Monday, August 21, 2006
Til' They Take My Heart Away... Part 7...
Bumalik na ako ng paaralan upang ituloy ang naudlot na selebrasyon... Hindi ko na pinansin ang nakasulat sa cellphone, marahil ay hindi niya naman ito mapapabasa dahil lagi siyang wala sa eksena...
Una kong pinuntahan ang dedication booth na nasa itaas ng building, upang makibati at upang magkaroon ng magandang view, at madali ko siyang mahanap... Tumingin ako sa paligid, wala talaga siya, naisip ko na baka hindi pa siya nakakarating o nasa loob lang siya ng isang booth... Wala akong ginawa... Umupo lang ako doon, dinamdam ang malakas at preskong hangin, wala na akong pakialam, gusto ko nang matapos ang araw na ito para ako'y makauwi na ng maynila... Naisip ko na sayang lang naman ang pinunta ko dito, kung hindi ko rin siya makakausap...
Ako'y na "bore" kaya ako'y pumunta muli sa band, upang makijam at puntahan na rin ang aking adviser... Kinausap kong panandali ang aking guro... "O, ano? Kamusta naman?... "Eto, di pa rin po niya ako pinapansin..." ... "Baka busy lang! Hayaan mo muna..." Hayaan ko muna... Hayaan ko muna... bahala na... Pagtingin ko sa pinto ng booth, kumalabog ang dibdib ko, malakas ang kutob kong nandoon siya sa loob... Kaya hindi agad ako pumasok... Kundi, dahan dahan kong binuksan ang pintuang magdadala sa akin sa isang madilim na silid... Tulad nga ng aking hinala, nakita ko siya sa loob, hawak ang gitara, tumutugtog sa harap ng maraming tao... Kinabahan ako ng bigla kong napansin na nakita niya ako... Dalian kong sinara ang pinto at napatulala panandali... Tumingin sa aking guro at umupo muna sa tabi niya upang makahinga ng malalim... Matapos ang ilang minuto, lumabas siya sa silid... Nagmamadali, tila ako'y iniiwasan... Nagulat na lang ako ng biglang bumanat ang aking guro ng... "O, Hindi mo man lang ba papansinin ang Kuya Chab?!" ... Matapos ay, tumingin siya sa akin, ngumiti at kumaway... At bigla ring umalis... Tumingin ako sa aking guro na may halong paghanga at pasasalamat... Ngumiti lamang siya at ako'y kinindatan... Pumasok na ako sa band, parang walang nangyari...
Habang tumutugtog sa banda, sinabi nila na kailangan na raw ilabas ang mga instrumento, at tutugtog na raw ang band ng live sa school grounds... Dalian akong tumayo, at kinalas isa isa ang drumset... Dinala ito sa labas at sinet up... Pero wala pa rin siya... Ang dami nang naghahanap sa kanya dahil siya ang expected na tumulong sa pag aayos ng mga instrumento... Hindi ko na ito inintindi, sa halip ay tinuloy ko lang ang pagaayos at pagtotono ng mga instrumento... Nang matapos ay umalis na ako sa eksena... Balak ko na sanang umalis sa eskwelahan, kunin ang gamit ko at lumuwas na ng maynila... Pero nagdalawang isip ako... Isa na lang ito, tapusin ko na kaya... Pinanuod ko tumugtog ang band... Inakala ko pa naman na siya'y kakanta... Pero ni tumugtog ng gitara hindi niya ginawa... Ngumiti lang ako... Matapos nilang tumugtog, umalis na ako... Nagmamadali... Hindi na ako lumingon, ayoko na... Baka lalo lang akong malungkot kung makita ko siyang tumalikod at maglakad papalayong muli... Inaya ko na lang ang kaibigan ko na tumugtog sa isang studio...
