Thursday, June 01, 2006


My Guardian Angel


This is one of the stories I made when I was bored to death in my last few days of Highschool...

"Sigurado ka ba anak sa desisyon mo?"
"Opo 'tay... Kaya ko naman po siguro"
"Bakit mo naman naisipan na pumunta doon?"
"Kasi po, bata pa lang ako, kinupkop niyo na ako, naiinggit po ako sa mga kaibigan ko tuwing nagkukwento sila tungkol sa buhay nila... Gusto ko din pong maranasan iyon"
"Ah ganun ba... Oo, naiintindihan kita anak ko..."
"..."
"O sige, bibigyan lang kita ng dalawang buwan ok?! Mahirap na, di natin alam ang mangyayari kung mag tatagal ka doon, at may maka alam ng tunay mong pagkatao"
"Sapat na po iyon 'tay! Maraming Salamat po!"

????: Dave!!! Trabaho!!!!
Dave: Opo! Opo!
????: Yan! Mabuti!!! (Sabay ngiti ng patago)

Haay, umagang umaga, nasigawan kaagad... Lagi na lang mainit ang ulo sa akin ng manager namin...

Ako nga pala si Dave, isa akong working student dito sa Maynila, bata pa lang, lumisan na ako papunta dito upang makipagsapalaran sa malupit na mundo ng Maynila... Nagtatrabaho ako sa isang sikat na Resto-Bar, tatlong taon na din akong sakal ng aming Manager...

Ibang klase itong trabaho ko, para kang pari na nakaupo sa confession room... Iba't-ibang klase ng mga tao ang nakakasalamuha ko araw-araw, lahat may iba't-ibang katangian at iba't-ibang trabaho... Kumpleto na yata, lahat nakita ko na... Mayroong Pulis, Kriminal, Bumbero, Salesman, Businessman, Manguukay-ukay, tambay, mag-iinom, manlalako ng ice cream, simcard, cellphone, taho, balot, suman, scrambol, weeds, shabu, lahat ng klase ng droga, Pari, Madre, Titser, Estudyante, Pamilya, May birthday man o wala, Pilay, May sakit sa puso, Ketongin, abnoy, Bakla, Tomboy, Barkada, grupo ng mga nerd, punkista, adik, Conyo, jologs, posers, bloggers?, cheering squad, streetdancers, dancer sa bar, musikero, composer, singer, banda, boy band, girl band, labers, mga bigo o basted, mga naghahanap ng love, mga magkakatipan... As in lahat na... Ang di ko na lang ata nakikita ay ang Papa at si GMA...

Speaking of Lovers, sa tinagal ko dito sa Maynila, kahit kailan, di pa ako nagkaroon nito... hindi ko alam kung bakit pero, hindi naman ako pangit... Hindi rin ako kagwapuhan, di naman ako tanga, di rin naman ako bobo... Siguro, talagang malas lang ako pag dating sa mga babae... Ang manager ko na lang ata ang nagkamaling nagkagusto sa akin eh... Palibhasa, nangangabila... *Sigh* Araw araw akong nagsisimba, hinihiling ko sa Diyos na bigyan niya ako ng Sign, sign na magpapakatotoo sa mga pangarap ko... Akala ko talaga, hindi na ako makakahanap pa! I'm so Desperate!!! Ng biglang...

????: Pare! Nakikita mo ba ang nakikita ko?

Siya si Chris... Katrabaho ko siya dito, sabay kaming pumasok dito, kaya't kilalang kilala na ako nito... Gwapo, matipuno ang katawan, a perfect gentleman, matinik ito lalo na sa mga "chicks".

Dave: O, Ano nanaman ba yan? babae nanaman ano?!
Chris: Oo Pare! Pero, iba siya sa mga nakita ko na! Mayroon siyang kakaibang aura!
Dave: Ang corny mo pare, may pa aura-aura ka pang nalalaman jan!
Chris: Hmph! Tigilan mo nga ako!.. Tsaka, napapansin ko din na madalas ang punta niya dito...
Dave: Malamang! Maganda ata ang resto natin!
Chris: Sabagay... Bahala na... Lalapitan ko siya, watch and learn bro!
Dave: Haay... ayan ka nanaman... Good Luck na lang!
Maui: Haha! Hihirit nanaman ba siya?
Dave: Haha! Oo eh! (blushing)

Si Maui naman, medyo bago-bago lang siya dito, pero malaki na ang naitulong niya... Kaso medyo may alitan ata sila ni Manager... Maganda, Seksi, Crush ng Bayan, matalino, tahimik, at mukhang may tinatagong sikreto... In short.. Misteryoso...

