Friday, August 11, 2006
Til' They Take My Heart Away... Part 5...
Dumating na ang bakasyon, ang panahon sa isang taon na dati'y gustong gusto ko, ngayo'y pinaka kinkatakutan ko... Alam kong bihira na kaming magkikita, kolehiyo na ako, siya nasa ikaapat na antas na... Ipinangako ko sa kanya at sa sarili ko na hihintayin ko siya hanggang sa siya'y mag tapos sa mataas na antas, isang taon LANG naman yan... Kayang-kaya... Ngayong bakasyon na, siniguro ko na makasama pa rin siya kahit na sandali lang, kahit isa o dalawang buwan lang... Meron nabanggit ang adviser namin sa SIKAT sa kanya, "Ano? Pupunta ka ba sa workshop sa PETA?", "Opo Ma'am, sama ako don!".. Nagulat ako, dahil hindi naman iyon nabanggit sa akin... Pero di rin nagtagal, inaya nila ako na sumali sa workshop... Dahil nga Creative Musical Theater ang course na kukunin namin, mas lalong mahahasa ang aming talento sa musika... (Hindi ko na ito ikukwento, sa mga di pa nakaalam ng karanasan ko sa PETA, punta kayo dito... Summer Fling..., Ang Letrato at mga Ala-ala, At sa Official Blog ng aming grupo... Pantastic Perya)
Matapos ang napakasayang karanasan sa PETA, akala ko, paalam na... Nabigla ako nang kinausap ako ng Director ng School for People's Theater ng PETA, sinabi niya na sumama daw ako sa workshop na gaganapin sa Infanta, tuturuan daw kami ng SPT na magpaworkshop na hindi na masyadong umaasa sa PETA... Ang mga mapalad na napili ay kaming mga nag workshop doon na mga taga Infanta... Grabe, excited nanaman ako, dahil isang linggo, makakasama ko nanaman siya...
Panahon na ng palihan, hiniwalay ang courses sa dalawang pangkat, syempre, kailangan ding ipaghiwalay ang mga grupo... Sa kasamaang palad, hindi ko siya nakasama... Badtrip ako pero wala akong magagawa... Pinaghiwalay daw kami dahil masyado daw kaming malapit sa isa't isa... Grabe... Kahit magkahiwalay kami, nakakasama ko naman siya tuwing tanghalian... Doon sa restaurant, lagi ko siyang katabi... Minsan, matapos kumain ay magkahawak ang aming mga kamay... Nakatago nga lang ang mga ito sa ilalim ng mesa...
Unang araw, nagkaproblema sa tutulugan, dahil kung hiwa hiwalay kami, hindi kami makakapagmeeting ng maayos... Kaya't nagboluntaryo na lang ako na dun sa amin sila makituloy... Pumayag naman ang karamihan... Syempre, tuwang tuwa naman ako dahil kasama ko ulit siya... Tuwing hapon, sila'y nag aayang lumangoy sa dagat, maganda ang alon at maganda rin ang tanawin, kaya't talagang masarap lumusong noon sa malamig na tubig ng dagat... Nung unang araw, hindi ako sumama, dahil wala akong pamalit... Kaya't nandoon lang ako sa isang maliit na kubo, pinapanood silang magtawanan at magsaya... Matapos nilang maglangoy ay nagbilyar naman sila... Inaya niya ako pero sinabi ko, "Hindi ako marunong eh!" pero kunyari lang... Pinilit nila ako, kaya di naman ako nakatiis, nilabanan ko siya na may "pusta". Ang pustahan namin ay kung sino ang manalo ay may "dare" sa kalaban niya... Nung una, oo, nagpapatalo lang ako... Pero nung nagtagal ay ginalingan ko na... Pero sa kasamaang palad, hindi ako nanalo... Sa aking naalala, 8-2 ang iskor... Tambak... Hinintay ko ang dare, pero hanggang sa kasalukuyang panahon, hindi pa niya ito sinasabi sa akin... Marahil ay iniipon niya at gagamitin sa tamang panahon... Anak ng tipaklong...
Pangalawa sa huling araw, matapos ang aming meeting, nakita ko siyang nakatingin sa kalawakan, nilapitan ko siya at sinabing, "Gusto mong mag stargazing?", "Oo ba! Pano?", "Kuha tayo ng banig tapos ilapag natin diyan sa labas...", "Sige sige! Teka, may nakita akong banig dun sa kwarto..." Humiga kami sa ilalim ng mga tala, lulan ng malamig na simoy ng hangin, nagbilang ng mga nalalaglag na bituin, sa pagkakatanda ko, lagpas sampu ang nakita niya, ngunit ako ay mahigit kumulang lima lamang... Ang saya ng gabing iyon, tila ayoko ng matapos pa...
