Thursday, August 30, 2007
Heart to Heart Sessions...
Nang minsang mag heart to heart kami...
"O, ano na? Tuloy ba lakad natin?" ang nakangiting tanong ng aming driver. "Hindi ko alam kuya eh, kasi mag out of town daw sila." Tinignan lang niya ako na tila'y tinatawanan, tinapik niya lang ako sa balik at sinabing ayos lang yan, may panahon pa, matutuloy din tayo.
Ginising ng malakas na hiyaw ng sasakyan ang aming tahanan, dalian akong lumabas ng bahay para pumunta na sa sasakyan. Miyerkules nanaman, dadalo pa pala kami sa isang paligsahan sa bowling. Pag sakay ko sa passenger seat, sinalubong ako ng ngiti ng aming drayber at sabay sabi ng tara na.
Naging matagal ang biyahe, maulan at sobrang dikit na ang mga sasakyan. Bumper to bumper ika nga. Masyadong tahimik ang paligid, pero agad naman niyang binasag ang katahimikan. "O kumusta na kayo?" ang tanong niya. "Ayos naman, ganun pa rin" sagot ko na may kasamang mahinang tawa. Napatawa lang siya at napatahimik sandali, mukhang malalim ang kanyang iniisip.
Muli nanaman niyang binasag ang katahimikan nang bigla siyang mag kwento. At siyempre, bukas ang dalawa kong tenga at nakinig sa kanyang payo.
Nung ako'y hayskul pa lamang, mayroon akong babaeng minahal. Naalala ko, 4th year ako noon at siya'y 3rd year. New student siya noon tapos varsity ako ng eskwelahan namin. Nanggaling siya sa isang catholic school, isipin mo na lang, puro madre at pari ang namamahala doon. Hindi siya ganoon kaganda, hindi rin naman siya kapangitan. Talagang malinis siya manamit, dalagang Pilipina kumilos at sobrang bait! Noon, uso pa yung "slum book", yung parang librong pinapasa pasa tapos mag susulat ka doon ng gusto mong sabihin. Eh nagkataong nabasa ko dun yung sinulat niya na "Crush ko siya, ang galing niya kasing mag basketball". Nag sulat din ako ng "Crush din kita, nung unang beses ka pa lamang tumapak sa skul na ito." Nung mga panahon na yon, di pa ako marunong dumiskarte sa mga chicks. Syempre batang-bata pa ako noon. Edi nagpaturo ako dun sa kapitbahay naming may asawa na. Sabi nya "sabihin mo Mahal mo siya tapos kapag hindi ka nya sagutin, tatalon ka sa bintana!" Sumagot ako na "Paano ako tatalon eh wala namang 2nd floor ung eskwelahan?" Tapos, araw-araw kasama ko siya. Hatid sundo ko pa 'yon noon! Pasyal dito, pasyal doon. Tapos tinanong ko siya ng "kelan mo ba ako sasagutin?" sumagot lang siya ng "kapag mahal mo talaga ako, maghihintay ka". "May pag-asa ba ako?" Tinanong ko, ang sabi lang niya "Ewan ko." Pagkasabi pa lang noon, tuwang tuwa na ako. Syempre, kapag ewan ko ang sinabi, mayroon ka pa ring chansa kahit papaano diba? Edi iyon, hintay naman ako. Pero nung lumipas yung dalawang buwan parang hindi na kami masyadong nagpapansinan, dahil nga ang tagal na eh, naubusan na ko ng ikukwento! Tapos tinanong lang niya ako kung bakit daw hindi na ako namamansin, sinabi ko lang na "Wala na kasi akong maikwento sa iyo." Tapos sagot niya "O sige, para naman marami ka na ulit ma-ikwento sa akin, sasagutin na kita." Grabe, alam mo ung pakiramdam nung araw na iyon. Para akong lumilipad sa langit!
-To Be Continued Labels: Family, Heart to Heart Sessions, Stories from the heart
Sunday, August 26, 2007
Panahon na Naman...
May naririnig akong bagong awitin...
Sumikat ang matinding sinag ng araw sa kanyang mga mata isang umaga. Hindi na siya nagkaroon ng limang minuto upang mahimbing panandalian. Tumayo siyang bakas ang kalungkutan na naiwan ng madilim na kahapon, sabay pag pungay ng mga mata at pag tanggal ng katamaran sa katawan. Kay ganda ng araw na yaon, ngunit hindi maganda ang kanyang gising.
