Tuesday, November 28, 2006


The Minstrel's Magic...


Remember from my last posts? I included songs that are original compositions of mine? Well, some bloggers asked me on how to do stuff like that... Since, wala naman akong ma ipost ngayon... I will try my best to give some pointers and tips... Heto na... Para to kay Edgar...

Things here are not really what song writers do... So, nasa sainyo pa rin kung susundin niyo o hindi... Ito lang ang mga bagay na ginagawa ko tuwing gagawa ako ng kanta...

Ang una...

Be sure to have your topic... Mag-isip kayo ng isang topic na gusto niyong kalalabasan ng kantang gagawin niyo... Pwede itong maging kanta para sa inyong minamahal, o pang harana ika nga... Pwede naman itong emoness at walang kamatayang suicide... Pwede rin itong tungkol sa barkada... Ikaw ang bahala, ilabas mo ang laman ng iyong puso't damdamin...

Ang pangalawa...

Gumawa ng isang tula... Oo, tula... Hindi naman kailangang tula siyang formal... Hindi kailangan ng tugma at bilang ng pantig... (Pero, mas maganda ang kalalabasan kung may tugma siya) Siyempre, kailangan in relevance siya doon sa topic na naisip mo...

Exempli Gratia:

Lumilipad ang aking puso
Abot sa dulo ng mundo
Sana'y marinig mo
Totoo lahat ito..

Ayan, may isang "verse" ka na... Well, depende sa iyo kung ilang stanza ang gusto mo... Basta ba, iisipin mo rin, yung oras na maaaring kainin niya kung masyadong maraming stanza... Pwera na lang kung gagawin mong rap tulad ng kay Gloc-9...

Ang pangatlo...

Ngayong natapos mo na ang tula... Hatiin mo na ito... Isiping mabuti kung anong gagawin mong Verse 1, verse 2, verse 3, pre chorus (although hindi naman ito everytime na kailangan), at chorus... Basta pakatandaan na ang chorus ay dapat may dating at magandang pakinggan kung uulit-ulitin... Matapos mong gawin iyan... Humanda na sa pinakamahirap na istep...

Ang pang-apat...

Ang pag lapat ng tono... Una sa lahat, isipin muna kung anong klaseng genre ba ang gusto mong gamitin... Pwedeng rock, emo, senti, acoustic, reggae, bossa nova... Nasa sa iyo ang desisyon... Kung ako ang tatanungin, mas sanay akong gumamit ng mga kantang acoustic, senti at reggae... Mas madaling gumawa at ramdam ang emosyon... May dalawang klaseng pag lapat ang maaaring gamitin... Pwedeng music muna... Pwedeng tono muna... Explain nating mabuti...

Pwedeng music muna... Pano gawin ito? Una, kumuha ng gitara o piano o ano mang instrumentong nais ninyo... (Paunawa, ito ang ginagawa ko...) Mag isip muna ng chord pattern, syempre, dapat tugma ito sa genre na pinili ninyo... Kayo na bahala kung gusto niyo ng strumming o plucking... Example ay ang walang kamatayang "G-Em-C-D" na chord pattern... Na chords din ng Hawak Kamay, Sampip at iba pa... Pwede mong iba ibahin ang chord pattern, lalo na pagdating sa pre chorus (kung meron man) at sa chorus, at sa bridge (kung meron man). Ang problema sa teknik na ito ay, limitado ang tonong magagamit mo... Dahil nakakulong ka lang sa chord pattern na gamit mo... Ito ang kadalasang ginagamit ng mga beginners, tulad ko...

Kung tono muna ang uunahin, well, hindi ko pa ito nasubukan, pero ayon sa aking sources... Mas madali daw ito... Ito rin ang suggestion ko sa mga aspiring composers na hindi pa marunong tumugtog ng kahit anong instrumento... Iisipin mo ang tonong naisin mo sa bawat stanza... At pag nabuo na, kapain na lang ang chords... Ang problema naman sa teknik na ito ay, walang pagbabasehan ng tono at mahirap kumapa ng chords...

