Tuesday, November 28, 2006
The Minstrel's Magic...
Remember from my last posts? I included songs that are original compositions of mine? Well, some bloggers asked me on how to do stuff like that... Since, wala naman akong ma ipost ngayon... I will try my best to give some pointers and tips... Heto na... Para to kay Edgar...
Things here are not really what song writers do... So, nasa sainyo pa rin kung susundin niyo o hindi... Ito lang ang mga bagay na ginagawa ko tuwing gagawa ako ng kanta...
Ang una...
Be sure to have your topic... Mag-isip kayo ng isang topic na gusto niyong kalalabasan ng kantang gagawin niyo... Pwede itong maging kanta para sa inyong minamahal, o pang harana ika nga... Pwede naman itong emoness at walang kamatayang suicide... Pwede rin itong tungkol sa barkada... Ikaw ang bahala, ilabas mo ang laman ng iyong puso't damdamin...
Ang pangalawa...
Gumawa ng isang tula... Oo, tula... Hindi naman kailangang tula siyang formal... Hindi kailangan ng tugma at bilang ng pantig... (Pero, mas maganda ang kalalabasan kung may tugma siya) Siyempre, kailangan in relevance siya doon sa topic na naisip mo...
Exempli Gratia:
Lumilipad ang aking puso Abot sa dulo ng mundo Sana'y marinig mo Totoo lahat ito..
Ayan, may isang "verse" ka na... Well, depende sa iyo kung ilang stanza ang gusto mo... Basta ba, iisipin mo rin, yung oras na maaaring kainin niya kung masyadong maraming stanza... Pwera na lang kung gagawin mong rap tulad ng kay Gloc-9...
Ang pangatlo...
Ngayong natapos mo na ang tula... Hatiin mo na ito... Isiping mabuti kung anong gagawin mong Verse 1, verse 2, verse 3, pre chorus (although hindi naman ito everytime na kailangan), at chorus... Basta pakatandaan na ang chorus ay dapat may dating at magandang pakinggan kung uulit-ulitin... Matapos mong gawin iyan... Humanda na sa pinakamahirap na istep...
Ang pang-apat...
Ang pag lapat ng tono... Una sa lahat, isipin muna kung anong klaseng genre ba ang gusto mong gamitin... Pwedeng rock, emo, senti, acoustic, reggae, bossa nova... Nasa sa iyo ang desisyon... Kung ako ang tatanungin, mas sanay akong gumamit ng mga kantang acoustic, senti at reggae... Mas madaling gumawa at ramdam ang emosyon... May dalawang klaseng pag lapat ang maaaring gamitin... Pwedeng music muna... Pwedeng tono muna... Explain nating mabuti...
Pwedeng music muna... Pano gawin ito? Una, kumuha ng gitara o piano o ano mang instrumentong nais ninyo... (Paunawa, ito ang ginagawa ko...) Mag isip muna ng chord pattern, syempre, dapat tugma ito sa genre na pinili ninyo... Kayo na bahala kung gusto niyo ng strumming o plucking... Example ay ang walang kamatayang "G-Em-C-D" na chord pattern... Na chords din ng Hawak Kamay, Sampip at iba pa... Pwede mong iba ibahin ang chord pattern, lalo na pagdating sa pre chorus (kung meron man) at sa chorus, at sa bridge (kung meron man). Ang problema sa teknik na ito ay, limitado ang tonong magagamit mo... Dahil nakakulong ka lang sa chord pattern na gamit mo... Ito ang kadalasang ginagamit ng mga beginners, tulad ko...
Kung tono muna ang uunahin, well, hindi ko pa ito nasubukan, pero ayon sa aking sources... Mas madali daw ito... Ito rin ang suggestion ko sa mga aspiring composers na hindi pa marunong tumugtog ng kahit anong instrumento... Iisipin mo ang tonong naisin mo sa bawat stanza... At pag nabuo na, kapain na lang ang chords... Ang problema naman sa teknik na ito ay, walang pagbabasehan ng tono at mahirap kumapa ng chords...
Maari niyong gamitin ang kahit ano man sa dalawa, nasa sainyo ang desisyon... Gamitin ninyo ang teknik kung saan kayo komportable...
Mga tips...
Kapag nag lalapat ng tono, at ang unang teknik ang ginamit ninyo... Tandaan na maaring paulit ulit lang ang tonong kalalabasan ng inyong stanzas... Para maiwasan ito... Gawin ang teknik ng Rocksteddy at ni Noel Cabangon... Pareho ang tono ng 1st and 2nd stanza, tapos pagdating sa 3rd stanza iibahin niyo ng bahagya at pagdating sa 4th, pwedeng pareho ng 3rd o pwede ring pareho ng 1st at 2nd... Pero pakatandaan din na ang routine na ito ay nakakasawang pakinggan kung pauulit-ulitin...
Ang pang lima...
Ngayong tapos na ang pag lagay ng tono... Poproblemahin mo na ngayon ang pag alala sa tono... Mayroong mga taong kapag nagtagal, o matapos lamang ang ilang minuto, nakakalimutan na ang tono, kaya gagawa muli ng bago... Masakit ito sa ulo at sobrang time consuming... Kaya ang dapat gawin... Pagkatapos pa lang ng paglapat ng tono, kantahin mo ang buong kanta ng sampung beses na walang tigil... Tignan ko lang kung makalimutan mo pa... Okaya naman sa mga tinatamad, pwedeng irecord ang buong kanta, at pakinggan na lang paulit ulit... Iyon ang ginagawa ko...
Tandaan na ang lyrics na nagawa mo ay hindi pa final... Maaari mo pa itong baguhin in the process of putting up the tune... Pwede mo pang baguhin ang lahat... Nasa sa iyo iyon...
Well, ito lang naman ang mga tekniks na ginagamit ko... Kung sanay ka na, maaari kang makatapos ng isang kanta sa isang araw, okaya naman isang kanta sa isang oras... At syempre, malaking factor parin ang inspirasyon... Sana ay may natutunan kayo... Kung may mga tanong kayo, marapat lamang na ilagay sa komento... Sasagutin ko ang mga tanong ninyo... Maraming salamat... Maglalagay ako ng example dito.. Although na ilagay ko na siya sa isa kong post... Paborito ko ito sa mga nagawa kong kanta... At hindi ko na ito mapantayan... Hehe.. Enjoy...
See you Smile Words and Music: Richard Coronacion (icarus05) Sung by: Pearl Kaye Hilario
|
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
|