Panghuling araw na... Bukas wala na... Naisip ko, magiging "memorable" kaya ang huling araw na ito?.. Inaya nila akong lumangoy sa dagat, ngayon, sumama na ako, matapos ang masayang pananampisaw sa tubig dagat, pumunta ako sa pangpang upang gumawa ng kastilyong buhangin... Di nagtagal ay sinamahan niya ako... Pagkatapos gumawa ay umupo kami sa tabing dagat, umiilag sa bawat hampas ng malalambing na alon... Napuna ng aming mga kasama na dumidilim na, mga aalas sais na noon ng hapon, palubog na ang araw... Inaya ko siya at ng aking mga kasamang umuwi na...
"Ga, halika na, balik na tayo..." "Eeeeh, mamaya na, dito muna tayo..." "Ano naman gagawin natin dito?" "Wala lang, upo lang dito..." "Sige na nga..."
Nandoon lang kami, nakaupo sa tabi ng karagatan, minamasdan ang paglubog ng araw... Kay ganda ng tanawin, kahit saan ako tumingin... Lalo na't katabi ko siya... Wala na talaga akong hahanapin pa...
"Ga, tingin mo, ano na mangyayari satin pagkatapos ng workshop?" "Ewan ko... Bahala na..." "Oo nga, bahala na siguro... Kahit ano mangyari, iintayin parin kita..." *Nakangiti lang siya* "Bilisan mong grumadweyt ah! Kita kita na lang tayo sa U-Belt" "Hehe..." "Oo nga pala, mag bobonfire pa tayo, lika, kumuha tayo ng mga kahoy..."
Nagipon kami ng kahoy para sa "Last day celebration" para na rin sa success ng workshop... Nang gabi ding iyon, naganap ang bonfire... Sa panahong ito, siya naman ang nag-aya sa amin na mag "stargazing". Nandoon lang kami hanggang mag umabot ng mga alas dos ng umaga... Nagbilang ng mga nalalaglag na bituin... (17 ata ang nabilang niya o higit pa... Overall, mga 20+ ang nakita namin) Nagkwentuhan ng mga istorya, tungkol sa teatro, sine, kaibigan, kasama, workshop, lablayp... Naalala ko tuloy ang sinabi ng isa naming kasamang taga PETA...
"Pareho kaya kaming nakatingin sa iisang buwan?"
Dahil nagsisiksikan kami sa banig at dadalawa lang ang unan, sinuwerte akong makakuha ng isa... Pero sa sobrang liit, hindi kami magkasyang dalawa... Kaya sabi ko, dun na lang siya humiga sa aking balikat... Buong panahon, hawak ko ang kamay niya, parang ang bagal ng oras... Sobrang bagal... Sana ganito lagi... Sana...
Kinabukasan, uwian na... Kailangan ko na ring lumuwas dahil isang linggo na lang at pasukan na, kailangan nang mag handa... Nasa harapan ko na ang sasakyang magpapahiwalay sa amin, ayoko pang umalis, ayokong mahiwalay sa kanya... Ngunit kailangan at wala na akong magagawa... Doon lang kami, naghihintay, tumalikod ako ng panandalian, pag lingon ko, wala na siya... Doon pa lang... kinutuban na ako... Alam ko nang may mangyayaring hindi kanais-nais... Umalis na kami... Nang hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya... Hanggang ngayon, hindi ko pa siya nakikita... (Maliban na lang kung nabasa niyo ang aking last post... A taste of despair.... )
Ngayon sa aking pagiisa Ako'y nangangamba Kailan kaya muling magkikita Ipagtatagpo ng tadhana
Matutuloy pa kaya ang istorya? Ang kwento nati'y naudlot na Sana nga'y mangyari muli Makasama ka sa aking tabi...
Mahal kita higit pa sa buhay ko... Iyan sana ang tatandaan mo... Pangakong hindi mapapako... Na ako'y maghihintay sa iyo...
Habang buhay... Oo, habang buhay...
Habang ako'y nakikinig ng mga tugtugin, narinig ko ang kanta namin... Pinagnilayan ko ang nilalaman ng kanta... Pumikit ako panandalian, at napangiti ako sa kawalan...
Believe in me... I'm here to stay... I will love you, til' they take my heart away...
Sana, may katuloy pa...
_________________________
Oo na pala... Malapit na ang kaarawan niya... Ano sa tingin niyo ang magandang iregalo? Yung hindi common at hindi rin naman mamahalin... Iintayin ko ang sagot niyo! Salamat...
Labels: Our story... Wyena..., Series, Til they take my heart away
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|