Tuesday, May 30, 2006


Intermission number...


Ang inyong mababasa ay walang kinalaman sa love... Hmmm. onti... pwede na rin... Para ito sa mga dati kong kaklase sa MCS na nagtataka kung bakit ako lumipat at anong naging Istorya ko sa bago kong paaralan...


The Pinoy Big Brother Experience

Pinoy Big Brother… Ang Tele-serye ng totoong buhay… Naging patok ang palabas na ito sa puso ng mga manonood… Lalo na sa mga kapamilya. 12 kataong hindi magkakilala, magsasama sa isang bahay sa loob ng 100 araw… No communication from the outside world. Walang ibang kausap kundi ang kapwa nila Housemates at ang walang kamatayang si Big Brother… They must accomplish different tasks para magka reward galing kay Kuya...

It was the same experience I felt nang lumipat ako sa Infanta… The worst part was, hindi ako handa. Unlike the other housemates na gusto talaga nilang makapasok sa bahay ni Kuya.

Same me, same attitude… Pero ibang environment… Ibang mga tao. Hindi ko alam kung makakasurvive ba’ko dito. Isa kasi akong Manila boy na walang alam na kultura kundi Simbang Gabi at Pasko… Tatagal kaya ako dito? Sa lugar na tinurin kong Bahay ni Kuya?

Ang Infanta… Hinalintulad ko sa Bahay ni Kuya, at ang confession room naman ang Simbahan na katabi ng MCSI. Ang Housemates? More than 12 katao ang nakisalamuha ko. Iba’t – Ibang ugali, Iba’t – Ibang pananaw. At isa pa, more than 100 days ang inistay ko dito. Mahigit 270 days…

1st day ko sa Bahay ni kuya, Kailangan kong magpakilala sa’king mga Housemates… Pero dapat creative! ‘Di naman ako nahirapan dahil maraming tumulong sa ’kin… Mga housemates na matagal ko na ding nakilala, at mga relatives na din… Pinakilala ako sa mga friends nila at mga makakasama ko sa buong stay ko dito. Pero unang araw pa lang, napasabak na kaagad ako… Inaya ako ng school band na tumugtog kasama nila, gawa ng isang housmate na hindi ko matanggihan. Syempre, natuwa naman ako dahil chance ko na ‘to para magpakilala sa mga tao. Sa time ng performance, kinabahan ako, dahil all eyes were on me! Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba o uupo na lang ako sa isang tabi! Pero sabi ko, bahala na… Kaya ko naman siguro! Everything turned out great! Nag enjoy naman ako! Pero di ko alam kung nag enjoy din sila sa Entrance ko. Walang pinagbago… All eyes were on me. Nakakatakot… Nakakatense… Pero may side na nakakatuwa!

After the presentation, iba ang naramdaman ko… This tradition was different sa dating school na nakasanayan ko… What a great bonding from different batches. Nakikita ko talaga na pinahahalagahan ang friendship dito sa MCSI… Sa tingin ko makakatagal ako dito! Naisip ko… Kung totoong contest ‘to, Aba! Sure win na ako!

Pero that’s what I thought… First few weeks… Muntik na akong mag give-up… I miss my Family and Friends back in Manila… Binalak kong talikuran ang chances ko dito sa Infanta… Buti na lang nandyan ang Classmates ko, Teachers and fellow housemates… They showed me how this place will change my life… Forever…

I endured every difficult task… New kind of grading system… New teachers… New people… New administration… New classmates… and new housemates… Lahat bago… Bago sa paningin ko. Akala ko babagsak na ako… Ganito pala ang nararamdaman ng mga nasa Pinoy Big Brother nung bago pa lang sila… Pero naisip ko, nandito na ako eh, malayo-layo na din ang narating ko, why stop now?!

Hinayaan ko na lang na dalhin ako ng hangin kung saan… Tinuloy – tuloy ko na. Pinilit kong makasabay sa bagong lifestyle. Buti na lang, madali akong matuto. One more factor kung bakit nadalian ako ay dahil sa maraming tumulong sakin… Pinakita nila na hindi lang ako ang lumalaban sa agos ng buhay, na kasama ko din silang nagpapatakbo ng mundo ko.

