Saturday, October 21, 2006
Secrets Revealed...
Ok, matapos ang ilang araw... Nako pinahirapan ninyo ako, napakarami ang nagtanong.. hehe.. Sasagutin ko ang mga iyan sa abot ng aking makakaya...
Heto naaaaah...
Karla asked... sino na present labidoobss mooo XD
Haha! Wyena pa rin of course... Kahit na bihira pa rin siya nagpaparamdam, tinitiis ko na lang... Hehe... Ganun ako ka hopeless pagdating sa love! Kilala mo na naman ako Karla eh! XD And si ano... Yung lagi kong ka date sa Ran! :-> Jonnazel asked... kamusta na si icarus ngayon?
Well, Icarus is well and fine! Thanks for asking! Nakapahinga na ng maayos dahil sembreak na! And maybe nextweek makakauwi na ako ng Infanta... :) Watch out, baka matuloy na ang Til They take my heart away series! I hope... Well, Heneroso asked a very personal question... Here goes...
Heneroso asked... Nagkaroon ka ba ng feelings kay Jaemie? or Elay dati?
Hmm... Ikaw talaga... Kinabahan ako sa tanong mo ah... To be honest.. Yes... Para sa mga bloggers na hindi nakakakilala sa kanila... Si Jaemie po ang aking childhood chum, she was my bestfriend for almost 10 years. And Elay was my HS Espwen, pero ngaun di na siya nagpaparamdam, I dunno why... Ayan ah! Nagkagusto ako sa kanila nung HS na ko, I attempted to court Jae noon, pero nabigo ako... Haha! Si Elay naman, wala akong balak ligawan... Masaya na ako sa pagiging bespren niya... Ayokong masira ang aming pagsasama ng dahil lang sa feelings ko... Pam asked... how are you? kelangan mo pa rin ng girlfriend?
Haha! Nice one... Ok naman po ako... Medyo nakakaahon na mula sa mga problema ng kahapon... Girlfriend? Yeah! Kailangan ko pa rin ng Girlfriend! Isama ko na rin sina Jhed at Chino... Hekhek! Huway ju asked?! :-> Gary asked... ano ang totoong dahilan sa hindi paglaro ni bonbon custodio sa 2nd game ng final four against UST?
Ayon sa kumakalat na chismax sa Campus, binenta daw niya ang laro laban sa uste sa halagang 100k at isang kotse... Hindi ko sinasabing naniniwala ako, dahil yan ay haka haka lamang... Kung ano man ang dahilan, si bonbon lang ang nakakaalam... Ayokong magsalita sa mga bagay na wala akong kamalay malay.. hehe.. (Parang galit ah..) BTW, congrats nga pala sa USTe, talagang pinag dakdakan pa ng school nyo ang pagkapanalo nyo at kitang kita sa buong Espanya ang inyong pagka champion! hehe.. (Galit ulet ah...) Faye asked... ung tanong ko 2ngkol dun s post mo na "jealousy"...si j_ _ _ _ _ a ba?
Opo, hindi ka nagkakamali, siya po iyon... Ang pahabol... naka-isip na ba kayo ng pangalan ng banda nyo?
Nyahaha! I'm not the brains of the band, I only play the drums! Asked mo yung dalawang nag tatag ng banda! hehe.. As for now, "Elmoy" pa rin.. XD Kuya Rowjie asked... anong kanta ang masasabi mong kanta ng buhay mo?
Hmm hirap nito ah... (Searches iTunes...) Iba-iba ang kanta ng buhay ko eh... Depende sa sitwasyon na tinatahak ko... Kung isa lang naman, hmmm... Pare Ko... Hehe, many times na kasi nangyari sa akin ito eh... Pero not with a kolehiyala! :) Hmm, hindi ko talaga alam kung pano sagutin ito hehe... Sorry Kuya Rowjie! Mara and Potpot asked... musta?
Ok lang naman po ako! Thank you for asking! Kayo? musta?! Chino asked... yung mga moooooooooshy posts mu ba about getting over some1 o directed lamang sa iisang tao??
Hmm, some of the stories that I made are for someone... Sa mga gusto kong patamaan at sa mga nagpapatama! Hehe.. Meron na rin akong ginawa na for "getting over someone" at meron na rin na directed lamang sa isang tao... Pero, majority of the stories are fictional... Ok? Fictional... Hehe... Promise, maniwala man kayo o hindi... Adrian asked... bakit "chabs" ang nickname mo?
