Wednesday, October 29, 2008


Nothing Ever Changes...


Meron pa ba? Sana...

Nakita kita kagabi, ibang iba na ang hitsura mo. Mas lalo ka pang gumanda, hindi na kita makilala. Mukha ka namang masaya na sa kalagayan mo, pero ako?.. Ano nga ba?..

Tinitigan kita ng matagal, hindi ka makatingin sa akin. Mukha kang maraming iniisip, ako nama'y hindi makakilos ng maayos. Nanginginig ang katawan ko, marami akong gustong sabihin, mga gustong itanong, pero mas naunahan ako ng katahimikan. Hindi ako maka-imik pag nariyan ka na sa harapan ko. Unti-unting tumulo ang bawat butil ng pawis mula sa noo ko, patungo sa aking palad. Habang lumalalim ang gabi, mas lalong lumalakas ang kaba ko. Pati ang pagtibok ng aking puso, hindi ko mapigilan...

Pero, akala ko, ako lang ang nahihirapan. Halata sa mga mata mo na hindi ka rin makakilos ng maayos. Napansin ko rin na napapatingin ka ng bahagya. May mga panahon na nagsasabay tayo ng tanaw, ngingiti ka lamang at ako'y sasagot sa isang pabirong kindat. Sinubukan mong ngumiti, alam kong nahihirapan ka... Pati ako...

Hindi ko talaga lubos maisip, kung bakit biglang nagbago ang isip mo. Hindi ko maintindihan. Tuumulo ng bahagya ang luha sa mga mata ko, tinakpan ko lamang ito ng aking mga kamay para hindi mo makita. Pinigilan ko ang mga ito sa pagtulo sa pamamagitan ng pag ngiti ko. Mas lalo pang lumakas ang pag nginig ng katawan ko. Muli kitang tinignan, hindi maipinta ang ngiti sa iyong mukha. Marahil ay may iniisip ka rin. Kapareho kaya ng iniisip ko?..

Habang lalong papalapit na ang katapusan ng gabing yaon, mas lalo kong napagtanto na, hindi ko pa pala kaya. Hindi ko pa kaya na wala ka sa piling ko. Naiinis ako, sana talaga pinigilan kita. Mayroon pa rin sa kaloob-looban ng puso ko, naghahangad na sana'y bumalik ka na. Hanggang ngayon, di ka pa rin mawala sa isip ko. Oo, mahal pa rin kita... Mahal na mahal pa rin kita...

Ngunit kailangan kong indahin ang lamig ng gabi,
ngunit kailanan ko nang tanggaping wala ka na sa tabi,
Nag - iisa, wala ka na...
Wala ka na, nag - iisa...
Nag-iisa, wala ka na - Noel Cabangon

Labels: , , ,


posted by icarus_05 @ 1:22 AM Comments: 1

Thursday, October 23, 2008


For Eternity...


*Nosbleed tagalog up ahead. :P*

Mapipigil mo ba ang damdamin basta basta?

Nakahiga na ako sa aking sariling mundo. Nakakapagod ang araw na ito, pero kahit anong gawin ko, hinding hindi ako makatulog. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko, ngunit nanginginig lang ang mga ito. Para bang may mga luha na gustong lumabas mula sa pagkakakubli. Nagpatugtog na lamang ako, para na rin pampatulog, baka sakaling gumana.

"Coz' I'm missing you so bad. Now that you're not by my side."

Hindi ko na rin napigilan. Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Napadilat ako bigla, napatunganga sa kawalan. Hindi ko na kinaya ang sakit na nadarama.
Ang sakit...
Sobrang sakit...

Ito ang pangalawang araw na wala ka. Akala ko, matapos kong maitulog ang lahat, magiging maayos na ang lahat. Oo, nung una, nakakangiti pa ako. Alam kong hindi totoong mga ngiti iyon, pero kahit papaano, masasabing pinipilit ko namang maging masaya. Nakakasalita na ako, nakakahinga na ako ng maayos, nakakakilos na ako ng matiwasay, lahat ng dati kong ginagawa, nagagawa ko na. Naisip ko na, ayos at normal na ang lahat. Akala ko lang pala iyon. Mapalinlang nga naman ang puso...

