Monday, September 11, 2006


The Taste of Love Part2...


I didn't saw it coming...

Araw-araw ng aming pagbalik sa bowling center, siya lagi ang una kong hinahanap... Lagi akong bumibili sa kanya, mapa donut o Ice coffee man iyon... Kung baga, ako ang nag iisa niyang suki... Ako lagi ang pumapakyaw ng kanyang paninda... Ginagawa ko iyon para lang mapalapit at makausap siya...

Di nagtagal, naging malapit kami sa isa't isa. Nakakabiruan ko na at open na kami sa isa't isa... Pero hindi ko pa rin sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko.. Ewan, hindi ko alam kung papaano... Bawat strike na nagagawa ko, lagi siyang pumapalakpak. Bawat kapalpakan naman na ginagawa ko, lagi niyang sinasabing "Ok lang yan!". Ginaganahan ako, na maglaro araw-araw... Napakagaling niya, ewan ko ba kung anong meron siya... Grabe, ang bilis kong nahulog sa kanya...

Habang lumilipas ang panahon, bihira ko na siyang makita... Hindi ko alam kung bakit... Isang araw lumapit ako sa kanya... Luhaan siya habang nagbibilang ng kinita... Tinanong ko siya kung bakit...

"O, bakit ka umiiyak?"
"*sob* I-aasign na daw ako sa main store..."
"O, ayaw mo non? Mas malaki kita mo..."
"Oo nga, pero ayoko doon! Marami na akong kilala dito, masaya na ako dito"
"Ganun ba, bakit hindi mo iyan sabihin sa kanila?"
"Ayoko nga, baka sabihin nila ang demanding ko..."
"Kesa naman sa hindi ka masaya sa trabaho mo diba?"
"Oo nga... Ewan, bahala na..."
""Haay.. Hayaan mo, bibisitahin kita araw-araw sa main!"
"Haha, ok lang! Kahit wag na..."
"Asus! Hehe, sige, pagbili na lang ng donut, libre kita :P"
"Salamat..."

Lumitaw ang ngiti sa kanyang labi, at nag punas siya ng luhang unti-unti nang nalalaglag... Marahil ay napasaya ko siya, marahil din ay hindi... Pero isa lang ang nagpabagabag sa aking damdamin... Paano na ako makakalaro ng maayos? Kung wala na siya para suportahan ang bawat bato ko? Kung wala nang pumupuri sa akin tuwing nakakstrike ako? Kung wala na siya, wala na sa piling ko...

Lumipas ang panahon... Nawalan ako ng ganang maglaro... Iba na ang nakikita ko sa counter, isang magandang dalaga rin ngunit, It's not the same... Hindi ko nararamdaman ang nararamdaman ko sa kanya... Nasira ang laro ko...

Araw-araw, pagkagaling sa eskwela, dumadaan ako sa main shop, ngunit hindi ko siya nakikita, bawat Donut stalls sa buong mall pinupuntahan ko, wala talaga siya... Hindi ko na siya nakikita... Marahil ay hindi na muli pa... Hindi ko pa nasasabi sa kanya... Paano na?

Lumipas ang ilang buwan... Pumasok ako ng Bowling Center... Hindi na akong nag abalang tumingin pa sa stall, dahil alam kong hindi ko naman siya makikita... Binulungan ako ng aking kapatid... "Kuya, bili mo ko Ice Coffee..." Nakasanayan na namin ang bumili nito, nung siya pa ang kahera... Binigay niya sa akin ang pera, lumapit ako sa istall sinabing, "Pabili nga pong ice coffee..." Habang binibilang ko ang aking dalang salapi... "Anong Size?" nagulat ako... Pamilyar ang boses na iyon!.. Tinignan ko... Tama ang hinala ko... Siya nga! Muli kaming nagkita... Matagal na nagkatinginan ang mga mata...

To be continued...

Labels: , ,


posted by icarus_05 @ 7:02 AM Comments: 7

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>