Monday, September 25, 2006


Why are you still Haunting me?!..


I'm trying to get you out of my life... Yet...

Bakit ganon? Pilit na kitang kinakalimutan pero lagi kang nagpaparamdam... Tapos na ang lahat... Hindi na maibabalik pa ang nakaraan... Oo, ginusto ko dating maibalik iyon, pero wala na talaga, naglaho na nang tuluyan... Kelan mo ba ko lulubayan? Move on... As I do too...

Harsh ba? Ewan... Yan nararamdaman ko ngayon matapos kong malaman na ginagamit niya ang pangalan ko... As E-mail address... Ano ba dapat kong maramdaman? Hindi eh.. Hindi ako flattered... Medyo nakaka... nakaka ano.. ewan.. GRRR!!!! Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko... Haay... Basta...

Sorry for the lame post... Naglalabas lang ng sama ng loob... Ang susunod na mababasa ay kailangan ng patnubay ng magulang...

PUNYETA! ANAK NG PAKSHET! AMPOTANESS! Bakit ba kailangan pang gamitin ang pangalan ko?! Ang tagal na non, nakalimutan ko na iyon... Pero, ayan ka nanaman, bumabalik... Ayoko na... Nagsinungaling ka sa akin... Nagsinungaling ka... Ilang beses mo akong pinaiyak, ilang beses mo akong binalak na iwanan nung tayo pa... At ngayon, nagpaparamdam ka na? Ano ba... Ang gulo... Tama na... Magulo na lablayp ko, pwede ba... Ayoko nang may dumagdag pa... Haay... Masyado nang magulo ang buhay ko... Ni wala na akong panahon para sa sarili ko... Tama na, ayaw na kitang masktan pa... Panahon na para umalis ka na sa anino ko... Panahon na para mag move on ka... Hindi lang ako ang lalaki sa mundo, marami pang iba jan na mas deserving sa pagmamahal mo... Wala akong kwenta... Napahamak ka lang dahil sa akin... Nagulo lang ang buhay mo dahil sa akin... Bakit ba? Ano bang meron sa akin at di mo ako maiwan-iwanan?..

Siguro, matapos niyong basahin ito... Iba na ang magiging tingin niyo sa akin... Ang maskara ng love life ko... Tuluyan nang nababasag... May masaklap akong nakaraan... Ayoko nang ikwento pa, baka hindi ko na kayanin at magwala nanaman ako tulad ng dati... Nawa'y intindihin ninyo ang kalagayan ko... Siya ang girlfriend ko dati... Mag iisang taon na din kaming hiwalay, pero ewan ko... Hanggang ngayon daw ay may pagtingin pa siya... Ayon, ginamit pa ang pangalan ko sa email address niya... Iyon lang naman ang kinagagalit ko eh... Ewan ok ba, sa tuwing nakikita ko siya, may nararamdaman na akong takot sa kanya... Kakaibang takot... Ewan, takot na ako sa bawat tingin niya, takot na ako pag naririnig ko ang boses niya... siguro takot na akong masaktan muli, takot na akong saktan siya...

Ngayong nakahanap na ako ng iba, panibagong buhay na ang kinakaharap ko... Pilit ko nang binabago ang sarili ko... Pilit ko nang binabago ang asal ko... Salamat sa kanya, natuto na ako... Salamat sa kanya, nalaman ko na ang dapat na gawin...

Masaya na ako... Naka move-on na ako... Sana ikaw rin... If you really love me, then please, let me go... Hangad ko lang naman ang kaligayahan mo... Marahil ang kaligayahang hatid ko sa iyo ay pansamantala lamang, alam kong, nariyan lang siya upang ibigay sa iyo ang kaligayahang tunay mong hinahangad... I'm really sorry... Tandaan mong, lagi kang kasama sa bawat panalangin ko... Thank you... Thank you for the memories...

lame post... Basahin niyo na lang ung last post ko... This is pure nonsense...

posted by icarus_05 @ 8:32 AM Comments: 10

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>