Pilit ko mang kalimutan ang gabing iyon, lalo lang siyang bumabalik sa akin. Para bang langaw na kahit ilang beses mong paypayin, balik lang ng balik sa iyong mukha. Ang hirap pala kapag sariwa pa ang sugat. Kahit anong pilit mong gamutin iyon, mas lalo lamang sumasakit.

Gumagalaw ang oras, bawat minuto, bawat segundo, mas lalong lumilinaw ang imahe mo sa isip ko. Ang daming ala-alang naiwan; mga ala-alang gusto ko pa sanang madagdagan; mga ala-alang inisip ko na hindi na mawawala habambuhay. Mapalinlang nga naman ang puso. Ganon pala iyon, pag pinilit mo, mas lalaki ang pursyento na hindi mo makuha ang gusto mo. Ang labo ng mundo, ang labo...

"After all this time, after all that we've been through. Baby, aren't you hurting too?"

Kahit na nakatingin ako sa kawalan, maraming pumasok sa isipan ko. Kung paiikliin, isa lang ang magiging konklusyon... Ang tanga ko. May magagawa ako, alam ko, pero hindi ko ginawa iyon. Alam kong may magagawa ako para mapigilan ang pag lisan niya. Pero, natakot ako. Natakot ako na pag pinilit ko pa, baka lalo lang siyang mapalayo sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko noong mga panahong yaon. Para bang, gusto ko nang matapos ang pag uusap namin, para lang mapag-isa ako. Pero hindi, makulit ako. Gusto ko pa ng sobra sobrang sakit. Siguro, may gusto rin akong malaman mula sa kanya. Gusto ko sigurong malaman noon kung bakit bigla na lang nag bago ang isip niya. Ang labo.

"One day you're here, and the next you are gone...."

Alam kong may iba pa siyang rason. Pero sa ngayon, ayaw ko pang malaman iyon. Masakit pa, sobrang sakit. Iba talaga ang sakit, kapag puso na ang nasugatan *thank you, friend*. Pero tulad nga ng sinabi ng kaibigan ko, "Ang mga bagay na pinapayo mo sa ibang tao, ay mas epektibo sa'yo". Marahil nga, mas epektibo sa akin yung mga lagi kong payo. "Let time heal. Let tomorrow heal today..."

Nalulungkot ako, nalulungkot ako ng sobra sobra. Pero alam kong proseso lang ito na dapat pag daanan. Kailangan lang siguro na hindi ako magpadala sa mga emosyon ko. Masyadong maganda ang mundo para iwan. Masyadong mahalaga ang buhay para wakasan. Oo, gusto kong maging maayos ang lahat sa aming dalawa, pero alam kong hindi iyon mangyayari sa ngayon. Kailangan maayos ko muna ang sarili ko. At pag dumating ang araw na iyon, magsisimula ako ng bago. Isisiguro ko na sa araw na iyon, maipagmamalaki mo na ako. Pangako iyan.

"Mapipigil mo ba ang damdamin, kung nasanay nang umibig sa'yo?"

Missing You - Freestyle
Mapipigil mo ba? - Freestyle
Jigsaw - Lucida
Salamat ng marami, kaibigan... Sobrang salamat...

Labels: , , , , ,


posted by icarus_05 @ 9:28 AM Comments: 0

Monday, February 11, 2008


Split...


Nang minsa'y naging atin ang lahat...

Luha nanaman ang gumising sa akin matapos na sigawan ako ng sinag ng araw. Pilit kong tinatago ang nakaraang laging tumutusok sa aking kalamnan. Pero balewala din pala, dahil hanggang ngayon, wala pa rin ibang laman ang utak ko kundi ang pasakit na iniwan mo.

Nakakapanibago ang kapaligiran. Hindi ako sanay ng gumigising ng wala ka sa tabi ko. Para bang naghahanap ako ng tubig para mapawi ang uhaw na nadarama sa kalooban. Ni hindi ko na rin malaman kung ano bang dapat isipin simula nang lumisan ka. Ni hindi ko nga din alam, kung bakit mo pa naisipang gawin ito sa akin.