Maari niyong gamitin ang kahit ano man sa dalawa, nasa sainyo ang desisyon... Gamitin ninyo ang teknik kung saan kayo komportable...

Mga tips...

Kapag nag lalapat ng tono, at ang unang teknik ang ginamit ninyo... Tandaan na maaring paulit ulit lang ang tonong kalalabasan ng inyong stanzas... Para maiwasan ito... Gawin ang teknik ng Rocksteddy at ni Noel Cabangon... Pareho ang tono ng 1st and 2nd stanza, tapos pagdating sa 3rd stanza iibahin niyo ng bahagya at pagdating sa 4th, pwedeng pareho ng 3rd o pwede ring pareho ng 1st at 2nd... Pero pakatandaan din na ang routine na ito ay nakakasawang pakinggan kung pauulit-ulitin...

Ang pang lima...

Ngayong tapos na ang pag lagay ng tono... Poproblemahin mo na ngayon ang pag alala sa tono... Mayroong mga taong kapag nagtagal, o matapos lamang ang ilang minuto, nakakalimutan na ang tono, kaya gagawa muli ng bago... Masakit ito sa ulo at sobrang time consuming... Kaya ang dapat gawin... Pagkatapos pa lang ng paglapat ng tono, kantahin mo ang buong kanta ng sampung beses na walang tigil... Tignan ko lang kung makalimutan mo pa... Okaya naman sa mga tinatamad, pwedeng irecord ang buong kanta, at pakinggan na lang paulit ulit... Iyon ang ginagawa ko...

Tandaan na ang lyrics na nagawa mo ay hindi pa final... Maaari mo pa itong baguhin in the process of putting up the tune... Pwede mo pang baguhin ang lahat... Nasa sa iyo iyon...

Well, ito lang naman ang mga tekniks na ginagamit ko... Kung sanay ka na, maaari kang makatapos ng isang kanta sa isang araw, okaya naman isang kanta sa isang oras... At syempre, malaking factor parin ang inspirasyon... Sana ay may natutunan kayo... Kung may mga tanong kayo, marapat lamang na ilagay sa komento... Sasagutin ko ang mga tanong ninyo... Maraming salamat... Maglalagay ako ng example dito.. Although na ilagay ko na siya sa isa kong post... Paborito ko ito sa mga nagawa kong kanta... At hindi ko na ito mapantayan... Hehe.. Enjoy...

See you Smile
Words and Music: Richard Coronacion (icarus05)
Sung by: Pearl Kaye Hilario

posted by icarus_05 @ 11:19 PM Comments: 13

Sunday, November 19, 2006


Pagninilay sa FX...


Hinila na ng kahapon, ang lahat ng aking pagkatao...
Sapagkat sa iyo lamang umiikot, ang aking mga pag suyo...
Nang oras na iyong tinanggihan, pag ibig ko sa iyo'y alay...
Nawala na ang lahat... Nawalan na ng ganang mabuhay...

Hindi ko ito ninais... Na pagdurusang sapitin ay labis...
Mula ng mawala ka, mga pasakit ay aking tiniis...
Lubos akong nag sisisi, dahil wala akong ginawa...
Ginawa para manatili ka, manatili ka aking sinta...

O kay bilis lumipas, kumaripas ang panahon...
Naiwan lahat sa kahapon... Di alam kung sa paroroon...
Bakit ba, ano bang nagawa ko?
Para lang tratuhin mo ako ng ganito?

Hindi pa pala sapat ang lahat ng ginawa ko... Kulang pa pala ang lahat ng ibinigay ko... Tila hanggang ngayon, hindi mo pa rin ramdam, na labis akong nanabik... Sa iyong pagbabalik... Dito sa aking puso, dito lang... Dito lang...

