Sunday, July 09, 2006


Laziness... Tears...


I forgot, how it is to be happy...

Nagising na ako ng tanghali kanina... Ng dahil sa kuya ko... Inaya niya akong mag freestyle, ginising niya ako dahil magpapalibre siya... Anak naman ng... Wala akong nagawa, dahil hindi naman ako marunong tumanggi... Hindi muna kami naglaro, nanuod muna kami ng telebisyon, sa Cinema One, napanood namin yung palabas nina Jolina at Marvin... Matagal na yun, hindi ko na pati maalala yung title, pero alam ko pa rin yung storya... Sa bawat nakakakilig na parte, lagi kaming may komento... Na minsan ganun din daw sila ng girlfriend niya, away bati... Minsan, inaaway daw niya ang GF niya sa kasalanang siya naman ang gumawa... (Kuya, kung mababasa niyo ito, no offense...) Normal lang naman iyon sa mga nagmamahalan, hindi titibay ang isang relationship kung hindi kayo mag aaway... Pero hindi ko sinasabing lagi na kayong mag away ng mga GF/BF niyo! Hehe... Nasabi ko na lang sa kuya ko, buti nga ikaw lagi mong nakikita eh... Eh ako?..

Naglaro na kami ng Freestyle, maganda, masaya, sigawan, kami ang kaingayan sa Computer Shop kanina... Pero biglang nag Lag so tinamad kami at nag DotA na lang... Bago ako mag dota, binuksan ko muna ang YM ko para tignan kung online siya... Tama ang hinala ko, online nga siya... Pero hindi ko siya nakausap, dahil busy ako sa pagddota, tsaka naisip ko na baka matagal na rin siyang online at malapit na rin siyang umalis... Tama nga, nag paalam na siya kahit di ko siya nakausap... Inis na inis ako sa sarili ko dahil inuna ko pa ang Dota sa kanya... Tapos natalo pa kami... Galit na galit na ako ng mga panahon na iyon... Magwawala na sana ako, pero napigilan ko ito... Nag Out na ako at nagbayad... Umuwi sa bahay ng nagdadabog... Hindi mapakali... Kaya't dinaan ko na lang sa ligo para naman malamigan ang ulo ko kahit kaunti... Pero bago ako maligo, napaiyak ako... Hindi ko alam kung bakit... Tapos bigla siyang pumasok sa isip ko... Iniisip ko at tinatanong sa sarili ko kung galit ba siya sa akin... Pigilan ko man ang luha ko, tuloy tuloy parin ito... Para hindi ako mapansin ng mga tao sa bahay, nagtago ako sa likuran ng pinto at doon nagpalipas ng sama ng loob... Napaupo sa sofa at natulala... Tumayo at dumercho sa banyo... Naligo... Nalamigan na ako, pero hindi naman nito kayang hilumin ang poot at galit na naiwan sa puso ko, at ang sugat na naitamo ko sa kanya, kung meron man...

Kanina, naisip ko na hindi na ako magpopost dito sa blog ko, sa kadahilanang wala nang masyadong bumibisita dito... Tinamad na ako... Lalo na't hindi na ako nominado, yun pa naman ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ako nagpopost ng maraming entries... Nakakatamad din pala, lalo na kung wala ng bumibisita... Ewan ko ba...

Sa mga pangyayaring ito, ito na ang mga gagawin ko sa susunod...
  • Hinding hindi na ako mag Do-Dota dahil pag naglalaro ako nito, lagi siyang online at hindi ko siya nakakausap, isa pa, hindi naman ito nakakatulong sa pag-aaral at nakakaubos lang ng Pera...
  • Hindi dapat maligo kapag katatapos lang humarap sa PC o sa TV...
  • Mag post lang ng mag post kahit walang nagbabasa... Mukha akong tanga pero nakakatulong naman ito para malabas ang sama ng loob na nakatago at naiipon sa puso ko...
  • Mapapadalas na ang uwi ko sa probinsya para naman lagi ko siyang makita... At makabawi sa mga pagkukulang ko sa kanya...
  • Gumawa ng assignment ng maaga para naman kahit mag chat ka buong maghapon ay wala ka nang iniintindi... (Oo nga pala, may assignment pa ako!)

Haay, kung mabasa mo man ito, talagang ako'y humihingi ng tawad sa iyo... Kay dami na ng mga pangako ko sayo na lagi naman napapako... Nais ko sanang makabawi sa kahit anong paraan na naisin mo... Gagawin ko ang lahat... Patawad talaga...

Why do I have the feeling that all of this events will happen? Am I dreaming? Is it a coincidence? Or this is just another one of my Dejavu's...


posted by icarus_05 @ 4:16 AM Comments: 8

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>