Sa'yo lang umikot ang mundo ko, minsan inisip ko na naging atin ang lahat-lahat ng bagay sa mundo. Hindi tayo noon matinag. Kahit anong harang ang iharap sa atin, sabay lang natin ito inaakyat. Kahit gaano man kahirap ang pag subok na binibitawan nila sa atin, hawak kamay natin itong hinaharap. Pero hindi ko alam kung bakit sa isang maliit na bagay lang, bumitaw ka na sa pagkakahawak sa akin.

Hinabol kita, kahit saan ka pumunta, ngunit kahit gaano man kabilis ang hakbang na ginagawa ko ni hindi ko maabot ang kamay mo. Pilit kong pinaglalaban ang pag-ibig ko sa'yo, pero heto't ikaw pa ang nagiging sanhi ng pagkatalo ko. Luha lamang ang naging sandigan ko, luha lang ang naging karamay ko. Minsan naisipan kong tapusin na ang buhay ko, pero nariyan lamang ang luha para iligtas ako. Pinilit kong maging malakas, para na rin sa sarili ko. Alam kong balang araw, makakalimot din ako sa pasakit na iniwan mo. Sarili ko rin ang makikinabang kung ako'y magiging malakas.

Oo... Malakas. Malakas ako, tama. Ba't nga ba ako nagpapa apekto sa ginawa mo? Kung ipagpapatuloy ko ito, lagi lang akong magiging talo. Panahon na para tuluyan nang burahin ang ala-ala mo. Malakas ako. Kaya ko ito. Hindi kita kailangan sa buhay ko, hindi kita kailangan.

Lumipas ang mga buwan, natapos na rin sa wakas ang luha. Nabalik na ang ngiti sa aking mga labi, sapagkat mayroon nang nagpakita ng pagmamalasakit sa akin. Pag-ibig na hindi mo mahahanap kahit saan. Masaya na ako sa wakas, kaya ngayon, hindi na ako muling magkakamali pa. Natuto na ako, ayoko nang maulit muli ang nangyari. Ayoko nang multuhin ako ng paulit ulit na pangyayari. Tama na ang isa. Hindi na mauulit pa.

Pero, di nagtagal, nakarinig ako ng mahinang boses mula sa malayo. Isang tinig na pamilyar. Tinig na akala ko'y tuluyan nang nawala sa sistema ko. Akala ko lang pala iyon. Hayan ka nanaman, humihingi ng kapatawaran. Sinasabi na ako parin ang nasa isip mo matapos ang lahat-lahat. Hindi na, hindi mo na ako matitinag. Malakas na ako ngayon, hindi na ako matutukso ng iyong matatamis na salita. Naging matatag ako, para na rin sa sarili ko at sa bago kong sinisinta. Hindi mo na ako maloloko pa, hindi na kailan man. Pero kahit gano'n, ni minsan, hindi ako nagtanim ng galit sa iyo. Dahil hindi pa rin maitago na, ikaw ang pinakamagandang istoryang naisulat ko. Pero tulad ng bawat istorya. Ito'y mananatili lamang isang kwento. Ang naisulat na sa libro ng kasaysayan, ay kailan ma'y hindi na mauulit pa. Hindi na...

**

Thanks to my classmates for the inspiration. I've been hearing a lot of break-up stories lately. Papalapit pa naman ang Valentines. Nakakalungkot. Maging malakas ka'yo. Para sa inyo ito.

Labels: , , ,


posted by icarus_05 @ 5:10 AM Comments: 5

Thursday, September 06, 2007


New Hair, New Life...


I lost my power..

Ok, i'll let you join the Asian Schools Training as long as I see your
hair cut on sunday.

Those words struck my senses as soon as he said that to me. I couldn't believe what I've heard. It has been my dream to be a part of that bowling team. If not a part of it, at least I could join them in training. But then, the offer had a very hard price. Yes, my hair cut.

