Sunday, July 30, 2006


A taste of despair...


I just came home from our province... Since I promised na ikukwento ko ang nangyari, eto na..
Pasensya na kung medyo mahaba... Gusto ko lang ilabas ang mga saloobin ko...

I Just Stood there... And Did Nothing...

Saturday, 2:00 in the morning, sa sala na ako nakatulog sa kakahintay ng alas dos sa sobrang excitement... Hindi na ako mapakali... Tuwang tuwa ako... Makakauwi na din ako sa wakas...

Dalian akong nag empake at dumerecho na sa sasakyan, naghanap ng pwesto upang maganda ang tulog sa biyahe... Dahil nga na puyat ako sa sobrang excitement ko, tulog ako buong biyahe... Pagkagising ko, nakarating na kami... Just like that...

Pagdating namin, binaba ko na ang gamit ko at nagpahatid na ako patungong bayan (Infanta Town Proper...)... Umaasa na doon, makikita ko siya... Excited na excited na ako... Di na ako mapakali... Nagpahatid ako sa aming dating bahay sa bayan, tuwing umuuwi ako, doon lagi ang "starting place" ko sa pag gagala... Dumerecho muna ako sa computeran na katabi lang ng bahay namin, tinulungan sila sa pag install ng ilang mga games... Pagkatapos ay dumerecho na ako sa aking Alma Mater, ang paaralan ko nung ako'y 4th year... Dahil madalas kaming tumambay noon sa paaralan gawa ng maraming activities na ginagawa... Pag dating ko dun, may ginaganap na kasalan... At sa auditorium ng aming paaralan ang Reception... Siguradong wala sila doon kaya ako'y nag libot muli, nag text ng mga kakilala... Ngunit lahat ay busy, wala man lang akong nakitang kakilala... Pati siya hindi ko nakita... Haay... Sabi sa akin ng isa kong kabarkada na magsisimba daw sila bukas ng 8:00 ng umaga, kung gusto ko daw siyang makita, magsimba na lang daw ako... Sumang ayon naman ako... Kaya't dumerecho na ko pauwi sa amin...

Hindi pa rin nagbabago ang Infanta... Masaya pa rin ang mga tao, nagkalat pa rin ang mga magagandang dilag, maayos pa rin ang mga daan at nakakaginhawa pa rin sa pakiramdam ang "ambience". Pero may ilan ilan din akong nakitang mga pagbabago, ang bagong renovate na "Town Plaza" at ang bagong pinturang munisipyo... At nawala na din ang mga pamilyar na mukha na tuwing gumagala ako sa bayan ay bigla na lang akong tatawagin at kakawayan... Nakakamiss yung panahong iyon...
  • Ang paggagala sa bayan, kasama ko siya, umiilag sa mga sasakyang dumadaan...
  • Ang pag punta sa eskwelahan upang magpraktis ng activities...
  • Ang pag tugtog namin sa simbahan, na lagi kaming nagpapagalingan sa pagtugtog ng Santo...
  • Ang pag tambay namin sa aming munting tahanan at nag jajamming, kung minsan ay nagrerecording pa...
  • Ang pag tambay namin sa palamigan tuwing uwian... (Aling Rose)
  • Ang pag titig sa mga bituin, katabi siya, walang iniintinding mga problema...

Pag uwi ko, nakatulog ako hanggang mag alas sais ng gabi... Dumerecho ako sa dalampasigan pagkagising, dala ang gitara ko, at doon nagpaka senti... Naalala ko nanaman siya... Nalala ko, lumangoy kaming magkakabarkada, kasama siya, inabot kami ng alas sais ng gabi, dumidilim na kaya nagsiuwian na sila, pero kami, nagpaiwan... Umupo kami sa tabing dagat at hinintay ang paglubog ng araw... Tuwang tuwa ako ng mga panahong iyon, solong solo ko siya... Wala na nga akong hahanapin pa...

Linggo... Alas otso ng umaga, pumunta ako ng simbahan upang magsimba, as usual, bumaba ako sa aking "Starting Point" at naglakad na lang patungong simbahan... On the way, nakita ako ng isang taong malapit sa aking puso, kabarkada ko siya nung ako'y doon pa nag aaral, na crushan ko din ito sa sobrang pagkakyut niya... Sinalubong agad niya ako ng mahigpit na yakap at dumerecho na kami sa simbahan... Di pa simula, kaya't nagmasid masid muna ako sa mga tao sa paligid ko... Nakita ko ang mga kaklase niya, nakita din nila ako, kaya't kinawayan nila ako... Pero, siya, wala pa rin sa aking paningin...

Nang matapos ang misa, doon ako, nag abang sa labas, marami akong nakitang mga kakilala, mga kabatch ko, mga alumni at mga mahal na guro... Nagmistulang reunion ang nasabing pagkikita, Tuwang-tuwa talaga ako ng mga panahong iyon... Pero di ko pa rin siya nakikita, masyado na akong nabibitin... Pagkatapos, biglang binulungan ako ng kausap ko... "Si Wyena oh"... Napangiti ako at dahan dahan akong lumingon... Nakita ko siya... Palabas ng simbahan, pinapaligiran siya ng kanyang mga kabarkada... Iba na ang kanyang itsura... Lalo siyang gumanda... Ang buhok niyang mahaba, gupit na at iba na rin ang kanyang hairstyle... Tumangkad siya at nagblooming ang mukha... Hindi ako makagalaw, paralisado, ang bilis ng pintig ng puso ko, hindi ako makahinga, namumula na daw ako... Tinitigan ko lang siya, umaasa na sana makita niya ako... Sa kasamaang palad, hindi niya ako napansin... Ayoko naman kasing tumalon talon ako doon at magpapansin... Kaya nandoon ako... Nakatayo lang, hindi makagalaw, hindi nagsalita... Hindi man lang siya nakausap... Nakita ako ng aming Principal at kinausap ako sa mga bagay bagay... Pag lingon ko sa kanya, wala na siya doon... Hinanap ko siya, ng makita ko, naglalakad na siya pauwi... Walang kwenta... Sayang lang lahat... Kung baga sa isang mission status... "Mission Failed"...

Buong araw, hindi ako makapagsalita, hindi ako makapaniwalang ganon ang manyayari, ni hindi man lang niya naramdaman na nandoon ako... Dati-rati lang, siya pa ang sumosorpresa sa akin... Miss ko na yung mga panahong sinusutok niya ang aking balikat... Haay... Feeling ko tuloy kanina, hindi na niya ako kilala... Kinalimutan na lang niya ang lahat... Dalawang buwan lang ako nawala... Pero heto ako, naghihintay at umaasa pa rin sa kanya... Martyr na kung martyr, wala akong magagawa, mahal ko eh... Pero ngayon, nahihirapan na talaga ako, di ko na alam ang gagawin... Buong araw akong pagal, kung anu-ano ang iniisip, nananaginip ng gising, tulala, hindi nagsasalita... Naiinis ako sa sarili ko... Sobra... Haay.. Buhay... Kailangan ng paiksiin... :((

Kailangan ko ng tulong niyo... Parang awa niyo na, ano ba ang dapat kong gawin?...

Wyena is not her real name, it's the Al Bhed Version of her name...


posted by icarus_05 @ 7:21 AM Comments: 26

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>