Tuesday, July 11, 2006


Malas, Nirvana, Karma...


I guess i woke up at the wrong side of the bed...

I don't know why but, this day didn't turn out the way I wanted it to... Kagabi, pinaguyatan ko ang assignment ko sa Humanities na imitation ng style of painting ni Gustav Klimt... mga ala una na ako nakatulog dahil dito... Minadali ko dahil ngayon daw ang pasahan non... Gumising ako ng alas kwatro para maligo at umalis ng bahay ng nagmamadali... Pagsakay ko sa FX hindi na maganda ang pakiramdam ko... Para bang hinihili ako ng bintana at tinutulak ako ng aircon palabas... Ang bigat ng katawan ko... Hindi ako makatayo... Sayang, ang ganda pa naman ng FX na nasakyan ko kanina... Siya yung pinakamabilis mag drive ayon sa kuya ko, at may Sinehan pa sa loob nito... Astig...

Pag dating ko sa eskwela, may hangover pa ako sa mga nararamdaman ko sa FX... Para akong lantang gulay na nakainom ng isang libong Generoso Brandy...(Ahihih) Lasing na lasing... Siguro dahil na rin sa puyat... Sukang suka na ako kanina, hindi pa ako makahinga dahil sinisipon ako... Barado ang ilong ko... Dumating na ang mga kaklase ko, napansin nila ang paghihinagpis ko... Nandoon lang sila para samahan ako... Dala ko ang "artwork" ko pero di ko sa kanila ipinakita ito dahil baka mawala ang "element of surprise". Pumasok na kami sa klasrum, maaga pa, at wala pang katao-tao sa CCSS building, so natulog muna ako sa klasrum namin... Sarap ng pakiramdam... Nakapagpahinga... Hindi ko namalayan, ang tagal ko na palang natutulog... Pagkagising ko, marami nang tao sa klasrum, at gulat na gulat ako ng makita ko silang gumagawa ng assignment sa Math... Waaah! oo nga pala! So nagmadali ako para makagawa nito... Binuksan ko ang bag ko at nagulat... "Waaah! Wala yung libro ko!!!"... Wala akong nagawa... Kumopya na lang ako sa kanila... Pagkatapos gawin ang assignment... Pinakita ko na ang "artwork" ko... Marami ang na elibs sa gawa ko, tuwang tuwa naman ako at kahit papano, nawala ang sama ng pakiramdam ko... Ng biglang may nagsabi na, "O, Ba't may dala ka na? sa thursday pa kaya yan!"...

Gym class namin... Masama pa rin ang pakiramdam ko... Hindi ako makagalaw ng maayos at para parin akong lasing... Nag warm up na kami, kahit papaano ay nakalagpas ako sa warm up... Pero hindi naman ako nakalagpas sa activity... Ang Push Up... Elementary pa lang may problema na ako dito... Hindi ako lumalagpas ng sampu... Tulad ng inaasahan... Iyon lang ang nagawa ko, pero nung 2nd trial, humabol ako ng isa, so 11 na ang nagawa ko... Achievement iyon... Pagkatapos ng gym class, hindi makagalaw ang mga braso ko... Paralisado...

Uwian na, sa wakas... Makakatulog na din ako sa FX... Andun nanaman ako sa paborito kong spot... Ang Waiting shed... Ang tagal kong naghintay doon! Dahil trapik at umaambon, wala talagang FX... Pero matapos ang sampung taong paghihintay, nakakuha na din ako ng isa... Pero puno ito, tiniis ko na lang dahil uwing uwi na talaga ako... Sa FX, nararamdaman ko na lalong lumalala ang sipon ko, hindi na barado ang ilong ko, tumutulo na ang uhog ko... Para akong isang batang uhugin na iyak ng iyak... Dahil nga swerte ako ngayong araw na ito, nakalimutan kong magdala ng panyo... What a day... Buti nandito na ako sa bahay...

In every action, there's an opposite reaction...

Limang araw na akong wala sa sarili ko... Hindi ko alam kung bakit... Lagi akong wala sa mood, lagi akong walang kwenta, lagi akong walang nagagawang matino kundi mag Dota buong maghapon... Hindi ko alam... Ano bang nangyayari sa akin?!

Siguro nga, tapos na ang "Nirvana" ko... Oo, naniniwala ako dito, ang pagkakaalala ko, ito yung walang hanggang kaligayahan... Kinakarma na ako... Hindi ko naman alam kung ano ang nagawa kong mali... Normally, pag may ganito akong mga problema, lalo na sa Studies, Friends, Love life, lumalapit ako sa Diyos at humihingi ng tawad... Sana balang araw, biyayaan niya uli ako... Ayoko ng ganito, nalagpasan ko na ito, ayoko nang maulit pa... Pero sabi ko nga...

"Anything and Everything Happens for a reason, we just have to let it flow and take the ride... And hope that destiny will take us to the right direction..."

~ยบ~

Buong puso akong napapasalamat sa mga taong tumulong sa akin, lalo na sa mga panahong kailangan ko ng kasama... Kay Rowjie, Jal, Utakgago, Wendell, and lastly kay Fallen Angel...

posted by icarus_05 @ 3:07 AM Comments: 3

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>