Sunday, July 30, 2006
A taste of despair...
I just came home from our province... Since I promised na ikukwento ko ang nangyari, eto na.. Pasensya na kung medyo mahaba... Gusto ko lang ilabas ang mga saloobin ko...
I Just Stood there... And Did Nothing...
Saturday, 2:00 in the morning, sa sala na ako nakatulog sa kakahintay ng alas dos sa sobrang excitement... Hindi na ako mapakali... Tuwang tuwa ako... Makakauwi na din ako sa wakas...
Dalian akong nag empake at dumerecho na sa sasakyan, naghanap ng pwesto upang maganda ang tulog sa biyahe... Dahil nga na puyat ako sa sobrang excitement ko, tulog ako buong biyahe... Pagkagising ko, nakarating na kami... Just like that...
Pagdating namin, binaba ko na ang gamit ko at nagpahatid na ako patungong bayan (Infanta Town Proper...)... Umaasa na doon, makikita ko siya... Excited na excited na ako... Di na ako mapakali... Nagpahatid ako sa aming dating bahay sa bayan, tuwing umuuwi ako, doon lagi ang "starting place" ko sa pag gagala... Dumerecho muna ako sa computeran na katabi lang ng bahay namin, tinulungan sila sa pag install ng ilang mga games... Pagkatapos ay dumerecho na ako sa aking Alma Mater, ang paaralan ko nung ako'y 4th year... Dahil madalas kaming tumambay noon sa paaralan gawa ng maraming activities na ginagawa... Pag dating ko dun, may ginaganap na kasalan... At sa auditorium ng aming paaralan ang Reception... Siguradong wala sila doon kaya ako'y nag libot muli, nag text ng mga kakilala... Ngunit lahat ay busy, wala man lang akong nakitang kakilala... Pati siya hindi ko nakita... Haay... Sabi sa akin ng isa kong kabarkada na magsisimba daw sila bukas ng 8:00 ng umaga, kung gusto ko daw siyang makita, magsimba na lang daw ako... Sumang ayon naman ako... Kaya't dumerecho na ko pauwi sa amin...
Hindi pa rin nagbabago ang Infanta... Masaya pa rin ang mga tao, nagkalat pa rin ang mga magagandang dilag, maayos pa rin ang mga daan at nakakaginhawa pa rin sa pakiramdam ang "ambience". Pero may ilan ilan din akong nakitang mga pagbabago, ang bagong renovate na "Town Plaza" at ang bagong pinturang munisipyo... At nawala na din ang mga pamilyar na mukha na tuwing gumagala ako sa bayan ay bigla na lang akong tatawagin at kakawayan... Nakakamiss yung panahong iyon...
- Ang paggagala sa bayan, kasama ko siya, umiilag sa mga sasakyang dumadaan...
- Ang pag punta sa eskwelahan upang magpraktis ng activities...
- Ang pag tugtog namin sa simbahan, na lagi kaming nagpapagalingan sa pagtugtog ng Santo...
- Ang pag tambay namin sa aming munting tahanan at nag jajamming, kung minsan ay nagrerecording pa...
- Ang pag tambay namin sa palamigan tuwing uwian... (Aling Rose)
- Ang pag titig sa mga bituin, katabi siya, walang iniintinding mga problema...
Pag uwi ko, nakatulog ako hanggang mag alas sais ng gabi... Dumerecho ako sa dalampasigan pagkagising, dala ang gitara ko, at doon nagpaka senti... Naalala ko nanaman siya... Nalala ko, lumangoy kaming magkakabarkada, kasama siya, inabot kami ng alas sais ng gabi, dumidilim na kaya nagsiuwian na sila, pero kami, nagpaiwan... Umupo kami sa tabing dagat at hinintay ang paglubog ng araw... Tuwang tuwa ako ng mga panahong iyon, solong solo ko siya... Wala na nga akong hahanapin pa... Linggo... Alas otso ng umaga, pumunta ako ng simbahan upang magsimba, as usual, bumaba ako sa aking "Starting Point" at naglakad na lang patungong simbahan... On the way, nakita ako ng isang taong malapit sa aking puso, kabarkada ko siya nung ako'y doon pa nag aaral, na crushan ko din ito sa sobrang pagkakyut niya... Sinalubong agad niya ako ng mahigpit na yakap at dumerecho na kami sa simbahan... Di pa simula, kaya't nagmasid masid muna ako sa mga tao sa paligid ko... Nakita ko ang mga kaklase niya, nakita din nila ako, kaya't kinawayan nila ako... Pero, siya, wala pa rin sa aking paningin... Nang matapos ang misa, doon ako, nag abang sa labas, marami akong nakitang mga kakilala, mga kabatch ko, mga alumni at mga mahal na guro... Nagmistulang reunion ang nasabing pagkikita, Tuwang-tuwa talaga ako ng mga panahong iyon... Pero di ko pa rin siya nakikita, masyado na akong nabibitin... Pagkatapos, biglang binulungan ako ng kausap ko... "Si Wyena oh"... Napangiti ako at dahan dahan akong lumingon... Nakita ko siya... Palabas ng simbahan, pinapaligiran siya ng kanyang mga kabarkada... Iba na ang kanyang itsura... Lalo siyang gumanda... Ang buhok niyang mahaba, gupit na at iba na rin ang kanyang hairstyle... Tumangkad siya at nagblooming ang mukha... Hindi ako makagalaw, paralisado, ang bilis ng pintig ng puso ko, hindi ako makahinga, namumula na daw ako... Tinitigan ko lang siya, umaasa na sana makita niya ako... Sa kasamaang palad, hindi niya ako napansin... Ayoko naman kasing tumalon talon ako doon at magpapansin... Kaya nandoon ako... Nakatayo lang, hindi makagalaw, hindi nagsalita... Hindi man lang siya nakausap... Nakita ako ng aming Principal at kinausap ako sa mga bagay bagay... Pag lingon ko sa kanya, wala na siya doon... Hinanap ko siya, ng makita ko, naglalakad na siya pauwi... Walang kwenta... Sayang lang lahat... Kung baga sa isang mission status... "Mission Failed"... Buong araw, hindi ako makapagsalita, hindi ako makapaniwalang ganon ang manyayari, ni hindi man lang niya naramdaman na nandoon ako... Dati-rati lang, siya pa ang sumosorpresa sa akin... Miss ko na yung mga panahong sinusutok niya ang aking balikat... Haay... Feeling ko tuloy kanina, hindi na niya ako kilala... Kinalimutan na lang niya ang lahat... Dalawang buwan lang ako nawala... Pero heto ako, naghihintay at umaasa pa rin sa kanya... Martyr na kung martyr, wala akong magagawa, mahal ko eh... Pero ngayon, nahihirapan na talaga ako, di ko na alam ang gagawin... Buong araw akong pagal, kung anu-ano ang iniisip, nananaginip ng gising, tulala, hindi nagsasalita... Naiinis ako sa sarili ko... Sobra... Haay.. Buhay... Kailangan ng paiksiin... :(( Kailangan ko ng tulong niyo... Parang awa niyo na, ano ba ang dapat kong gawin?... Wyena is not her real name, it's the Al Bhed Version of her name...
Friday, July 28, 2006
A Warrior's Honor...
I'm proud to be a Red Warrior...
Kanina, 7:30 ng umaga... Habang gumagawa kami ng seatwork, or should I say, hands-on namin sa ETYPE (Electronic Typing), pumasok ang prof namin sa TECH-1 sa lab at may binulong sa aming Prof sa ETYPE... Maaga akong natapos sa nasabing activity kaya naman nakapag internet ako at nag bloghop ako... Bumalik ang prof namin at sinabing may bisita daw ang UE na mga Generals, inassign daw ang block namin upang manood sa talk ng mga "Generals"... Nagtaka kami ng aking mga ka blockmates... Anong klaseng Generals kaya ang tinutukoy nila? Maaga ang pag dissmiss sa amin sa ETYPE at dumerecho na kami sa UE Theater... Napadaan kami sa Dalupan Bldg. at nakita namin ang banda ng UE at ang Pep Squad... Nagbigay sila ng performance sa mga bisita... Pero hindi namin napanood dahil kailangan na naming dumerecho sa Theater... Ang ganda ng Theater, very well designed at very well ventilated... Dahil nga isa akong "aktor" sa entablado, talagang inadmire ko ang design ng UE Theater, at nagawa ko pang picturan ang stage... Nagpapasukan na ang mga estudyante mula sa iba't-ibang colleges, at hinintay na ang aming mga bisita...
Natapos na ang mahabang paghihintay, lumabas na ang emcee at inintroduce na ang mga nagdadatingang Guests... Sila ang mga UE Knights... Mga bigating Alumni ng UE, na sumailalim sa ROTC na ngayon ay mga kilala na at may posisyon na sa AFP, PN, PNP, at AF... So aking napagtanto na ang meaning pala ng aming prof na Generals ay mga Heneral ng Sandatahang Lakas ng Republika ng Pilipinas... Sabi ng emcee, among the Universities, UE daw ang isa sa producers ng Leaders and Generals sa Pilipinas... Kabilang na sina Senador Alfredo Lim (na guest speaker kanina) at si Mr. Vice President Noli De Castro... Ngayon ko lang nalaman na UE graduate pala siya...
University of The East Manila, Philippines
presents
"A Day with the Generals"
A Colloquium on National Security "Where Are We Heading?"
Ito ang naging tema ng kanilang talk... Explaining the Importance of National Security among the Filipino People... Ilan sa mga Panel of Speakers ay sina...
