Wednesday, June 14, 2006
Theater Life...
Ang buhay sa Teatro, lahat ay akting lang... Kapag nasa Entablado ka na, hindi na ikaw ang taong nandoon... Everything goes on the stage, anything can happen... Ang buhay teatro, hindi nadadala sa totoong buhay...
Iyon ang akala ko...
As I sat there sa isang silya sa backstage... I'm memorizing the lines para sa audition sa isang play na I've been dying to join in... It's a story about two teenagers, seeking love from one another... Pero hindi ito ginusto ng kanilang mga magulang...
Dahan-dahan akong sumisilip sa main stage. Lalo tuloy akong kinabahan... Madami ring nag audition dito, hindi lang ako... Lahat sila magagaling... Lahat sila goodlooking... Samantalang ako... Haayy.. Kaya ko ito... Hinga ng malalim, hinga, hinga, hinga, hing---
"Ok, Mr. Jason Buenaventura!"
Huwaaaat!!! Teka, sandali, di ko pa memorize! Wah! Anong gagawin ko?!... Hmm... Bahala na! Hinga, hinga... Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso...
"Ok Jason, you will pair up with Ms... Hmmm, Lets see... Ms. Jessica Chua"
Huwaah! At may ka-pair pa! Bakit ako lang may ganoon? Yung mga nauna wala?.. Lalo akong di nakapag isip ng maayos ng naramdaman kong lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso ko, para bang gusto na nitong lumabas mula sa dibdib ko... Tumalikod ako upang makita ang aking magiging ka-pair... She's rushing towards me, sa kanyang itsura, mukhang kinakabahan din siya... Tumigil siya at tumitig sa akin... Napatigil ako... (If there were no words... No way to speak...) Narinig ko ang mga himig na ito sa aking isip. She smiled at me, kitang kita ko ang kanyang magagandang mga dimples, lalo tuloy akong nabighani...
"Guys, hindi pa ito ang palabas... Hinay hinay lang...;)" "Ah! Yes Sir, sorry Sir!"
Hindi pa nagsisimula ang direktor mag sabi ng action, sinimulan ko na ang "Audition". Naisip ko, kailangan kong magpasikat... Pagkakataon ko na 'to, kung makuha man ako, sana siya ang makapares ko... Nagtaka ako sa mabilis na mga pangyayari, bigla ko na lang naalala ang lahat ng mga linya...
" Hindi ka ba nagtataka aking sinta? Ang lugar na ito... Tila pamilyar..." "Hindi mo na ba naalala aking mahal? Dito tayo unang nagkita, totoo ngang kinalimutan mo na." "Alam ko, paano ko malilimutan? Dito sa lugar na ito ko narating ang langit..."
Naiimagine ko ang lahat... Ang lahat ng scenes para bang nangyayari sa totoong buhay, lalo na habang tinititigan ko siya, at nagkakalapit ang aming mga mukha... Malapit na ang kissing scene... Waah! Nararamdaman kong bigla akong namula! At sigurado akong napansin ito ng direktor, kaya naman bago pa man nangyari ang dapat mangyari...
"Magaling! Ok, salamat po sa mga sumama sa audition, maghintay lang po sana tayo ng mga ilang sandali at sasabihin na namin ang mga naka pasa sa audition..."
Whew! Buti na lang... Nakakahiya naman sa kanya kung matuloy iyon, hindi ako marunong humalik! baka mapahiya lang ako! Sandali akong sumulyap sa kanya... Nakita ko na nawala na ang bakas ng ngiti sa kanyang mga Labi...
To be continued... Labels: Series, Theater Life Series
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|