Sa kabila ng lahat ng doubts, nagawa kong labanan ang lahat ng tasks! Nakasabay na ako sa mga tradisyon na ngayon ko lang naranasan, mapa-bible study, bible service, Angelus, Confession, pag-welcome ng mga guests man ‘yon. Hindi na umiiral ang homesickness ko… Pero every time na hindi ko nanaman nakakaya, pumapasok lang ako sa confession room at kinakausap ko ang kuya ng lahat… Lagi niya akong tinutulungan sa lahat ng mga problema…

Naging makulay ang bawat araw ko sa MCSI… Kasama ang mga kaibigan ko… They made me feel special every time… Napakasaya ko talaga… Iba ang bonding dito sa Infanta kaysa sa Manila… Kaya’t siniguro ko na napapasalamatan sila everyday. Syempre, hindi din nagpatalo ang mga teachers ko na walang sawang sumuporta sa aming mga estudyante. Malaki ang naging role nila sa buhay ko… Marami sa kanila ang nagpabago sa buhay ko, hinubog ang mga talento ko, naging karamay ko sa mga problema, nagpasakit ng ulo ng dahil sa mahihirap na exams, nagpasaya sa bawat session na kasama sila, naging kabarkada… Feeling ko, ayoko ng umalis pa sa kalinga ng MCSI. Habang tumatagal, gumaganda. Pero naging kalaban ko ang oras. Habang nalalapit na ang “The Big Night” hindi ako mapakali, Feeling ko, hindi ko nalubos ang oras ko dito sa Infanta… I’m just starting to learn a new lifestyle, I’m just starting to enjoy… Tapos Ba-bye na… Pero wala kaming magagawa… Talagang dadating sa punto na kailangan naming magpaalam sa isa’t-isa. Harapin ang mga pagsubok ng Kolehiyo at abutin ang aming mga Pangarap…


Hatid ko lang ang taos puso kong pasasalamat sa aking mga Housemates at dito na rin sa bahay ni kuya na nagpabago ng buong buhay ko. Walang sawa kong inabot ang mga pangarap ko at sana kayo din. “It is you who makes your own Destiny” sabi nga sakin ng isang taong naging malapit sa puso ko. ‘Wag mawalan ng pag-asa sapagkat kahit anong unos ang dumaan sa’ting buhay, lalabas at lalabas din ang bahaghari… Naalala ko tuloy ang sinabi sakin ng isa kong housemate, “Huwag mong kalimutang tumawag sa Diyos” sa lahat ng problema, nandyan si Big Brother para tulungan tayo sa lahat. Sa sandaling pamamalagi ko sa Bahay ni Kuya, sinisiguro kong isa ito sa mga karanasang hinding hindi ko malilimutan…

Habang nalalapit na ang “The Big Night” ang seremonyang hindi namin malilimutan… Lagi kong iniisip kung sino kaya ang magiging “The Big Winner”. Napangiti lang ako ng pumasok sa isip ko na… Tayo palang lahat…

Batch ’05-’06 sa wakas… Graduate na tayo… Ipagmalaki natin sa buong mundo na Carmelian Tayo!

Labels:


posted by icarus_05 @ 10:37 AM Comments: 4



Isang araw na wala ka...


Parang ang bagal ng takbo ng panahon, 'pag wala ka...

Totoo nga iyang linyang iyan na nag mula sa kanta ng sessiOn Road na "Gusto na kitang Makita"
Bakit kaya gano'n ano? talagang napakabagal kapag wala sa tabi mo ang mahal mo?

Umaga na, maaga pa lang, binulabog na ako ng maliwanag na sinag ng araw, patay na ang air conditioner kaya't sumingaw na ang init sa paligid ng maliit na kwarto, sinabayan pa ito ng pamamalo ng makulit kong kapatid kaya't wala akong nagawa kindi gumising at salubungin ang bagong umaga... Inaantok pa ako, kumbaga, may hangover pa ako sa pagkapuyat ko kagabi, pero hindi na ako makatulog... Umupo ako para naman makapag pahinga kahit sandali, binuksan ang TV, wala namang palabas dahil umaga, puro talk shows at ang walang kamatayang "But Wait! There's More!" ng mga TV Home Shopping ang aking napuna. Pinatay ko ang telebisyon, tumayo ako at pumunta sa kusina, wala nang pagkain dahil tanghali na akong nagising, nagtimpla ako ng kapeng may halong milo at bumalik sa sala. Hindi ko na binuksan ang TV dahila alam kong wala naman akong mapapala doon... Natulala ako... Medyo matagal-tagal din iyon, kung ano-ano ang pumasok sa isip ko...