Col. Roberto Theodore S. Romero (GSC) PAF (RES) UE ROTC 1969, BS 1972
M/Gen. Efren P. Orbon AFP (Retired) UE ROTC 1971, BSBA 1973
Police Director Lucas M. Managueldo (Retired) UE ROTC 1969, BBA 1969, LLB 1984
Commodore Amado A. Sanglay AFP (Retired) UE ROTC 1968
Hon. Alfredo S. Lim UE ROTC 1952, BBA 1951, LLB 1963 Senator, Republic of the Philippines
Capt. Jesus T. Tanchanco PN (RES)
(At syempre...)
"Kumander" Jennivev "Nene" Tamayo UE ROTC 2002 Pinoy Big Brother 1st Big Winner (correct me if im wrong with the name)
Medyo inantok ako sa ibang talks pero, naagapan ko naman at nagawa ko paring makinig sa mga speakers... Pero, kailangang umalis ni Sen. Lim ng maaga kaya pinauna na siya... Very inspirational ang ginawa niyang talk, he told us na ang Batas ay para sa lahat, mayaman man o hindi, mataas man o mababa... Napakadaming parangal na ang natanggap niya, hindi ko naalala sa sobrang dami... Hehe.. At lalo pa akong humanga ng malaman kong isa siyang UE Graduate... Hindi ko malilimutan ang mga huli niyang sinabi bago tapusin ang kanyang talk...
"All that I own, I owe it all to UE..."
Lalo tuloy akong naging proud sa aking Pamantasan na pinasukan... Sana, balang araw, makilala din ako bilang graduate ng UE, kahit hindi man ito sa larangan ng Militar... Basta masabi ko lang na isa akong Red Warrior... Talagang na inspire ako sa araw na ito, kaya't para sa kanila ang post ko na ito... To the UE Knights, the Generals, and the Alumni Association... Congratulations...
Wednesday, July 26, 2006
Brotherly Love...
He sat there, alone, as if waiting for someone...
Uuwi na sana ako, pero sumakit bigla ang ngipin ko... Hindi muna ako dumerecho sa aking destinasyon, sa halip ay pumunta muna ako sa Dental Clinic ng aking mahal na ina at nag paayos ng ngipin... Nang natapos na ako, napansin kong kulang na pala ang pamasahe ko... Buti na lang, dumating ang aming tsuper at kasama ang yaya ng kapatid ko, sakto, libre sakay... Susunduin na sana nila ang kapatid ko mula sa kanyang paaralan, pero dumaan muna sila sa clinic dahil mag papa check up ang yaya ng kapatid ko...
Medyo matagal na proseso ang ginagawa kay yaya, nainip kami ni tsuper kaya't nag boluntaryo na lang akong sumundo sa aking mahal na kapatid... Pag dating namin sa PreSchool, tinanong ko sa aming guro kung nasaan siya... Dinala niya ako patungo sa kanya... Natuwa ako ng nakita ko siya, pero sa kabilang dako, naawa din ako...
Nandoon lang siya, nakaupo, walang kasama, walang kausap, tulala sa mesa... Napatigil ako sandali at tinitigan lang siya... Hindi ko akalaing ganon pala ang kalagayan niya sa eskwela...
Iba ang kapatid ko sa mga bata... Espesyal siya... Sa murang edad, nagkaroon ng matinding sakit ang aking kapatid... Nagkaroon siya ng Cancer sa dugo, o kilala natin sa tawag na Leukemia... Ilang taon siyang nagdusa, araw-araw, buwan-buwan, taon-taon, nasa ospital siya, kahit pasko o bagong taon... Pero sa awa ng Diyos, pagaling na siya... Pitong taon na siya ngayon, ngunit hindi pa siya nagsasalita... "Slow Learner" ika nga, marahil ay naapektuhan ng kanyang sakit ang kanyang utak kaya hindi agad ito makatanggap ng mga impormasyon... Pitong taon na siya, ngunit hanggang ngayon, "baby" pa rin siya ng aming pamilya... Masiyahing bata, makulit, at laging nakatawa... Kakaibang inspirasyon ang dala niya sa akin, tuwing nakikita ko siya, nawawala pansamantala ang mga problema ko sa buhay... Hindi ko napipigilang makipaglaro sa kanya... Masaya siyang kasama at malambing... Baby na baby nga kung aming iturin... Ang kapatid kong dapat ay nasa elementarya na, heto ngayon, nasa harapan ko, nakaupo sa silid aralan ng isang "Special School".
Ngumiti ako at tinawag ko siya... "Kuya, halika na... Uwi na tayo..." Nakita niya ako, tuwang tuwa siya, nakangiti siya habang kumakaway sa akin... Tumayo siya at daliang lumapit sa akin, sinalubong niya agad ako ng mahigpit na yakap at mga halik... Pinakita niya sa akin ang kanyang suot na uniform at ang kanyang ID... Nagpaalam na kami sa kanyang guro at sumakay na sa sasakyan...
Nang kami ay bumibyahe na pauwi, biglang may tumawid na bisikleta sa harapan namin... Daliang tinapakan ng aming tsuper ang preno, at napadausdos kami sa harapan... Wala pa naman kaming suot na seatbelt at kalong ko pa ang aking kapatid... Buti na lang at naagapan ko... Bago pa man huminto ang sasakyan, hingpitan ko ang yakap ko sa kapatid ko, kaya napigilan ang pagtama niya sa compartment... Buti na lang... Pero, matapos ang pangyayaring iyon, hindi na gumawa ng ingay ang kapatid ko, tumahimik siya buong biyahe at nanlalaki ang mga mata... Tila natakot sa mabilis na pangyayari... Di ko napigilang maawa sa kanya, mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa natatakot kong kapatid, hindi ko siya binitawan hangga't alam kong ligtas na kami sa kalinga ng aming tahanan...
Matapos ang pangyayaring iyon, lalong lumakas ang pagmamahal ko sa kapatid ko... Lalo na ngayon na alam ko nang kailangan niya ng kalinga ng isang kuya... Kalinga ng isang kapatid... Kalinga ng ka-pamilya... Hindi na namin pinapansin ang kanyang kalagayan, itinuturin namin siyang isang normal na bata... Sana, ganon din ang tingin ng iba sa kanya... Oo, alam kong iba ang kapatid ko... Iba siya dahil espesyal siya... Espesyal sa aming puso...
Tuesday, July 25, 2006
Under the Raindrops...
It starts to rain again…Alas dos na ng madaling araw, malakas ang ulan sa labas, hirap na hirap na ako, gulong gulo na ang isip ko! Kahit anong posisyon ang gawin ko, hindi talaga tumatalab! Haaay! Hindi ako makatulog! Ang daming pumapasok sa isip ko, andaming sinasabi ng kunsensya ko… Gumawa ako ng paraan upang makatulog ako, nagbasa-basa ako ng mga mensahe sa aking cellphone, tatlong buwan na ang mga iyon sa aking inbox pero hanggang ngayon, napapangiti pa rin ako sa mga mensaheng hatid nito, kahit yung iba ay hindi totoo… Pero isa lang ang nakapag pabigay pansin sa akin, ang kanyang pangalan… Kahit wala na siyang cellphone, nandoon pa rin ang mga mensahe niya, binasa ko uli sila, kahit na ilang beses ko na silang nababasa, lagi pa rin akong kinikilig, lalo na sa tuwing naalala ko ang mga panahong kasama ko siya, tapos bigla siyang magsesend ng ganon ng katabi ko siya… Kakaibang trip man iyon, epektib pa rin sa akin… Matagal tagal din akong natulala, hindi pa rin makatulog, binibilang sa isip ang bawat patak ng ulan… Tumayo na ako, at pumunta sa kompyuter, mag ba-blog hop sana ako ng bigla kong nakita ang kuya kong naglalaro ng O2 Jam. Gising pa pala siya, hindi rin daw siya makatulog… Wala namang pasok kaya ok lang… Naglaro muna kami ni kuya ng mga ilang rounds at sa wakas daw, tinamaan na siya ng antok… Pero ako ganun pa rin… Binuksan ko ang YM ko at nakita kong Online si Beverly. Nagusap usap muna kami tungkol sa mga bagay bagay… At eventually, tinamaan din ako ng antok… Umakyat na ako ng kwarto at humiga… Pag higa ko, hindi pa rin ako makatulog, argh! Malakas pa rin ang ulan sa labas…Kinuha ko ang gitara ko at kumanta kanta muna… Naalala ko nanaman siya ng natugtog ko ang “Theme Song” namin… Tumutulo ang luha sa aking mata habang kinakanta ko ito… Miss na miss ko na siya, matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita… Naasar ako sa sarili ko dahil, lagi na lang akong nangangako sa kanya na uuwi ako, pero lagi na lang napapako… Hindi na rin siya nag Oonline kaya natatakot ako na baka galit na siya sa akin… Hindi ko na alam ang gagawin ko… Lalo na ngayong umuulan, mahirap mag biyahe… Haaay… Ang lamig talaga, kalian ko kaya mararamdaman muli ang mga yakap niya? Miss na kita… Sobra… ________________________________ Mukhang talo na ako sa Filipino blog of the Week ngayong linggo… Hindi ko alam kung anong pagkukulang ko, siguro talagang mahina lang ako sa pangangampanya… At hindi na rin madalas ang pag popost ko tulad ng dati… Ano ba ito… Ibig sabihin ba non kasama na din ako sa mga nag bblog-o-cide? Guys, iboto niyo naman ako please… Last chance ko na siguro ito… Marahil ito na din ang paraan upang ganahan na uli ako mag blog… Salamat ng marami… Dito kayo bumoto…
Thursday, July 20, 2006
Our Rendevous...
Someday, all of this will come true...
