissing scene... Lumakas ang kalabog ng dibdib ko ng lumapit sa akin ang direktor at sinabing...
"Limang minuto na lang, kayo na ang papasok... Ma-inlove ka sa kasama mo... Bagay na bagay kayo... Pero wag mong dadalhin ito sa totoong buhay... Dahil mahirap kapag nagpadala ka sa emosyon mo, masisira ang lahat ng pinaghirapan natin, at sasabog ang ating palabas. Maliwanag ba yon? Ok! Get in there and break a leg!"
Wag dadalhin sa totoong buhay, oo nga, dapat di ako nagpadala... Mahirap na... Good luck na lang sa amin...
"Paano? Paalam na ba talaga?" "Hindi pa aking mahal, magkikita pa din tayo..." "Pero, paano ka naman ba nakakasiguro?" "Mangangako tayo sa isa't-isa..." (Naglabas ng singsing) "Paano?" (Isusuot ang singsing) "Tanggapin mo ito sa ngalan ng aking pagmamahal sa iyo" "Sa ngalan ng pagmamahal natin..." "Nakikita mo ba ang bilog na buwan? Siya ang ating saksi..." "Saksi sa ating pag iisang dibdib..." "At pangakong magkikita tayong muli..." (Kiss)
Itong eksena na ito ang pinakapaborito ko... Sana nga lang, maidala ko ito sa totoong buhay... Sana ganon lang kadali iyon...
Natuwa ang mga tao sa aming palabas... Standing ovation ang natanggap namin... Ang sarap ng feeling namin noon... Oras na para sa aming last bow, ang katapusan ng aming love story... Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko... Pati rin ako, ayaw ko na ngang bumitaw... Pagkatapos nito, paalam na nga ba?..
Dumilim ang paligid, at may narinig akong ingay... Nagising ako mula sa matagal na pagkakahimbing... Panaginip lang pala ang lahat... Tumayo na ako dahil tanghali na, kumain, naligo at lumabas ng bahay at nag gala sa siyudad... Bigla akong may nakitang larawan na nagpatibok sa aking puso...
"Sumpaan sa liwanag ng buwan"
Isang play, parang yung nasa panaginip ko... Audition na pala nila... Makanood nga... Parehong pareho ang teatrong ito sa aking panaginip, kaya naman napangiti ako... Kinakabahan ako.. Bakit ganito... Umupo ako sa Audience, nanood sa mga artistang sumasali... Nang biglang may tumabi sa akin...
"Hello po! Mag aaudtion ka po ba?" "Ah, hindi po, di po ako marunong umarte eh... Pero gusto ko sana" "Ah ganun ba, ako din eh... Gusto ko ring sumali..." "Sige, kung gusto mo, sasamahan kita" "Talaga?" "Oo, talaga..." "Ano nga palang pangalan mo?" "Ah, ako si Jason Buenaventura" "Nice to meet you, ako nga pala si Jessica Chua..."
At sumpaang magkikita tayong muli... Ganito pala talaga ang pag ibig, kakaiba, nakakakilabot, totoong mahiwaga... Destiny na ba o coincidence lang?...
The End...
Labels: Series, Theater Life Series
|