Nasaan ka na ba? Hindi mo pa rin ba ako nakikita? Nandito lang ako, katulad noong nakaraan... Nandito lang ako, hindi ka iniwan... Nandito ako, hindi umalis sa iyong tabi... Naghihintay, umaasang ika'y lilingon sa akin... Marahil ay labis akong napaasa... Sa mga salita mong kapanapanabik... Mga pangakong iyong binitawan, na labis pa sa walang hanggan... Ninais kong makamtan, ang lahat ng iyon... Nandito ka sa piling ko... Nandito lang sa tabi ko...

Ang bilis pala, ni hindi ko man lang naramdaman... Lumisan ka na lang bigla, ng hindi nag papaalam... Tulad na lang ng lagi mong ginagawa... Iniiwan akong laging nag-iisa... Luhaan, at walang patutunguhan... Pagbuhos ng unos ay aking sinabayan... Ewan ko ba, kung bakit hanggang ngayon ako'y umaasa... Nananabik pa rin, sa iyong bawat kalinga...

Mga yakap na kay higpit, na iyong ibinahagi... Mga halik sa pisngi, na lagi sa isip ko'y sumasagi... Pag hawak mo sa king kamay... Na tila ayaw nang bumitaw pa... Marahil lahat ay wala na... Wala na... Wala na...

Ngayong ako'y iniwan mo... Nag iisa sa ating paraiso... Sa tingin mo, paano ako magsisimula? Ngayong naubos na ang lahat... Sa tingin mo paano ako makakabangon... Kung nilubog mo ako sa lupa ng basta basta? Sa tingin mo paano ako magmamahal muli... Paano? Gayong ikaw lang ang nais kong makasama habambuhay... Paano na? Paano na? Wala na ba talaga? Kailan ka kaya muling babalik? Kailan ka kaya muling iimik? Kailan? Kailan?... Marahil ay hindi na... Hindi na kailanman...

Kung kasalanan ang paghintay sa isang taong ayaw na sa iyo.. Kung kasalanan ang pag aasa sa isang bagay na hindi na kailan ma'y mangyayari... Kung kasalanan ang magmahal... Marapat nawa'y ako'y maging makasalanan...

posted by icarus_05 @ 11:50 PM Comments: 11

Wednesday, November 15, 2006


Time withers...


Fewer and fewer people pass that road...

Leaves fall down and then new ones sprout once more... As time goes on, so as this place... Many has changed, it has only been 14 years...

I was walking down to our subdivision, for a stroll... And to freshen up a bit after a busy day... I noticed many changes around me... Changes that I didn't expect to happen...

I happen to pass by at the playground... I remember when I was still a teeny bopper, we play here with my neighbors and with my sister... I would wake up at 7 in the morning just so I can be the first one to arrive here... This place was once very lovely... This place was the center of attraction, for many of the town fiesta's gatherings were done here... This place was once full of flowers, butterflies and dragonflies... And the mind calming smiles of children were all around the area... Yes, laughters and such... But now?.. That place is gone... It is there physically but, it is now different... WAY different... Now, dead leaves covers the pathwalks, tall grasses were all over the place... And the once so lively monkey bars and slides... Are now just a pile of junk... Rusts and holes are seen... No one can hang in the bars without getting blisters and small wounds in their hands... As I pass through, I shared a tear... "Damn"... The only word that came out of my mouth...

The deafening silence strucked me as I walk down the empty streets... There was once a street where children fears the most in our town... That street was always empty, only the sound of the waterfall can be heard... Why is it so scary? This street was the breeding place of stray dogs... Imagine how many dogs live in that place... If ever you step foot on that street... Hundreds of dogs will chase you to death... But then, time flies so fast... The waterfall is now covered with rocks, and a small mining site stood in it... The noisy dogs are now gone... The once so empty street, is now... Lonely...

Then, I happen to pass by at a sari-sari store... This store was once the "Supermarket" of our town... It was always bountiful and never ran out of supplies... All the things you need are there... And the store owner was once very friendly, and always shares a smile... Then, SM Fairview and Robinsons Novaliches stood just 10 mins ride from our town... Yes... The store suffered from bankruptcy... Until now, the store opened again after how many years... But it was not as before... The store looks empty now... And the store owner's smile, is now gone...