The stars are shining quite interesting tonight, I watched them twinkle as I lie down on these warm sands... 'Twas a peaceful night, not like any other nights, I felt something different back then... I was curious so I waited some more... It was getting late but that doesn't seem to bother me.... Then something amazing happened... I saw a falling star... It was really a wonderful sight... I smiled, then I gently closed my eyes... And made a wish... Wished as hard as I could...
The morning came and sunlight blinded my eyes, I was about to leave this place when suddenly, I felt someone coming closer, covered my eyes... "Guess who?", the mysterious person asked... I held the person's hands and tried to remove it from my eyes... From what I felt... She's a girl... I can tell by those smooth hands, that hands I longed to touch forever... Then, the pressure from her touch suddenly weakened, slowly, she removed her hands... I turned my back very slowly and was amazed by the beautiful sight that caught me... She was laughing very gently and was teasing me, sticking out her tongue and winking at me every second... I was blushing... But when I look at her, everything doesn't matter at all... She was very beautiful... Eyes as blue as the sea, as deep as the ocean, and as quiet as the murmuring breeze... Face as gentle as the white sand beneath me, as smooth as wind touching my skin... Hair as long as the horizon... And smile that takes one person a thousand miles away from the earth, a smile that takes a breath away and at the same time, gives life to the depressed... It was a wonderful feeling gazing at her that time... So wonderful...
Then, she held my hand and took me somewhere, we were running, wherever the wind takes us... We were free, free as the bird soaring high in the sky... We were flying, as the winds caress us... "Where are you taking me?" I was curious so I asked... But she never told me, she just smiled as she looked at my eyes... I looked behind and noticed that we are now far away... I didn't felt it, it seems like the time is not moving...
"Are we there yet?", "Yes, we're close..." My heart starts to beat very fast, I was nervous but excited at the same time... We stopped into this beautiful tree, a tree that seemed to stand there for a very very long time... This place looks very familliar... Although I can't quite remember anything... She was looking at me, those eyes seem to seize my every breath... "I want to tell you something..." With those beautiful smiles she told me... "What is it?"... "You have to catch me first!"... Then she ran as fast as she could, going around in that beautiful tree, and constantly teasing me all the way... So I have no choice but to chase her and hope that I could catch her... Eventually, I managed to get a grip of her smooth hands... Then she slipped and fell at the ground, taking me with her... We were laughing, laughing as if there is no tomorrow, but then she stopped... She looked at me suddenly, now with those sad eyes... As if she wants to tell me something, something very important... Lying on the ground, she was still quiet... The silence was deafening, I need to break it...
"What's wrong?" "You don't really remember do you?" "Remember what?"
Suddenly she came closer, touched my cheeks and kissed me... Everything was spinning, my heart beats faster and faster and can burst anytime... I closed my eyes... And I heard laughters... Laughters of children... Laughters of innocence... Then, an image of a boy and a girl, running around a huge tree, it was a warm summer, I can still feel the breeze around me... As the children moves closer and closer, I noticed something... The boy was me... Everything is clearer now... I opened my eyes... But to my shock... She's not there...
I woke up from a dream, a dream I never want to end... It's still dark, the stars are shining more brightly than before... Someday... All of those will come true... Someday... Out of the blue, another shooting star appeared at the night sky... But this time, I never made a wish... I stood up and went to the place I saw in my dream... When I got there, the tree was still there, surrounded by bright fireflies... I looked at it with pure admiration...
I remember now... I remember...
Suddenly, someone came, and covered up my eyes... I smiled as I felt that it was her... Slowly, she removed her hands and hugged me from behind...
This night is ours... Memories we all had started here... Memories of Love and Friendship... I don't want this night to end... Never... Never...
Wednesday, July 19, 2006
Chuvaness...
Since wala naman akong maisip na ipost ngaun, Eto na lang.. Na tag ako ni Jhed
Mekaniks:1. Magsusulat ako ng isang maiksing kwento at may itatag na mga tao. 2. Itutuloy nila ang kwento sa kanilang blog nang hindi sinusulat ang naunang kwento. 3. Mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento. 4. Sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila. 5. Bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.
______________________________
Nagising si Claire sa kanyang pagkakatulog dahil may nakita siyang liwanag sa hindi kalayuan. Naisip ni Claire. Sa wakas.Malapit na akong makalabas sa chenelyn chuva na lugar na itech. Nakikita ko na ang liwanag. Medyo malayo-layo siya, pero kebs ko at least makakalabas na ang beauty ko. Tumayo siya sa kanyang pagkakahiga at nagsimulang sundan ang liwanag. Naalala pa niya ang kanyang nakaraan sa lugar na ito, pero ayaw na niyang alalahanin pa. Hmp. Walang kwentang boylet na yan. Matapos ko siyang karirin ng ilang buwan, matapos kong ibigay ang lahat sa kanya, hindi rin pala magiging kami. Hmp! Hmp! Hmp! Nakabusangot si Claire ng buong magdamag ng kanyang paglalakad. Hindi talaga niya maiwasan ang katotohanan. Hindi madaling makahanap ng isang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo. Kahit ano pa man siya. Napagod na sa kakalakad si Claire. Uhaw na uhaw na siya at nanunuyot na ang kanyang lalamunan. Naghanap na rin siya ng pwedeng makain dahil mula pagkagising niya ay hindi pa siya kumakain. Haaaaay. Nagrarally na ang stomach ko, kailangan ko ng lumafang at mag-drink kung hindi malulusaw na ang beauty ko dito. Sa hindi kalayuan, may nakita siyang puno ng buko. Natuwa si Claire at binilisan niya ang kanyang lakad. Nang malapit na siya sa puno, may nakita siyang hindi niya inaasahan, isang lalaki. Ano itong nasisight ko? Mukhang hindi lang mabubusog ang tiyan ko ah, pati yata ang mata ko. Hahaha! In fairness, cutie ang guy ah... teka, bakit kaya siya nandito? Binilisan pa lalo niya ang kanyang lakad. Habang papalapit na siya ng papalapit, halong excitement at kaba ang kanyang nadarama. Ilang taon na rin ang nakalipas mula ng siya ay makaramdam ng ganito. Ang cute niya talaga. Tamang-tama, natutulog siya. Pwede ko pa siyang pagmasdan habang ako'y lumalafang. Lafangin ko na rin kaya siya! Ay! Ang landi ko, kailangan magpaka-demure. Hahaha! Bagong karir! Kailangan pakipot ako, kailangan hindi niya mahalata... Naupo si Claire sa tabi ng natutulog na lalaki. Napangiti siya at hindi na niya napigilan ang sarili, binuksan na niya ito agad at hinigop ng hinigop ang katas. ANG SARAP TALAGA NG BUKO! Sa ingay ng pagkain ni Claire, nagising ang lalaki. Nagulat siya dahil hindi niya namalayan na may tao na pala sa kanyang tabi. Nagulat din si Claire, hindi niya inaasahan na magigising niya ang lalaki. Ay! Nagising na siya. Sayang, may balak pa naman sana ako. Ang cute niya talaga, ang ganda nga kanyang mga mata at in fairness, ang katawan.. yummy talaga. Hahaha! Nagpakilala sila sa isa't-isa at nagsimulang magkwentuhan. Nalaman niya na Greg pala ang pangalan ng lalaki at isa siyang gym instructor. Nagtaka lamang siya kung ano ang koneksyon niya sa impokritong lalaking nagdala sa kanya sa lugar na iyon. Matapos pa ang ilang sandali ng kwentuhan, nalaman niya ang kanyang gustong malaman. Putreskang lalaking iyon! Bading pala! Pwe! Mas malandi pa yata siya sa akin! Kaya pala hindi niya ako pinatulan, kasi yung mga macho't discreet lang ang pinapatulan. Grrrr. Naiimbyerna tuloy ako sa kanya! Si Greg ang gym instructor ng "putreskang lalaki" ni Claire. Dahil nga naging parte ng nakaraan ng lalaking iyon si Greg, ay napadpad din siya sa lugar na iyon. Niyaya ni Claire si Greg na samahan siya papunta sa liwanag, para naman makalabas na sila sa lugar na iyon. Masayang-masaya si Claire. Hindi niya inaasahan na may matatagpuan pa siyang katulad ni Greg sa lugar na iyon. Alam na rin niya na nahuhulog na rin ang loob ni Greg sa kanya, kaya naman sinamantala na niya ang pagkakataon. This is it pansit! Tigang na tigang na ako at sa wakas madidiligan na rin ako. YIPEEEEEEE! Nagsimula silang maghalikan at mag-amuyan. Hinubad na ni Greg ang kanyang suot samantalang si Claire ay nag-aalanganin pa. Tinignan ni Greg sa mata si Claire at ngumiti ito. Para bang sinasabi niya kay Claire na ayos lang ang lahat at bumigay naman si Claire. Nagising si Claire na masakit ang katawan. Hindi niya napansin na wala na pala si Greg sa kanyang tabi. Sa halip ay may nakita siyang sulat. Kinabahan si Claire, mukhang alam na niya kung ano ang nakasaad sa sulat. Binasa niya ito at bigla siyang napaluha. Amfotang Greg na iyan. Naninikip na ang aking dibdib, hindi ko na ito kinakaya. Ayoko ng basahin pa ang mga kasunod, kasi hindi kaya ng powers ko. Bakit ngayon pa? BAKIT NGAYON PA SUMAKIT ANG TIYAN MO? Napaluha si Claire... sa kakatawa! At doon na nasimula ang paglalakbay nina Greg at Claire, patungo sa liwanag.
