Saturday, August 12, 2006


Happiness... Emptiness...


It's like, nothing happened... Nothing at all...

Matapos ang mahaba-haba at nakakabitin (daw) kong istorya... Marami akong napagtanto... Maraming nagbago sa aking mga pananaw...

Habang itina-type ko ang bawat letra ng aking istorya, hindi ko namamalayan, unti-unti na palang dumudulas ang pagtingin ko sa kanya... Hindi ko alam kung bakit, pero, unti unti na ring lumalabas ang ngiti sa aking mga labi... Pero, sa kabilang dako, unti-unti na rin akong nagiging kulang... Walang laman...

Nailabas ko ang lahat ng saloobin ko sa aking huling istorya... Nalaman ng buong mundo kung gaano ko siya kamahal, at kung gaano ko siya namimiss ngayon... Nalaman ng buong mundo ang hinagpis ng aking puso... Nalaman din ng buong mundo kung gaano kasarap ang magmahal... (Well the blog world at least) Salamat sa mga taong tumulong sa akin, upang maging isa akong bagong nilalang... Mga kapwa ko rin bloggers na walang sawang sumubaybay sa aking kwento...

Habang ginagawa ko ang mga kwento kong ito, lagi akong napapaluha, hindi ko mapigilan... Lalo na sa pinakahuling parte... Habang naalala ko, lalo lang akong nasasaktan... Hindi kasi ako makapaniwala sa mga nangyari... "It's too good to be true" ika nga... Walang hanggang kaligayahan, mauuwi sa wala... Madilim... Malamig... Tahimik... Nakakabingi... Ayoko mang maniwalang tapos na ang istorya, wala na akong magagawa... Pirmado na ng Diyos ang mga dokumento ng kasaysayan...

Ano nga ba ang kasaysayan? Bakit ba lagi na lang akong nabubuhay sa kahapon? Ayoko na ng ganito... Sawa na ako sa kaaasa na muling mangyayari ang kahapon... Sawa na akong humiling na sana'y maulit muli ang mga nangyari na... Walang mangyayari sa akin kung ganon... Lagi lang akong magmumukhang tanga... Matapos ang istoryang iyon... Nauntog na ako... Marahil ay panahon na... Panahon na upang magising ako... Panahon na upang mabuhay na ako sa hinaharap at mangarap para sa kinabukasan... Alam kong di pa huli ang lahat para magbago... Hindi pa huli ang lahat para mapatunayan sa sarili ko na kaya ko... Hindi pa huli ang lahat para pagbigyan ko naman ang sarili ko... Simula nang magpasukan... Hindi ko na iniintindi ang sarili ko... Nagmumukha na akong katawa tawa... Nagmumukha na akong kaawa-awa...

Siya lagi ang laman ng isip ko... Hinihintay siya araw hanggang gabi, na magparamdam man lang sana kahit isang "hi" o miscol man lang... Lagi na lang ako nasa harapan ng komyuter... Lumalaki na eyebags ko... Napupudpod na daliri ko sa kaka type sa keyboard... Napupudpod ang daliri ko sa kagigitara at pag gawa ng kantang alam kong hindi naman niya maririnig... Panahon na... Panahon na siguro para magbago na ako... Itigil na ang pangangarap na ito...

Alam kong balang araw, makikita ko rin ang pagsinag ng nakangiting araw... Makikita ko rin ang bahagharing makulay na lumilitaw matapos ang isang unos... Makikita ko rin ang ilaw na tuluyan nang nawala sa akin... Matatapos ko rin ang daang tinatahak ko ng buong lakas... Kasama kayo... Sa tulong niyo...

Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi pa tapos ang istorya... Marami pang blankong pahina... Kung matutuloy man ito... Mas mabuti... Kung hindi na, wala na akong magagawa... Hindi pa rin ako titigil sa paghihintay... Wala nang makakapalit sa kanya... Ngayon lang ako nagmahal ng sobra pa sa buhay ko... Ngayon lang ako nagmahal na hindi iniintindi ang sarili ko... Oo, mahal na mahal ko siya... Higit pa sa buhay ko... Handa akong maghintay, hanggan sa sabihin niyang hindi na niya ako kailangan... Pero sa ngayon, iintindihin ko muna ang pag-aaral ko, iintindihin ko muna ang career ko sa bowling, at pati ang isang pangarap na tuluyang nagpalapit samin, ang musika... Para na rin ito sa kinabukasan ko, para na rin mapabilis ang oras at mapaiksi ang paghihintay ko... Kayang kaya ko to... Sa tulong niyo...

Panahon na para sa bagong umaga... Bagong pag-asa, bagong saya... Tumanaw sa hinaharap na walang pagsisisi... Kumanta at sumayaw na parang wala nang bukas... Magagawa ko ang lahat ng ito... Sa tulong niyo...

Kung mabasa man niya ito, gusto ko lang sabihin na hindi pa rin ako titigil... Nangangarap parin ako na sana balang araw, madadagdagan ang mga nakasulat sa pahina ng aming pag iibigan... Nais ko ring humingi ng tawad, sa lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya... At nais ko ring magpasalamat sa mga magagandang ala-ala na ibinigay niya... Hindi pa ito paalam, dahil hindi ako marunong magpaalam... Bahala na... "Time will tell"... Tulungan niyo ako... Alam kong magagawa ko ang lahat ng ito... Sa tulong niyo...

_______________________

Bagong buhay, bagong bukas, bagong pag-ibig? Haha! Ewan, malay ko... Bahala na...
Nais kong kunin ang oportunidad na ito upang magpasalamat sa mga taong patuloy na tumulong sa akin...

Kuya Rowjie, Kuya Jhed, Edgar, Justine, Ate TK, Vinkz, Mai, Kuya Jigs, Kuya Shawboy, Rina, Mara, Zord, at syempre kay Karla... Kung hindi ko kayo nabanggit, wag kayong mag alala... Kasama ko kayo sa bawat panalangin ko... Maraming salamat! Mahal na mahal ko kayo...

________________________

Iboto niyo rin sana ako... Malapit na, nawa'y makuha ko ang suporta ninyo! Maraming salamat!

posted by icarus_05 @ 7:57 AM Comments: 13

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>