Wednesday, July 19, 2006


Chuvaness...


Since wala naman akong maisip na ipost ngaun, Eto na lang.. Na tag ako ni Jhed

Mekaniks:1. Magsusulat ako ng isang maiksing kwento at may itatag na mga tao.
2. Itutuloy nila ang kwento sa kanilang blog nang hindi sinusulat ang naunang kwento.
3. Mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. Sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. Bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.

______________________________

Nagising si Claire sa kanyang pagkakatulog dahil may nakita siyang liwanag sa hindi kalayuan.
Naisip ni Claire.
Sa wakas.Malapit na akong makalabas sa chenelyn chuva na lugar na itech. Nakikita ko na ang liwanag. Medyo malayo-layo siya, pero kebs ko at least makakalabas na ang beauty ko.
Tumayo siya sa kanyang pagkakahiga at nagsimulang sundan ang liwanag. Naalala pa niya ang kanyang nakaraan sa lugar na ito, pero ayaw na niyang alalahanin pa.
Hmp. Walang kwentang boylet na yan. Matapos ko siyang karirin ng ilang buwan, matapos kong ibigay ang lahat sa kanya, hindi rin pala magiging kami. Hmp! Hmp! Hmp!
Nakabusangot si Claire ng buong magdamag ng kanyang paglalakad. Hindi talaga niya maiwasan ang katotohanan. Hindi madaling makahanap ng isang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo. Kahit ano pa man siya.
Napagod na sa kakalakad si Claire. Uhaw na uhaw na siya at nanunuyot na ang kanyang lalamunan. Naghanap na rin siya ng pwedeng makain dahil mula pagkagising niya ay hindi pa siya kumakain.
Haaaaay. Nagrarally na ang stomach ko, kailangan ko ng lumafang at mag-drink kung hindi malulusaw na ang beauty ko dito.
Sa hindi kalayuan, may nakita siyang puno ng buko. Natuwa si Claire at binilisan niya ang kanyang lakad. Nang malapit na siya sa puno, may nakita siyang hindi niya inaasahan, isang lalaki.
Ano itong nasisight ko? Mukhang hindi lang mabubusog ang tiyan ko ah, pati yata ang mata ko. Hahaha! In fairness, cutie ang guy ah... teka, bakit kaya siya nandito?
Binilisan pa lalo niya ang kanyang lakad. Habang papalapit na siya ng papalapit, halong excitement at kaba ang kanyang nadarama. Ilang taon na rin ang nakalipas mula ng siya ay makaramdam ng ganito.
Ang cute niya talaga. Tamang-tama, natutulog siya. Pwede ko pa siyang pagmasdan habang ako'y lumalafang. Lafangin ko na rin kaya siya! Ay! Ang landi ko, kailangan magpaka-demure. Hahaha! Bagong karir! Kailangan pakipot ako, kailangan hindi niya mahalata...
Naupo si Claire sa tabi ng natutulog na lalaki. Napangiti siya at hindi na niya napigilan ang sarili, binuksan na niya ito agad at hinigop ng hinigop ang katas.
ANG SARAP TALAGA NG BUKO!
Sa ingay ng pagkain ni Claire, nagising ang lalaki. Nagulat siya dahil hindi niya namalayan na may tao na pala sa kanyang tabi. Nagulat din si Claire, hindi niya inaasahan na magigising niya ang lalaki.
Ay! Nagising na siya. Sayang, may balak pa naman sana ako. Ang cute niya talaga, ang ganda nga kanyang mga mata at in fairness, ang katawan.. yummy talaga. Hahaha!
Nagpakilala sila sa isa't-isa at nagsimulang magkwentuhan. Nalaman niya na Greg pala ang pangalan ng lalaki at isa siyang gym instructor. Nagtaka lamang siya kung ano ang koneksyon niya sa impokritong lalaking nagdala sa kanya sa lugar na iyon.
Matapos pa ang ilang sandali ng kwentuhan, nalaman niya ang kanyang gustong malaman.
Putreskang lalaking iyon! Bading pala! Pwe! Mas malandi pa yata siya sa akin! Kaya pala hindi niya ako pinatulan, kasi yung mga macho't discreet lang ang pinapatulan. Grrrr. Naiimbyerna tuloy ako sa kanya!
Si Greg ang gym instructor ng "putreskang lalaki" ni Claire. Dahil nga naging parte ng nakaraan ng lalaking iyon si Greg, ay napadpad din siya sa lugar na iyon. Niyaya ni Claire si Greg na samahan siya papunta sa liwanag, para naman makalabas na sila sa lugar na iyon.
Masayang-masaya si Claire. Hindi niya inaasahan na may matatagpuan pa siyang katulad ni Greg sa lugar na iyon. Alam na rin niya na nahuhulog na rin ang loob ni Greg sa kanya, kaya naman sinamantala na niya ang pagkakataon.
This is it pansit! Tigang na tigang na ako at sa wakas madidiligan na rin ako. YIPEEEEEEE!
Nagsimula silang maghalikan at mag-amuyan. Hinubad na ni Greg ang kanyang suot samantalang si Claire ay nag-aalanganin pa. Tinignan ni Greg sa mata si Claire at ngumiti ito. Para bang sinasabi niya kay Claire na ayos lang ang lahat at bumigay naman si Claire.
Nagising si Claire na masakit ang katawan. Hindi niya napansin na wala na pala si Greg sa kanyang tabi. Sa halip ay may nakita siyang sulat. Kinabahan si Claire, mukhang alam na niya kung ano ang nakasaad sa sulat. Binasa niya ito at bigla siyang napaluha.
Amfotang Greg na iyan. Naninikip na ang aking dibdib, hindi ko na ito kinakaya. Ayoko ng basahin pa ang mga kasunod, kasi hindi kaya ng powers ko. Bakit ngayon pa?
BAKIT NGAYON PA SUMAKIT ANG TIYAN MO?
Napaluha si Claire... sa kakatawa!
At doon na nasimula ang paglalakbay nina Greg at Claire, patungo sa liwanag.

