It starts to rain again…Alas dos na ng madaling araw, malakas ang ulan sa labas, hirap na hirap na ako, gulong gulo na ang isip ko! Kahit anong posisyon ang gawin ko, hindi talaga tumatalab! Haaay! Hindi ako makatulog! Ang daming pumapasok sa isip ko, andaming sinasabi ng kunsensya ko…
Gumawa ako ng paraan upang makatulog ako, nagbasa-basa ako ng mga mensahe sa aking cellphone, tatlong buwan na ang mga iyon sa aking inbox pero hanggang ngayon, napapangiti pa rin ako sa mga mensaheng hatid nito, kahit yung iba ay hindi totoo… Pero isa lang ang nakapag pabigay pansin sa akin, ang kanyang pangalan… Kahit wala na siyang cellphone, nandoon pa rin ang mga mensahe niya, binasa ko uli sila, kahit na ilang beses ko na silang nababasa, lagi pa rin akong kinikilig, lalo na sa tuwing naalala ko ang mga panahong kasama ko siya, tapos bigla siyang magsesend ng ganon ng katabi ko siya… Kakaibang trip man iyon, epektib pa rin sa akin…
Matagal tagal din akong natulala, hindi pa rin makatulog, binibilang sa isip ang bawat patak ng ulan… Tumayo na ako, at pumunta sa kompyuter, mag ba-blog hop sana ako ng bigla kong nakita ang kuya kong naglalaro ng
O2 Jam. Gising pa pala siya, hindi rin daw siya makatulog… Wala namang pasok kaya ok lang… Naglaro muna kami ni kuya ng mga ilang rounds at sa wakas daw, tinamaan na siya ng antok… Pero ako ganun pa rin… Binuksan ko ang YM ko at nakita kong Online si
Beverly. Nagusap usap muna kami tungkol sa mga bagay bagay… At eventually, tinamaan din ako ng antok… Umakyat na ako ng kwarto at humiga…
Pag higa ko, hindi pa rin ako makatulog, argh! Malakas pa rin ang ulan sa labas…Kinuha ko ang gitara ko at kumanta kanta muna… Naalala ko nanaman siya ng natugtog ko ang “Theme Song” namin… Tumutulo ang luha sa aking mata habang kinakanta ko ito… Miss na miss ko na siya, matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita… Naasar ako sa sarili ko dahil, lagi na lang akong nangangako sa kanya na uuwi ako, pero lagi na lang napapako… Hindi na rin siya nag Oonline kaya natatakot ako na baka galit na siya sa akin… Hindi ko na alam ang gagawin ko… Lalo na ngayong umuulan, mahirap mag biyahe…
Haaay… Ang lamig talaga, kalian ko kaya mararamdaman muli ang mga yakap niya? Miss na kita… Sobra…
________________________________
Mukhang talo na ako sa Filipino blog of the Week ngayong linggo… Hindi ko alam kung anong pagkukulang ko, siguro talagang mahina lang ako sa pangangampanya… At hindi na rin madalas ang pag popost ko tulad ng dati… Ano ba ito… Ibig sabihin ba non kasama na din ako sa mga nag bblog-o-cide? Guys, iboto niyo naman ako please… Last chance ko na siguro ito… Marahil ito na din ang paraan upang ganahan na uli ako mag blog… Salamat ng marami…
Dito kayo bumoto…