____________
Nagsimula na ngang maglakad ang dalawa pero hindi pa rin tapos sa kakatawa si Claire, patuloy pa rin niyang inaasar si Greg habang napapalapit na sila sa liwanag... Malayo na ang nalalakbay nila ngunit hindi pa rin nila naaninag ang nakakabulag na liwanag na kanilang pakay, nawalan na din sila ng pag asa sapagkat sumasapit na ang dilim, naisip nila na mahirap nang hanapin ang liwanag dahil wala ka nang makikita, at tinamaan din sila ng takot sapagkat tuwing sumasapit ang dilim, marami nang naghahasik ng lagim... Tama nga ang kanilang hinala, pinalibutan sila ng mga kakaibang nilalang, malalaki ang katawan, at kakaiba ang histura, mukhang manyakis at kahit sino ay kayang reypin... "Panahon na para magpasikat ako kay Claire!" Ani ni Greg sabay sugod at nagbigay ng tigiisang bigwas sa mga kakaibang nilalang... Hindi kinaya ng powers ni Greg ang mga kalaban, dahil bago pa man nakagawa ng "combo" ay "hinigop" na ng mga kakaibang nilalang ang kanilang pwersa... Nawawalan na ng pag-asa ang dalawa, dahan-dahan na silang pabagsak ng biglang may dumating na isang extranghero... Nakamaskara at tunay na gwapito... Sino kaya ang baklang itech? Ani ni Claire...
_________
Kailangang may action naman... Tapusin niyo na, mahaba na ito hehe...
Ang itatag ko ay sina... Drum Roll... Syempre ang mga bago kong linkmates... Sina Ceasar at si Fiel... Ahihi... Tapusin nyo na... la lang.. Wala talaga akong maisip...
Monday, July 17, 2006
Endless Journey...
As I walked down that road, with you...
My heart beating faster, and faster, as we move closer to the end, the end of the road... My feelings for you gets stronger as I took every step in this Endless Journey... I didn't have the chance to told you that because I was too shy... Who wouldn't be? Who wouldn't be shy to a girl like you? That long black shiny hair, that smooth hands, that lovely eyes, that beautiful smile...
Bawat hakbang na ginagawa natin, lagi akong nagnanakaw ng tingin... Bawat hakbang na ginagawa natin, hindi mapakali ang aking damdamin... Marahil ay may gusto lang akong sabihin, pero hindi ko lubos maisip kung ano iyon... Bawat hakbang na ginagawa natin, lagi kong pinagdarasal na hindi na ito matapos pa... Bawat hakbang na ginagawa natin, nais kong makahawak ang iyong kamay, sabay tayong uusad sa panahon...
Everyday, you always cross my mind... Everyday, I always wish that you are near... Damn it, I can't help it... Slowly but surely... I'm Falling for You... As we walk down that road, Im hoping that I can tell you soon... But my mind keeps telling me no... I was scared... I was scared that you'll never feel the same...
But I was wrong, I didn't know what you felt, because I didn't took the risk of telling you everything, I didn't took the risk of asking you how you felt about me... How stupid I am...Then, you left without saying goodbye, you left without telling me why... So now I walk alone... Without you by my side... Without someone to hold my hand... I kept on searching for you, without you, my glow slowly fades out, my heart beats slowly than before... For years I've waited, for you to walk with me again...
The road darkens slowly, my glow seems to fade out faster than before... I didn't know what to do... Should I finish this dark road alone? Or should I stop here and wait for someone to help me finish it, or should I go back and start all over again?.. I was losing hope, I was starting to go down, I was weak... Slowly, my soul was leaving me, my eyes started to shut down, exhausted, hopeless, I fell down...
But then, I saw a tiny light, coming fast, I tried to shout for help, but it seems the light never heared me... I felt the light moving closer and closer, I was feeling better and better, I don't know why... Then I turned my back as the light shines more clearly, It was you... The girl I was waiting for a very long time... You came back, you came back and raised me up, shared your glow and helped me carry on... I was happy, very happy...
I told you everything, everything I felt before... Everything I would like to tell you... You smiled and told me you felt the same way too... A smile on my face was visible again, my heart beats faster than before... Oh, I wouldn't want this road to end... But then, every beginning has its end... As we move closer to the end of the road, we reminisced the sweet memories we have together, every laughter, every tears, every downfall and every success... A tear fell from your eye as the end is now visible...
You stopped and looked at my eyes, I didn't know what to say, I felt that I was blushing and I saw that you are too... You smiled and slowly kissed my lips, held my hand and looked at the road we walked through...
We've came all this way, why stop now? Come on, let's end this journey together... Yes, together... Never again shall we be apart... Never again that you'll have a broken heart... Never again... Never again...
The road changed into a much shorter corridor... With flowers and lights everywhere... I stood there in front waiting for you to come... Smiling and very happy, you walked down that aisle...
A tear fell from your eye when you heard the words I told you... A tear fell from my eye when you told me the words "I do"...
Init ng Katawan...
Hilong-hilo na ako! Sawa na ako!...
I woke up early this morning... Pero hindi ako makatayo... Grabe, giniginaw, kinikilabutan, mabigat ang katawan, paralisado, at masakit ang ulo... Hindi ako makapaniwala na hindi pa rin napapawi ang sakit na nararamdaman ko...
Apat na araw na akong nilalagnat, hanggang ngayon... Kahit nilalagnat, pumasok pa rin ako sa malayo kong paaralan... Walang pahinga, walang gana... Pero wala akong pakialam... Para lang sa grado at attendance, gagawin ko ang lahat... Dahil alam ko na hindi na biro ang buhay kolehiyo... Wala ng special exams, wala ng special treatment... Sinabi ko nga nung ako'y grumadweyt ng highschool... "Haay... Start from scratch nanaman, 1st year nanaman tayo..."
Ano nga ba ang lagnat? Ayon sa aking "research" ang lagnat ay ang pagtaas ng temparatura sa katawan (38ºC pataas) na sanhi ng inspeksyon... Kung ika'y magpapacheck up sa doktor at iyong tatanungin kung ano ang problema, sasabihin nila na ika'y may "Viral Infection". Nakakatakot pakinggan diba? Pero sabi ng aking guro nung Highschool ako, ang "Viral Infection" ay ang medical o pa sosy word for Lagnat... Hindi rin biro ang lagnat... Pag lumala ito maari mo rin itong ikamatay... Isa rin ito sa mga simptomas sa mga delikadong mga sakit...
Maraming pwedeng gawin para ito'y magamot... Habang maaga, gawan na ng paraan para naman hindi na lumala ang "Viral Infection". Pag inom ng tamang gamot at pahinga lang ang kailangan... Pero sa lagay ko, mukhang malabong gumaling ang lagnat ko kaagad... Nakakainom nga ng gamot, hindi naman ako nakakapagpahinga... Patay kang bata ka...
Sana ang init na lang na nararamdaman ko sa katawan ay ang init na naramdaman ko noon, nung ako'y "in love" pa... Hindi ko sinasabing, hindi ako in love ngayon... Talagang, Low batt lang ang aking puso ukol dito... Wala nanaman akong ma ipost na matino, dahil habang tinatype ko ito, masakit ang ulo ko... Pasensya na kayo mga kablog ko... Kung hindi pa ako gumaling sa lalong madaling panahon, marahil ay hindi muna ako makakapagblog... At dahil napapalapit na rin ang aming Prelims, hindi ako papayagang humarap sa kompyuter... Pero sana talaga, gumaling na ako... I'm missing all the action...
Saturday, July 15, 2006
As I look into your eyes...
I'm always asking... Why you had to leave...
There I was, standing beside a tree... Waiting for you to come...
Ilang segundo, minuto, oras, araw na ang lumipas... Nandoon lang lagi ako, hinihintay siyang dumating, para makapagusap muli kami... Nakakalungkot man isipin, pero kailangan ko nang tanggapin na wala na siya...
Few years ago, as I walked the corridors of my school with my friends... Lagi kong nakakasalubong itong magandang dalagang ito... I was really attracted to her... Lagi ko siyang tinitignan everytime na dumadaan siya, everytime na tumatambay sila with her friends sa tabi ng mga puno... Para bang ang tagal ng recess kapag nakikita ko siya, and kapag tumunog na ang bell, sobrang nabibitin naman ako... Every school hours lagi ko siyang iniisip, tulala ako sa aking upuuan, tulala ako sa bawat segundo ng pamamalagi ko sa eskwelahan, laging hinihintay ang break time para pumunta sa kanilang klasrum at masulyapan man lang siya kahit sandali... Kailangan ko siyang makilala, para naman mapalapit ako sa kanya!
Ang bait nga naman ng pagkakataon... Kapatid pala siya ng aking ka-batchmate... And matagal na pala siya sa skul namin, hindi ka lang pala siya napapansin because we were young back then... But then years flew by... She was more beautiful than ever, more beautiful than I can ever imagine... My friend immediately introduced me to her... I still can't stop staring at her... It was the feeling that I don't want to end...
Araw-araw, tuwing recess at lunch, lagi na niya ako binabati, lagi niya akong tinatawag... Just so we could have a little chat, hanggang sa matapos ang break time... It was the best feeling... God, I don't know what will I do kapag wala siya... Time flew by... Seconds, minutes, hours, days, months, years... Laging ganon... We were moving even closer to each other habang tumatagal... I was starting to fall for her, although I never told her... Because I was too shy and I was scared that she would reject me and never talk to me again... Araw-araw, todo ang pagtago ko sa aking nararamdaman... Mahirap man para sa akin, pero kailangan ko itong gawin...
Break time ulit, hinintay ko siya sa usual meeting place namin... Hinintay ko siya... Hinintay... Pero wala nang dumadating... Mga ilang linggo ang lumipas, hindi ko na siya nakikita... Ng bigla ko na lang narinig ang balitang... Nag migrate na pala sila sa ibang bansa... They flew away without even telling me... Nang malaman ko iyon, nawala na ang gana kong pumasok... Tuwing recess, hindi na ako lumalabas ng aming klasrum...