____________

Nagsimula na ngang maglakad ang dalawa pero hindi pa rin tapos sa kakatawa si Claire, patuloy pa rin niyang inaasar si Greg habang napapalapit na sila sa liwanag...
Malayo na ang nalalakbay nila ngunit hindi pa rin nila naaninag ang nakakabulag na liwanag na kanilang pakay, nawalan na din sila ng pag asa sapagkat sumasapit na ang dilim, naisip nila na mahirap nang hanapin ang liwanag dahil wala ka nang makikita, at tinamaan din sila ng takot sapagkat tuwing sumasapit ang dilim, marami nang naghahasik ng lagim... Tama nga ang kanilang hinala, pinalibutan sila ng mga kakaibang nilalang, malalaki ang katawan, at kakaiba ang histura, mukhang manyakis at kahit sino ay kayang reypin... "Panahon na para magpasikat ako kay Claire!" Ani ni Greg sabay sugod at nagbigay ng tigiisang bigwas sa mga kakaibang nilalang... Hindi kinaya ng powers ni Greg ang mga kalaban, dahil bago pa man nakagawa ng "combo" ay "hinigop" na ng mga kakaibang nilalang ang kanilang pwersa...
Nawawalan na ng pag-asa ang dalawa, dahan-dahan na silang pabagsak ng biglang may dumating na isang extranghero... Nakamaskara at tunay na gwapito... Sino kaya ang baklang itech? Ani ni Claire...

_________

Kailangang may action naman... Tapusin niyo na, mahaba na ito hehe...

Ang itatag ko ay sina... Drum Roll...
Syempre ang mga bago kong linkmates... Sina Ceasar at si Fiel... Ahihi... Tapusin nyo na... la lang.. Wala talaga akong maisip...

posted by icarus_05 @ 6:37 AM Comments: 5

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>