Wednesday, July 26, 2006
Brotherly Love...
He sat there, alone, as if waiting for someone...
Uuwi na sana ako, pero sumakit bigla ang ngipin ko... Hindi muna ako dumerecho sa aking destinasyon, sa halip ay pumunta muna ako sa Dental Clinic ng aking mahal na ina at nag paayos ng ngipin... Nang natapos na ako, napansin kong kulang na pala ang pamasahe ko... Buti na lang, dumating ang aming tsuper at kasama ang yaya ng kapatid ko, sakto, libre sakay... Susunduin na sana nila ang kapatid ko mula sa kanyang paaralan, pero dumaan muna sila sa clinic dahil mag papa check up ang yaya ng kapatid ko...
Medyo matagal na proseso ang ginagawa kay yaya, nainip kami ni tsuper kaya't nag boluntaryo na lang akong sumundo sa aking mahal na kapatid... Pag dating namin sa PreSchool, tinanong ko sa aming guro kung nasaan siya... Dinala niya ako patungo sa kanya... Natuwa ako ng nakita ko siya, pero sa kabilang dako, naawa din ako...
Nandoon lang siya, nakaupo, walang kasama, walang kausap, tulala sa mesa... Napatigil ako sandali at tinitigan lang siya... Hindi ko akalaing ganon pala ang kalagayan niya sa eskwela...
Iba ang kapatid ko sa mga bata... Espesyal siya... Sa murang edad, nagkaroon ng matinding sakit ang aking kapatid... Nagkaroon siya ng Cancer sa dugo, o kilala natin sa tawag na Leukemia... Ilang taon siyang nagdusa, araw-araw, buwan-buwan, taon-taon, nasa ospital siya, kahit pasko o bagong taon... Pero sa awa ng Diyos, pagaling na siya... Pitong taon na siya ngayon, ngunit hindi pa siya nagsasalita... "Slow Learner" ika nga, marahil ay naapektuhan ng kanyang sakit ang kanyang utak kaya hindi agad ito makatanggap ng mga impormasyon... Pitong taon na siya, ngunit hanggang ngayon, "baby" pa rin siya ng aming pamilya... Masiyahing bata, makulit, at laging nakatawa... Kakaibang inspirasyon ang dala niya sa akin, tuwing nakikita ko siya, nawawala pansamantala ang mga problema ko sa buhay... Hindi ko napipigilang makipaglaro sa kanya... Masaya siyang kasama at malambing... Baby na baby nga kung aming iturin... Ang kapatid kong dapat ay nasa elementarya na, heto ngayon, nasa harapan ko, nakaupo sa silid aralan ng isang "Special School".
Ngumiti ako at tinawag ko siya... "Kuya, halika na... Uwi na tayo..." Nakita niya ako, tuwang tuwa siya, nakangiti siya habang kumakaway sa akin... Tumayo siya at daliang lumapit sa akin, sinalubong niya agad ako ng mahigpit na yakap at mga halik... Pinakita niya sa akin ang kanyang suot na uniform at ang kanyang ID... Nagpaalam na kami sa kanyang guro at sumakay na sa sasakyan...
Nang kami ay bumibyahe na pauwi, biglang may tumawid na bisikleta sa harapan namin... Daliang tinapakan ng aming tsuper ang preno, at napadausdos kami sa harapan... Wala pa naman kaming suot na seatbelt at kalong ko pa ang aking kapatid... Buti na lang at naagapan ko... Bago pa man huminto ang sasakyan, hingpitan ko ang yakap ko sa kapatid ko, kaya napigilan ang pagtama niya sa compartment... Buti na lang... Pero, matapos ang pangyayaring iyon, hindi na gumawa ng ingay ang kapatid ko, tumahimik siya buong biyahe at nanlalaki ang mga mata... Tila natakot sa mabilis na pangyayari... Di ko napigilang maawa sa kanya, mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa natatakot kong kapatid, hindi ko siya binitawan hangga't alam kong ligtas na kami sa kalinga ng aming tahanan...
Matapos ang pangyayaring iyon, lalong lumakas ang pagmamahal ko sa kapatid ko... Lalo na ngayon na alam ko nang kailangan niya ng kalinga ng isang kuya... Kalinga ng isang kapatid... Kalinga ng ka-pamilya... Hindi na namin pinapansin ang kanyang kalagayan, itinuturin namin siyang isang normal na bata... Sana, ganon din ang tingin ng iba sa kanya... Oo, alam kong iba ang kapatid ko... Iba siya dahil espesyal siya... Espesyal sa aming puso...
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|