Pinilit niyang aliwin ang sarili niya upang mawala ang lumbay na nararamdaman. Pumunta siya kung saan saan para lang mamasyal. Ngunit nagkamali pala siya sa kanyang ginawa. Imbis na lumigaya ang kanyang puso, lalo pa itong nalungkot. Sapagkat saan man siya tumingin, naroon at may nakikita siyang mga magkasintahang magkahawak ang kamay. Tila kanila ang mundo, ang oras ay humihinto habang ang kanilang mga mata'y nagkakatagpo. Pinilit niyang ngumiti at maging masaya sa mga nakikita niya, pero hindi lang pala iyon ganoon kadali. Tumingala na lamang siya sa kalangitan upang kahit papano'y mapawi ang lungkot na nadarama.
Hindi naging matagumpay ang kanyang paglalakbay. Umuwi siyang luhaan, ni hindi man lang bumabakas sa kanyang mga mata ang ni isang katiting na tuwa. Pagal, sira, siya'y umupo panandalian.
Tumingala siya sa buwan upang manalangin. Nagbilang ng mga nalalaglag na tala sa kalangitan at iniipon ang mga hiling sa kanyang kaisipan. Hindi na niya alam ang gagawin niya sa buhay niya. Minsan, naiisipan niyang itigil na ang kalokohang ito. Minsan, gusto na niyang itigil na ang kanyang buhay. Pero hindi niya alam kung anong mangyayari kapag ginawa niya ito. Naguguluhan, nasisiraan ng ulo, nawawala sa sarili.
Muli nanaman siyang lumuha, naglabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng pagkanta. Binuhos ang lahat ng nadarama, sinigaw ang lahat ng hinanain sa kalangitan. Umaasa siyang maririnig ng kanyang sinisinta ang mga hinanaing na ito.
Pumikit siya panandalian, dinama ang malamig na simoy ng hangin. Sa kanyang tenga, tila sila'y umaawit ng mga himig na pilit na nagpapakalma sa kanyang kalooban. Tumigil ang mga luha, sabay na pagyakap sa kanya ng hangin. Binalot siyang muli nito sabay ng pagbulong ng "Tama na.. Tama na.."
Papasok na sana siya sa kanyang silid pero sa huling segundo, napatigil siya. Naramdaman niyang tila may naghahanap sa kanya sa hindi kalayuan. Lumingon siya at may nakita siyang isang pamilyar na anino. Dalian siyang tumakbo palabas ng kanyang tahanan upang salubungin ang magandang kapalaran.
Sa hindi kalayuan, nakita niya ang ngiti na kanyang hinahanap. Kahit papaano, bumakas na rin sa wakas ang katiting na ngiti na hinahangad niya. Muli nanamang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.
Pero naisip niya... Panghabang buhay na nga ba ang kaligayahang ito o bukas, muli nanaman itong mawawala?
Panahon na naman ng pag ibig. Mas lalo siyang nagkaroon ng pagasa. Pag asang bumangon muli mula sa kadiliman Sa kanyang mga mata, kita ang pagsisikap niya. Alam kong maghihintay lamang siya, hanggan sa... Huling patak ng kanyang mga luha. Labels: Drama, Stories from the heart
Saturday, August 18, 2007
Wikang Filipino... Nasaan ka na?!
Sabi ng mga nakakatanda, naging pabigat na raw ang henerasyon natin ngayon... Kesyo magastos tayo, kesyo tamad na tayo dahil sa makabagong teknolohiya, kesyo malalandi na RAW ang karamihan sa ating mga Maria Clara (no offense sa inyo ah?!), kesyo maingay na raw ang ating musika, kesyo ganito! kesyo ganyan! Minsan ba, naranasan niyo nang mainis sa kanila dahil sa pananaw nilang ganito? At eto pa ang isang tanong. Minsan ba, naramdaman niyo na rin ang mga nararamdaman nila ngayon?
Ako? Ngayon ngayon lang. Ewan ko ba. Hindi pa naman ako ganon katanda, pero parang nagiging matured na ang pag iisip ko.. Kasi, pumasok bigla sa utak ko ang kaisipang ito...
"Kung pabigat na ang henerasyon natin ngayon, paano pa ang susunod?"
