Sunday, July 02, 2006


Ang Palaka, Ang Cellphone at ang Dalaga...


Tama na ang kahibangang ito...

Tigil muna ang istory pansamantala... Mukha kasing wala ng interesado dito, Pero gusto ko lang silang pagusapan, dahil wala naman akong mai-post ngayon...

Unahin natin ang "Theater Life". Masasabi kong, ito ang una kong "hit". Maraming natuwa sa kwento kong ito, marami rin ang hindi... Naging abala ako ng isang linggo dahil dito, isang linggo akong nag iisip ng pagkasunod-sunod, pero naging matagumpay naman ito...

Tulad nga ng sinabi ko, ang istoryang ito ay isang fiction at di pa nangyari sa buong buhay ko, pero masarap sana kung matupad ito ano?!.. Fiction nga lang ba?

Maraming beses nang nahulog ang loob ko sa isang tao ng dahil sa teatro, sila lagi yung mga katrabaho ko, co-actors o co-musical director man iyan, ang sarap kasing magtrabaho, lalo na kung may isang taong kailangan mong magpasikat... Hindi ka mauubusan ng ideas at mabilis niyong matatapos ang storya ng inyong gagawing palabas... Hindi nakakatamad mag praktis, dahil sa loob mo, gusto mo rin naman siyang makasama doon... Haay.. Those were the days...

Unang sabak ko noon sa pag akting, bida kaagad ako, pambata ang kwento, siguro, maraming nakakaalam sa inyo ng "The Frog Prince". Oo, tama ang hinala niyo, ako ang palaka... Nakakahiya ito dahil kailangan kong tumalon-talon, paikot ikot sa stage, at sumigaw ng "kokak" pagkatapos ng isang sentence... Nainlove ako sa prinsesa ko sa play na ito, pero siya hindi... Halata naman sa kanyang inaakto na na-iirita na siya sa paghabol ko sa kanya...
Pangalawa naman ang Lab Show namin... Na-assign ako bilang Musical Director sa isang play, dahil siguro hindi nila nagustuhan ang pag arte ko nung ako'y isang palaka... Kasama ko ang kabarkada ko, siya naman ang Overall Musical Director... In-short, tauhan lang niya ako... Dahil sa play na yon, nahulog ang loob ko sa kanya, marahil ganon din siya... (sana) dahil sa bawat performances at practices, kailangan kaming dalawa ang magkasama... Masaya talaga... Pero, ayon sa nakasaad sa aking posts... "Ang buhay teatro, hindi nadadala sa totoong buhay..."


Sunod naman ang "My Textmate... My Soulmate...". Hindi ko masasabing isa itong hit dahil, walang masyadong nag comment, siguro dahil katulad ko, busy lang ang mga tao at hindi sila makadaan sa bahay ko... O talagang hindi sila makarelate sa kwento ko at nainis ang karamihan sa masaklap na ending nito... Mabilis kong natapos ang istoryang ito, dahil malinaw pa rin sa isip ko ang unang version nito na isang "tula" na ginawa ko noong 4th Year HS ako... Nagandahan ang mga kaklase ko sa tula kong ito, kaya't inakala ko na eepek din ang appeal nito sa blog ko... Pero wala talaga... Sayang...

Isa ulit itong fiction, nakakakilabot ito kung matutupad sa totoong buhay di ba? Pero tingin ko "cool" ito... Di man ito naging hit, nag enjoy at kinilig naman ako sa paggawa dito... Merong parte doon na hango sa buhay ko, iyon ang conversation between Mico and Carla sa text... Nagkagirlfriend ako ng dahil sa pag try niyang mang "2 time". September 18 2003 ata iyon nangyari, matagal tagal na din... Pero, malinaw pa sa isip ko ang pagsasama naming dalawa, yun nga lang sa cellphone ito nangyari... Hanggang ngayon, hindi ko pa siya nakikita, dahil pinili nilang mag migrate patungong London...

Bumalik na naman sa nakaraan ang utak ko... Masaya talaga ang buhay ko noong HS pa lamang ako, pero ngayon, natauhan na ako na kailangan nang mag Move-On dahil kahit anong gawain ko, hindi na maibabalik ang nakaraan... Sabi nga ng Prof ko sa history... "There is no such thing as PAST". Haay, ano kayang mangyayari sa hinaharap?

posted by icarus_05 @ 1:28 AM Comments: 12

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>