My hairstyle has been my trademark in the PBC Youth (Philippine Bowling Congress). Usually, when I play sports, I usually wear a pony tail to keep my hair from covering my eyes. Some youth bowlers find it very disturbing, while some find it cute. I guess not only the Youth bowlers noticed my "style" but the "sponsor recruiters" as well. Kaya pala hindi ako nakakuha ng sponsor dahil hindi daw disente ang itsura ko.

Also, this has been my "look" when I was forced to join the CCSS College Idol last semester. I was always the noticable contestant, for my hair constantly covers my eyes. One of the judges even mentioned: "Alam mo, maganda sana yung mga mata mo, kung hindi lang natatakpan ng buhok mo". The audiences' reaction was the same as hers. I just smiled and flicked my hair.

And lately, I changed my hairstyle to what people call it "The Emo Look". Yes people, emo look. For those bloggers who saw me already, I know that they know this. But then, the covering of the eyes made me very irritable, so I decided to bite their "dare".

I went to my "trusted" barber and had my hair done. I told him to just trim it shortly and never cut it too short. But damn it! I guess he didn't quite get what I've said! As the razor sharp scissors moved closer to my hair, I felt uneased. "Shlick!" And then it happened. The first fall of my uber long hair came down unto my lap. I held it for one last time and closed my eyes. "Shlick Shlick Shlick!" The horrific sound continued. When I opened my eyes, I was shocked by the result...

I felt like I was 5 years younger. I felt like an elementary student! "WTF!" I whispered in my mind.

Nako, kapag hindi pa ako nakuha sa Team Prima nito, leche isusumpa ko na sila!

*Trivia: It takes just only 30 minutes to cut a 1 year grown hair.
Sad, I miss my hair T_T

Labels: , , ,


posted by icarus_05 @ 4:50 AM Comments: 10

Tuesday, September 04, 2007


The Dream or The Ambition...


Whatever I choose, there's always a feedback...

A lot of things has been happening lately, and I can tell you, it's really making me crazy. I need an advice. Please, can you help me make a decision?
1.) For all of you guys out there who knows me a lot, music has been and will always be a part of my life. I once dreamt of having our own concert with our band or at least, have a music video aired in either Myx or MTv. But then, I know that before the famous bands out there became what they are today, they first seeked for gigs and such. And finally, one of my bandmate found a place where we could start. It's just a small bar somewhere in EspaƱa. I would like to try it out sometime, but then I'm thinking that my tight schedule right now wouldn't allow it.

2.) I've been playing bowling for a year now and I must say, I'm getting better at it. When I was starting, getting a score of 130 was harder than understanding the Laws of Gravity. But then, with a lot of practice (and I mean a LOT!) my average score went up to 180+. I can say it's an achievement but, as my co-bowler said to me: "Don't be satisfied with what you have right now. Strive harder, Aim high! Pasay!"

Yes, I strived harder, and I must say, it was worth it. My sister's coach told me to join their training for the Asian Schools. This is really a big opportunity for me because my ambition to be a member of Team Prima will not be that hard to reach. (Prima is one of the most prestigious bowling teams not only in the Philippines but in Asia as well.) But big opportunities means big adjustments. Time will be a problem because of the Trainings and Tournaments. It is hard finding a free time as it is. I want to be a member of Prima but, I have a life too...

Whatever I choose, there is a negative feedback hanging onto it. I don't want that feedback to happen to me again. I once made a decision that changed my life forever. I'm afraid of making the same mistake as I did before. Why is it so hard to choose?! Please, help me decide...

It is hard finding time for us to talk as it is. I'm afraid that if these things would take all my free time away. I don't want to take the risk. I don't want to make the same mistakes all over again. I don't want to lose her again... I'm scared...

Whatever may happen, I hope she would understand that all I'm doing right now is not mainly for myself. I want to have a stable career. Money doesn't grow on trees. I don't want to be a fat slob sitting around, doing nothing in the future. I'm thinking ahead, I want to earn my own income. Not just for me, but for her as well...

Promise me you won't leave my side. Promise me you won't leave me. Promise
me... Please...

I'm afraid of losing you.

Labels: , ,


posted by icarus_05 @ 8:07 AM Comments: 6

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>