Ilang segundo, minuto, oras, araw na ang lumipas... Nandoon lang lagi ako, hinihintay siyang dumating, para makapagusap muli kami... Nakakalungkot man isipin, pero kailangan ko nang tanggapin na wala na siya...
Tatlong taon na ang nakalipas, hindi ko pa rin siya nalilimutan... Umaasa pa rin ako na magkikita kaming muli... Then, naimbitahan ako ng aking friend sa kanyang debut party... Chance na rin ito para makita ko silang muli... Excited na ako... Sobra...
Sa party, nakita ko agad ang friend ko na siya ring celebrant ng nasabing party... I greeted her a Happy Birthday and of course gave her a special gift... It was good to see her again... But then, she was too busy and had to entertain her guests so she had to leave for a while... I kept on searching for her, amidst of all the crowd that is blocking my vision... I kept on searching... And Searching... And Searching... But she was nowhere to be found... I started to gave up when suddenly, somebody tapped my shoulder... My heart started to beat faster and faster... I slowly turn my back to see who tapped me... There she was... And I was surprised of how she've grown... More beautiful than before... We stood there for a while, looking into each other's eyes... Remembering all the memories we had when were still together... After all this years, I still can't stop looking at her... I was speechless, I don't know what to say... And she was also... Then, I smiled then I hugged her... I don't want to let go... I wished that this feeling would last forever... I can't speak, my mouth was moving but words aren't coming out of it... My heart is pounding harder than ever... As I look at her, a tear fell from my eye... Finally, words came out of my heart...
"I Missed You... Please don't leave me like that again... Ok?"
She just smiled and nodded her head, as a tear fell from her eye...
Friday, July 14, 2006
A sign of hope...
Suddenly, I started to see clearer...
Clearer than yesterday, clearer than last week... All is coming back to me... I'm feeling a lot better... I felt something that I was longing to feel for a very long time...
I'm Smiling Again...
Finally... I don't know what happened yesterday or the other day but when I woke up this morning, I'm smiling... I'm smiling again... Kahit na brownout kaninang umaga... Madilim ang kwarto, madilim ang paligid nakangiti ako... Kahit nahuli na ako ng gising at siguradong male-late na ako, nakangiti parin ako... Kahit maulan kanina at hindi ako makalabas ng bahay, nakangiti parin ako... Kahit na traffic at mabagal ang FX, nakangiti parin ako... Ang ganda ng simula ng araw ko... Pero nagtataka parin ako, kung bakit biglang naging ganito...
Although everything was coming together perfectly, medyo nawala ito panandalian, nang makarating ako sa school... Kung kailan masaya ako, sila naman ang hindi... Hindi sila ngumingiti... At pag pinapansin ko sila, tinatarayan lang nila ako... Pero hindi ako nahawa, kahit ganon, nakangiti pa rin ako... Pero dapat hindi lang ako ang masaya diba? So I did something para naman mapangiti sila kahit papaano... I talked to them, yung iba minasahe ko pa, at yung iba naman, kiniliti ko... Medyo nairita sila sa akin, pero alam ko na somehow... I've touched their hearts, and they felt how much they mean to me...
~∙~
Ang weird talaga ng araw ko ngayon... It was my friend's birthday today... She' now living in Canada... So YM lang ang communication namin... Dahil nga good mood ako ngayon, kinantahan ko siya... Gamit ang mikropono at ang Voice conference... Naramdaman ko ang saya niya, sabi pa niya sa akin...
"The best gift I ever had..."
Somehow, I felt kinda different when we two talk... Para bang ang gaan ng loob ko sa kanya... Although 2 years na kaming hindi nagkikita, still, the memories when we're together is still there... I miss them a lot...
~∙~
Naalala ko na... Last wednesday, bago pa man masuspinde ang classes, nagdasal ako... Todo todo... Humingi ako ng tulong... Sa tingin ko, ngayon na ibinibigay ang tulong na hinahanap ko... Grabe, ang saya ng araw na ito... Sana tuloy tuloy na... Sana di na matapos ito... Sawa na akong lumuha, sawa na akong mag emote...
Ngayon ko lang napagtanto na naging tulong din pala ako sa mga mahal ko sa buhay ngayong araw na ito... Ang saya ng araw ko, lalo na't nakatulong pa ako... Iba talaga ang pakiramdam kapag nakakatulong ka... Exciting... Rewarding...
~∙~
Medyo magulo ata ang post ko ngayon... Wala kasi sa isip ko ang pag po-post ngayon dahil inaayos ko ang template ko... Well... Sa lahat ng mga nagparamdam nung mga panahong kailangan ko ng kasama... Ako po'y nagpapasalamat muli sa inyo... Kahit di ko pa kayo nakikita, mahal ko na kayo! *Naks* Kilala niyo na kung sino kayo... Ahihi...
Wednesday, July 12, 2006
Buhos ng ulan...
Nandito na ang unos... Pero, wala ka sa tabi ko...
Ang saya... Walang pasok, sa wakas... Makakapag pahinga din ang pagod kong puso't isipan... Salamat at walang mangayaring KAMALASAN sa akin ngayon... Tanghali na ako nagising... Sarap kasing matulog, lalo na't maulan... Buti na lang at ginising ako ng cellphone ko, pagtingin ko, isang YM message... Galing sa pinsan ko... Hinihiram daw niya ang aking cajon... (Acoustic drums, yung parang kahon...) Tumayo kaagad ako sa kama at dumerecho sa PC, binuksan ito at nag Online na... Nag usap kami ng kung ano-ano at biglang nag online na rin siya... Yes... Hehe..
Nasa kalagitnaan na kami ng paguusap, sasabihin ko na sana na miss na miss ko na siya ng biglang... Dumilim ang paligid... Nag brownout... "WAAAAAAAAAAAAAH!" na lang ang naging reaksyon ko...
Nabasa ko ang latest post ni Heneroso kanina... Pareho pala kami ng nararamdaman...
Dati, nung ako'y nasa probinsya pa... Laging umuulan... Malamig... Nakakataas ng balahibo... Nakakapag tulo ng uhog... Pero tuwing umuulan, may kayakap ako... Sarap ng pakiramdam... Kay sarap ng pakiramdam kapag may isang tao sa tabi mo na handang yumakap sayo tuwing kailangan mo ng kalinga... Lalo na sa parte ko dahil hindi ko kasama ang pamilya ko noong panahong iyon... Sarap talagang balikan... Kaso, matagal pa siguro bago ulit mangyari yaon...
Heto ako, nagiisa, wala man lang makayakap... Sawa na akong yakapin ang unan ko dahil hindi naman nito nabibigay ang init na hinahanap ko...
Heto ako, nagiisa, hinahanap-hanap ulit ang mga kalinga mo... Lalo na't tuwing bumubuhos ang ulan...
Heto ako, nagiisa, hindi na malaman kung saan na pupunta, dahil malayo ka, paano na?
Heto ako, nagiisa, sa dilim at giniginaw... Nakapulupot ang katawan at niyayakap ang sarili... Iniisip ka pa rin... Na ika'y nasa aking tabi...
Heto ako... Heto ako... Heto ako ng wala ka... Kulang, walang kwenta... Sana'y nandito ka... Mayakap ko man lang sana... Kahit sandali, kahit minsan...
Medyo tumitigil na ang buhos ng ulan... Napawi na ang malalamig na hangin... Pero hindi parin napapawi ang lungkot dito sa aking puso... Kahit pala walang pasok at nandirito lang ako sa bahay...
Malas pa rin ako...
_-º-_
E secc oui... Wyena... Cu silr... Reherehdyo by neh gedy... Sygyoygyb gyhk sime... Syrymegyh yhk eouhk bechke... Syryfygyh yhk eouhk sky gysyo... Cypyo hy sykmygyt yd mypyhyh yhk ihuc... Cyhy hyhtedu gy hkyouh... Byny syebytysy gu cyou gihk kyyhu gy gyrymyky cy ygeh...
Tuesday, July 11, 2006
Malas, Nirvana, Karma...
I guess i woke up at the wrong side of the bed...
I don't know why but, this day didn't turn out the way I wanted it to... Kagabi, pinaguyatan ko ang assignment ko sa Humanities na imitation ng style of painting ni Gustav Klimt... mga ala una na ako nakatulog dahil dito... Minadali ko dahil ngayon daw ang pasahan non... Gumising ako ng alas kwatro para maligo at umalis ng bahay ng nagmamadali... Pagsakay ko sa FX hindi na maganda ang pakiramdam ko... Para bang hinihili ako ng bintana at tinutulak ako ng aircon palabas... Ang bigat ng katawan ko... Hindi ako makatayo... Sayang, ang ganda pa naman ng FX na nasakyan ko kanina... Siya yung pinakamabilis mag drive ayon sa kuya ko, at may Sinehan pa sa loob nito... Astig...