Kailan kaya mangyayari muli...
Ang mga panahong kasama kang naglalakad sa tabi ng mga alon...
Magkahawak ang mga kamay, sinasalo ang sariwang hangin...
Ang pagsasalubong ng ating mga tingin habang hinihintay ang paglubog ng araw...
Ang maupo at pakinggan ang himig ng dalampasigan...
Ang paglipad sa paraisong kasama ka...
Ang pag aawit, habang sumasabay ang mga ibon...
Pag higa sa ilalim ng buwan at mga tala...
Ang pagbibilang ng mga nalalaglag na tala...
Ang paghiling at pangangarap para sa ating hinaharap...
Ang mga yakap na mahihigpit katabi ng sinag ng Apoy...
Ang pagtulog mo ng mahimbing lulan ng aking kandungan...
Ang pagdilat sa umagang hawak mo ang kamay ko...
Ang marinig ang mga salitang, nagpapangiti sa aking puso...
"Mahal Kita, Iyon ang Totoo"

Ngayong tayo'y magkalayo... Hangad parin ang makasama ka muli... Doon pa rin sa aking sariling paraiso... Na nais kong maging iyo... kasama ka... Hanggang sa muling pagkikita aking mahal...

Sabay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata...
Sa paghahangad na muli kang makita...
Hanggang sa muli aking sinta...
Pero wag naman sanang paalam na...
At ako'y natauhan... Pag tingin ko sa orasan, alas dose na ng tanghali... Kakain na... Sa wakas...



posted by icarus_05 @ 9:50 AM Comments: 0



Kapag tumibok ang puso...


Pag tinamaan ka nga naman...

Kagabi pa lang, hindi ako makatulog... Naiiyak na ako sa sobrang puyat, pero kahit anong gawin ko, hindi talaga ako mapatulog ng puso ko... 'Eto namang utak ko, sumabay pa...

Hindi maalis sa isip ko ang isang tao... Grabe, nananaginip na ako, hindi pa ako natutulog. Ang hirap pala talaga kapag in-love ka 'no?

Sa aking 16 na taong pamamalagi sa mundong ito, ito ang mga bagay na natutunan ko tungkol sa Pag-Ibig...

Negatives
  • Mahirap kumain
  • Mahirap matulog
  • Praning, para kang nakadroga
  • Siya na lang lagi nasa isip mo
  • Bigla ka na lang tatawa ng walang dahilan
  • Gastos lang 'yan! (sabi ng ibang mga lalaki)
  • Siya na lang lagi ang bukambibig mo sa mga kaibigan mo
  • Lagi ka na lang tulala kapag wala siya sa tabi mo
  • Nakakabaliw kapag hindi siya nagpaparamdam
  • Gusto mo na siyang makita pero ang bagal ng panahon
  • Mabilis naman ang oras kapag kasama mo na siya (alam ko, badtrip 'noh?)

Marami pa akong alam, pero hindi kakayanin ng isang gabi kapag isinulat ko pa lahat.

Para naman sa ikaliligaya ng mga in-love, heto naman ang positives

Positives

  • Para kang nasa langit kapag kasama mo siya
  • Feeling mo hindi na matatapos ang araw na iyon
  • Siya na lang lagi nasa isip mo (Tama, nasa positive 'din siya)
  • Bigla ka na lang tatawa ng walang dahilan (Isa pa ito, ayaw mo no'n? lagi kang masaya)
  • Lagi kang masaya
  • Gaganahan kang gawin ang lahat ng mga bagay
  • Bigla ka na lang may matatapos na masterpiece sa loob ng isang araw (Artwork, Recipe, Kanta, Article, mga Kwentong Barbero, Tula, Istorya, Theory of evolution ng ipis)

Kung may alam ka pa, i-comment mo lang sa akin at i-dadagdag natin kaagad. Samahan mo na 'din ng limang pisong kikiam.

Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito... Sabi nga sa kanta...

Iba-iba talaga ang pananaw natin tungkol sa pag-ibig, ito ang sa akin, wag ka mag alala, akin lang 'yan, pasesnsyahan na lang kung tinamaan ka. ;)

Labels:


posted by icarus_05 @ 9:04 AM Comments: 2



Love at First Sight...


Naramdaman mo na ba ang Love at First Sight?

Love at first sight? parang napaka hirap paniwalaan diba?
Paano mo bang masasabi na ang nararamdaman mo nga ay love at first sight?
Kapag hindi mo maalis ang mga tingin mo sa taong ito?
Kapag bumabagal ang oras sa tuwing dumadaan siya sa harapan mo?
Kapag may mga paputok sa alapaap kapag siya'y daliang napasulyap sa iyo?
Kapag di ka na makagalaw pag nasa harapan mo na siya?
Kapag nababaliw ka 'pag wala siya sa paningin mo?
Kapag lagi mo siyang naiisip?
Kapag naalala mo siya tuwing naririnig mo ang pangalan niya?