I thought that time heals? But why did it have to be this way? The once so lively town... Is now a ghost town...

I went at the bulletin board right at the guard house... And I saw an announcement... The announcement was... "Notice, for Christmas Basketball League"...

Maybe there's still hope after all...

Labels:


posted by icarus_05 @ 11:10 PM Comments: 7

Tuesday, November 14, 2006


Hallucination...


Visions of you... Kept on haunting me...

Loud sounds of rock and roll covered the whole room... The loud screams of the singer, the cheerful shouts of the audience, the powerful riffs of the guitar players, and the brain blowing beats of the drummer occupied the whole area... Yes, once again, we did our magic...

My classmates and I had our weekly jamming in "Bodega™" right beside UE... It was only there where I can calm my nerves, where the music soothes my soul and helps me to realize, everything is beautiful no matter what may happen... It has always been this way... Music always saves me...

After 1 hour of loud music... The sounds of rock finally stopped... Time to go home... And once again, I am all alone... I took a last glimpse at the drumsets right at the back room, where my station was... There I saw something I never thought I would see again... There she was... Playing her favorite beat... Playing the songs that we shared together... I smiled, but nobody saw... I closed my eyes... The sounds were gone... She vanished also, before my very eyes...

I went outside, to freshen up... Still shocked about that experience... It happened again... Even though I can see my classmates talking, and constantly moving their mouths... I can't hear anything... It was quiet... Then I looked at the side walk... There I saw her again... Coming down from a jeepney, as if she was in hurry... My eyes followed her... Large amount of crowd covered her... Then, as my vision cleared... I realized... It was not her...

While riding the FX, I felt kinda dizzy... Still restless and tired... My eyelids slowly drops... The next thing I knew, I was falling asleep... After a few minutes... A bump woke me up... The FX stopped and a passenger came in... Her hair was just like hers... Even her perfume... I can feel her presence inside the FX... Damn, what is wrong with me... Then she looked at me... Again, it was not her... Must be seeing things again...

As I departed from the FX, I looked at it once more... And a crazy coincidence strucked me... The plate number of the FX was... Her name...

if u don't know her name, look at my last post.. Her name was stated there...

posted by icarus_05 @ 2:08 AM Comments: 12

Saturday, November 11, 2006


The Festival of Hearts...


I feel like flying ing the sky when I'm with you...

The cold night was fast approaching as we walk across the streets of the busy town... Every one was running around, everyone looks happy, as if their problems slowly drifts away with the cold mists that covered the land... It was getting late, but we were still awake... The loud screams and uttered laughters were heard even though it was noisy outside...

Zai and her brother asked me to go with them at this carnival that every year, visits this small but lovely town... Of course, I didn't decline... For the first time, I experienced something new... Something that would change my life... Excited at the same time, nervous, we went to the carnival... Didn't mind the time... It was getting late, but we didn't care...

Everone was laughing around, having fun... Others were dissapointed, for some of them lost at some of the games... Lost their 5 peso coins... Some were singing their hearts out at the videoke bar right beside the rides... As we came closer, my heart started to pound hardly... My eyes opened wider when we approached the main attraction of the carnival... The Ferris Wheel...

This ferris wheel was different, it was beyond normal... It had this certain touch that made the people come back for more, or rather... DIDN'T came back for more... What was different? Well, this ferris wheel spins a lot faster than any normal carnival ferris wheels... When I said a lot faster... I really mean it.. It spins for about 20kph and when it rolls back down, as if you were falling down... As if the gravity pulls you back at the main land...

At first I was having 2nd thoughts... Who wouldn't? The ride was so scary to begin with... As I sat at the ground, waiting patiently and thinking of what might happen... She slowly sat beside me... Comforted me with her sweet voice... I must admit, she made me feel better... Finally the ride stopped... And it was our turn... I can't believe I'm doing this...