Pag dating ko sa eskwela, may hangover pa ako sa mga nararamdaman ko sa FX... Para akong lantang gulay na nakainom ng isang libong Generoso Brandy...(Ahihih) Lasing na lasing... Siguro dahil na rin sa puyat... Sukang suka na ako kanina, hindi pa ako makahinga dahil sinisipon ako... Barado ang ilong ko... Dumating na ang mga kaklase ko, napansin nila ang paghihinagpis ko... Nandoon lang sila para samahan ako... Dala ko ang "artwork" ko pero di ko sa kanila ipinakita ito dahil baka mawala ang "element of surprise". Pumasok na kami sa klasrum, maaga pa, at wala pang katao-tao sa CCSS building, so natulog muna ako sa klasrum namin... Sarap ng pakiramdam... Nakapagpahinga... Hindi ko namalayan, ang tagal ko na palang natutulog... Pagkagising ko, marami nang tao sa klasrum, at gulat na gulat ako ng makita ko silang gumagawa ng assignment sa Math... Waaah! oo nga pala! So nagmadali ako para makagawa nito... Binuksan ko ang bag ko at nagulat... "Waaah! Wala yung libro ko!!!"... Wala akong nagawa... Kumopya na lang ako sa kanila... Pagkatapos gawin ang assignment... Pinakita ko na ang "artwork" ko... Marami ang na elibs sa gawa ko, tuwang tuwa naman ako at kahit papano, nawala ang sama ng pakiramdam ko... Ng biglang may nagsabi na, "O, Ba't may dala ka na? sa thursday pa kaya yan!"...
Gym class namin... Masama pa rin ang pakiramdam ko... Hindi ako makagalaw ng maayos at para parin akong lasing... Nag warm up na kami, kahit papaano ay nakalagpas ako sa warm up... Pero hindi naman ako nakalagpas sa activity... Ang Push Up... Elementary pa lang may problema na ako dito... Hindi ako lumalagpas ng sampu... Tulad ng inaasahan... Iyon lang ang nagawa ko, pero nung 2nd trial, humabol ako ng isa, so 11 na ang nagawa ko... Achievement iyon... Pagkatapos ng gym class, hindi makagalaw ang mga braso ko... Paralisado...
Uwian na, sa wakas... Makakatulog na din ako sa FX... Andun nanaman ako sa paborito kong spot... Ang Waiting shed... Ang tagal kong naghintay doon! Dahil trapik at umaambon, wala talagang FX... Pero matapos ang sampung taong paghihintay, nakakuha na din ako ng isa... Pero puno ito, tiniis ko na lang dahil uwing uwi na talaga ako... Sa FX, nararamdaman ko na lalong lumalala ang sipon ko, hindi na barado ang ilong ko, tumutulo na ang uhog ko... Para akong isang batang uhugin na iyak ng iyak... Dahil nga swerte ako ngayong araw na ito, nakalimutan kong magdala ng panyo... What a day... Buti nandito na ako sa bahay...
In every action, there's an opposite reaction...
Limang araw na akong wala sa sarili ko... Hindi ko alam kung bakit... Lagi akong wala sa mood, lagi akong walang kwenta, lagi akong walang nagagawang matino kundi mag Dota buong maghapon... Hindi ko alam... Ano bang nangyayari sa akin?!
Siguro nga, tapos na ang "Nirvana" ko... Oo, naniniwala ako dito, ang pagkakaalala ko, ito yung walang hanggang kaligayahan... Kinakarma na ako... Hindi ko naman alam kung ano ang nagawa kong mali... Normally, pag may ganito akong mga problema, lalo na sa Studies, Friends, Love life, lumalapit ako sa Diyos at humihingi ng tawad... Sana balang araw, biyayaan niya uli ako... Ayoko ng ganito, nalagpasan ko na ito, ayoko nang maulit pa... Pero sabi ko nga...
"Anything and Everything Happens for a reason, we just have to let it flow and take the ride... And hope that destiny will take us to the right direction..."
~º~
Sunday, July 09, 2006
Laziness... Tears...
I forgot, how it is to be happy...
Nagising na ako ng tanghali kanina... Ng dahil sa kuya ko... Inaya niya akong mag freestyle, ginising niya ako dahil magpapalibre siya... Anak naman ng... Wala akong nagawa, dahil hindi naman ako marunong tumanggi... Hindi muna kami naglaro, nanuod muna kami ng telebisyon, sa Cinema One, napanood namin yung palabas nina Jolina at Marvin... Matagal na yun, hindi ko na pati maalala yung title, pero alam ko pa rin yung storya... Sa bawat nakakakilig na parte, lagi kaming may komento... Na minsan ganun din daw sila ng girlfriend niya, away bati... Minsan, inaaway daw niya ang GF niya sa kasalanang siya naman ang gumawa... (Kuya, kung mababasa niyo ito, no offense...) Normal lang naman iyon sa mga nagmamahalan, hindi titibay ang isang relationship kung hindi kayo mag aaway... Pero hindi ko sinasabing lagi na kayong mag away ng mga GF/BF niyo! Hehe... Nasabi ko na lang sa kuya ko, buti nga ikaw lagi mong nakikita eh... Eh ako?..
Naglaro na kami ng Freestyle, maganda, masaya, sigawan, kami ang kaingayan sa Computer Shop kanina... Pero biglang nag Lag so tinamad kami at nag DotA na lang... Bago ako mag dota, binuksan ko muna ang YM ko para tignan kung online siya... Tama ang hinala ko, online nga siya... Pero hindi ko siya nakausap, dahil busy ako sa pagddota, tsaka naisip ko na baka matagal na rin siyang online at malapit na rin siyang umalis... Tama nga, nag paalam na siya kahit di ko siya nakausap... Inis na inis ako sa sarili ko dahil inuna ko pa ang Dota sa kanya... Tapos natalo pa kami... Galit na galit na ako ng mga panahon na iyon... Magwawala na sana ako, pero napigilan ko ito... Nag Out na ako at nagbayad... Umuwi sa bahay ng nagdadabog... Hindi mapakali... Kaya't dinaan ko na lang sa ligo para naman malamigan ang ulo ko kahit kaunti... Pero bago ako maligo, napaiyak ako... Hindi ko alam kung bakit... Tapos bigla siyang pumasok sa isip ko... Iniisip ko at tinatanong sa sarili ko kung galit ba siya sa akin... Pigilan ko man ang luha ko, tuloy tuloy parin ito... Para hindi ako mapansin ng mga tao sa bahay, nagtago ako sa likuran ng pinto at doon nagpalipas ng sama ng loob... Napaupo sa sofa at natulala... Tumayo at dumercho sa banyo... Naligo... Nalamigan na ako, pero hindi naman nito kayang hilumin ang poot at galit na naiwan sa puso ko, at ang sugat na naitamo ko sa kanya, kung meron man...
Kanina, naisip ko na hindi na ako magpopost dito sa blog ko, sa kadahilanang wala nang masyadong bumibisita dito... Tinamad na ako... Lalo na't hindi na ako nominado, yun pa naman ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ako nagpopost ng maraming entries... Nakakatamad din pala, lalo na kung wala ng bumibisita... Ewan ko ba...
Sa mga pangyayaring ito, ito na ang mga gagawin ko sa susunod...
- Hinding hindi na ako mag Do-Dota dahil pag naglalaro ako nito, lagi siyang online at hindi ko siya nakakausap, isa pa, hindi naman ito nakakatulong sa pag-aaral at nakakaubos lang ng Pera...
- Hindi dapat maligo kapag katatapos lang humarap sa PC o sa TV...
- Mag post lang ng mag post kahit walang nagbabasa... Mukha akong tanga pero nakakatulong naman ito para malabas ang sama ng loob na nakatago at naiipon sa puso ko...
- Mapapadalas na ang uwi ko sa probinsya para naman lagi ko siyang makita... At makabawi sa mga pagkukulang ko sa kanya...
- Gumawa ng assignment ng maaga para naman kahit mag chat ka buong maghapon ay wala ka nang iniintindi... (Oo nga pala, may assignment pa ako!)
Haay, kung mabasa mo man ito, talagang ako'y humihingi ng tawad sa iyo... Kay dami na ng mga pangako ko sayo na lagi naman napapako... Nais ko sanang makabawi sa kahit anong paraan na naisin mo... Gagawin ko ang lahat... Patawad talaga... Why do I have the feeling that all of this events will happen? Am I dreaming? Is it a coincidence? Or this is just another one of my Dejavu's...
Friday, July 07, 2006
Tinging Malagkit part2... Malakas na amihan...
Hindi pa huli ang lahat, sila naman ang nahuli ko...
Pauwi na ako ng nagtext ang "twin sis" ko... Tinatanong niya kung nasaan na daw ba ako dahil gusto niyang sabay kami umuwi... Pero, nabasa ko na ito mga isa't kalahating oras na ang nakalipas... Nang mareplyan ko siya, nasa SM na daw siya... Ng makarating ako ng SM, tinanong ko kung nasaan na siya, nasa NBS daw siya, nakikibasa... Nagkita kami at naggala muna bago umuwi, bumili ulit ng ice cream at nag gala pa... May napansin ako sa twin ko... Bakit habang tinitiigan ko siya, lalo siyang gumaganda... Damn! What am I thinking!? Haay... Buong pagagala namin, nakatitig lang ako sa kanya... Ewan ko ba kung bakit... Parang magnet yung mukha niya... Bakit kaya ganon? Dahil ba sa taning niya sa batok?! Haay... Nang ako'y natauhan, tumingin na din ako sa wakas sa dinadaanan ko, this time, hindi na ako yumuko... Direcho na ang lakad ko... Nagmasid masid, at may nahuling nakatingin! This time, babae na sila! Hahaha! Nang makasalubong namin sila, nakangiti lang yung isang babae, tapos nung lumagpas kami, nagtawanan sila na tila kinikilig o kiniliti ng maraming daliri... Sumulyap ako sa kanila, nakatingin pa rin sila sa akin... Tumalikod ako sabay flick ng aking bangs... Para mukhang "bad boy"...
Ang simoy ng hangin na patuloy na bumabalot sa atin...
Kanina sa eskwelahan, klase namin sa TECH1 kung saan sa 6th floor Lab B ang klase... Hindi pa dumadating ang prof namin... So para hindi mabagot, nag soundtrip muna ako (mp3), tumambay katabi ng bintana... Then lumapit ang isa sa magaganda kong kaklase, na nacrush-an ko nung unang araw ng pasukan...
