Wednesday, September 06, 2006


Never Ending Rain...


When will be the next sunshine?

Everyday passes by so quickly, but I didn't mind... I just I didn't mind the fact that every single moment wasted, I'm going crazy... Every moment passed, slowly kills my soul... But I didn't mind... Everyday, there's always tears, leaving my eyes... Althought I didn't mind... I never mind at all...

Oo, wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa buhay ko... Wala akong pakialam kung ano mang mangyari sa hinaharap... Wala na akong pakialam sa mundo... Dahil, wala na siya para paikutin ito... Pero kanina, nagising ako sa tunay na mundo, nagising ako na wala sa aking sariling paraiso... Panahon na para bumangon ako sa totoong buhay... Hindi lang sa pangarap na iniikutan ko habambuhay... Nagkaroon na ako ng pakialam... Nang magising ako, wala na ang lahat sa akin... Sirang-sira na pala ang buhay ko, ngayon ko lang namalayan... Sirang-sira na pala ang mundo ko, puno na ng basura, at maraming butas na dinadaluyan ng sandamakmak na dugo... Gumising ko, hindi namamalayan na wala na pala akong dadatnan... Bakit ganito? Anong ginawa ko sa buhay ko?

Pero, gising na ba talaga ako? Ewan... Hindi ko rin alam... Mayroon pa ring parte ng puso ko na naghihintay pa rin sa pagbabalik niya... Maayos pa rin ang espasyo niya sa aking puso, bulaklakin at dumadaloy ang musika, habang ang espasyo para sa sarili ko ay puno na ng mga bungo at kalansay... Ang tanga ko... Bakit ko pa hinayaan ang sarili kong magunaw na lang basta? Nang dahil lang sa isang tao? Parang hindi ako ito ah... Para akong gago... Nagpaka gago... Umasa sa wala... Putang ina! Sana, tinuloy ko na ang balak ko noong magpakamatay... Tutal sinimulan ko na rin noon, hindi ko pa tinapos... Bahala na kung san ako mapadpad... Sa langit na wala naman siya, o sa impyerno kung saan nababagay ang mga tangang katulad ko... Bahala na... Bahala na...

Unti-unti nang dumudulas ang kaluluwa ko... Wala nang kakapitan, wala nang hahawakan... Sino pa kaya ang sasalo sa akin? Aasa pa ba akong siya ang hahawak sa kamay kong unti-unti nang dumudulas? Unti-unti nang nauubos ang dugo sa aking puso... Aasa pa ba akong darating siya upang hilumin ang mga sugat nito? Sa tingin niyo... May pakialam pa ako? Fuck! Do you think I care anymore? Fuck! Sige na, hayaan mo na akong maglaho sa lagusang iniwan ko... Asa pa akong pipigilan mo ako...

Aanhin pa ang gitara, kung wala nang pag aalayan ng musika... Thank you God... *Sign of the Cross*

posted by icarus_05 @ 6:59 AM Comments: 3

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>