Wednesday, July 12, 2006
Buhos ng ulan...
Nandito na ang unos... Pero, wala ka sa tabi ko...
Ang saya... Walang pasok, sa wakas... Makakapag pahinga din ang pagod kong puso't isipan... Salamat at walang mangayaring KAMALASAN sa akin ngayon... Tanghali na ako nagising... Sarap kasing matulog, lalo na't maulan... Buti na lang at ginising ako ng cellphone ko, pagtingin ko, isang YM message... Galing sa pinsan ko... Hinihiram daw niya ang aking cajon... (Acoustic drums, yung parang kahon...) Tumayo kaagad ako sa kama at dumerecho sa PC, binuksan ito at nag Online na... Nag usap kami ng kung ano-ano at biglang nag online na rin siya... Yes... Hehe..
Nasa kalagitnaan na kami ng paguusap, sasabihin ko na sana na miss na miss ko na siya ng biglang... Dumilim ang paligid... Nag brownout... "WAAAAAAAAAAAAAH!" na lang ang naging reaksyon ko...
Nabasa ko ang latest post ni Heneroso kanina... Pareho pala kami ng nararamdaman...
Dati, nung ako'y nasa probinsya pa... Laging umuulan... Malamig... Nakakataas ng balahibo... Nakakapag tulo ng uhog... Pero tuwing umuulan, may kayakap ako... Sarap ng pakiramdam... Kay sarap ng pakiramdam kapag may isang tao sa tabi mo na handang yumakap sayo tuwing kailangan mo ng kalinga... Lalo na sa parte ko dahil hindi ko kasama ang pamilya ko noong panahong iyon... Sarap talagang balikan... Kaso, matagal pa siguro bago ulit mangyari yaon...
Heto ako, nagiisa, wala man lang makayakap... Sawa na akong yakapin ang unan ko dahil hindi naman nito nabibigay ang init na hinahanap ko...
Heto ako, nagiisa, hinahanap-hanap ulit ang mga kalinga mo... Lalo na't tuwing bumubuhos ang ulan...
Heto ako, nagiisa, hindi na malaman kung saan na pupunta, dahil malayo ka, paano na?
Heto ako, nagiisa, sa dilim at giniginaw... Nakapulupot ang katawan at niyayakap ang sarili... Iniisip ka pa rin... Na ika'y nasa aking tabi...
Heto ako... Heto ako... Heto ako ng wala ka... Kulang, walang kwenta... Sana'y nandito ka... Mayakap ko man lang sana... Kahit sandali, kahit minsan...
Medyo tumitigil na ang buhos ng ulan... Napawi na ang malalamig na hangin... Pero hindi parin napapawi ang lungkot dito sa aking puso... Kahit pala walang pasok at nandirito lang ako sa bahay...
Malas pa rin ako...
_-ยบ-_
E secc oui... Wyena... Cu silr... Reherehdyo by neh gedy... Sygyoygyb gyhk sime... Syrymegyh yhk eouhk bechke... Syryfygyh yhk eouhk sky gysyo... Cypyo hy sykmygyt yd mypyhyh yhk ihuc... Cyhy hyhtedu gy hkyouh... Byny syebytysy gu cyou gihk kyyhu gy gyrymyky cy ygeh...
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|