Saturday, November 04, 2006


Til' They Take My Heart Away... Part 10...


I guess when it's time, it's time...

Nung gabing yaon, ni hindi man lang ako tinamaan ng antok... Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pangyayaring iyon... Hindi ko akalaing ganoon ang mangyayari... Galit na galit ako sa sarili ko... Ni wala man lang akong nagawa para pigilan ang kanyang pag alis... Lumisan na lamang siya ng hindi man lang nag papaalam... Tulad ng ginawa niya noon...

Kinabukasan, nawalan na ako ng gana upang bumangon pa... Nawalan na ako ng gana upang manatili pa dito sa aming paraiso, hindi ko alam kung bakit, marahil ay sumuko na ako... Sumuko ang utak ko, ngunit lumalaban pa rin ang puso ko... Hindi ko alam kung ano bang dapat na sundin sa dalawa... Ang gulo, pangit ang simula ng araw ko...

Tumungo na ako sa lugar na talagang pinunta ko dito sa Infanta... Ang aking mahal na Alma Mater, para umatend ng isang meeting... Expected na muli ko nanaman siyang makikita dito... Dahil member siya ng Organizasyong ito... Sana naman makakita na ako ng panibagong pagkakataon ngayon...

Nakita ko siyang papalapit na sa gate ng eskwelahan, kakaiba ang naramdaman ko... Mas lumakas pa ang dati kong pagkatorpe ngayon... Ewan ko ba... Marahil ay natigilan lang ako sa kagandahang inilabas niya ngayong araw na to... Pero hindi dapat ako magpatalo sa emosyon ko... Oras na ng meeting... Pero nag pa late siyang pumasok... Siguro ay naramdaman niya na kapag pumasok siya ng maaga ay tatabihan ko siya... Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa may sulok at doon pinagmamasdan siya sa malayo... Buong meeting, hindi naalis ang mga mata ko sa kanya... Umaasa na baka magkasalubong ang aming mga mata... Ngunit wala talaga... Ni sulyap man lang ay hindi niya ako biniyayaan... Matatapos na ang araw, ni isang salita wala akong narinig sa kanyang mga labi... Ewan...

Natapos ang meeting, ayoko nang tumagal pa dito... Papalabas ng eskwelahan, nakasalubong ko siya, nakikipag harutan sa kanyang mga kasama, masaya sila, kaya't akala ko'y makakausap ko na siya... Lumapit ako at hinawakan ang kanyang buhok... (Ito ang pagbati ko sa kanya dati...) Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya... Kinuha niya ang kamay ko at binato papalayo sa kanya... Sabay tumakbo siya papalayo... Hindi na ako lumingon pa para tignan siya... Baka lalo lang madagdagan ang sugat na namuo na sa aking puso... Sa pagkakataong iyon, doon ko naramdaman, na ayaw na talaga niya... Noon ko pa nakikita pero nagpapamanhid lang ako... Ayaw ko siyang lisanin, ayaw ko siyang iwan... Pero anong magagawa ko... Siya na ang umiwan sa akin...

Panahon na siguro upang tumigil na ako... Masakit... Sobrang sakit ang nararamdaman ko... Ang hirap pala ng ganito... Akala ko madali lang... Naiinis ako sa sarili ko... Bakit ako naging mahina... Bakit wala man lang akong nagawa para manatili siya... Bakit wala man lang akong nagawa para hindi na siya muling lumisan pa... Napakaraming tanong... Ang hirap sagutin... Ang hina ko... Nakakahiya ako...

Sa panahong ito, ako naman ang lumisan ng hindi nagpapaalam... Kasabay nito, iniwan ko na rin ang nararamdaman ko dito sa sarili kong paraiso, marahil ay sa muling pagbalik ko dito, may makatagpo nito upang ibalik sa akin... Ipinagkatiwala ko na sa iyo ito mahal kong Infanta... Sumakay na ako ng bus, at pinilit na lisanin ang lugar kung saan nagsimula ang lahat... Habang ang bus ay tumutulay sa makipot na daan sa tabi ng kabundukan... Muli kong sinilayan ang kabundukan ng Sierra Madre... Kay ganda... Sana makaya ko ito... Pagabi na pala... Nakita ko ang araw na unti unting nagtatago sa likod ng kabundukan, kasabay nito ang pag pikit ng mata ko at pag sabi ng...

"Paalam aking mahal... Hanggang sa Muling pagsikat ng araw..."

Sana ay hindi pa ito ang huling yugto ng aking kwento... Pero sa ngayon ay isasarado ko muna ang libro, at itatapon ang susi nito... Pero, hindi pa rin ako tumitigil sa pag aasang, muli niya itong hahanapin at bubuksan muli ang libro... Marahil ay hindi pa ngayon... Marahil ay hindi na kahapon... Marahil ay hindi pa bukas... Balang araw... Oo, balang araw...

Wakas... (Sa ngayon)

Labels: , ,


posted by icarus_05 @ 5:12 AM Comments: 21

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>