Oo, ang susunod. Marahil, iyon na ang henerasyon ng ating mga anak, apo at apo sa tuhod. Kay bilis ng panahon ano? Pero, ano mang ligaya ang hatid ng mga ito sa atin, hindi pa rin natin mapipigil ang pag usbong ng teknolohiya, nagiging tamad na ang mga kabataan, at dahil sa teknolohiya, nawala na ang pagiging inosente ng mga pag-asa ng bayan. Hindi ko alam, pero, ngayon. Nakakarelate na ako sa mga pinagsasabi sa akin ng mga kamag anak na matatanda. Oo, marahil ay tumatanda na din ako, pero, gusto kong baguhin ito, kahit sa maliit na paraan na kaya ko. Napanuod ko din yung commercial sa TV nina Ceasar Montano at ng anak niya. Yung Coffee Mate. At ako'y medyo na ilang sa labas ng nasabing patalastas. Pure english ang salita. Aaminin ko, na elibs ako sa bata, ang galing niyang mag ingles sa kanyang murang edad, ni ako nga, hindi ako makapagsabi ng isang buong sentence ng derecho pwera na lang kung kakantahin ko ito eh. Pero, nailang ako sa side na, pure english siya. Paano na lang ang mga kababayan nating hindi marunong mag ingles? Maiintindihan kaya nila ang patalastas na iyon? Eh paano kung sinabi sa patalastas ay "It will make you sick to your stomach until the end of time" pero ang ipinakita sa telebisyon ay naginhawa mula sa malubhang sakit ang isang matanda? Bibili ka pa ba kung hindi ka nakakaintindi ng Inggles? Araw-araw, nasa bowling center ako, nagpapraktis. Marami akong nakikita, iba't ibang tao, iba't ibang pananaw, at iba't ibang lenggwahe. Oo, iba iba ang lenggwahe. Marami sa mga kabataang edad lima hanggang pito ay "fluent" na ang pagsasalita ng english. Magaling pa sa Prof ko! At nakita ko rin ang mga kabataang kasama sa henerasyon natin na Taglish naman ang kanilang "Native Tongue". Sobrang nakakailang. Gusto ko sanang sabihin na. "Parang awa niyo na. Kahit ngayong Agosto lang, mahalin niyo naman ang sarili ninyong wika! Nasa Pilipinas kayo diba?" Inaamin ko, isa akong Manila boy. Sa Maynila, mahirap makipagsabayan, lalo na kung di ka marunong magpaka "In" diba? Sinubukan ko dati iyang taglish na iyan, pero hindi ito umaprub sa akin, at nagmukha lang akong bakla. Pero, nagkaroon ako ng tsansang mamuhay sa probinsya. Dun ko na aapreciate ang ating sariling wika, dahil ang lenggwaheng gamit don ay Tagalog. Yung malalalim ba. Dahil sa karanasan kong iyon, lalong lumakas ang pag mamahal ko sa wikang Filipino. Dahil, mas lalo akong naging bukas sa mga pananaw, bukas sa mga ideya, at bukas sa Diyos.. Hindi ko na kailangan pang mag kunyari. Hindi ko na kailangang magpaka conyo para lang maging In. Masaya na ako sa pagiging Pilipino ko. Masaya na ako sa pagiging isang Indyo. Mas gugustuhin ko pang matawag na Bachellier con Artes con todos borricos (tama ba ispeling?) Kesa maging, "Trying-Hard-wanna-be poser." Mahal ko ang Wika ko, mahal ko ang bayan ko. "Proud Filipino to. Taas mo!" Nasa sa atin nakasalalay ang pagiging nasyonalistiko ng susunod na henerasyon, nasa sa atin nakasalalay ang kinabukasan nila. Pero, nasa sa atin din ang desisyon kung paano natin sila palalakihin. Good Luck sa atin. At tandaan nyo, lagi kayong kasama sa aking mga panalangin. Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p're
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia
Friday, August 17, 2007
Sa Mata ng Kalawakan...
Dahil Buwan ng Wika, kailangang gunitain. Kaya ngayon, tagalog muna ako.
Ang mga tala ang kanyang sandigan...
Binuhay siya ng isang malakas na palo ng hangin isang umaga. Bakas pa rin sa mga mata nya ang pag likas ng kanyang mga luha noong kinagabihang yaon. Matagal din siyang nakadilat, gising na ang kanyang kaluluwa ngunit wala pa rin siyang lakas para bumangon at sumabay sa hamon ng araw. Pumikit siya panandalian at binalak na muling managinip, dahil sa panaginip lang niya nararamdaman ang tunay na pagmamahal na hinahanap niya. Pero kahit anong gawin ng binata, lagi siyang nabibigo. Sa panaginip man o sa totoong buhay.
