Saturday, June 16, 2007


Rolling for freedom...


Filled with adrenaline, I walked down that Lane...

Gumising ako kanina ng tanghali na sabay tawag sa akin ng kapatid ko na nasa kwarto... Bakas pa sa aking mga mata ang pagka bagong gising... Unti unti kong tinanggal ang mutang iniwan ni sandman sa aking mga mata at tumungo na sa kwarto... Naroon siya't nanonood ng live telecast ng PBC Open na ginaganap sa Mall of Asia. Ang galing, dahil bihira kasing ipalabas ang Bowling sa telebisyon... Nakakapanibago lang...

Sa nasabing palabas ay nakita ang kagalingan ng isa sa mga myembro ng RP Bowling Team na si Liza Del Rosario. Na nag champion sa Ladies Division sa nasabing torneyo... Muli nyang itinaguyod ang bandila ng Pilipinas at syempre, ang kagalingan ng mga babae sa nasabing sport. Congratulations to Ms. Liza Del Rosario at sa mga kasali sa nasabing torneyo ^_^

Pumunta naman ako ng SM Fairview para sumali sa Mid Year Bowling tournament... Habang naglalaro ako, nakita ko na may tinuturuang mga kabataan ang aking coach dati. Natuwa naman ako dahil unti unti nang nakikilala ang bowling sa Pilipinas... Onting kadyot pa at kasing sikat na rin ito ng Basketball.. (Haha, asa naman) Habang pinapanood ko sila... Marami akong napagtanto. Nakita ko ang kapatid ko at ang sarili ko sa kalagayan ng mga kabataan na iyon. Tatlong taon na rin ang lumipas...

Nakahiligan namin ang bowling ng kapatid ko dahil lagi kami non naglalaro ng pamilya. Ang kapatid ko talaga ang nag enjoy sa isport na ito kaya naman sumali siya sa SM - Milo Summer Bowling Clinic sa SM Fairview. Di nagtagal, gumaling ang kapatid ko kaya naman binalak ko na ring sumabak sa sport na ito. Sumali ako sa mga weekend bowling clinics noon, naging coach ko si Coach Mon Camba. Magaling siyang coach at talagang marami akong natutunan sa kanya... Hanggang ngayon, humihingi pa rin ako ng tulong sa kanya every now and then...

Isang taon ang lumipas, medyo natigil ang mundo ko sa bowling. Sa kadahilanang lumipat ako ng paaralan sa probinsya... Pero ang kapatid ko, patuloy pa rin sa paglalaro nito. Habang nasa Infanta pa ako, bigla ko na lang nabalitaan na nasama na pala ang kapatid ko sa PBC-Youth Developmental pool. Malaking "break" na ito para sa kanya. Dahil na rin sa branch ito ng National Team, onti na lang magiging kasapi na siya nito. Syempre, nainggit naman ako... Gustong gusto ko nang maglaro noon, pero ano bang magagawa ko, isang taon pa akong maghihintay.

Matapos ang isang taon, muli akong bumalik sa mundo ng bowling. Pero ngayon, kolehiyo na ako. Mahirap na humabol. Muli nanaman akong nagpraktis, at sa kabutihang palad, hindi nabago ang dati kong tira. Pero napansin ko nga namang sobra na ang iginaling ng aking kapatid. Ngayong taon din ay sumasama na ako sa kapatid kong sumabak sa iba't ibang torneyo sa buong kamaynilaan.

August 2006, sumali kami ng kapatid ko sa Monthly tournament ng TBAM na iginanap sa Rockwell Powerplant Mall, Makati. Naging maganda ang "comeback" ko sa Asosasyong ito at ako ang hinirang na kampyon sa Class C Men's division. Ito ang una kong Champion sa buong "career" ko.

Di nagtagal, sa dala ng pagsisikap. May nag isponsor sa amin ng kapatid ko. Ang Ad-Style Signages and Marketing. Tinulungan nila kami upang makapag training ng libre at syempre binigyan nila kami ng mga bowling balls na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin namin. Makalipas ang ilang buwan, nasama na din ako sa PBC Youth Developmental Pool. Sa wakas, dumating na ang "break" ko. Ngunit nahirapan ako na umattend sa mga training dahil na rin sa school.

Lumipas ang ilang buwan, nasama na ang kapatid ko sa Team Prima. Isa sa kilalang Team hindi lamang sa buong Pilipinas, pati narin sa buong Asya. Kabilang dito ang ilan sa mga myembro ng RP Team na sina Liza Del Rosario, Biboy Rivera, Paeng Nepomuceno at marami pang iba. Naging mapalad nanaman ang tadhana para sa aking kapatid. Nabalitaan ko rin na Iniimbitahan na rin siyang sumali sa Philippine Junior Bowlers na isa ring branch ng RP Team kung saan ang mga kabataan lamang ang mga kasapi. Ngunit ayaw nya dito dahil masaya na daw siya sa Developmental Pool.

Ako naman, halatang naiwanan na ng aking kapatid. Sadya nga namang ipinagpala siya sa isport na ito. Masaya naman ako para sa kanya.. Kung hindi man ako masama sa Team Prima or sa iba pa. At least, maipakita ko sa kanya na todo suporta ako. Sa ngayon, ang tanging gusto ko na lang ay ang manatili sa tabi nya upang lagi siyang may kasama sa paglalaro at pagpapraktis. Inaamin ko na hindi ako kagalingan, mahirap na ring humabol dahil matanda na ako... Ilang taon na lang ay hindi na ako kasali sa Youth Bowlers... Kaya naman siya na lang ang pag asa namin! Haha!

Nabalik na ako sa aking ulirat at naalala ko... Titira na nga pala ako... Ano oras na! Sandali lang! Sandali lang! Heto na ko!.. *Hawak ng bola, pwesto, lakad, batoooo* *Tugsh... Twaanng!!*

Congratulations to Ms. Liza Del Rosario for winning the PBC Open Women's Division and to Mr. Markwin Tee for placing 2nd on the Men's Division... Galingan nyo sa SEA Games! Make the Filipino people proud!

posted by icarus_05 @ 10:35 PM Comments: 4

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>