Wednesday, August 09, 2006


Til' They Take My Heart Away... Part 4...


Matatapos na ang "school days", napapanglaw na ako, pagkatapos kaya ng pasukan, magkikita pa kaya kami?

Kalagitnaan ng marso, inatasan ang aming teatro group na gumawa ng isang "lab show", fund raising din ito para sa ikagaganda ng mga teknikal na aparatus ng aming teatro group (speakers, microphones, mic stands, instruments etc...). Sa pag totoka ng mga katungkulan sa nasabing palabas, hindi kami ginawang mga artista, kundi kami ay naatasan na Musical Director... Dahil dalawa ang palabas na gagawin, tatlo kaming naatasan, siya ang Head M.D. kung baga, bossing ko siya...

Dahil nga head siya, palipat lipat siya ng binabantayan, pero madalas, sa isang show siya tumutulong, kaya't heto ako, laging nag iisang gumagawa ng kanta para sa palabas... Bihira lang niya akong bisitahin, at nakikita ko lang siya tuwing uwian na... Bawat praktis, ginagahol ako ng aming direktor sa pag gagawa ng palabas, "Huy! Bilisan mo na yung pag gawa ng kanta, malapit na yung show! Dali, gawa ka ng kanta sa tatay, sa nanay, production number, blah blah blah", kaya't di ko na siya masyadong nakakausap ng mga panahon na iyon dahil "busy" ako sa pag gawa ng mga kanta...

Pinapagawan ako ng limang kanta, sa loob lamang ng dalawang araw... Kaya't kahit oras ng klase, nagsusulat ako at hindi na nakikinig... Marahil ay napansin niyang ako'y nahihirapan na... Tapos na rin naman ang musika sa kabilang grupo, kaya't tumulong na siya sa akin, nag boluntaryo siyang gawin ang isa sa mga kanta...

"Nyek! Bakit isa lang? Ang daya mo naman!"
"Marami akong ginagawa noh! Sige na, magaling ka naman eh..." *sabay banat ng kindat*
"Hmm, sige na nga! Kung di lang kita mahal jan eh!"
"Hm? Ano sabi mo?"
"Wala po bossing! Sige na, gagawin ko na! Hmph!"
*tumawa lang siya at nakangiting sa akin*

Matapos ang dalawang araw na paghihirap, natapos na din namin ang mga kanta, ngunit ngayon, namimili siya kung saang grupo ba siya sasama sa oras na ng palabas... Kinausap siya ng direktor namin at sinabing "O hindi niya alam yung kantang ginawa mo *tinuturo ako* kaya, sumama ka na lang dito, tutal nag iisa lang naman siyang tutugtog at marami sila doon sa kabila..." Sumang ayon naman siya, kaya mas matagal pa ngayon ang aming pagsasamang dalawa... Mas lalong naging Enjoy ang pagpapraktis dahil dito, araw-araw kasama ko siya, umaga hanggang gabi, nagkakantahan mag damag, at laging nag duduet sa aming "theme song", ngunit ilang araw na lang at palabas na, matatapos na ang lahat ng ito...

Nandoon kami sa backstage, gahol na gahol na, kami ang susunod na lalabas, marami pa sa kanila ang nagmamake up, buti na lang at hindi ako aarte, nasa likuran lang ako ng kamera... Tapos na akong mag bihis, handa na rin akong lumabas, pero kinakabahan pa rin ako, siguro dahil unang beses kong makasama sa isang malaking palabas na gamit ang mga kantang likha ko... Marami akong iniisip, magugustuhan kaya nila ang aming palabas? O magiging panira lang ang mga kanta? Kinakabahan talaga ako, pero nung pinagmasdan ko sila, nagtatawanan pa sila, naglalaro pa at mukhang walang gagawing palabas, lumapit ako sa kanila upang mapaalis ang kaba sa aking dibdib... Lumapit sa akin ang isa niyang kausap...

"Kuya! Pa try nga, titignan ko lang kung babakat ba"
"Babakat ang alin?"
"Yung lipstick ko sa pisngi mo..."
"Ha?" *sabay halik sa pisngi ko...*
"Ay, di bumakat... Tuyo na siguro..."
"Beh! Hehe..."

(Ganun lang talaga kami ka close nung mga ka grupo ko noon...) Tumawa lang silang dalawa at siya naman ang lumapit...

"Ako rin! Pasubok!"
"Huwah!?" *narinig ko na ang pagtibok ng puso ko... mabilis niya akong hinalikan sa pisngi*
"Haha! Bumakat! Ang galing!"
"Hala! Di nga? Hehe.. Galing nga..." *labis naman ang pamumula ko, at alam kong napansin niya iyon...*

Nagtawanan lang silang dalawa, sabay naman ng pagpunas ko sa bumakat na lipstick sa aking pisngi, kung wala lang palabas, hindi ko na iyon tatanggalin eh! Tumingin ako sa paligid, nakikita kong tumatawa ang mga kagrupo ko at inaasar asar pa ako, sinasabayan ko lang sila ng tawa para kunyaring hindi ako apektado... Tapos ay sumulyap ako sa kanya, nakangiti lang siyang nakatingin sa aking mga mata... Natigil ang tawanan ng may sumigaw na "O! Get Ready Guys! pumpasok na ang mga tao! 5 mins to go!"...

Itutuloy Muli...
Malapit na talaga... Promise... Sana wag kayong magsawang magbasa sa aking istorya... Salamat!
[PS... Successful ang palabas! Salamat sa tulong niya at ng aking mga kagrupo! SIKAT! Miss ko na kayo...]
[PS.2 SIKAT means, Sibol ng Kabataan Teatro]

Labels: , ,


posted by icarus_05 @ 5:47 PM Comments: 11

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>