We took our seat at the ride where only 2 persons can fit... She sat with me... It made me feel better, and stopped the hard poundings of my heart... As the ride slowly fills up the empty seats, I can already feel the adrenaline and the blood slowly pumping up in my head... I felt my face was looking pale... She saw it... I should know for she was laughing...

"Bakit ka tumatawa?"
"Wala lang, natatawa ako sayo..."
"Bakit? Anong nakakatawa?"
"Namumutla ka na oh!"

I tried my best not to look pale... I even laugh with her just so the dizziness would go away... Then... Something happened... Our seat stopped at the heighest part of the ride... There were no customers around so I concluded that we will stay here for a while... Then, all of my worries seemed to fade away... I was not scared anymore... Right there at the top, every seemed to stop... The view there was magnificent... We saw the whole town...

"Ang ganda..."
"Uu nga eh..."

I wanted to tell her that I'm not really looking at the view... I was looking at her... But then I was too shy... And dizzy at the same time... Then I held her hand....

"Kinakabahan na ko..."
"Ok lang yan, wag ka kabahan, kasama mo ko...."
"Waaa.. Ayan na gumagalaw naaa..."
"Haha, uu nga yeheeyy!"
"Grabe ang saya mo ah..."
"Haha, ayos lang yan, ayaw mo non, first time mong sumakay dito, kasama mo pa ko"
"Uu nga eh... Ang saya saya ko nga eh..."
"Hehe.. O edi, hindi mo ko malilimutan! :P"
"Uu nga noh.. Hehe.. Bahala naaa! WAAAAHH!!"

Then the ride started its horror... We fell down at 9.8m/sec²... Free fall... And then up again... Continued its cycle... I never stopped screaming... And she never stopped laughing at me...

It was the most embarassing, yet.. The most memorable experience I ever had... She's right.. I will never forget this...

Labels:


posted by icarus_05 @ 8:10 PM Comments: 14

Thursday, November 09, 2006


Close to the End...


I'm still hanging on... But I'm right at the edge...

Dahan dahang umusad ang lumang FX na sinasakyan ko sa kalagitnaan ng highway ng trapik na Quezon Avenue... Inabot na ako ng hapon kanina, dahil sobrang walang masakyan... Bihira akong umuwi ng ganitong oras lalo na't galing ng UE... Pag lulan pa lang ng FX, bumagsak kaagad ang aking mga mata... Nandilim ang paningin ko at wala na akong makita...

Simula ng mangyari iyon, lagi na lang akong madaling araw nakakatulog... Lagi kong kaaway ang aking katawan, lagi kong kaaway ang aking utak, lagi kong kaaway ang aking puso... Matagal tagal na rin ang nakalipas... Pero ewan ko ba, hindi pa rin pala ako nakaka move-on... Kaya ko pa nga ba? Ewan, hindi ko rin alam...

Totoo pala talaga, na tuwing in love ka, hindi ka nakakatulog sa gabi... At tuwing broken hearted ka, ganito rin ang mangyayari sa iyo... Kung susuriing mabuti, nakakasira palang talaga ang love sa ating pagkatao... Diba?

Dati, noong nagsisimula pa akong mag blog, binalak kong maging isang blog ito na punong puno ng katatawanan tulad ng kay Heneroso, pero gamit ang mga storya na naiimbento ko tungkol sa love... Storya ng pag ibig na magpapakilig sana sa masang Pilipino... Pero hindi ko inakala, na magiging ganito pala ang magiging kalalabasan ng aking blog... Naging Emo o Hate blog na ito... Malungkot lagi ang eksena... Malungkot lagi ang mga post... Marahil ay nakaapekto ng malaki sa akin si kilala nyo na... Marahil ay talagang napabago niya ang pananaw ko sa buhay... Kahit sa totoong mundo, ganito rin ako... Tahimik lagi at laging mukhang problemado... Pero kung tinatanong ako ng mga tao, pare pareho lang ang sinasabi kong problema... Hindi nagbabago... Nagbago na nga talaga ako... Nawala na ang masiyahing tao at punong puno ng pagmamahal sa kapaligiran... Nawala na ang palangiti, palabiro at pala kantang Chabs na nakilala ng mga tao... Naging si Icarus ako... Punong puno ng kalungkutan at problema... Punong puno na...

