Thursday, July 06, 2006


Loveless ver.2, Ang misyon ng mga Mandirigma at Tinging Malagkit...


Two days in a row...

Dalawang araw na akong nagdudusa... Pero kanina, kakaibang eksena naman ang nakita ko... Tapos na ang Gym Class namin at kami'y pinauwi na... Naglalakad ako sa covered pathway ng bigla akong nakakita na ng... Yeah, you guessed it... Magkatipan... Sweet nila, HHWW.. PSSP.. Alam kong lahat tayo alam ang ibig sabihin niyan... Pero nung medyo malapit na kaming magkasalubong, aking napuna ang kanilang uniform... Pareho sila... Waaaah! Tibo pala sa "binata!". Hindi ko napansin dahil mukha talaga siyang lalaki, sa galaw at sa itsura!!. Hay, kailangan ko na sigurong mangumpisal, siguro talagang makasalanan na ako kaya ginagawa sa akin ito ng pagkakataon... As usual, madami akong nakita kanina... Mapa corridor, canteen, hagdanan, o SM man iyan...

Si Luwalhati...

Kung kayo'y isang red warrior din katulad ko, maaaring kilala niyo si Luwalhati, hindi ko siya kilala dahil isa pa lamang akong Freshmen, pero sikat ang imahe niya sa gitna ng BA Building... Sa gitna ng nasabing building ay may bukas na garden, mayroong pathway sa gitna patungo sa statwa ni Luwalhati... Napadaan ako doon dahil may imimeet akong kaibigan na isa namang tamaraw... Nang ako'y mapadaan sa corridor ng BA building, may nakita akong isang dalagang naglalakad sa pathway ng garden... Nasabi sa akin ng kuya ko at ng isang kaibigan na nasa BA ang klasrum na pag dumaan ka daw doon, isa raw iyong "Achievement". Wala talagang dumadaan doon dahil ito ay pinapagitnaan ng building at mga klasrooms. So pag dumaan ka doon, papalakpakan ka ng mga estudyante o sila'y matatawa lang sa iyo... Tama nga ang hinala ko, pinalakpakan siya ng mga binatang nakatambay sa corridor at may sumisipol pa ng "Wheeet Weeeew..." Pinagtitinginan din siya ng mga Professors doon, at hindi ko alam kung bakit... Hay, bago grumadweyt ng kolehiyo, susubukan kong bisitahin si Luwalhati doon, para naman kumpleto na ang "achievements" na makukuha ko dito...

Huli na ng malaman ko...

Tulad nga ng nasabi ko kanina, nakasama ko ang isang kabatch mula sa dati kong eskwelahan, naging close kami nito at Twin ang tawagan namin, maganda siya, chinita, at talaga namang ma-appeal, lalo na sa mga kalalakihan... Magkita daw kami sa Jollibee sa tapat ng FEU, pagdating ko doon, kasama niya ang mga NFF niya, magaganda rin sila... Pinakilala ako ng aking twin sa kanila, pero napansin ko na panay ang kantyaw nila sa aking twin, tinatanong siya kung kami daw ba... Tingin sila ng tingin sa akin, at inaya pa ako ng isa na magbilyar... Sinabi ko na hindi ako marunong.. Kuno... Pagkatapos bumili ng libro, panay ang tingin sa akin ng twin ko, hindi ko maintindihan... Sabay kaming umuwi dahil pareho lang kami ng bababaan... Ng makarating sa SM, kami'y nag gala, bumili ng ice cream at naggala pa... Hindi na niya natiis, nilabas na ang saloobin...

"Alam mo kuya, pansin ko lang, kanina pa tumitingin sayo yung mga lalaki!"

Gulat na gulat ako, hindi ko alam kung bakit ganon, oo napansin ko din iyon kaso huli na... Bakit kaya? Dahil payat ako? Akala siguro nila adik ako... Marahil ay sa P.E. Uniform ko na mukhang katipunero? Walang pakialamanan, i-style iyan naming mga warriors! O Dahil nagtataka sila kung bakit magkasama ang isang Tamaraw at ang isang Warrior... Ganon na ba ang rivalry ng mga unibersidad ngayon? Lalo na sa U-Belt?.. Hindi ko talaga alam kung bakit ganon kaya't inasar ko na lamang siya...

"Kasi, maganda daw yung kasama ko, kaya kinikilatis nila kung karapat dapat daw ba yung kasama niya!"

Natawa lang siya... Hindi ko na pinansin ang mga tumitingin sa akin, umuwi na kami... Bakit kaya? Hanggang ngayon nagtataka pa din ako...
___________________________________________________________________
Oo nga pala, gusto ko lang sabihing "Good luck" sa mga kasali sa gaganaping UAAP... Lalo na sa mga kapwa ko mandirigma... Suportahan natin sila! Shoot that ball!

Labels:


posted by icarus_05 @ 1:24 AM Comments: 4

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>