Maui: Eh kung unahan mo na siya?
Dave: Ha? Seryoso ka?
Maui: Oo naman!
Manager: Hoy! Dave! May costumer oh! (tinuro niya yung babae) Trabaho!!!
Maui: O, narinig mo si Mr. Manager! Trabaho!!! (imitating the Manager)
Dave: Haaay... Sige na nga... Bahala na...

Tinignan ko si Chris sa Kitchen, patuloy pa rin siyang nagsusuklay at naglalagay ng pabango... Naririnig ko din na pinapraktis niya ang mga lines niya... Hindi na ako nagsayang pa ng oras... Lumapit na ako sa kanya... Nanginginig, Nangangatog, Natutulala...

Dave: Hi miss, can I take your order?
????: Order?!
Dave: Uhm.. Order.. May paglilingkod ba ako sa isang magandang dalagang tulad mo?
????: Ah! Hihi... Uhm... Dito ka lang, samahan mo ako... :)
Dave: Samahan? Ok lang po, sige po...

Wow!!! I Hit the Jackpot!!! There in front of me, ang babaeng lagi kong nakikita sa mga panaginip ko, dream come true na ba ito? Wait! I must be dreaming... (kurot) Aw!!! Hindi nga! Totoo nga ito!!!

Mahaba ang buhok, maputi, mabait, pero mukha siyang inosente... Tama nga si Chris tungkol sa kanya... Iba nga ang aura niya, pag malapit ka na bigla ka na lang magkakaroon ng lakas ng loob... Grabe, Love at first sight na ba? Siya na ba ang sign na hinihingi ko sa Diyos? Tinitignan ko pa lang siya, para na akong nawawala sa sarili ko... Para siyang anghel!

????: Hello po Mr. Dave!
Dave: Ha? Pano mo po nalaman ang pangalan ko?
????: Sikreto po!
Dave: Hmm. Di bale na nga, ano po bang pangalan niyo?
Angelique: Ako pala si Angelique
Dave: Angelique? Nice to meet you! Bago ka lang po ba dito sa Maynila?
Angelique: Ah, oo eh! Mga 2 weeks pa lang ako dito... Pwede mo po ba akong ilibot sa buong mundo? (Sabay ngiti)
Dave: Buong mundo?! Seryoso ka? Hindi ko kaya yon, sa buong Maynila ok lang...
Angelique: Sige, pwede na siguro iyon! Sige! (Sabay ngiti ulit)
Dave: (Naku po! Ang hirap namang tanggihan yang ngiti na iyan!) Ah, ok lang po sa akin, kaso may trabaho pa po ako eh...
Angelique: Sige na please? Please? Please?
Dave: May Trabaho po talaga ako eh!
Manager: Hoy! Dave! Ano bang tinatanga-tanga mo diyan? Trabaho!!! (Ismid sabay ngiti)
Dave: Ayan, nagagalit nanaman siya... Sige po, bukas po talaga...

Umalis na ako at pumunta sa counter, madami nang costumer ang naghihintay doon... Nakakahiya naman kay Angelique... Grabe, minus pogi points ako don... Kaya't sumilip uli ako para tignan kung ayos lang siya, pero pag tingin ko, wala na siya... Sabay namang pag labas ni Chris sa Kitchen...

Chris: O? Asan na siya?
Maui: Umalis na, ang bagal mong kumilos eh! (sabay kindat kay Dave)
Dave: Ah! Oo, umalis na... (Smiling while blushing...)

At night, hindi ako mapakali, I can't stop thinking 'bout her... And one thing kung bakit hindi ako makatulog eh nararamdaman kong parang may nakatingin sa akin sa bintana... Kinikilabutan ako, dahil nararamdaman ko ang presence ni Angelique... Nung nagkaroon na ako ng chansa na makatulog, bigla naman akong sinigawan ng Tandang at, binulag ako ng sikat ng araw! Nakakainis!!! Hindi pa tapos, nagsisimula pa lang ang mga kamalasan ko... Nakatulog ako sa Jeep dahil sa sobrang puyat, pag gising ko, lagpas na ako sa Resto! Nakapaglakad tuloy ako ng dalawang kilometro ng wala sa oras... Pag lapit ko sa pinto, biglang tinalunan ako ng isang babae...

