Sunday, April 15, 2007


An Actor, A mime, Six Feet Under...


You came, you saw, you conquered...

Ininda ko lahat ng pagsubok, tiniis ang lahat ng sakit, kinalimutan ang masaklap na nakaraan... Pero bakit ganon, simpleng ikaw lang.. Hindi ko na napigilan... Naging mababaw na ang pagtulo ng luha sa aking mga mata... Ito ba ay sanhi ng sugat na natamo ko sa aking nakaraan? O ito ba ay dahil sa... Totoo ngang nahuhulog na ako sa iyo...

Nakilala kita sa mundo ng 'Virtual Reality', ni hindi ko nga inakala noon na magiging malapit ako sa iyo at ikaw rin sa akin... Hanggang sa pag tagal, hindi na napigilan ang nararamdaman ko... Ako nga talaga'y nahuhulog na sa iyo... Kahit na, hindi pa tayo nagkikita...

Ginawa ko ang lahat para mapasaya ka, ginawa ko ang lahat para maging karapat dapat ako sa pag ibig mo... Ginawa ko ang lahat para hindi na maulit muli ang mapait na nakaraan na napagdaanan ko... Ngunit hindi pa pala sapat ang lahat na naibigay ko... Kulang pa... Pero ano iyon? San ba ako nagkulang...

"History repeats itself" ika nga nila... Ang mundo ay paikot ikot lang, hindi ito tumitigil... Marahil ay mangyari ulit ang mga nangyari na sa nakaraan... Pero hindi ko inakala na magiging ganito kaaga ang aking karma... Hindi ko inasahaan na pati ikaw ay mawawala...

Simula nang dumating siya, nag iba na ang trato mo sa akin... May mga panahon na sinusungitan mo ako, may panahon na hindi ka man lang namamansin... Marahil nga hindi ko naibigay sa iyo ang atensyon na dapat kong naibigay noon pa man... Ako rin ang may kasalanan ng lahat... Ako mismo ang nagdulot nito sa aking sarili... Alam ko, ako talaga ang mali... Hindi kita masisisi kung hindi ka na masaya sa piling ng isang hamak na tulad ko...

Pinairal ko ang aking pagiging aktor, arte lang lahat ng emosyon na naipapakita ko sa entablado... Peke ang bawat ngiti at bawat galak... Nakatago sa isang maskarang hindi na muli pang matatanggal... Sa bawat ngiti ay higit ang totoong paghihinagpis na nararamdaman... Sa bawat tawa ay nagwawala na ang aking damdamin... Tila gusto na talaga nitong lumabas sa aking dibdib upang masabi sa iyo ang tunay na nadarama...

Pero, tulad nga ng sinabi mo... Huli na ang lahat... Huli na pala ako... Ni hindi ko man lang naramdaman na nasa isang laban na pala ako... Walang kamalay malay na sinaksak na ako sa likuran... Huli na ang lahat... Hindi na muling mababago ang nakaraang nakalipas na... Hindi na mababago ang nasabi na... Hindi na... Hindi na pala...

Lumuhod ako sa tabi ng altar. Nakatingala sa kalawakan.. Tanging dasal sa maykapal na bigyan nya ako muli ng isa pang pagkakataon, isang pang panahon na muling mapalapit sa iyo... Babaguhin ko ang nakaraang lumipas na... Babaguhin ko ang buhay na nakagisnan ko na... Hindi na ako muli magpapa api... Hindi na ako muling magiging mahina... Gagawin ko ang lahat para sa iyo... Gagawin ko ang lahat para hindi ka mawala sa buhay ko... Gagawin ko ang lahat... Parang awa mo na, wag kang umalis sa buhay ko... Mahal kita, iyon talaga ang totoo... Mahal kita... Mahal kita...

Umupo ako sa tabi ng mga bulaklak sa isang malawak na hardin... Hawak ang isang patalim sa kanan kamay, at isa namang sulat sa kaliwang kamay... Handa na akong bumalik sa panahon o Diyos ko... Buhayin mo muli ako, sa panahong masaya pa kami sa piling ng isa't isa... Bigyan mo ng lakas ang aking punyal, para hindi mawala ang talas nito... Isaksak sa aking puso ang pagmamahal na matagal ko nang hinahangad... Parang awa mo na po, ibalik mo siya sa akin...

Humiga sa duyan ng kalawakan, tanging sinisigaw...

"Diyos ko, ibalik mo sa akin ang buhay ko... Mawala na ang lahat sa akin, wag lang po siya... Diyos ko, Diyos ko... Ibalik mo sa akin ang buhay ko..."

Labels:


posted by icarus_05 @ 8:15 AM Comments: 5

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>