Monday, October 02, 2006


Hiding Behind a Mask...


I'm an Actor, without his stage...

I'm not myself lately... The feeling of being alone is taking over my whole consciousness...

This letting go thing is making me crazy... Akala ko nung una, madali lang ang mag let go sa isang tao... For days now, I've been feeling some sort of "withdrawal syndrome"... Ewan... Siguro dahil, nasanay ako ng lagi siyang nariyan upang pasiyahin ako... Lagi siyang nariyan upang lambingin ako, yakapin ako... Lalo na ngayong umuulan na kailangan ko ng kayakap... Marahil ay hindi ko pa pala kaya na bitiwan siya... Marahil ay mahal ko pa nga talaga siya... Dahil kahit anong tanggi ang gawin ko, laging may ginagawa ang tadhana upang pabalikin ang mga ala-ala ko sa kanya...

Kahit anong gawin kong pagpapatawa, kahit ilang beses akong magpakita ng mga ngiti, lumalabas pa rin ang katotohanan... Hindi kayang itago ng maskara ang aking pighati... Marahil ay saya at tawanan ang ipinapakita ko sa labas... Pero naramdaman nila ang kalungkutan na ikinikimkim ko sa aking dibdib... Iba talaga kapag may karanasan kang umarte sa entablado... Alam mo kung papaano i-arte ang lahat ng bagay. Alam mo ang arte sa hindi na hindi nahahalata ng mga tao... Pero hindi ko akalaing pwede pala itong magamit sa totoong buhay..

Ang katotohanan ay lalabas din, kahit anong gawin kong pagtago... Hindi ko na kaya... Alam kong may problema ako, ngunit hindi ko alam kung ano ito... Hindi ko alam... Nasisiraan na ako... Wala lagi sa kondisyon, wala lagi sa pagkatao... Minsan masaya, minsan tahimik... Tulala sa kawalang... Tulungan nyo ako... Tulungan nyo akong hanapin ang problema... Tulungan niyo akong ibalik ang musika sa aking puso... Maibalik ang dating ako... Ang dating Icarus na nakilala niyo...

Kay sarap matulog... Matulog ng panghabambuhay... Humimlay sa malambot na kandungan ng inang kalikasan... Kasabay ng bulong ng kanyang amihan...

Kay sarap pagnilayan... Ang matatamis na pangakong iyong binitawan... Mga pangakong tuluyan nang napako... Sa silakbo ng kawalan...

Kay sarap manahimik... Manahimik panandali... Pag-isipan ang mga bagay-bagay, na gumugulo sa dibdib...

Kay sarap umupo... Kasabay ng mga ibong humuhuni... Sa sandaling pamamahinga... Doon ko nararanasan ang ligaya...

Kay sarap marinig... Marinig ang iyong mga salita... Bawat pangarap mo, at bawat banggit na mahal mo ako...

Sana lang totoo ang lahat... At hindi ako nananaginip... Marahil ang lahat ay bala't kayo lamang, at ang mundo'y nakatago sa likod ng maskara...

Sino kayang hahawak sa aking mga kamay? Sino kaya ang magbibigay sa akin ng bagong buhay? Ang bagong buhay na matagal ko nang pinangarap... Ang bagong buhay na matagal ko nang hinahanap... Sino kayang mag aalis ng aking maskara... Ang maskarang puno ng pagpapanggap at kasinungalingan? Sino kaya ang gigising sa akin... Gigising sa akin sa katotohanan? Sa katotohanang lagi kong tinataguan... Sa katotohanang lagi kong inaayawan.. Dahil alam kong hindi ikaw ang makikita ko roon... Gusto kong manatili sa pangarap na ito... Ang pangarap na ikaw lang ang katabi ko... Ang pangarap na tayo lang hanggang sa huling hinga ko... Ayoko nang hinaharap... Gusto ko lang ang nakaraan na... Ayoko nang matapos ang mga panahong iyon... Pero wala na akong magagawa... Nangyari na ang dapat mangyari...

Sino ka man... Sana'y tulungan mo akong makabangon... Makabangon sa panaginip na ito... Sana'y pag gising ko, ako ay yayakapin mo... Yayakapin mo ng mahigpit... Sapagkat sa bawat yakap lamang ako nabubuhay... Dahil sa bawat yakap, nararamdaman kong hindi ako nag iisa... Kung sino ka man... Sana magpakita ka na... Sana magpakilala ka na...

Umaapaw na ng pag ibig ang aking puso, na dapat ay nakalaan para sa kanya.. Ngunit sa sobrang pag taas nito, unti unti itong natatapon... Nasasayang lang... Iniwan ang puso kong punong puno ng pagmamahal sa yo... Ni hindi ka man lang kumuha kahit kakapiranggot lang... Ni hindi mo man lang ako sinubukan... Hanggang dito na lang ba? Dito na ba nagtatapos ang ating kwento? Ito na ba ang wakas?.. Sana ay hindi pa... Hindi pa.. Hindi pa...

posted by icarus_05 @ 7:30 AM Comments: 7

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>