Haha! Napansin mo rin?! Anyhoo... Originally, ang nickname ko talaga ay Chavi or Chabi that came from my name which is riCHArd keVIn gets? Hehe, when my classmates back in grade 6 discovered my lame nickname, Ginawa nilang "Chabs" para naman daw mas bagay pakinggan kesa sa Chabi... (Hindi naman daw kasi ako mataba para tawaging Chabi...) Another theory was... Mataba daw ako nung baby pa ko... Sino bang hindi? Edgar asked... una: sino? sino ang tunay na baliw?... pangalawa at pangatlo: kung ikaw ay magiging superhero sino ka? at ano ang iyong superpowers?
Una: Sisa? O si Ate Glow? hehe... Choose at your own risk... Pangalawa: Tulad nga ng sinabi mo, gusto ko maging sugo... Sugo ni Kupido! Hekhek... Sounds cheesy.. Anyhoo... Pangatlo: Kumbaga sipa sa tagiliran ako ni Master Kupido, at ang hawak ko ay laser gun at hindi bow and arrows... Siyempre, modern na hello!.. Babarilin ko ang mga walang pakialam sa mundo, ang mga walang pakialam sa kalikasan, ang mga nag-aaway na magkatipan, ang mga magkaaway na bayan, ang mga magkakaaway at mga pinaglalaruan... Dahil paano magkakaroo ng peace kung walang love diba? Pag nangyari sakin ito, uunahin kong patamaan ang mga tao sa gobyerno para naman magkaroon sila ng malasakit sa mga sakop nila... Langya... At ang aking punchline ay... "Was here! Spreading Love..." ;) Jheanne asked... 1] nako! bat hindi kita nakikita sa chapel?!, 2] naniniwala ka ba na binenta nga ni bonbon ang game 2 naten vs. UST?, 3] bakit sobrang proud ang UST nung matalo nila tayo? sa kadahilanang nagpagawa pa sila ng malaking banner na nagsasaad ng "WE ARE THE CHAMPIONS", 4] totoo ba si super inggo? o si capt. barbel? o di kaya si pedro penduko? at, 5] bakit ang panget ng ending ng majika?!
Huwaw, ang dami... 1]Sori, dahil hindi na ako masyadong active ngayon sa CCP, pagbalik ni father promise, babalik na ako doon! Mag enroll ka na ng umaga next time para naman magkita na tayo! Hehe... 2]Oo, at hindi... bow... Ayoko na magsalita ng kung ano-ano, mahirap na, taga UE ako.. baka ako pa ang madale ng aking mahal na Pamantasan... 3]Haha, hindi ko rin alam, tanungin mo sina Heneroso, Jhed at iba pa.. Hehe.. Patay, maraming taga USTe na bloggers at kakaunti lang tayo! XD 4]Sila'y mga hakahaka lamang at mga "Fairy Tale" bidas na inimbento ni Carlo J. Caparas at iba pa... Sila ang ginawang simbolo ng mga story writers upang gawing Inspirasyon at tularan ng mga kabataan... 5]Panget ba? Sorry, di na ako nanunuod ng TV eh, marahil ay sa kadahilanang mahirap mag isip ng matinong ending sa isang kwento... Promise... Kahit ako... Vinkz asked... Ilang babae na ang nagpatibok sa puso mo. At sinu-sino sila?
Ayos ah.. Hehe.. Marami na ring mga babae ang nagpatibok ng puso ko... Pero sad to say, hindi lahat naging akin.. Hekhek... Ung una nung grade 5 ako.. Well you could say it is puppy luv!, Yung pangalawa nung 1st year ako, sad to say basted ako... Next was, 2nd year, siya yung textmate ko... My 1st long distance relationship.. Next was nung 3rd yr ako, 2nd yr yung GF ko... No comment bout that... 3 times akong nainluv nung 4th year... Yung isa, siya yung dahilan kung bakit ako lumipat ng Infanta, 2nd Siya yung ex ko... 3rd syempre si Wyena, na hanggang ngayon ay hinihintay ko... Ngayong college... Well nakwento ko na siya sa "Jelousy" post ko... No comment bout that. Maraming crushes, pero wala lang yon! hehe.. So kung ittally mo lahat.. 4 lang naging GF ko.. Believe it or not! P.S. Some of them appeared in one of my stories! Try to find them there! ;) Sa wakas... Tapos na! hehhe... Sana'y nasagot ko ng maayos ang mga tanong ninyo! Kung may gusto pa kayong malaman tungkol sa akin... I add nyo na lang ako sa YM at magpakilala kayo... Nasa profile ko ang aking YM Id! :) Pasensya na doon sa mga hindi ko nasagot ng maayos... Ang hirap eh! Hehe.. Lalo na kay kuya Rowjie, sori talaga! hehe.. Anyhoo, mahaba na ito masyado... Promise, I'll come up with a better post next time! :)
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|