Thursday, November 09, 2006


Close to the End...


I'm still hanging on... But I'm right at the edge...

Dahan dahang umusad ang lumang FX na sinasakyan ko sa kalagitnaan ng highway ng trapik na Quezon Avenue... Inabot na ako ng hapon kanina, dahil sobrang walang masakyan... Bihira akong umuwi ng ganitong oras lalo na't galing ng UE... Pag lulan pa lang ng FX, bumagsak kaagad ang aking mga mata... Nandilim ang paningin ko at wala na akong makita...

Simula ng mangyari iyon, lagi na lang akong madaling araw nakakatulog... Lagi kong kaaway ang aking katawan, lagi kong kaaway ang aking utak, lagi kong kaaway ang aking puso... Matagal tagal na rin ang nakalipas... Pero ewan ko ba, hindi pa rin pala ako nakaka move-on... Kaya ko pa nga ba? Ewan, hindi ko rin alam...

Totoo pala talaga, na tuwing in love ka, hindi ka nakakatulog sa gabi... At tuwing broken hearted ka, ganito rin ang mangyayari sa iyo... Kung susuriing mabuti, nakakasira palang talaga ang love sa ating pagkatao... Diba?

Dati, noong nagsisimula pa akong mag blog, binalak kong maging isang blog ito na punong puno ng katatawanan tulad ng kay Heneroso, pero gamit ang mga storya na naiimbento ko tungkol sa love... Storya ng pag ibig na magpapakilig sana sa masang Pilipino... Pero hindi ko inakala, na magiging ganito pala ang magiging kalalabasan ng aking blog... Naging Emo o Hate blog na ito... Malungkot lagi ang eksena... Malungkot lagi ang mga post... Marahil ay nakaapekto ng malaki sa akin si kilala nyo na... Marahil ay talagang napabago niya ang pananaw ko sa buhay... Kahit sa totoong mundo, ganito rin ako... Tahimik lagi at laging mukhang problemado... Pero kung tinatanong ako ng mga tao, pare pareho lang ang sinasabi kong problema... Hindi nagbabago... Nagbago na nga talaga ako... Nawala na ang masiyahing tao at punong puno ng pagmamahal sa kapaligiran... Nawala na ang palangiti, palabiro at pala kantang Chabs na nakilala ng mga tao... Naging si Icarus ako... Punong puno ng kalungkutan at problema... Punong puno na...

Marahil ay kailangan ko lang talaga ng karamay... Lalo na ngayong hindi pa nag hihilom ang sugat na napuna ng aking puso... Masakit pa rin hanggang ngayon... Hindi ko pa rin siya nakakalimutan... Hindi pa rin ako ganap na naka move-on... Niloloko ko lang pala ang sarili ko... Pinipilit ko ang sarili ko sa isang bagay na kahit kailan ay hindi na magbabago...

Pasensya na kayo kung medyo matagal tagal akong nawala... Talagang wala lang ako sa sarili ko nitong nakaraang mga araw... Marami akong iniisip, at gusto kong mapag isip ng mag isa... Gusto kong linawin ang lahat at ituwid ang mga pagkakamaling nagawa ko noong nakaraang mga buwan... Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng panahon para sa sarili ko... Pwede na itong simula... Kahit maliit na bagay lamang... Medyo wala ring sense itong post ko, kaya tatapusin ko na lang...

Gumising ako, lulan ng FX, at napansing nasa SM Fairview na pala ako... Buti na lang at nagising ako... Pagbaba ko, tulog pa rin ang kaluluwa ko... Para akong naglalakad na bangkay sa loob ng SM, hindi nagsasalita, nakatingin lamang sa isang lugar... Hindi kumikibo... Hindi makausap... Pagdating ko ng bahay, isang tao agad ang pumasok sa isip ko... Gusto ko siyang makausap, pero wala pa siya, gusto ko ulit marinig ang kanyang boses pero wala siya... Hinintay ko siya, pero nakaligtaan ko siya, marahil ay nagkasalisi lang kami...

Ikaw, kilala mo na kung sino ka... Miss na kita bebwi sis koh... Sorry...

"How can I forget someone who totally changed me? How can I forget someone who understood me when no one was there to understand? How can I erase the memories, when you are all I could ever think about? How, tell me how... How can I forget you? For you are my only love... Maybe death is the fastest possible way... Maybe... I'll just sleep myself to death, til they take my heart away..."

Sorry guys... Promise, I will post some read worth posts soon... Im just not in the mood today... Marahil hindi kahapon, marahil hindi ngayon, marahil ay hindi pa bukas... Balang araw, Oo balang araw... Salamat sa mga dumaan...

posted by icarus_05 @ 6:36 AM Comments: 9

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>