|
Monday, July 23, 2007
Kalinga ng buwan...
Minsan tumingin ako sa buwan hinanap ka kung saan saan nanalangin, humiling sa bitwin nawa'y damdami'y iyong mapansin
luha ang dumaloy saking mga mata sa tuwing iniisip ang ating ala ala na minsang dumating ka sa buhay ko at lilisan din pala, ngayon lang napagtanto
binalot ng hangin ang yong mga salita umiyak, naghinagpis sa bawat gunita maibalik ka sa akin ang tanging hiling ikaw ang makatabi hanggang sa paggising
kahit ang buwan ang ating sandigan kahit pag ibig nati'y walang hanggan ngunit pag ang pangako'y na sira na tuluyan na lang palang mawawala...
Walang magawa sa buhey.. Walang ma ipost ng matino.. As usual, wala yan meaning. Labels: Drama, Love Life, Poems
Tuesday, June 26, 2007
Tired of Loving?..
Humampas ang hangin Sa kinang ng salamin Hindi na alam kung bakit Sabay ng mga mata kong pumikit
Hindi na baleng masaktan ako Basta't wag ka lang lalayo Dahil baka di ko na kayanin Pag ako'y iyong lisanin...
Sabihin mo sa aking mukha Ikaw ba'y nagsasawa na? Sa araw araw na pangugulit ko? Sa araw araw na paglambing sayo?
Masama na ba ngayon Ang mag hintay sa pagkakataon? Masama na nga ba Ang mag hintay sa iyo sinta?
Kaya't sabihin mo na Kung nagsasawa ka na talaga Para hindi na ko mag taka pa Kung isang araw, iwan mo ko bigla...
I haven't done this for a while... So I appreciate if you guys will comment on this ^_^.. It has no hidden meaning, I just felt the urge to write a sad poem XD.. If you guys like this one, I'll promise there will be more of this pretty soon... ^_^
Labels: Drama, Poems
|