"Pakinig nga..."
So binigay ko ang isang headset, at kami'y nagsoundtrip... Nilipat lipat ko ang kanta dahil hindi niya alam ang mga ito, hanggang sa huminto kami sa isang kanta na nakakuha ng kanyang atensyon... "Til' They Take my Heart Away". (Kung kayo'y madalas magbasa-basa dito, alam niyo na kung anong meron sa kantang iyan) Perpekto ang eksena... Paborito kong kanta, katabi ang isang magandang dalaga, nasa bintana at dinaramdam ang malakas na simoy na hangin...
Pero, wala ako doon...
Wala ang isip ko doon... Lumipad ito pabalik sa aking sariling paraiso... Katabi niya... Ganitong ganito rin ang ginagawa niya tuwing kami'y magkasama... Tinutugtog ang aming paboritong kanta sa gitara... Nakatingin sa bintana at dinaramdam ang sariwang hangin... Sa mga panahong iyon tila wala na kaming pakialam kung may makakita pa sa amin... Wala na kaming pakialam kung gagabi na, wala na kaming pakialam kung ano oras na... Basta nandoon lang kami, kumakanta, nagtatawanan, nilalambing ang isa't-isa, nagkekwentuhan, nagmamahalan... Malinaw pa rin sa isip ko lahat... Parang kahapon lang... Pero, alam kong hindi na ito mababalik pang muli... Maaring maulit pero di na tulad ng dati...
Matatapos na ang kanta, na sakto namang dating ng prof namin... Pinatay ko na ang aking mp3 at pumasok na sa silid aralin... Pero bago ang lahat, tumitig muna sa bintana, umaasa na sana'y nakatingin din siya... Sa mga ulap... Kinausap ko ang hangin... Sinabi ko na dalhin niya ang mensahe ko sa kanya...
"Mahal kita..."
Dito sa dalampasigan ng puso, malayang umaalon ang damdamin. Dito sa dalampasigan ng puso, walang ibang hahadlang... -Noel Cabangon - Dalampasigan ng Puso
Believe in me, I'm here to stay... I will love you, Til they take my heart away -Kyla/MYMP - Til' They Take My Heart Away Labels: Series
Thursday, July 06, 2006
Loveless ver.2, Ang misyon ng mga Mandirigma at Tinging Malagkit...
Two days in a row...
Dalawang araw na akong nagdudusa... Pero kanina, kakaibang eksena naman ang nakita ko... Tapos na ang Gym Class namin at kami'y pinauwi na... Naglalakad ako sa covered pathway ng bigla akong nakakita na ng... Yeah, you guessed it... Magkatipan... Sweet nila, HHWW.. PSSP.. Alam kong lahat tayo alam ang ibig sabihin niyan... Pero nung medyo malapit na kaming magkasalubong, aking napuna ang kanilang uniform... Pareho sila... Waaaah! Tibo pala sa "binata!". Hindi ko napansin dahil mukha talaga siyang lalaki, sa galaw at sa itsura!!. Hay, kailangan ko na sigurong mangumpisal, siguro talagang makasalanan na ako kaya ginagawa sa akin ito ng pagkakataon... As usual, madami akong nakita kanina... Mapa corridor, canteen, hagdanan, o SM man iyan...
Si Luwalhati...
Kung kayo'y isang red warrior din katulad ko, maaaring kilala niyo si Luwalhati, hindi ko siya kilala dahil isa pa lamang akong Freshmen, pero sikat ang imahe niya sa gitna ng BA Building... Sa gitna ng nasabing building ay may bukas na garden, mayroong pathway sa gitna patungo sa statwa ni Luwalhati... Napadaan ako doon dahil may imimeet akong kaibigan na isa namang tamaraw... Nang ako'y mapadaan sa corridor ng BA building, may nakita akong isang dalagang naglalakad sa pathway ng garden... Nasabi sa akin ng kuya ko at ng isang kaibigan na nasa BA ang klasrum na pag dumaan ka daw doon, isa raw iyong "Achievement". Wala talagang dumadaan doon dahil ito ay pinapagitnaan ng building at mga klasrooms. So pag dumaan ka doon, papalakpakan ka ng mga estudyante o sila'y matatawa lang sa iyo... Tama nga ang hinala ko, pinalakpakan siya ng mga binatang nakatambay sa corridor at may sumisipol pa ng "Wheeet Weeeew..." Pinagtitinginan din siya ng mga Professors doon, at hindi ko alam kung bakit... Hay, bago grumadweyt ng kolehiyo, susubukan kong bisitahin si Luwalhati doon, para naman kumpleto na ang "achievements" na makukuha ko dito...
Huli na ng malaman ko...
Tulad nga ng nasabi ko kanina, nakasama ko ang isang kabatch mula sa dati kong eskwelahan, naging close kami nito at Twin ang tawagan namin, maganda siya, chinita, at talaga namang ma-appeal, lalo na sa mga kalalakihan... Magkita daw kami sa Jollibee sa tapat ng FEU, pagdating ko doon, kasama niya ang mga NFF niya, magaganda rin sila... Pinakilala ako ng aking twin sa kanila, pero napansin ko na panay ang kantyaw nila sa aking twin, tinatanong siya kung kami daw ba... Tingin sila ng tingin sa akin, at inaya pa ako ng isa na magbilyar... Sinabi ko na hindi ako marunong.. Kuno... Pagkatapos bumili ng libro, panay ang tingin sa akin ng twin ko, hindi ko maintindihan... Sabay kaming umuwi dahil pareho lang kami ng bababaan... Ng makarating sa SM, kami'y nag gala, bumili ng ice cream at naggala pa... Hindi na niya natiis, nilabas na ang saloobin...
"Alam mo kuya, pansin ko lang, kanina pa tumitingin sayo yung mga lalaki!"
Gulat na gulat ako, hindi ko alam kung bakit ganon, oo napansin ko din iyon kaso huli na... Bakit kaya? Dahil payat ako? Akala siguro nila adik ako... Marahil ay sa P.E. Uniform ko na mukhang katipunero? Walang pakialamanan, i-style iyan naming mga warriors! O Dahil nagtataka sila kung bakit magkasama ang isang Tamaraw at ang isang Warrior... Ganon na ba ang rivalry ng mga unibersidad ngayon? Lalo na sa U-Belt?.. Hindi ko talaga alam kung bakit ganon kaya't inasar ko na lamang siya...
"Kasi, maganda daw yung kasama ko, kaya kinikilatis nila kung karapat dapat daw ba yung kasama niya!"
Natawa lang siya... Hindi ko na pinansin ang mga tumitingin sa akin, umuwi na kami... Bakit kaya? Hanggang ngayon nagtataka pa din ako... ___________________________________________________________________ Oo nga pala, gusto ko lang sabihing "Good luck" sa mga kasali sa gaganaping UAAP... Lalo na sa mga kapwa ko mandirigma... Suportahan natin sila! Shoot that ball! Labels: Series
Wednesday, July 05, 2006
Loveless...
Kahit saan ako tumingin... Pare-pareho...
Pare-pareho talaga, bakit ganito ang araw ko, talaga bang inaasar ako ng pagkakataon? Talaga bang ganon na ako kasama? Ganun na ba kalaki ang kasalanan ko para laitin ako ng mga tao? Ganun na ba kaitim ang puso ko kaya't lahat ng tao ay iniingit ako?!
Pag pasok ko pa lang sa gate, may isang babae at lalaking nagtatakbuhan, tila naghahabulan, pansin ko ding magkahawak ang kamay nila, hinihila ni dalaga si binata, ngumiti lang ako dahil napansin kong mukhang close talaga sila... Ng makarating si dalaga sa isang hagdanan, huminto sila at sabay halik naman si binata... Umakyat na si dalaga pero hinabol pa uli ng halik ni binata ito... Magkatipan pala sila, at mukhang late na si dalaga...
Sa eskwelehan, namanhik-panaog kami sa 6th at 2nd floor ng aming building... Bawat floor na madapuan ko, may nakikita akong dalawang tao... Babae at lalaki... Kapit kamay... Sabay naglalakad... At nagpapalitan ng kanya-kanyang haka-haka... Mukha naman silang hindi nag ra-rally... Tapos biglang akbay si Binata at kilig naman si Dalaga... Ah, magkatipan pala sila... Grabe, lalo akong nalungkot sa aking mga nakita...
Uwian, papunta na kami sa gate palabas, nagmasid-masid ang aking mga mata, grabe... Bawat limang hakbang ko may nakakasalubong akong magkatipan, hawak kamay, at pinagitnaan pa ako, syempre todo ilag naman ako... Pero wala parin... Hindi man ako tinamaan "physically" tinamaan naman ako "emotionally".
Hindi pa tapos...
Nagka-ayaan kami ng mga NFF ko na mag Jamming, 11:30 ang labas namin, dumating kami sa studio bandang mga 11:45 na... Naghintay kami... Naghintay... Naghintay pa ng onti... Sabay sabi ng nagbabantay na 12:30 pa daw sila matatapos... Talaga namang gutom na gutom na ako dahil di pa ako nag aalmusal, so bumaba ako para bumili ng cheesburger... Pag labas ko ng studio, may dumaan nanamang mga mukhang magra-rally... mga tatlong pares ata sila... Hindi sila mapaghiwalay ng mainit na panahon at mausok na kapaligiran... Grabe, so sobra sobra na talaga ang lungkot ko... Pagkatapos kong kumain, bumalik ako sa studio... May nag aabang ring isang pang banda bukod pa sa amin, coed sila, astig... Pero nagulat ako ng biglang hinawakan ni binatang gitarista si dalagang bokalista... Argh!! Nakakainis...
