Monday, October 09, 2006


The Melodies of Life...


The only thing that revives my broken soul...

Nang pinili ko ang career sa bowling, unti-unting naglaho ang isang bagay na napamahal ako lubusan... Nawala ang isang bagay na nagpapabuhay sa akin tuwing ako'y pagal at nanghihina... Nawala ang musika sa buhay ko... Oo, malungkot, malungkot na malungkot... Sapagkat wala na ang dating sigla tuwing ako'y kumakanta, nawala na ang sigla nang may mga kasamang sabay na sumusunod sa bawat himig ng gitara... Naiwan na lamang sa mga ala-ala...

Nung ako'y tumungtong ng kolehiyo, sinabi ko sa sarili ko... "Hinding hindi ako hahawak ng gitara, hinding-hindi ko sasabihin sa mga bagong kaklase ko na marunong akong tumugtog ng instrumento..." Ito ang ginawa kong "challenge" para sa sarili ko para malaman kung kakayanin ko bang mawala pansamantala ang musika... Matapos ang ilang linggo... Kinausap ako ng aking mga "NFF"... "Coronacion, marunong ka bang mag drums?".. Natigilan ako panandali... Mukhang... Mukhang ako'y natutukso... Hindi, ayoko, huwag! Haay, hindi ko napigilan... "Ah, oo, pero onti lang... Sa totoo lang, gitarista ako..." Yun ang lumabas sa bibig ko...

Inaya nila akong tumugtog sa isang studio na malapit sa UE, doon sa tinatawag nilang "bodega"... Noon lang uli ako nakahawak ng "drumsticks" matapos ang apat na taon... Nakakapanibago, sapagkat hindi ito ang "forte" ko... Tinanong agad nila ako kung alam ko ba ang ganito, ganyan... Ngunit ako'y umoo lamang kahit hindi... Dahil puro "punk" at "emo" ang kanilang binabanggit na kanta... Bago lang sa akin yon sapagkat ang genre ko talaga ay Rock, Acoustic, kumbaga... Rockoustic... Pero nakumbinsi sila ng mga kaklase ko na nagsilbing audience na tugtugin ay ang mga sikat na OPM pangkasalukuyan... At least, alam ko ang mga iyon kahit papano... Nung una, nagkakamali pa ako... Napapahiya ako sa mga kaklase kong, hayop sa galing mag gitara... Sinabi ko sa sarili ko.. "Nako, mukhang hindi kami tatagal..."

Nagkamali ako, nang tumagal, mas lalo pang lumakas ang samahan naming magkakabanda... Nagkasundo rin kami sa aming mga genre... Habang tumatagal, hindi na kami nagkakamali.. or rather, hindi na ako nagkakamali... Napraktis ako, kahit wala akong drumset sa bahay... Pero hindi pa ako "magaling"... "marunong" lang...

Akala ko, tuluyan nang nawala ang pinakamamahal kong musika... Akala ko, nawala na nang tuluyan ang bumubuhay sa akin... Pero, nagkamali ako... Hindi ko maiwanan ito, hindi ko makalimutan ito... Kahit sa sandaling panahon lang, pinipilit kong hawakan muli ang kasama sa bawat problema... Ang aking gitara... Masarap pa rin pala ang pakiramdam... Ang bawat pag strum nito at pag kinig sa bawat himig na lumalabas mula dito... Nakakakalma, matahimik...

Sa kabilang banda, ito rin ang natatanging daan upang malabas ko ang lahat ng sama ng loob naka ipit sa ikaibuturan ng aking puso... Sa bawat palo sa snare, clappers, hi-tom, mid-tom, floor-tom, cymbals at pag tapak sa bass drum... Sa bawat sigaw ng aking mga kabanda tuwing kami'y nagkakantahan... Sa bawat palakpak ng aking mga kaklase bilang pag pakita ng kanilang suporta... Napakasaya... Dito ko nararanasan ang pagiging malaya... Kahit isang oras lamang, kahit sa sandaling panahon lamang... Malaya ako... Kasama ng musikang pinakamamahal ko...

"Idaan sa musika ang bawat problema..." Ito ang lagi kong sinasabi sa mga kaibigan kong nawawalan na ng pag asa... Kahit sa maliit na paraan, sana ay makatulong sa kanila ito... Tulad na lang ng pagtulong nito sa akin...

"Aanhin pa ang gitara, kung wala nang pag-aalayan ng musika?" Ito ang inimbento kong motto... Haha! Medyo corny pero, iyan ang nararamdaman ko noon... Nawalan ako ng inspirasyon ika nga... Nawalan ako ng "urge" na gumawa muli ng composition... Pero mali pala ako... Nandyan naman pala si God... Saka niya ko na lang inalay ang bawat tugtog ng gitara ko... Sa kanya ko ibinigay ang bawat paghimig ko... Sa kanya...

Wyena... "The music that we shared together... Will forever play here in my heart..."

posted by icarus_05 @ 12:11 AM Comments: 9

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>