Matapos naming mag Jamming, lumabas kami ng studio, madilim na pala... Di ko namanalayan ang oras... alas Syete na ng gabi... Nakalimutan kong may Bible Study pala tuwing byernes... Pero malamang ay tapos na iyon, pero hinanap pa rin namin ang Venue ng bible study, nagbabakasakaling makita ko muli siya doon... Pag dating namin doon... "O! Kuya! Ba't ngayon ka lang?! Tapos na!" ... "Ah! Sorry! Nag Jamming kasi kami eh!" ... "Ah! Ganun ba... Eh kuya, wala na siya dito, umalis siya kaagad eh.."... Naka alis na pala siya... Wala akong nagawa kaya umalis na rin ako at nagbalak nang umuwi... Hinatid na ang kasama ko... Nakita ko ang pinsan ko, tinanong ko sa kanya, kung pinabasa ba niya yung mensaheng ginawa ng aking tita... Ang sabi niya, Oo daw... Lalo tuloy akong kinabahan... Lalo akong nawalan nang pag-asa, malamang hindi na niya ako papansinin... Nawalan na ako ng gana... Umalis na lang ako, nagtungo sa aming dating tahanan, nag iisa, sugatan ang puso, walang kasama, madilim ang paningin, malungkot, nagdurusa, nananaghoy, naghihinagpis, walang muwang, walang kibo, tulala, walang magawa, pagal, walang kwenta, patay...
Habang ako'y naglalakad, tumingin tingin ako sa paligid, nang madaanan ko itong Internet Cafe na ito... May nakita kasi akong pamilyar na tao na talaga namang nakapag bigay sa akin ng atensyon... Tama ako... Siya nga iyon, hindi ako pwedeng magkamali... Tila tapos na siyang mag internet at nagbabayad na lamang... Hindi ako sigurado... Pero hindi ko na ito pinansin... Tinignan ko na lamang siya habang ako'y papalayo... Nang ako'y mga dalawa o tatlong talampakan na ang layo, nagdalawang isip ako... Kakausapin ko ba siya o magmumukmok na lang sa isang tabi? Huminto lang ako sa tabi ng street light at nag muni muni... Wag na lang... Yun ang pumasok sa isip ko... Luluha na sana ako ng biglang nakita ko siya na lumalakad sa tabi ko...
"O, San ka pupunta?" (Pabulong) "Ako? Uuwi na ako Maynila... Ikaw? San ka pupunta?" "Ah, mag iinternet lang kami... Ingat ka ha..." (Pabulong muli) "Ah, sige... Bye!"
Iyon lamang ang aming usapan... Nasa kanto na kami, ang "crossroad" na magpapahiwalay sa aming muli... Pakanan siya, pakaliwa naman ako... Nang ako't makarating sa kanto, tumigil ako at nagisip... Marahil ay ito na ang huling pagkakataon na makausap ko siya, kung hindi pa ako gagawa ng aksyon... Bahala na! Torpe! layuan mo muna ako! Kahit ngayon lang!... Lumingon ako, at hinabol siya... Tumakbo ng mabilis, tumakbo papalapit sa kanya... Sinurpresa ko siya, inakbayan ko ang kanyang braso (di ko alam sa tagalog.. Yung parang ineescortan ung muse... Get the picture?) at hinawakan ang kanyang kamay ng mahigpit...
"Hi! Musta?" "Ok lang ako..." (Pabulong) "May itatanong lang ako... May pinabasa ba sa iyo yung pinsan ko?" "Huh?! Wala!" (Pabulong) "Ows, wala daw..." "Oo nga! Wala siyang pinabasa..." (Pabulong) "Sige na nga, sabi mo eh... Bat di mo nga pala ako kinikibo?" "Oo nga! Tignan mo nga oh, di nga ako makapagsalita... Di nga ako nakakanta sa band kanina eh!" (Pabulong) "Ah! hehe.. Ganun!... Sige, mauna na ako... Gabi na eh... Ingat ka.." "Ok! Sige, Babershk!" (Pabulong)
Kaya pala, siya pala'y paos... Umalis na ako at naglakad papalayo... Madilim na ang paligid, wala talagang makakakita na ako'y nakangiti... Hindi na ito mapawi... Ang saya ng pakiramdam kung lalakasan mo lang ang loob mo... Sobra... Napuno muli ng pag-asa ang aking puso...
Now we're stronger than before... We've made it through... I've never felt more sure, because of you...
Sana ay muling matuloy...
Labels: Our story... Wyena..., Series, Til they take my heart away
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|