But wait there's more...
Tapos na ang jamming... Dumerecho na ko papuntang hi-way para mag abang ng masasakyan, sa waiting shed, may nakita nanaman ko, barkada sila na mga mukhang magra-rally... Hindi ko na ito pinansin dahil sinabi ko sa sarili ko na "SANAY NA AKO!! DI AKO TINATABLAN!!". Sa wakas, sa limang minuto kong pagaabang, may pumara ding FX! Pumasok ako, nagbayad at naidlip... Pag gising ko... Waaah! May katabi na pala akong magkatipan... Grabe... Hindi ko to uli pinansin dahil nga "immune" na ako kuno... Bumaba ang dalawa at may pumalit nanamang bago... Hindi ko na kinaya... Tinext ko na ang tatay ko...
"Aking ama, nasaan po kayo sa mga oras na ito?!" "Aba'y anak! Ako'y nasa Infanta..." "Hindi maaari! Sigurado po ba kayo at hindi niyo lang ako hinahambog?!" "Aba'y oo mandin!" "Ama, ikaw talaga'y saksakan ng daya! Ni hindi mo man lang sinabi na pupunta ka..." "Paumanhin hijo..." "Pero, ngayong dadating na sabado't linggo, may balak po ba kayong bumalik diyan?" "Ah, wala na anak, marahil ay sa akinse na uli ang uwi ko..." "Saksakan ka talaga ng daya aking ama..." "Di bale hijo... Kakamustahin ko na lamang si siya para sayo..." "Salamat ama, pero mas maganda kung makita ko siya sa personal..." "Maghintay ka!"
Talaga namang minalas ako ngayong araw na ito... Nawala nanaman ang pagkakataong makita ko siya... Ilang beses na akong nangako sa kanya... Nahihiya na talaga ako... Hindi ko alam kung paano sasabihin ito sa kanya... Bakit ba lagi akong nilalayo ng tadhana sa kanya?..
(BTW, thats not the actual conversation, pero ganun ang pinag usapan namin) Labels: Series
Monday, July 03, 2006
Ang Letrato, at mga ala-ala...
Naalala ko nanaman, nung tayo'y magkasama pa...
Kanina lang, sa eskwelehan, tapos na akong mag test sa subject na "ETYPE" at sa kabaitan ng aming prof, pinayagan niya kaming mag internet habang nag ch-check siya ng tests... Wala naman akong alam na magandang site na bisitahin so nag blog hop na lang ako... Madami din akong tinalunan na mga blogs... Dumaan ako kina Heneroso, [Shawboy], Fallen Angel, at siyempre kay Talksmart para na rin bumoto...
Napawi ang lungkot ko ng mapadapo ako sa isang blog na bihira ko lang bisitahin... Ang Pantastic Perya... Ito ang sinasabi kong play namin nung ako'y mag summer workshop sa PETA... Meron ditong mga letratong talaga naman nag pa alala sa aking nakaraan... Ang nakaraang gusto kong ibalik... Noong magkasama pa kami... Haay... Nakaka-miss talaga yung mga araw na iyon...
- Ang pag gising ng maaga para maghanda sa workshop...
- Ang pag aaral kong mag commute galing fairview patungong E.Rodriguez...
- Ang pag sakay ko Taxi na umabot ng 180php ang bayarin...
- Ang pag tayo sa pintuan ng Theater Center, nag-aabang sa mga kaklase ko...
- Ang biglang pagsalubong niya sa akin, kasabay ng pagbati niyang pagsuntok sa aking balikat...
- Ang pagtambay sa rooftop, kumakanta kasabay ng malakas na simoy ng hangin...
- Ang pag bili ng C2 sa canteen... (Pati ba naman ito)
- Ang pag dating ng aming mga facilitators o mentor na nagpapa vocalization sa amin araw-araw...
- Ang pagpraktis ng aming gagawing palabas at pag tago sa lamig ng aircon...
- Ang mga oras na tumatabi siya sa akin at sa akin ay lalambing...
- Ang mga oras na yakap ko siya, walang iniintinding oras...
- Ang aming ginawang palabas na naging patok sa mga manonood...
- Ang huling paghawak ko sa kamay niya kasabay ng aming "Final Bow"
- Ang pag kaway ko sa kanya ng paalam at pag asang magkikita kaming muli...
- Ang mga gabing walang tulog dahil sa pag iisip sa kanya...
- Para paiksiin, ang mga panahong kasama ko siya...
Dumaan na ang aking prof, tinignan ang gawa ko... Nabighani siya at bingyan ako ng mataas na marka, hindi ko lang alam kung gano ka taas, palagay ko mga 1.5... (Haha! Asa pa!) Madami pang mga letrato doon, ang lungkot na naramdaman ko kanina, napalitan ng pagka "miss" sa kanya at sa aking mga kapatid sa PETA... Kelan kaya ulit kami magsasama tulad noon?.. Napansin ko ring medyo makulay ang post ko ngayon dahil sa dami ng links na nakalagay... Hehe... Kung gusto niyo akong makita, hanapin niyo ang letrato ko sa blog ng pantastic perya... Hehe... Iboto niyo rin pala ako para sa Filipino Blog of the Week... Hay, wala talaga akong maisip na istorya galing sa present na buhay ko... Naging boring na kasi ito simula ng magpasukan... Di bale, nagsisimula pa lang naman ang lahat...
Sunday, July 02, 2006
Ang Palaka, Ang Cellphone at ang Dalaga...
Tama na ang kahibangang ito...
Tigil muna ang istory pansamantala... Mukha kasing wala ng interesado dito, Pero gusto ko lang silang pagusapan, dahil wala naman akong mai-post ngayon...
Unahin natin ang "Theater Life". Masasabi kong, ito ang una kong "hit". Maraming natuwa sa kwento kong ito, marami rin ang hindi... Naging abala ako ng isang linggo dahil dito, isang linggo akong nag iisip ng pagkasunod-sunod, pero naging matagumpay naman ito...
Tulad nga ng sinabi ko, ang istoryang ito ay isang fiction at di pa nangyari sa buong buhay ko, pero masarap sana kung matupad ito ano?!.. Fiction nga lang ba?
Maraming beses nang nahulog ang loob ko sa isang tao ng dahil sa teatro, sila lagi yung mga katrabaho ko, co-actors o co-musical director man iyan, ang sarap kasing magtrabaho, lalo na kung may isang taong kailangan mong magpasikat... Hindi ka mauubusan ng ideas at mabilis niyong matatapos ang storya ng inyong gagawing palabas... Hindi nakakatamad mag praktis, dahil sa loob mo, gusto mo rin naman siyang makasama doon... Haay.. Those were the days...
Unang sabak ko noon sa pag akting, bida kaagad ako, pambata ang kwento, siguro, maraming nakakaalam sa inyo ng "The Frog Prince". Oo, tama ang hinala niyo, ako ang palaka... Nakakahiya ito dahil kailangan kong tumalon-talon, paikot ikot sa stage, at sumigaw ng "kokak" pagkatapos ng isang sentence... Nainlove ako sa prinsesa ko sa play na ito, pero siya hindi... Halata naman sa kanyang inaakto na na-iirita na siya sa paghabol ko sa kanya... Pangalawa naman ang Lab Show namin... Na-assign ako bilang Musical Director sa isang play, dahil siguro hindi nila nagustuhan ang pag arte ko nung ako'y isang palaka... Kasama ko ang kabarkada ko, siya naman ang Overall Musical Director... In-short, tauhan lang niya ako... Dahil sa play na yon, nahulog ang loob ko sa kanya, marahil ganon din siya... (sana) dahil sa bawat performances at practices, kailangan kaming dalawa ang magkasama... Masaya talaga... Pero, ayon sa nakasaad sa aking posts... "Ang buhay teatro, hindi nadadala sa totoong buhay..."
Sunod naman ang "My Textmate... My Soulmate...". Hindi ko masasabing isa itong hit dahil, walang masyadong nag comment, siguro dahil katulad ko, busy lang ang mga tao at hindi sila makadaan sa bahay ko... O talagang hindi sila makarelate sa kwento ko at nainis ang karamihan sa masaklap na ending nito... Mabilis kong natapos ang istoryang ito, dahil malinaw pa rin sa isip ko ang unang version nito na isang "tula" na ginawa ko noong 4th Year HS ako... Nagandahan ang mga kaklase ko sa tula kong ito, kaya't inakala ko na eepek din ang appeal nito sa blog ko... Pero wala talaga... Sayang...
Isa ulit itong fiction, nakakakilabot ito kung matutupad sa totoong buhay di ba? Pero tingin ko "cool" ito... Di man ito naging hit, nag enjoy at kinilig naman ako sa paggawa dito... Merong parte doon na hango sa buhay ko, iyon ang conversation between Mico and Carla sa text... Nagkagirlfriend ako ng dahil sa pag try niyang mang "2 time". September 18 2003 ata iyon nangyari, matagal tagal na din... Pero, malinaw pa sa isip ko ang pagsasama naming dalawa, yun nga lang sa cellphone ito nangyari... Hanggang ngayon, hindi ko pa siya nakikita, dahil pinili nilang mag migrate patungong London...
Bumalik na naman sa nakaraan ang utak ko... Masaya talaga ang buhay ko noong HS pa lamang ako, pero ngayon, natauhan na ako na kailangan nang mag Move-On dahil kahit anong gawain ko, hindi na maibabalik ang nakaraan... Sabi nga ng Prof ko sa history... "There is no such thing as PAST". Haay, ano kayang mangyayari sa hinaharap?
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|