Madaming reasons ang mga tao kaya't nasasabi nila na naramdaman na nga nila ito...

Eh paano kung infatuation lang pala ang nararamdaman mo?...

Di ko masasabing Love at first sight nga ang naramdaman ko... Pero bata pa ako, kaya normal lang sa akin na maramdaman ko ito... Kahit kunwari lamang... Kahit sandali lang... Kahit infatuation lang...

Who can blame me? masarap ang feeling pag nakakita ka ng isang taong nakakapag patibok ng puso mo...
Masarap ang pakiramdam tuwing nakikita mo ang dream girl o boy mo na naglalakad sa tabi mo...
Masarap ang pakiramdam tuwing kasama mo siya at dahan dahan siyang tumatabi sa iyo...
In short... Masarap ang mainlove...
Kahit infatuation lang... Di ba?

Labels:


posted by icarus_05 @ 3:04 AM Comments: 25



Tungkol sa Blog na ito...


Ang Blog na ito ay para sa mga...
Sa mga umiibig...
Sa mga nais umibig...
Sa mga hindi umiibig...
Sa mga walang planong umibig...
Sa mga iibig pa lang...
Sa mga bigo sa pagibig...
Sa mga takot umibig...
Sa mga walang kwenta umibig...
Sa mga babaerong gustong magbago...
And Vice Versa...
Sa mga di na kailangang umibig...
Sa mga taong ayaw umibig...
Sa mga taong nakaramdam ng puppy luv...
At love at first sight...
Sa mga hindi alam kung ano ang pag ibig...
Sa mga naniniwala na ang Love is Blind...
Sa mga torpe pag dating sa pagibig... (wag kang mag alala, pareho tayo!)

Sa mga kilala ako...
Sa mga nakilala ko na...
Sa mga gusto akong makilala...
Sa mga galit sa akin...
Sa mga gusto sa akin...
Sa mga may sikreto tungkol sa akin...
Sa mga taong tinataguan ko ng sikreto...
Sa mga nakita ko na...
Sa mga gusto kong makita...
Sa mga gusto akong makita...
Sa mga ayaw na akong makita...

Sa mga tao...
Sa mga hindi tao...
Sa mga gustong maging tao...
Sa mga taong ayaw maging tao... (aminin mo na...)
Sa mga taong hindi taga earth... (sige na, ako lang makakaalam!..)
Sa mga nagpapakatao...
Sa mga taong hirap magpakatao...
Sa mga taong galit sa kapwa tao...
Sa mga taong hindi naman mukhang tao...
Sa mga taong hindi na mukhang tao...

In Short.. Lahat kayo...

Para ito sa inyo...



posted by icarus_05 @ 1:46 AM Comments: 0

The Music they shared
Locations of visitors to this page


The Author

Pseudonym: Icarus05
Birthday: April 25, 1990
Address: Novaliches, Quezon City
Province: Infanta, Quezon
School: University of the East
Course: Computer Science

Sports: Bowling, Volleyball

Hobbies: Bowling, Playing Guitar, Writing Stories, Writing Songs, Chatting, Blog hopping, Stargazing, Flyff-ing, Playing Ragnarok

About me: Single and Waiting! ;) A night person, very passionate and dedicated to everything I do, A lover trying to find himself and his true place here in the world...

Lost in this cold place, Never knowing where to go, I need you, I need someone, I need anyone


Posts



Archives


Stories

Theater Life
My textmate, my soulmate
Endless Journey
Our Rendevous
Til' They Take my heart away
The Taste of Love
The Hymn of the Tree
Our Last Anniversary
Goodbye
Moonlight Sonata
Jealousy
Childhood Boogie
The Festival of hearts
Time Withers
How she took my heart
Our last dance
The Cure for the Common Hitch
A Dreamer's Lullaby
A Vision of a Broken Heart
Of Tears and Metamorphosis
Sa Mata ng Kalawakan
Panahon na Naman
The Lost Paradise
The Fate's Dagger
The Coin


Sign of Life




A way out of the darkness



The Island

I would like to thank...
  • Photoshop 9 CS2
  • Me for the patience.
  • Blogger for the Blog space.
  • Karla for the Template.
  • Utakgago for the photoshop and template tips.
  • And to you my fellow bloggers for welcoming me here.

Finally, with your support, I managed to grab the award! Thank you Guys so much! But still, Vote for your favorite blogs...
Vote for the deserving


4th Placer for week 14 and 15.

2nd Placer for week 16 and 17

Filipino Blog of The Week for Week 18


Hall of Famer through Fast Track

r>