Sunday, June 18, 2006
Theater Life part 3...
Haay... Sayang lang pala ang love story ko dito...
Dalawang Linggo na ang nagdaan, pero hindi pa rin niya ako kinakausap, hindi ko alam kung bakit... Para tuloy nakakatamad mag praktis dahil dito... Iyon lang ang pagkakamali ng direktor, hindi niya kami pinakilala sa isa't-isa... Kung magiging "Love team" kami, dapat meron ring mabuong chemistry sa aming dalawa... Pero, ayoko nang umasa pa sa Direktor, ako na ang gumawa ng first move...
"Uhm, Jessica, pwede bang magpatulong sa script? Mahirap kasing mag praktis ng walang kabatuhan ng linya..." "Oo nga eh, pati ako nahihirapan..." "Praktis tayo?" "Hmm... Basta ba wala kang gagawin sa aking masama eh!" (Sabay kindat) "Hahaha! Oo promise!"
Wow... That turned out great, di ako makapaniwalang papansinin niya ako... Sana nga lang tuloy tuloy na ito... Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, pero the whole time ng practice namin, nakangiti ako... Kahit drama ang eksena! Pero, kahit nagmukha akong tanga, di ko na ito inintindi, basta masaya kami pareho sa ginagawa namin... Napansin ko din na parang umiilaw ang mga mata niya, lalo tuloy siyang gumaganda...
Na praktis na namin ang buong play except for the kissing scenes... Grabe! Di ko alam gagawin ko! Nahihiya pa talaga ako sa kanya... Lalo na't gagawin pa namin ito in front of the audience... 5 days before the show, kinausap niya ako... Nagulat ako...
"Ano ka ba Jason! Bakit di mo man lang tinutuloy yung isang eksenang iyon?" "Ha? Ah, eh... Sa play na lang... Wala ako sa mood ngayon eh..." "Asus! Edi lagi ka na lang wala sa mood?" "Ah, eh, oo! Ganun na nga..." "Hmmm... Siguro di ka marunong ano?!" "Waaaah! Ano ka?! Marunong ako noh!" (Nako! Patay! Bistado!) "Ows? Talaga?! Eh ba't namumula ka?! Asus! Aminin na kasi!" "Ah, eh, kasi, wala lang talaga akong gana ngayon..." "Haha! Sigurado kang marunong ka talaga?!" "Oo! Marunong talaga ako!" (Nako, I really hate lying!) "Sige nga, Halikan mo ako! Ngayon din!" "Waah! Ngayon na? As in ngayon na?! Saan?!" "Diba nag papraktis tayo?! Wag nang maraming tanong!"
Biglang lumapit ang mga labi niya sa akin... Nagulat ako, pero sa loob loob ko, tuwang tuwa naman ang gago! Parang ang bagal ng mga pangyayari, umiikot ang ulo ko... I'm floating... I'm falling... Literally! Nalaglag ako sa upuan ko... Hiyang hiya ako sa mga sunod sunod na pangyayari! Pero nawala ang hiya ko at napalitan ng mga ngiti ng nakita ko siyang tumatawa sa mga kapalpakan ko...
"Hahaha!, nakakatawa ka naman pala" "Hmph ganun?! Babawian kita! ;)" "Ganun?! Infairness, magaling ka palang humalik..." "Sabi ko sayo eh!" (Ayos! Di ako nahalata!)
Ang saya na ng mga practices matapos iun, mas lalo kaming napalapit sa isa't-isa... Pero biglang pumasok na lang sa isip ko ang thought na First kiss ko... Isang magandang dalaga... Perpektong perpekto ang eksena... Kaso akting lang...
To be continued... Labels: Series, Theater Life Series
|