Marahil ay kailangan ko lang talaga ng karamay... Lalo na ngayong hindi pa nag hihilom ang sugat na napuna ng aking puso... Masakit pa rin hanggang ngayon... Hindi ko pa rin siya nakakalimutan... Hindi pa rin ako ganap na naka move-on... Niloloko ko lang pala ang sarili ko... Pinipilit ko ang sarili ko sa isang bagay na kahit kailan ay hindi na magbabago...

Pasensya na kayo kung medyo matagal tagal akong nawala... Talagang wala lang ako sa sarili ko nitong nakaraang mga araw... Marami akong iniisip, at gusto kong mapag isip ng mag isa... Gusto kong linawin ang lahat at ituwid ang mga pagkakamaling nagawa ko noong nakaraang mga buwan... Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng panahon para sa sarili ko... Pwede na itong simula... Kahit maliit na bagay lamang... Medyo wala ring sense itong post ko, kaya tatapusin ko na lang...

Gumising ako, lulan ng FX, at napansing nasa SM Fairview na pala ako... Buti na lang at nagising ako... Pagbaba ko, tulog pa rin ang kaluluwa ko... Para akong naglalakad na bangkay sa loob ng SM, hindi nagsasalita, nakatingin lamang sa isang lugar... Hindi kumikibo... Hindi makausap... Pagdating ko ng bahay, isang tao agad ang pumasok sa isip ko... Gusto ko siyang makausap, pero wala pa siya, gusto ko ulit marinig ang kanyang boses pero wala siya... Hinintay ko siya, pero nakaligtaan ko siya, marahil ay nagkasalisi lang kami...

Ikaw, kilala mo na kung sino ka... Miss na kita bebwi sis koh... Sorry...

"How can I forget someone who totally changed me? How can I forget someone who understood me when no one was there to understand? How can I erase the memories, when you are all I could ever think about? How, tell me how... How can I forget you? For you are my only love... Maybe death is the fastest possible way... Maybe... I'll just sleep myself to death, til they take my heart away..."

Sorry guys... Promise, I will post some read worth posts soon... Im just not in the mood today... Marahil hindi kahapon, marahil hindi ngayon, marahil ay hindi pa bukas... Balang araw, Oo balang araw... Salamat sa mga dumaan...

posted by icarus_05 @ 6:36 AM Comments: 9

Saturday, November 04, 2006


Til' They Take My Heart Away... Part 10...


I guess when it's time, it's time...

Nung gabing yaon, ni hindi man lang ako tinamaan ng antok... Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pangyayaring iyon... Hindi ko akalaing ganoon ang mangyayari... Galit na galit ako sa sarili ko... Ni wala man lang akong nagawa para pigilan ang kanyang pag alis... Lumisan na lamang siya ng hindi man lang nag papaalam... Tulad ng ginawa niya noon...

Kinabukasan, nawalan na ako ng gana upang bumangon pa... Nawalan na ako ng gana upang manatili pa dito sa aming paraiso, hindi ko alam kung bakit, marahil ay sumuko na ako... Sumuko ang utak ko, ngunit lumalaban pa rin ang puso ko... Hindi ko alam kung ano bang dapat na sundin sa dalawa... Ang gulo, pangit ang simula ng araw ko...

Tumungo na ako sa lugar na talagang pinunta ko dito sa Infanta... Ang aking mahal na Alma Mater, para umatend ng isang meeting... Expected na muli ko nanaman siyang makikita dito... Dahil member siya ng Organizasyong ito... Sana naman makakita na ako ng panibagong pagkakataon ngayon...

