Tuesday, May 30, 2006
Isang araw na wala ka...
Parang ang bagal ng takbo ng panahon, 'pag wala ka...
Totoo nga iyang linyang iyan na nag mula sa kanta ng sessiOn Road na "Gusto na kitang Makita" Bakit kaya gano'n ano? talagang napakabagal kapag wala sa tabi mo ang mahal mo?
Umaga na, maaga pa lang, binulabog na ako ng maliwanag na sinag ng araw, patay na ang air conditioner kaya't sumingaw na ang init sa paligid ng maliit na kwarto, sinabayan pa ito ng pamamalo ng makulit kong kapatid kaya't wala akong nagawa kindi gumising at salubungin ang bagong umaga... Inaantok pa ako, kumbaga, may hangover pa ako sa pagkapuyat ko kagabi, pero hindi na ako makatulog... Umupo ako para naman makapag pahinga kahit sandali, binuksan ang TV, wala namang palabas dahil umaga, puro talk shows at ang walang kamatayang "But Wait! There's More!" ng mga TV Home Shopping ang aking napuna. Pinatay ko ang telebisyon, tumayo ako at pumunta sa kusina, wala nang pagkain dahil tanghali na akong nagising, nagtimpla ako ng kapeng may halong milo at bumalik sa sala. Hindi ko na binuksan ang TV dahila alam kong wala naman akong mapapala doon... Natulala ako... Medyo matagal-tagal din iyon, kung ano-ano ang pumasok sa isip ko...
Kailan kaya mangyayari muli...
Ang mga panahong kasama kang naglalakad sa tabi ng mga alon... Magkahawak ang mga kamay, sinasalo ang sariwang hangin... Ang pagsasalubong ng ating mga tingin habang hinihintay ang paglubog ng araw... Ang maupo at pakinggan ang himig ng dalampasigan... Ang paglipad sa paraisong kasama ka... Ang pag aawit, habang sumasabay ang mga ibon... Pag higa sa ilalim ng buwan at mga tala... Ang pagbibilang ng mga nalalaglag na tala... Ang paghiling at pangangarap para sa ating hinaharap... Ang mga yakap na mahihigpit katabi ng sinag ng Apoy... Ang pagtulog mo ng mahimbing lulan ng aking kandungan... Ang pagdilat sa umagang hawak mo ang kamay ko... Ang marinig ang mga salitang, nagpapangiti sa aking puso... "Mahal Kita, Iyon ang Totoo" Ngayong tayo'y magkalayo... Hangad parin ang makasama ka muli... Doon pa rin sa aking sariling paraiso... Na nais kong maging iyo... kasama ka... Hanggang sa muling pagkikita aking mahal...
Sabay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata... Sa paghahangad na muli kang makita... Hanggang sa muli aking sinta... Pero wag naman sanang paalam na...
At ako'y natauhan... Pag tingin ko sa orasan, alas dose na ng tanghali... Kakain na... Sa wakas...
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|