Angelique: Dave!!! Nandito ka na sa wakas! (Yakap na mahigpit)
Dave: Ah! Nandito ka pala, akala ko pa naman galit ka sa akin... (Blushing)
Angelique: Hindi noh! Hindi ako marunong magalit... Tayo na! Ilibot mo na ako dito!
Dave: May trabaho pa po ako eh...
Angelique: Wag kang mag alala! Pinag paalam na kita... Kaya't halika na!
Dave: Sigurado ka sa sinasabi mo ah... Sige, tayo na...

Wala naman akong alam na Pasyalan dito sa Maynila, kaya't inuna ko na lang ang Luneta...

Dave: Ok, Ito ang Luneta Park...
Angelique: Wow! Ang ganda naman dito... teka... Parang kilala ko yun ah?!
Dave: Ah! Iyon ba... Siya si Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas...
Angelique: Hmmm. Jose? Rizal? Aaah! Si Pepe!! Naku! Kilala ko yan! Napaka bait niyan tsaka napaka babaero! Lagi ko siyang nakikita doon sa may amin!
Dave: Ha? Nagbibiro ka ba? Ano sinasabi mo jan?
Angelique: Ah! Wala, wala, wag mo na lang pansinin! Ahihihi...;)
Dave: Ang weird mo naman pala...
Angelique: Ganon? Hmph!

Dinala ko naman siya sa Manila Cathedral kung saan ako madalas magpunta at magdasal sa Diyos...
Nagpasalamat ako sa kanya at nakilala ko si Angelique... Tinignan ko si Angelique ng may pagkamangha... Ang Tagal niyang magdasal...

"'Tay! ang bait naman pala niya, akala ko pa naman suplado siya!"
"Anak, ikaw pala iyan! I'm glad to see that you are happy"
"Oo nga po 'tay! Ngayon lang po ako naging ganito kasaya!"
"Bata ka pa nga aking anak... Tama lang pala na pinayagan kitang pumunta diyan..."
"Maraming salamat po 'tay!"

"Teka, Parang kilalang kilala mo na siya ah? Kaano-ano mo ba siya?"
"Siya po yung lalaking lagi kong binabantayan, yung lagi ko pong kinukwento sa inyo..."
"Ah, ganun ba... Sige, maiwan muna kita..."
"Salamat po ulit tay!"
"Mag-iingat ka... Lagi kitang babantayan..."

Dave: Gumagabi na, Ihahatid na kita... San ka nga pala nakatira?
Angelique:
Sa He... Ah, wala pa eh, di pa ako nakakahanap ng bahay...
Dave:
Ah, ganun ba, kung gusto mo, 'dun ka muna sa apartment ko magpalipas ng gabi...
Angelique: Talaga? Pwede? Sige Sige!!

Pauwi na kami, mukhang napagod siya sa aming pamamasyal... Kaya't nakatulog siya sa aking balikat... Ako rin, sa sobrang puyat, nakatulog din ako... Pag gising ko, nakalagpas na naman ako sa aking apartment!!! Kaya't nakaranas nanaman ako ng mahaba-habang lakaran, pero ibang eksena na ito, may kasama na ako... Kaya't upang malibang, nakipagkwentuhan ako sa kanya...

Angelique: Dave, ok ka lang? bakit namumutla ka?
Dave:
Gutom lang ito siguro... Kanina pa tayo hindi kumakain...
Angelique:
Wag kang mag alala, ipagluluto kita mamaya...
Dave:
Marunong kang magluto?
Angelique: Oo naman!

Ang bilis niyang magluto... After 5 mins lang natapos na niya ito... At, 5 mins ko lang din ito naubos! Grabe! Ang sarap ng luto niya!

Nirecommend ko siya sa aming resto, sa sobrang sarap ng luto niya, ginawa siyang Head Chef ng aming Manager, naging employee of the month ako dahil sa pag rerecommenda sa kanya! Roomate ko na, katrabaho ko pa, grabe, It can't get anymore better than this! Pero sa kabila nito, nagkaroon naman ng problema pag dating kina Maui at Angelique, hindi natutuwa si Maui sa entrance ni Angelique sa buhay ko...