Nakita ko siyang papalapit na sa gate ng eskwelahan, kakaiba ang naramdaman ko... Mas lumakas pa ang dati kong pagkatorpe ngayon... Ewan ko ba... Marahil ay natigilan lang ako sa kagandahang inilabas niya ngayong araw na to... Pero hindi dapat ako magpatalo sa emosyon ko... Oras na ng meeting... Pero nag pa late siyang pumasok... Siguro ay naramdaman niya na kapag pumasok siya ng maaga ay tatabihan ko siya... Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa may sulok at doon pinagmamasdan siya sa malayo... Buong meeting, hindi naalis ang mga mata ko sa kanya... Umaasa na baka magkasalubong ang aming mga mata... Ngunit wala talaga... Ni sulyap man lang ay hindi niya ako biniyayaan... Matatapos na ang araw, ni isang salita wala akong narinig sa kanyang mga labi... Ewan...

Natapos ang meeting, ayoko nang tumagal pa dito... Papalabas ng eskwelahan, nakasalubong ko siya, nakikipag harutan sa kanyang mga kasama, masaya sila, kaya't akala ko'y makakausap ko na siya... Lumapit ako at hinawakan ang kanyang buhok... (Ito ang pagbati ko sa kanya dati...) Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya... Kinuha niya ang kamay ko at binato papalayo sa kanya... Sabay tumakbo siya papalayo... Hindi na ako lumingon pa para tignan siya... Baka lalo lang madagdagan ang sugat na namuo na sa aking puso... Sa pagkakataong iyon, doon ko naramdaman, na ayaw na talaga niya... Noon ko pa nakikita pero nagpapamanhid lang ako... Ayaw ko siyang lisanin, ayaw ko siyang iwan... Pero anong magagawa ko... Siya na ang umiwan sa akin...

Panahon na siguro upang tumigil na ako... Masakit... Sobrang sakit ang nararamdaman ko... Ang hirap pala ng ganito... Akala ko madali lang... Naiinis ako sa sarili ko... Bakit ako naging mahina... Bakit wala man lang akong nagawa para manatili siya... Bakit wala man lang akong nagawa para hindi na siya muling lumisan pa... Napakaraming tanong... Ang hirap sagutin... Ang hina ko... Nakakahiya ako...

Sa panahong ito, ako naman ang lumisan ng hindi nagpapaalam... Kasabay nito, iniwan ko na rin ang nararamdaman ko dito sa sarili kong paraiso, marahil ay sa muling pagbalik ko dito, may makatagpo nito upang ibalik sa akin... Ipinagkatiwala ko na sa iyo ito mahal kong Infanta... Sumakay na ako ng bus, at pinilit na lisanin ang lugar kung saan nagsimula ang lahat... Habang ang bus ay tumutulay sa makipot na daan sa tabi ng kabundukan... Muli kong sinilayan ang kabundukan ng Sierra Madre... Kay ganda... Sana makaya ko ito... Pagabi na pala... Nakita ko ang araw na unti unting nagtatago sa likod ng kabundukan, kasabay nito ang pag pikit ng mata ko at pag sabi ng...

"Paalam aking mahal... Hanggang sa Muling pagsikat ng araw..."

Sana ay hindi pa ito ang huling yugto ng aking kwento... Pero sa ngayon ay isasarado ko muna ang libro, at itatapon ang susi nito... Pero, hindi pa rin ako tumitigil sa pag aasang, muli niya itong hahanapin at bubuksan muli ang libro... Marahil ay hindi pa ngayon... Marahil ay hindi na kahapon... Marahil ay hindi pa bukas... Balang araw... Oo, balang araw...

Wakas... (Sa ngayon)

Labels: , ,


posted by icarus_05 @ 5:12 AM Comments: 21

Thursday, November 02, 2006


Til' They Take My Heart Away... Part 9...


I didn't expect this to happen...

It was too early for the sun to shine... Still the rooster was brave enough to do his job... As he shouts his morning cock a doodle doo... I didn't sleep that time, I guess, I was too excited to see her, from the moment we arrived...

I greeted the sun as he awakes this morning... Still waiting for their arrival, I ate my breakfast to calm my nerves... I've heard that they were coming here at our resort to have their picnic... But that time, I was not yet ready to see her... I guess... I was too nervous. I went to the town proper first to do some daily routine... Blog hopping, YM and playing RAN...