Nabuhay siya na binabalot ng maraming katanungan, ni hindi niya kilala ng lubusan ang kanyang sarili. Nabalot ng kadiliman ang kanyang puso at hindi niya alam kung ano ang tama at mali. Ngunit sa kabilang dako, ang mga katanungang ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang mabuhay ng mas matagal. Sa pag tahak nya sa mga kasagutan ay hindi niya akalaing tatagal pa pala ang pamamalagi niya sa mundo.
Tuwing gabi, ang mga luha ang kanyang pampatulog. Tuwing umaga, pag aalinlangang mabuhay pa ang gumigising sa kanya. Bakit nga ba naging ganito ang binata? Bakit napuno ng pangamba ang katauhan niyang minsa'y naging simbolo ng ligaya? Isa lamang ang kasagutan. Pag ibig.
Ibig lamang niyang lumigaya, pero sa halip ng lahat ng ginawa niya, naubos ang lahat sa kanya. Hindi naging mabuti sa kanya ang nakakarimariw na tadhana. Pinilit niyang umadyo sa mas mataas na bato pero sa bawat hakbang na ginagawa niya, ni hindi niya matapakan ang dapat niyang tapakan. Pinilit ng binata maging masayang muli, pero kahit anong gawin niya, nahihirapan na siyang ibalik ito.
Alam ko ang nararamdaman ng binatang ito. Alam kong hinahangad niya na muling mayakap ang kanyang sinisinta. Sa gabi, pilit niyang hinahanap ang mata ng kalawakan. Umaasa siya na muli siyang makakaduyan sa kandugan nito. Lumipad muli sa hangin kung saan masaya siyang kasama ang kanyang iniirog. Marahil nga ay pareho kami ng iniisip. Pareho kaming naririmariw sa dapat na maramdaman. Araw-araw, pilit ko mang mapagtanto ang katotohanan, lagi ko naman itong iniiwasan. Marahil ay iisa ang pag ibig na nararamdan namin ng binata.
Pag-ibig lang ang kayang gumawa nito: ang maging masaya kasabay sa pagiging malungkot. Marahil Diyos nga lang ang nakakaalam sa tunay na rason, pero ako? Nais ko itong malaman. Gusto kong makita muli ang pag-ibig na dati'y ibinibigay niya sa akin. Pero alam kong huli na ang lahat. Hindi naman kayang ibalik ng mga luha ang mga panahong nagkasala ako sa kanya. Hindi na maibabalik ang nakaraan. Pero heto ako't patuloy pa ring umaasa. Dahil alam kong, sa kanya lamang ako liligaya...
Inalay ko ang aking buhay, sa duyan ng kalawakan Hinayaang mag hilom ang mga sugat na natamo Hinanap sa mga bituwin ang tunay na sandigan Patuloy na umaasa na sana, kinabukasan... Mahal mo pa rin ako.
feel ko lang magpaka makata... Habang Agosto pa, puro tagalog muna ang aking mga paskil... Isang karanasan mula sa aking kaibigan.
Lagi kitang nasa aking isipan, tandaan mo yan. Labels: Drama, Dreams, Love Life, Stories from the heart
Monday, August 06, 2007
Magical Brooms and Boards...
Nag scan ako ng mga files na hindi na gagamitin kanina. Magbubura sana ako dahil lumalabas na ang "Low Disk Space" na warning.
Sa aking pag hahasik, may nakita akong nagpabalik ng aking mga ala-ala. Mga karanasan kung saan nakakilala ako ng mga kaibigan sa mundo ng virtual reality. Mga karanasan kung saan nakasama ko ang mga mahal ko sa buhay.
A Vagrant. New world to explore alone... Lonely, but then I tried to set foot on my journey.
But then I met someone. Someone who changed my life. Someone who changed the loner part of me. I was happy when I'm with her. We gazed upon the moon every night, and wished upon every falling star we could see.
We were inseparable, every battles and every quests, we've conquered them all together. Side by side, partners. With the help of friends that we met along the way.
But after all that... This is really what I want to say... Pictures taken from Flyff. Characters are: Icarus05(Me), Aerith05(Me) and GirlyGarlic(Karla), Semicon(Chris), Badassgirl(Joe), Wyena05(Me). For my bebi...
|
Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science
Sports: Bowling, Volleyball
Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok
About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the
world...
Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone
Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin
I would like to thank...
- Photoshop 9 CS2
- Me for the patience.
- Blogger for the Blog space.
- Karla for the Template.
- Utakgago for the photoshop and template tips.
- And to you my fellow bloggers for welcoming me here.
Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving
4th Placer for week 14 and 15.
2nd Placer for week 16 and 17
Filipino Blog of The Week for Week 18
Hall of Famer through Fast Track
| |