Friday, September 08, 2006


The Taste of Love...


Every bite I make, I think of you...

Isang boring na araw ang naganap... Wala talagang magawa no'n, ni walang palabas sa telebisyon, ni walang malaro sa playstation... Nakakatamad, nakakaantok, pero ayokong matulog... Inaya ako ng kapatid kong mag bowling para naman daw may magawa kami... Agad naman akong sumangayon... Wala na rin akong praktis at talagang nakakatamad na sa bahay...

Dumating kami ng bowling center, pare parehong mukha pa rin ang nakikita ko... Wala pa ring pagbabago... Pero may napansin akong bago sa paningin ko... Ang dating plain na bowling center, ngayon ay mga maliliit na food stalls na... Mas gaganahan na akong maglaro niyan dahil may pagkain na sa paligid... Habang ako'y nagmamasid, mayroon akong napansin... Hindi pagkain, kundi isang tao... Isang dalaga... Nandoon siya, nag seserve at nagtitinda sa isang food stall na nabanggit... Kakaiba ang naramdaman ko no'n... Para bang, bigla akong nagutom, at hinihila ako ng katawan ko papunta sa food stall na iyon... Tumingin sa akin ang dalaga... Nakangiti siya at tila namumula... Nginitian ko lang din siya sabay sabi niyang... "Good Afternoon sir! Ano pong order nila?"... Tulala lang ako kanyang kagandahan... Hindi ako makagalaw... Tapos, napansin kong kinakawayan na niya ako... "Sir... Ano pong order nila?" *chuckles*... Tulala pa rin ako, pero nagawa kong ituro ang aking gustong bilhin... Tumawa lang siya, agad niyang kinuha at ibinigay sa akin... Inabot ko ang bayad ko, at biglang napahaplos ang kanyang malalambot na kamay sa aking kamay sabay sabing... "Thank you sir! Come Again!"... Oo, talagang babalik ako... Umupo ako isang bangko at kinain na ang binili kong Strawberry Filled Donut... Sa mahilig sa donut, marahil ay alam niyo kung gano kadungis ang pagkaing ito sa bibig... Dahil sa pagmamadali ko at medyo nahihiya ako, nakalimutan kong humingi ng tissue... Pero di ko napansin na wala pala akong tissue na dala... Kain lang ako ng kain, sabay ng nanakaw ng tanaw sa kanya... Pero napansin kong medyo tumatawa siya, lumingon ako para umiwas, marahil ay nakita niya akong tumitingin sa kanya... Nang sumulyap muli ako, nawala siya sa stall, hinanap ko siya... Hinanap ko... Nang biglang may kumalabit sa likod ko... Agad akong lumingon at nagulat sa nakita ko... Nasa harapan ko siya, nakangiti... Sabay may inabot sa akin... "Sir, Tissue po oh..." OH MY GOD! Iyon na lang ang reaksyon ko, ngumiti lang siyang muli, sabay naman ang daliang pag punas ko sa aking bibig na punong puno na pala ng puting pulbo na galing sa nasabing donut... Ngumiti ako at agad na tumalikod at tumakbo na sa Lane namin... Tawa lang ako ng tawa at namumula... Pero, iba... Ang saya...

To be continued...

Labels: , ,


posted by icarus_05 @ 6:22 AM Comments: 11

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>