Saturday, August 26, 2006


Til' They Take My Heart Away... Part 8...


Tunay nga bang walang himala?..

Nagising ako lulan ng FX sa mahabang highway ng Quezon Avenue... Excited na ako, dahil manunuod ang aming Theater Group (SIKAT) ng isang pagtatanghal ng PETA. Isang linggo ko rin itong pinakaaabangan, dahil tiyak ko na mabubuhay nanaman ang pag ibig ko sa teatro, at siyempre... Nanduon siya, manonood...

Isang gabi nakausap ko siya sa YM... Tinanong ko kung sasama ba siya paluwas upang manuod ng palabas, ang sabi niya, hindi raw siya sigurado... Kaya nag dadalawang isip ako kung tutuloy ba ako o hindi... Hindi na ako mapakali, sobrang dami nanamang negatibo ang pumasok sa isip ko... Pero nagulat ako ng biglang nag text sa akin ang kanyang kuya... "Tol, magsisimula na, 10 mins na lang daw bilisan mo!"... Sampung minuto na lang... Pero nasa kalagitnaan pa lamang ako ng Quezon Avenue, mukhang hindi na ako aabot... Maulan pa man din at di ko dala ang payong ko... Sobrang gahol na gahol na ako... Sampung minuto na lang, magsasara na ang pinto na nagbibigay ng daan upang makita ko siyang muli...

Ng makarating ako sa kanto ng QC Sports Center, kumaripas ako ng takbo... Nakipag patintero sa mga sasakyan at nakipag ilagan sa mga nalalaglag na butil ng ulan... Sobrang bilis ng aking pagtatakbo, hingal na hingal na ako, pero hindi ko ito pinansin... Limang minuto na lang... Makakahabol pa ba ako? *biglang tumunog ang kantang Himala ng Rivermaya sa aking iPod*

"Himala, kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala..."

Sa wakas, nakarating ako sa PETA Theater Center... Basang basa, hingal na hingal, ni hindi makapagsalita... Sinalubong ako ng aming adviser at ng kanyang kuya... Nagmamadali... Pagpasok namin ng teatro, saktong saktong patay ng ilaw at pagkanta ng National Anthem... Sakto... Hinanap ko siya, pero hindi ako nagpahalata... Nakita ko siya, nasa dulo, katabi ng pinsan ko... Sayang, kung nakarating lang ako ng mas maaga, sana katabi ko siya... Tanga!! Tulad nga ng sinabi ko, hindi natupad ang mga plano ko... Hindi ko siya nakatabi... Haay, tadhana nga naman... (Next post ko ikukwento yung Palabas ng PETA na Walang Himala... tignan niyo na lang dito...)

Matapos ang palabas, hinintay ko siya sa labas ng teatro, tumambay muna sa isang pamilyar na hall na dating klasrum namin noong summer workshop... Andaming sumalubong sa akin na ala-ala, mga ala-alang kasama ko siya... Haay... Nakita ko na silang isa isang naglalabasan, nang makita ko siya, hindi na ako kinabahan, ewan ko ba, mukhang malakas na ang loob ko ngayon... Pero hindi nanaman niya ako pinansin... Dinaanan lamang niya ako at dumerecho na sa bilihan ng pagkain... Inaya ako ng mga kasama ko na mag picture picture, pero sa lahat ng mga kuha nila, hindi ako makangiti... Sobrang na gulantang ako sa naging reaction niya... Ni hindi man lang siya tumitingin sa akin... Kaya't agad akong gumawa ng action... Bahala na kung ano ang kalalabasan... Nilapitan ko siya kaagad at sinabing, "Wui, bat di ka na namamansin ha?"..."Aba, ako pa ang di namamansin ah..." Matapos niyang banggitin ang mga katagang iyon, dalian siyang umiwas sa akin, at naglakad papalayo... Na "sense" ko ang galit mula sa kanyang puso... Na "shock" muli ako sa kanyang sagot... Hindi ko maintindihan... Sobrang natigilan ako, naiwan ako doon, sugatan at nag iisa... *sinuot ko ang iPod ko at tumugtog ang Hiling ng Paramita...*

Handa na akong palayain ko...
Kung ito ang iyong hiling, gaano man kasakit sa akin...
Ibibigay sa yo...
Ang tanging pakiusap lang...
Wag mo akong kalimutan...
Nanlalamig na ba ang pag ibig mo sa kin?..

Inaya nila akong kumain sa KFC, nag dadalawang isip pa ako non, di ko alam kung sasama ba ako o hindi... Ayoko na uli mapahiya... Sobra sobra na ang panghihirap na ginagawa niya sa akin... Pero sa huli, di pa rin ako nakatiis, sumama na ako... Dahil nagugutom na rin ako... Sa KFC, habang kumakain, napansin ng mga kaibigan ko na tulala ako at hindi nag sasalita, kumakanta mag isa... Kaya naman lumapit sila at nagbigay ng kanya kanyang simpatya... *Sinuot ko muli ang aking iPod at tumugtog ang Til' They Take my Heart Away ni Kyla... Tadhana nga naman...* Habang nakikinig sa musika... Paunti unti akong sumusulyap sa kanya... Isang beses, nahuli ko siyang nakatingin din sa akin, dalian niyang iniwas ang mga mata niya sa akin... Napangiti lang ako panandalian...

Tapos na kaming kumain, ngunit hindi pa rin niya ako pinapansin... Lumapit ako sa kaibigan ko, niyakap ko siya at tinanong...

"Bakit? Bakit ganito? Ano bang nangyari sa amin? Bakit ganito nangyayari"

Pilit man siyang nag hanap ng positibong sagot pero wala na siyang nagawa kundi ngumiti at maawa sa akin... Sumakay na sila sa sasakyan upang dumerecho na pabalik ng Infanta, tulad pa rin ng dati, hindi siya nag paalam, ni kaway man lang wala... Hindi ko maintindihan talaga... Sobrang paluha na ako... Pero pinigilan ko ito... Ayokong makita niya akong ganon...

Umandar na ang sasakyan, nakatayo lang ako sa mga anino ng KFC, kumakaway na parang wala nang bukas, hinanap ko kung saan siya nakaupo, at napansin kong bukas ang bintana sa likuran, nanduon siya, kumakaway sa aming mga kasama... Inisa isa niya ang mga kasama ko... Nung papalayo na sila, nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa akin, kumaway at kumindat...

Pero hanggang ngayon, naipit pa rin ang tanong sa aking isipan... May puwang pa ba ako sa puso niya?

"Waiting for you is like waiting for rain in this drought!"
-A Cinderella Story
_______________________________________

Salamat po sa mga bumoto sa akin... Salamat sa suporta at sa tiwala... Mahal ko kayo...

Labels: , ,


posted by icarus_05 @ 7:42 AM Comments: 9

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>