When it was time to go home, my heart pounded loudly... I was again too nervous to even show my face to her... One by one, I saw them arriving at our place... Bumaba sila lulan ng iba't ibang sasakyan.. Ngunit siya'y wala doon... Tinawanan ko lang at binulong sa sarili... "Asa pa me.."

Marahil ay hindi na siya darating... Marahil ay nalaman niyang dumating na ako mula sa maynila... Pumunta ako sa dalampasigan, at doon ay nag gitara-gitara muna upang malibang... Mainit ang panahon, tanghaling tapat at wala man lang kaulap ulap...

Biglang narinig ko ang pag kaluskos ng mga damo, habang papalapit na tumakbo ang aking pinsan... Sigaw niya? "Kuya! Kuya! Anjan na si Ate Wyena..." Tumawa lang ako... At nag patuloy lang sa pagtugtog ng gitara... Hindi nagtagal, tinamaan ako ng antok... Dumerecho na ako patungo sa aking kwarto... Dahan-dahan akong lumapit patungo sa gate ng aming tahanan... Pagdating ko ng kwarto, nakita ko siya roon, nagbibilyar kasama ng mga kaklase niya... Ewan ko kung ano ang nagtulak sa akin noon pero, napilitan akong magtago sa kwarto... Naririnig ko mula doon ang kanyang mga tawa... Ang kanyang boses... Hindi ko natiis... Kailangan ko uli siyang makita...

Lumabas ako ng kwarto, nandoon pa rin siya... Pero sa pagkakataong ito, nakita na niya ako... Pero parang wala lang... Parang ibang tao ang nakita niya... Wala man lang reaksyon, at nagpatuloy na siya sa paglalaro... Simula pa lang naman... Naisip ko... Bumalik muli ako sa dalampasigan upang muling mag muni muni at magpaka senti... Di nagtagal, nagpuntahan na rin sila doon... Dahil walang kuryente noon, at mainit sa loob... Nagpahangin na lang sila sa may tabing dagat... Naglalaro sila sa may tabing dagat, nananampisaw sa tubig alat at naghahabulan sa maputing buhangin... Sa oras na iyon... Lumipad nanaman ang utak ko sa nakaraan... Kung saan kasama ko siya sa dalampasigang yaon, naghahabulan at nagbabatuhan ng buhangin... Nananampisaw sa tubig alat at nagbabasaan... Nagtatawanan at bakas pa ang kaligayahan sa aking mukha... Natauhan akong bigla ng nakita ko siyang papalapit sa akin... Tulala lang ako, nakatingin sa kanyang mga mata... Ng bigla niyang sinabing... "Nice, ang Haba ng Hair natin ah?!" Tumawa lang ako at hindi nakaimik...

Umupo siya sa malayong cottage, habang ako'y naiwang mag isa sa kabila... Pagkakataon ko na ito... Dapat ko na siyang makausap... Dahan-dahan akong lumapit sa kanya... Naririnig kong kinakanta niya ang kanta namin... Hindi ako makapaniwala noon, tuwang tuwa ako... Pero hindi ko inasahang panandalian lang pala iyon...

Nang maramdaman niyang papalapit na ako... Tumigil kaagad siya sa pagkanta... Tumahimik siya at biglang kumanta ng boom tarat tarat... "Lakas nanaman ng trip mo ah XD?" Pabirong sinabi ko... Tumawa lamang siya... Umupo ako sa tabi niya at nanahimik panandalian ang kapaligiran... Nagbalak ang kanyang kasama na iwan muna kaming dalawa... Ngunit nasira ang lahat ng sinabi niyang...

"Tara, bili tayo ng sofrdrinks sa labas..."

Umalis sila lulan ng motorsiklo at iniwan nanaman akong mag isa sa cottage...

Itutuloy...

Labels: , ,


posted by icarus_05 @ 5:55 AM Comments: 6

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>