Monday, June 26, 2006
My Textmate... My Soulmate...
Gumising ako isang umaga, excited ako... Halata naman sa ichura ko, hindi mapawi ang ngiti sa aking mukha... Ang ganda ng gising ko, unang-unang bumati ang Haring araw sa akin...
Naligo na ako at nagbihis, bumaba na sa hapag kainan upang kumain, walang tao... Tahimik ang buong paligid. Kinikilabutan ako, alam kong may mangyayaring kakaiba... Bago pa man ako makababa sa mesa, nabingi ang kaluluwa ko ng biglang...
"Surprise! Happy Birthday Mico!"
Hay.. Akala ko nakalimutan na nila... Nakakapanibago sila... Normally, lagi silang wala sa bahay, nasanay na akong maging isang "loner" kaya't nakakatuwa talagang isipin na nandito sila, sa araw ng kaarawan ko... Sandali akong napatigil, tumutulo ang mga luha sa aking mata... Dahil na din siguro sa sobrang saya...
"O, anak, wag kang umiyak, birthday na birthday mo umiiyak ka..." "Oo, tama ang mommy mo, dapat maging masaya ka... May regalo pa naman kami sa iyo" "Regalo? Talaga?" "Heto oh.." (Inabot ang isang kahon) "Sige buksan mo na... Happy birthday anak..."
Dahan dahan kong binuksan ang regalo ko... Kinakabahan ako, pero abot tenga naman ang ngiti ko! Sana... Sana... Sana... Waaaaah! Cellphone nga!! Hindi ako makapaniwala... Sa wakas, binilhan na din nila ako ng cellphone! Hindi na ako maiiwan sa uso... Ang sarap na sana ng pakiramdam, kaso, naalala ko, hindi nga pala ako marunong gumamit nito... Hindi ko na lang ito pinaalam sa kanila... Nagpasalamat ako sa kanila, ang cellphone kayang ito ang magbabago sa aking "loner" life? Sana nga... Para kasing may kulang sa buhay ko na di ko lang alam...
Pumasok na ako sa eskwela at doon naghanap ng katext! Pero dahil nga "loner" ako, walang nagbalak na lumapit sa akin... Malungkot... Wala rin palang kwenta ang cellphone ko... Hindi ko din magagamit... Natapos ang isang araw na walang lumabas na tinig sa aking bibig... Walang kumausap sa akin, wala din akong kinausap... Pauwi na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko... Tinignan ko kung sino ang nagtext sa akin, sa di malamang dahilan, bigla na lang akong napangiti...
"Hi! Cn I be ur txm8?"
Dalian akong umuwi sa bahay, nagkulong sa kwarto at nag reply...
"Sure! What's ur name nga po pala?" "Hi I'm Carla..."
I think this is the start of something new... Ganito pala ang feeling kapag may "kaibigan" ka...
-To be continued
Labels: My Textmate My Soulmate, Series
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|