Dave: Oh, Maui, anong problema? bakit hindi mo kinakausap si Angelique?
Maui:
Bakit ko siya kakausapin? Kitang kita naman na inaagaw ka niya sa akin!
Dave:
Ha? Anong ibig mong sabihin?
Maui:
Ang manhid mo naman Dave, kitang kita naman na may gusto sayo yang babaeng yan! Nagseselos na ako...
Dave:
Ha? Anong...
Maui:
Matagal na kitang gusto Dave, kaya nga ako pumasok dito dahil gusto kitang makasama... Matagal na akong may problema kay Manager, pinapaalis na talaga niya ako dito, kaya lang ako tumatagal dahil sayo... Ayaw kong mawala ka sa buhay ko... Dave, mahal kita... Please, sabihin mo ding mahal mo ako...
Dave:
Pero bakit ngayon lang? Huli na ang lahat...

Tumalikod ako, nakita ko si Angelique, umiiyak habang nagluluto... Nilapitan ko siya at nagulat sa'king narinig...

Angelique: Aalis na ako... Tapos na ang oras ko dito...
Dave:
Ha? Anong aalis? Saan? Isama mo ako...
Angelique: Hindi ka
pwedeng sumama! Hindi mo kasi naiintindihan!
Dave:
Bakit? Saan ka ba nakatira? Sa North Pole? Bakit hindi kita pwedeng samahan? Anong hindi ko naiintindihan?
Angelique:
Hindi ako ang inaakala mong ako... Hindi mo ako kilala... Hindi ka talaga pwedeng sumama
Dave:
Ok... Ikaw ang bahala... basta, ihahatid kita... Wag ka nang umapila...

Umalis kami, at dinala niya ako sa isang mataas na mataas na lugar... Matagal niya akong tinitigan, lumuluha siya, pero di pa rin nawawala ang sinag sa kanyang mga mukha... Napakaganda talaga niya... Pero di ko maintindihan kung bakit dito niya ako dinala... Ipinikit niya sandali ang kanyang mga mat, at biglang may lumabas na Maliwanag na Ilaw mula sa kalangitan... Sa sobrang lakas ng hangin, napatalsik ako... Nang ako'y matauhan, nawala na siya... Hindi ako makapaniwala, isa nga talaga siyang anghel... Kaya pala iba ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya... Ngayon ko lang din naramdaman ang magmahal... Umalis siya nang hindi ko man lang nasabi ang tunay kong nararamdaman sa kanya... Hindi ito maari... Tumakbo ako sa pinakamalapit na simbahan at don nagdasal...

"God, please, give one more chance to speak to her, kahit sandali lang, masabi ko lang ang tunay kong nararamdaman..."

Binalot ako ng malakas na hangin, at nakakabulag na liwanag... Hindi ako makahinga, hindi ako makasigaw, para bang hinihigop ang aking kaluluwa... I felt like... like... Dying...

"Gising ka na pala Dave..."
"God? Ikaw na ba yan?"
"Huli ka na Dave, bumaba siya sa lupa para makausap ka..."
"Ha? Hindi... Hindi..."
"Mahal mo ba talaga siya Dave?"
"Opo, sobra po, gagawin ko ang lahat makasama ko lang ulit siya..."
"Mukha ngang di ka nagbibiro... Wag kang mag alala, ako na ang bahala... Hindi mo pa oras, kailangan mong bumalik sa lupa..."

Binalot akong muli ng nakakabulag na liwanag... Bumalik ako sa lupang nakangiti, at binubulong ang mga salitang "Maraming Salamat"

Dalawang taon na ang lumipas, araw araw akong bumabalik sa lugar kung saan ko siya huling nakita... Hindi na ako makatiis, Miss na miss ko na siya... Kailan kaya uli kami magkikita? Aalis na sana ako ng biglang may nalaglag na feather mula sa mga ulap... Biglang lumiwanag, hindi ako pumikit, baka siya na nga...

"Dave! Saluhin mo ako!!!" (BLAG)
"O! Ayos ka lang?"
"..."(Bihla niya akong niyakap)
"Bakit nandito ka?"
"Sinabi sa akin ni itay ang lahat ng sinabi mo..."
"Talaga?"
"Totoo ba lahat iyon"
"Oo, totoo ang lahat ng iyon... Teka, tao ka na ba? Hindi ka na ba aalis?"
"Oo, hindi na..."
"Paano nangyari iyon?"
"Sinabi ko kay Itay na..."

"Heaven Won't be Heaven Without You"

This story has been edited, dahil nakalimutan ko na ang tunay na istorya, medyo fast forward na din siya dahil masyado siyang mahaba... Lahat ng mababasa niyo ay plain fiction at di nangyayari sa totoong buhay...







posted by icarus_05 @ 10:17 PM Comments: 2

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>