Wednesday, July 05, 2006
Loveless...
Kahit saan ako tumingin... Pare-pareho...
Pare-pareho talaga, bakit ganito ang araw ko, talaga bang inaasar ako ng pagkakataon? Talaga bang ganon na ako kasama? Ganun na ba kalaki ang kasalanan ko para laitin ako ng mga tao? Ganun na ba kaitim ang puso ko kaya't lahat ng tao ay iniingit ako?!
Pag pasok ko pa lang sa gate, may isang babae at lalaking nagtatakbuhan, tila naghahabulan, pansin ko ding magkahawak ang kamay nila, hinihila ni dalaga si binata, ngumiti lang ako dahil napansin kong mukhang close talaga sila... Ng makarating si dalaga sa isang hagdanan, huminto sila at sabay halik naman si binata... Umakyat na si dalaga pero hinabol pa uli ng halik ni binata ito... Magkatipan pala sila, at mukhang late na si dalaga...
Sa eskwelehan, namanhik-panaog kami sa 6th at 2nd floor ng aming building... Bawat floor na madapuan ko, may nakikita akong dalawang tao... Babae at lalaki... Kapit kamay... Sabay naglalakad... At nagpapalitan ng kanya-kanyang haka-haka... Mukha naman silang hindi nag ra-rally... Tapos biglang akbay si Binata at kilig naman si Dalaga... Ah, magkatipan pala sila... Grabe, lalo akong nalungkot sa aking mga nakita...
Uwian, papunta na kami sa gate palabas, nagmasid-masid ang aking mga mata, grabe... Bawat limang hakbang ko may nakakasalubong akong magkatipan, hawak kamay, at pinagitnaan pa ako, syempre todo ilag naman ako... Pero wala parin... Hindi man ako tinamaan "physically" tinamaan naman ako "emotionally".
Hindi pa tapos...
Nagka-ayaan kami ng mga NFF ko na mag Jamming, 11:30 ang labas namin, dumating kami sa studio bandang mga 11:45 na... Naghintay kami... Naghintay... Naghintay pa ng onti... Sabay sabi ng nagbabantay na 12:30 pa daw sila matatapos... Talaga namang gutom na gutom na ako dahil di pa ako nag aalmusal, so bumaba ako para bumili ng cheesburger... Pag labas ko ng studio, may dumaan nanamang mga mukhang magra-rally... mga tatlong pares ata sila... Hindi sila mapaghiwalay ng mainit na panahon at mausok na kapaligiran... Grabe, so sobra sobra na talaga ang lungkot ko... Pagkatapos kong kumain, bumalik ako sa studio... May nag aabang ring isang pang banda bukod pa sa amin, coed sila, astig... Pero nagulat ako ng biglang hinawakan ni binatang gitarista si dalagang bokalista... Argh!! Nakakainis...
But wait there's more...
Tapos na ang jamming... Dumerecho na ko papuntang hi-way para mag abang ng masasakyan, sa waiting shed, may nakita nanaman ko, barkada sila na mga mukhang magra-rally... Hindi ko na ito pinansin dahil sinabi ko sa sarili ko na "SANAY NA AKO!! DI AKO TINATABLAN!!". Sa wakas, sa limang minuto kong pagaabang, may pumara ding FX! Pumasok ako, nagbayad at naidlip... Pag gising ko... Waaah! May katabi na pala akong magkatipan... Grabe... Hindi ko to uli pinansin dahil nga "immune" na ako kuno... Bumaba ang dalawa at may pumalit nanamang bago... Hindi ko na kinaya... Tinext ko na ang tatay ko...
"Aking ama, nasaan po kayo sa mga oras na ito?!" "Aba'y anak! Ako'y nasa Infanta..." "Hindi maaari! Sigurado po ba kayo at hindi niyo lang ako hinahambog?!" "Aba'y oo mandin!" "Ama, ikaw talaga'y saksakan ng daya! Ni hindi mo man lang sinabi na pupunta ka..." "Paumanhin hijo..." "Pero, ngayong dadating na sabado't linggo, may balak po ba kayong bumalik diyan?" "Ah, wala na anak, marahil ay sa akinse na uli ang uwi ko..." "Saksakan ka talaga ng daya aking ama..." "Di bale hijo... Kakamustahin ko na lamang si siya para sayo..." "Salamat ama, pero mas maganda kung makita ko siya sa personal..." "Maghintay ka!"
Talaga namang minalas ako ngayong araw na ito... Nawala nanaman ang pagkakataong makita ko siya... Ilang beses na akong nangako sa kanya... Nahihiya na talaga ako... Hindi ko alam kung paano sasabihin ito sa kanya... Bakit ba lagi akong nilalayo ng tadhana sa kanya?..
(BTW, thats not the actual conversation, pero ganun ang pinag usapan namin) Labels: Series
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|